Saturday, December 8, 2012

Mga Pamahiin para Tumalino

nung bata ako gusto kong malaman kung gaano ako katalino.
naisipan kong sukatin gamit ang "electrical tester"

idinikit ko lang sa magkabilang parte ng ulo ko yung dal'wang rods
pinilit ko't diniin  para pumalo yung pointer, pinihit-pihit ko yung pihitan sa pag-aakalang nasusukat nito ang talino ng isang tao.
ngunit ng highschool na ako natawa na lang ako ng malaman ko na yung mga numbers sa tester ay pababa. ibig sabihin pagpumalo ng malayo yung pointer eh mas mababa.

Paano ba tumalino?  wala man akong karapatang magmarunong.
mayroon akong mga napulot na mga Pamahiin  para Tumalino.
ang iba sa mga ito ay maaring totoo batay sa lohikal na pagpapaliwanag, meron namang hanggang ngayon ay nananatiling pamahiin at parte lamang ng ating kultura.

kaya heto na ang Mga Pamahiin ng mga Pinoy para Tumalino

Una. Kumain ng Maraming Mani.
Sa ngayon hindi na to pamahiin na lang. kasi scientific proven na ang peanut bilang brain booster. mayaman ito sa vitamin B6, Protein and folate, marami rin itong mga health benefits.
ang problema lang nakakatigyawat din daw. kaya nasa iyo ang desisyon---pakinisin ang mukha o palusugin ang isipan.  kung di ka makapili ay meron pa namang iba, magpatuloy lang sa pagbabasa.

Pangalawa. Kumain ng Libro este i-unan ang Libro
pagmatutulog raw? iunan ang libro o kaya ilagay sa ilalaim ng unan mo ang libro para tumalino ka.
siguro hindi siya pamahiin kundi malalim na kasabihan. sa tingin ko, yung mga henyo nung araw eh nagbabasa ng libro at di nila namamalayang nakatulog na sila at bumagsak ang ulo sa librong binabasa. parang ganito.

Pangatlo. Pinaggupitang Buhok sa Libro
simple lang. Ilagay ang Kauna-unahang nagupit na buhok ng baby sa loob ng libro na gusto mo.
Dictionanry, Bible, Encyclopedia etc.
reminders: wag isama ang baby!

Pang-Apat. Pinag-gupitang mga kuko
tulad ng nauna, ilagay lang ang kauna-unahang pinaggupitang mga kuko at ilagay sa libro.
effectiveness: ewan?
try mo na lang kesa itapon na lang kung saan.

Pang-Lima. Kailangan Matalino ang Unang Gugupit ng Buhok ng Baby mo.
pagtuntong ng unang taon ng bata. humanap ka ng matalinong tao sa tingin mo, siya ang mag-gugupit ng buhok ng sanggol at tatalino na ang supling.

Pang-Anim. Lapis at Papel sa Unang Dapa
Sa unang dapa ng bata pahawakin siya ng papel at lapis. tatalino ang bata!

Pang-Pito. Iwasang Mauntog
nakaka-bobo raw ang madalas na pagkauntog ng bata. kung sakali mang mauntog. tapikin lang ang baba paitaas. siguro yata kasi baka nausog o naiwala sa tamang pwesto ang utak mo.

Pang-Walo. Pinagupitang Pusod
tatalino raw ang bata kung yung ginupit na pusod ng sanggol ay kukunin at ipapa-anod sa alulod ng bahay ninyo.

 Pang-Siyam. Gatas ng Ina
sa  ngayon di na ito pamahiin dahil proven na. ang batang dumaan sa breastfeeding ay lalaking masigla, matibay at malusog. maraming sustansiya ang makukuha sa gatas ng ina na kailangan ng bata sa kanyang paglaki. ang anak ng tita ko halos lahat may honorable mention ng nagtapos.
ang nanatiling pamahiin na lamang ngayon ay mas masunurin raw ang mga batang na "breastfeed" kasi sa magulang galing ang gatas. ngayon raw ang mga bata eh galing sa hayop ang iniinom na gatas kaya asal-hayop? ewan

Pang-Sampu at Panghuli: Kumain ng Gulay
nung bata ako pinapakain ako ng gulay para raw pampatalino. pampa-pogi, pampalinaw ng mata, pampa-tangkad, pampa-macho, pampatalino etc. hindi totoo yun pampa-pogi lang siguro ang tumalab.
-------------------------------------------------------------------------------------
Sa ngayon, yun pa lamang ang nakalap ko, salamat kay tita belen, ate danica, at google sa dagdag na impormasyon.
siguro kung paano tumalino eto ang alam kong mabisang paraan.
LAGING MAGTANONG
tunay na ang batang palatanong ay batang marunong

pwede kang maging marunong sa maraming bagay. pero nakakatawa, na kahit na alam mo na yung mga kumplikadong bagay, meron paring simpleng bagay na kakamot ka sa ulo mo.
halimbawa: ano kaya ang kulay ng ilong ni elmo?



anyway maraming salamat sa iyo at sa lahat ng natanungan ko. may ibang nagsasabing walang katotohanan ang pamahiin. ang iba ay kung sumimangot muna bago sumagot. sabi nila meron talagang gifted. sabagay naiintindihan ko naman sila.
di naman pwedeng sumandal na lang sa pamahiin.
wala rin raw golden spoon sa edukasyon.
lahat kailangan magsunog ng kilay.
ito ang kasabihan ng matatanda.
na kelan ko lang naintindihan noong ang ate ko ay nagrereview. nakatira kami noon sa probinsya. walang kuryente kaya gasera ang gamit namin. sa sobrang yuko ng ate ko na halos nakasubasob na.
yung dila ng apoy ng gasera ay naabot ang buhok ng ate ko ng di niya alam, mabilis na nasunog ang buhok niya.

yun yata ang ibig sabihin niyon, siguro sa sobrang pagtiya-tiyaga ng mga tao noon eh hindi lang buhok kundi pati kilay nasusunog na rin.

hanggang dito na lang at GOD BLESS

Sunday, November 11, 2012

SUMBONG: Reklamo ng mga Nanga-ngaroling

isumbongmo.blogspot.com sumbong, solusyon at aksiyon

Etong sumbong na ito ay tungkol sa bahay na kailanman ay hindi nagbibigay sa mga nagka-karoling,

ani ng mga batang nangangaroling, kilala daw itong bahay na ito na never pa raw nagbigay ng kahit barya, ang masama pa nga imbes na sila ay magsabi ng "patawad" akalain mong aso ang pinapa-asikaso. ganun na lamang ang sindak ng mga carolers nang makitang papalapit na ang pinakawalang si bantay
kaya mas mainam na lang na lagpasan ang bahay na yan.

ay naku sukdulan na yang modus na yan,
ako man ay nararamdaman ang feelings ng mga batang apektado.
 alam niyo ho ma'am at sir hindi ko kayong matatawag na matino at mas masahol pa kayo sa barat,
 ni di kayo karapat-dapat na tawaging kuripot dahil atleast yung mga kuripot nagbibigay.

balita pa nga sa'min bukod sa pinapakawalan niyo yung aso niyo, binubulyawan niyo raw ang mga nangangarolings at pinaliliwanagan ng mga batas na binaluktot.

maari namang sabihin na lang na patawad at next time na lang.

susubaybayan ko ho kayo at sana naman ay magbago na ho kayo. pag hindi parin, mangangalap ako ng matitibay na mga ebidensya, videos, witnesses at anumang magpapatunay sa mga alegasyon na ito
aaraw-arawin ko ho kayo, kakalampagin sa internet at nang mairita ang tainga niyo.

mag-ingat din ang mga katulad nila
'wag ho tayong mag-subukan!
kaya ho itigil niyo na ho iyan para masaya ang pasko

bukod diyan hiwalay din na kalokohan ang nakalap ko sa internet.
masdan ang larawan
imbes na mamigay ginawa pang pagkakakitaan, tsk tsk tsk

Si Boy Pick-Up ng Tunay na Buhay

Nitong undas, nagkasama-samang muli ang aking mga mahal sa buhay.
ang november 1 ay parang taunang reunion ng aming angkan.
 Tuwang-tawa ako sa aking narinig tungkol sa pinsan ko na nag ala "BOY PICK-UP"
ang nagkwento ay ang kuya nunoy niya,

 sa loob ng room, english 101 kasi, isa-isang tinanong ng prof ang mga estudyante.
"Describe yourself in one word?"
 marami ang tila napa-isip ng magandang sabihin pero halos lahat sila ay simple lang ang sinambit.
"i'm simple", "i,m kind", "i'm humble", "jolly" etc.

 ngunit nang tinanong na si JR, ganito ang sagot niya
 JR: "ma'am I an Third"
 Prof: pardon?
 JR: "I'm third"
Prof: Why?
 JR: because, first is God, Second is my family and others, and I'm Third

 sa loob ng room nagpalakpakan ang lahat.
pinaglihi yata sa balon itong batang ito. napakalalim.


para bigyan kayo ng clue kung sino si boy pickup in real life,
eto ang kanyang litrato.



Saturday, November 3, 2012

Love Letter ni Crush Para kay Bes

ang tula na ito ay isang pangyayari minsan sa tunay na buhay na pinagtagpi tagpi ko para maganda, na trip kong ikuwento, at ginawa kong tula para mas okay. sana ay maintindihan ninyo at magustuhan din.


Love Letter ni Crush Para kay Bes

ganado akong pumasok sa esk'wela
at nang umaga pa lang ay makita na
ang karikitan mo na wala sa iba
ang ngiti mo na wari baga'y gayuma

dito sa puso ko tanging ikaw lamang
ang aking inspirasyon at ina-asam
ngunit hakbang ay hanggang ligaw-tingin lang
sa lakas ng loob, ako'y kinukulang

isang tanghali, nagtanong ang maestra
nagkataon, makatumpak sami'y wala
ilang saglit, sagot aking naalala
ini-angat ang kanang kamay, "ma'am teka"

atensyon ng lahat nakabaling sa'kin
nag-aabang nitong aking sasambitin
sa lahat ay palibot na tumingin
anong saya ko at nakatanaw ka rin

laking tuwa, di dahil sagot ay tama
ngunit dahil, mga mata nati'y nagtama
kaya para muli't muli'y maulit pa
kailangan sikap , at magsikap pa.

halos kalahating taong nagkasya diyan
mapangiti ka'y malaki nang tagumpay
sapagkat tayo'y magkamag-aral lamang
di umaasa ng mas higit pa riyan

ng "recess", mag-isa sa kantina
lumiban kasi yung lagi kong kasama
"wala ang kaibigan mo?" may nagsalita
pamilyar na tinig ng isang diwata

para bang panaginip ang nagaganap
yung "crush" ko hayan at akin nang kaharap
"ikaw pala!" ang nasabi ko kaagad
umupo siya malapit at nakipag-usap

at mula noon lagi ng magkasama
at mas nagka-kilanlan pa tayong dal'wa
sa malapitan pwede nang makita
mamalas ang kislap ng 'yong mga mata

naging magkaibigan, naging magkaramay
magkasundo sa maraming bagay-bagay
pag-uwian, minsan tayo'y magkasabay
kahapon nga'y, may sulat ka pang binigay

ang saya-saya ko at sa labis na sabik,
pabalat, di na binasa, agad kong isinilid,
para bang naabot ko na ang langit,
ahihihi, ayayay. pag-ibig, nakakakilig.

"may gusto ka rin sa akin" sabi na nga ba,
pag-uwi ng bahay liham mo'y binasa.
pahalik-halik pa, habang ako'y nakahiga,
ngunit, napansin ko, teka! pangalan ko'y wala.

puso'y nagpunit-punit, confetti tila
kaya pala, tanong mo ay puro siya
ako'y tulay lamang, ba't di ko nakita
"love letter" ay para sa kaibigan ko pala

Tuesday, October 16, 2012

Pasa-pasang Kwento: Si Juan at ang Mahiwagang Bato

bakit sa mga kwentuhan lagi na lang si juan?
kasi ang istorya natin ngayon ay tungkol nanaman kay Juan pero this time kasama na si pedro. halina't tunghayan natin ang kwento na may napakagandang ending.

Sa malayong baryo ng bagong barrio---ang barriong di naluluma.
May isang binatang nagngangalang juan(as usual si juan uli)
ambisyon niyang maging mayaman, sino ba naman ang gustong maghirap?
pangingisda lang hanapbuhay niya, minsan isang araw kasama si pedro ay umabot sa kanila ang usap-usapan tungkol sa mahiwagang bato na anila ay kayang ibigay ang anumang hilingin mo.
gayon na lamang ang pagkadisperado ng dalawa at inalam nila kung paano at kung saan makikita ang nasabing bato.

"Sa pusod ng dagat, naroon ang bato. yun nga lang tuwing kabilugan lang ng buwan lumilitaw ito, walang nakaka-alam ng eksaktong lugar nito basta mamangka ka lang at pag nabangga mo ito humiling ka na kaagad"
yun ang impormasyong nakuha nila.

kinabukasan.... si pedro naman ay naghintay ng gabi. kabilugan ng buwan at nagsimulang mamangka si pedro. hindi niya kasama si juan na di naman yata naininiwala
habang namamangka, inisip niyang marahil ay pamahiin lamang iyon tulad ng kwentong wala raw "dayaan" sa lotto. inaantok na siya ng biglang bumangga ang bangka sa isang malaking bato na di niya napansin.---yun na ang hinahanap niya
agad siyang humiling, gus.. gusto kong gumaling si ina na dinapuan ng karamdaman.

pagka-uwi niya sa bahay laking tuwa niya ng nakitang magaling na ang ina. laking tuwa niya sa nangyari, agad  niya itong ikinuwento sa kaibigang si juan,

Si juan ay naniwala sa ikinuwento ng kaibigan, bakit ba hindi eh kita niya kung gaano kasigla ang nanay ni pedro. ganoon din ang ginawa niya. namangka siya ng kabilugan ng buwan sa dagat.
tuwang tuwa siya habang ini-isip ang mga hihilingin, wari bay nanaginip ng gising.
gusto ko syempre pera! pag may pera pwede niyang makuha ang lahat,
gusto ko ng mansiyon.
gusto ko ng maraming babae.
gusto ko ng maraming mga kotse.
gusto ko ng kapangyarihan.
gusto ko ng....(habang sinasambit niya ito ay nabangga siya)
"ay pwet ng kabayo" ang nasabi niya sa pagkagulat.
nabangga siya sa bato, ang pagkaintindi naman ng mahiwagang bato ay "gusto ni juan ng pwet ng kabayo" kaya ito ang ibinigay ng bato.

umuwi siya sa lugar nila bitbit ang pwet ng kabayo.

at doon na nagtatapos ang kwento, pasalamat na lamang siya kahit paano ay may napala siya.

Maraming salamat at sana'y napingiti ko kayo kahit onti, Ang kwento na ito ay kwentong bayan na. pasa-pasa sa henerasyon sa henerasyon. may binago lang ako nang kaunti para hindi gaanong bastos. sana rin ay di kayo mahihiyang ipaabot ang iyong saloobin, maari lamang ay mag-post kayo ng mga reaksyon dini sa comment box,

Tuesday, October 9, 2012

Pasa-Pasang Kwento: Si Juan at ang Mahikero

 Mula lamang sa mahirap na pamilya si juan, pagsasaka ang kanilang kinabubuhay. sila naman ay masisipag maliban lamang kay juan na mahilig manlamang.

 Isang araw, si juan at ang mga kapatid ay nakatakdang magtrabaho sa bukid, tanghali nang nagising si juan kaya nauna na ang kanyang kapatid. kinagalitan siya ng kanyang ina at pinasunod sa mga kapatid. sa halip na sa bukid, tumuloy siya sa "plaza".

maraming tao roon. maraming kilalang tao na nakaupo sa enteblado. naroon din si mayora at yung sikat na mahikero, siya si david ------------- david salon

siyempre ang mahikero ay nagpamalas ng mahika.
ganito ang ginawa niya,
tinanong niya sa alkalde ang edad nito at ibinulong naman ito sa mahikero,
bumilang ang mahikero gamit ang mga kamay
1,2,3...........45, 46, 47, and 48
at sabay parang may sinilip sa kanyang kamay.
pagkatapos ay sumigaw, Green!!! green ang kulay ng kuwan na suot mo mayor!.

napangiti lamang ang mayor dahil tama nga,
sumigaw ang mga taong naroroon. "Take it Off 5X"
nagpaunlak naman si mayor. nagkagulo ang mga tao hindi sa magic kundi sa ginawa ni mayor.

 Nagilalas at napahanga si Juan sa mahikerong si David.
sakto namang si david ay may paglalakbay na gagawin at magsasama siya ng mga gustong sumama.
labis naman ang paghahangad ni juan na matuto sa mahika kaya sumama siya---nakalimutan na ang pamilya niya. sawa na daw siya sa amoy ng lupa sa bukirin.

 Nasunod niya ang gusto niya't nakasama, ngunit talagang sadyang tamad si juan.
habang nagpapatuloy sa paglalakbay, sumenyas ang mahikero para huminto muna at nagutos pa ito na kumuha ng dalawang bato. tumalima ang lahat maliban kay juan na kumuha lamang ng isa at napakaliit pa.
nag"magic" ang mahikero at ginawa niyang mga tinapay ang mga bato. oh anong saya ng lahat maliban kay juan.

lumipas ang ilang araw, nagpakuha uli ng dalawang mga bato yung mahikero, ngunit ngayon ang mga kasamahan ni juan ay kumuha na lamang ng di kalakihang mga bato. si juan naman ay kumuha ng napakalaking bato na halos hindi niya mabuhat.
nag"magic uli ang mahiero.
"magic, magic! mula ngayon ang mga hawak niyong mga bato ang inyong magiging betlog.

at doon na nagtatapos ang kwento.

ang kwento na ito ay pasa-pasang kwentong barbero lamang, hinaluan lamang ng onting twist at onting spices para okay.
kung may nakahalintulad man sa tunay na pangyayari, baka magic din

Wednesday, October 3, 2012

Wow-Mani


"peanut ka ba, kasi peanut-tibok mo ang puso ko" kilig na page-ensayo ni empoy, dahil ngayong umaga ay aakyat siya ng ligaw sa apo ni aling indang na galing maynila, bihis na bihis siya't may rosas at tsoknat. bumuntong hininga muna siya bago lumabas ng pinto.
sa may daan ay bumili muna siya ng isang supot ng mani sa kanto. pagkaabot ay tumikim siya ng isa. pagkabukas isa lang ang laman, nagreklamo siya.

"ay sori ser, di pa kasi perfect ang imbensyon ng DOST na hybrid ng seedless peanut, kaya pag pasensyahan niyo kung may buto pa, pero yung iba siguro wala naman" ang paliwanag ng tindero.

wala nang nagawa si empoy, tinungo niya na ang gate nila aling indang, huminga siya ng malalim"di is it".
ng kakatok siya eh biglang bukas kaagad ng pinto...
"ay unggoy" ang gulat ni aling indang ng buksan niya ang pinto
agad hinayag ni unggoy este ni empoy ang pakay niya. sinabi naman ng ng ale na kausap pa ng apo niya si Joel. isa ring manliligaw. gwapo, mayaman, matangkad.
yun lang naman ang lamang ni City Councilor Joel kay empoy.
"who cares eh mas dalisay naman ang pag-ibig ko" ang naisambit na lang niya sa sarili.
pinaupo naman si empoy sa isang malilim na lugar na may upuan at mesa.

"kung gusto mo ay dumito ka muna at maghintay, ikukuha kita ng tubig-inumin" ang anyaya ni lola indang.
"wag na ho, softdrinks na lang" ang nahihiyang wika ni Empoy
"ay iho, payo ko lang sayo umiwas ka sa matamis" ang payo ni aling indang
"bakit ho" ang tanong ni empoy.
"nilalanggam kasi yung mukha mo" ang pangugutya ni lola sabay tawa.
di kasi ka-kinisan yung kutis ng mukha ni empoy, ganun pa man sanay na si empoy sa panutya sa kanya.
"lola kailan po kayo mamatay este kailan po kaya matatapos mag-usap sina Joel at ang apo niyo?" ang tanong ni Joel sabay inabot kay lola indang ang binili niyang supot ng mani, medyo pikon si lola kaya kailangan ng panlubag loob.
"ay di ko alam iho, hayaan mo siguro matagal lang. salamat dito sa mani, peyborit ko talaga ito. kahit tinitigyawat ako sa mani" ani ni lola indang
"buti pa kayo sa mani tinitigyuawat ako sa mukha" ang wika ni empoy.
"ano kamo?" tanong ng matanda.
"wala ho" paliwanang ni empoy.
"oh sige iwan muna kita at ikukuha ng maiinom, salamat nga pala sa supot ng mani. ay naku paborito ko ito" ang dagdag pa ng matanda.

naghintay ng matagal si 'poy. napansin din niya ang nasa ibabaw ng lamesa isang "parang dinurog" na mani na nasa paltito, na-curious siya kaya tinikman niya ito, at masarap! di niya mapigilan ang sarili at naubos ang laman ng platito.
ilang minuto lang ay dumating na ang meryenda at may dalang lola.

" ay lola ano nga pala ang pangalan ng apo niyo" ang magalang na tanong ni empoy habang kinakain ang meryenda.
" ah si bruno" ang agad na tugon ng lola.
"hindi ho, yung dalaga ho yung tinutukoy ko." ang pagtataka at paglilinaw ni empoy.
" ah, wala akong apong babae, si bruno lang ang apo ko, lalake yun retokada lang" ang matibay na paglilinaw ni lola.
nabigla at nagulo ang isip ni empoy, sinilaban siya ng masamang kaba sa rebelasyon ni lola.
maya-maya'y bumukas ang pinto at may lumabas, si joel!. ika-ka ito, nahihirapang maglakad at parang may-hapding ini-inda. buti na lamang at may mga bodyguard na tumulong sa kanya, at sinakay siya sa ambulansya.
lalong tumindig ang mga balahibo ni empoy, pinasya niyang umuwi na lang at magalang na nagpaalam kay lola, hindi naman siya mapigilan ni lola.

naiwan si lola, at maya-maya'y parang may hinahanap sa lamesa, nakita niya yung platito na wala ng lamang durog na mani.
"naubos ko na ba alam ko may laman to kanina?" ang pagtataka ni lola.
"di bale, gagawa na lang ako ulit" ang nasabi na lang ni lola, tinanggal ang pustiso at pinandurog sa mani.

Sa kabilang banda. si joel naman ay naka-uwi sa bahay.di niya lubos mai-isip na na wow-mali siya, pero okaya na yun kaysa sa sinapit ni councilor.
naalala niya rin ang dinurog na mani, naisip diyang gumawa rin nito. di man magaya ang lasa na gawa ni lola, sumikat naman ito. masarap siyang ipalaman sa tinapay.
ngayon ang produkto na ito ay kalauna'y tinawag na peanut butter ay ang nagpa-asenso kay empoy.
masya siyang namuhay at nakahanap ng bagong pag-ibig.

doon na nagtatapos ang kwento, maraming salamat sa pag-basa.

Thursday, September 27, 2012

Sumbong : Tindero sa Bus

isang tindero ng bus ang inenereklamo,
una hindi ko maintindihan ang sumbong, kase hanga ako sa mga tindero sa bus,
bilib ako sa sipag at tiyaga nila, maaga silang gumigising para maghapong magtrabaho.
delikado at mahirap ang hanapbuhay nila.

pero kailangang umiral ang motto ng isumbongmo.blogspot.com
ang sumbong ay dapat may siguradong aksyon at solusyon.

bukod sa sumbong nagpadala rin sila ng mga larawan ng mga taong nabiktima, puno ng pasa at bukol ang mga katawan ng mga ito, kahindik-hindik!

sa kahabaan ng edsa, sumakay ako sa isang bus, at hinintay ang inrereklamong tindero, umupo ako sa upuan, pangalawa sa unahang upuan ng bus, malapit ito sa pinto.

nanood ako ng pelikula sa may flat screen tv roon, ng may sumakay na dalaga.
"ang ganda ng papasok este palabas" ang mahina kong sambit at nakatingin kunwari sa pinapanood sa TV.
narinig ito ng diwata este dalaga
"wow ang lalim nun huh" ang pasaring niya.
"malalim talaga ako, sana naman mahulog ka sa akin" ang sabi ko (sa isip lang).

pero back to the topic, at last nakita ko si manong tindero, base sa pinadala sa akin ng larawan ng suspect, siya nga iyon, kung si kamatayan hindi siya mamukhaan ibahin niyo si b3n 2lfowh.

hinuli ko ang tindero, tinanong niya kung anong kasalanan niya,
" tinatanong mo pa, eh nagtitinda ka ng papag sa loob ng bus"
ang bulyaw ko

hinuli ko ang tindero ng papag na nagtitinda loob sa bus,
lubhang delikado at perwisyo, lalo na pag biglang preno at liko ang bus.

case closed, pinagbawalan ko ang tindero at nangako itong di na magtitinda sa loob ng bus, sa jeep na lang daw.


Bakit Nakadilat ang mga Mata ng mga Isda


dati nakakapikit pa ang mga isda, gusto niyo bang malaman kung Bakit Nakadilat ang mga Mata ng mga Isda, sige mga bata, iku-kwento ko sa inyo.
Sa ilalim ng karagatan,
naroon rin si Gigi, isang batang galunggong. Si gigi ay may katigasan ang ulo at pasaway din. minsan kasama ng mga kaibigan, masaya silang nagku-kuwentuhan. habang nagkukuwento ang kaibigan niya, hilig niyang mangontra at laging pabida. 

 "walang kwenta yang mga kuwento niyo, mas malaki yung nakita kong ahas sa dalampasigan, isang kalabaw nilunon niya ng buo" ang kwento ni Gigi.
pero ang totoo, hindi pa siya nakakapunta o nakakamasid man lang sa dalampasigan. namangha at naniwala sa kanya ang mga kaibigan
 "oo nga ang laki nun, kaya niyang kaiinin isang buong kalabaw" ang banggit ng isa.
 "pero paano niya nakain yun, di ba may sungay yung kalabaw" ang naitanong ng isa pang batang isda. 
 matagal na di naksagot si gigi, nakatingin naman sa kanya ang mga kaibigan. 
 "ahh, hindi pala kalabaw, baboy pala" ang palusot ni Gigi.
hindi naniwala sa kanya ang mga kaibigan.
"ayaw niyong maniwala, nakakita nga rin ako ng babaeng tandang" ang pahabol pa ni Gi(2x).
 "yan ka nanaman, niloloko mo kami, wala namang babaeng tandang" ang wika ng isa niyang kaibigan, nakataas ang kilay nito (an taray) 
"meron, si Tandang Sora" ang joke ni gigi. 
kumunot hanggang matiklop ang mga mukha ng mga kaibigan niya, dahil sa kakornihan ni gigi. 
iniwan siya ng mga kaibigan, malungkot naman si gigi, isang kawawang alimango ang napabuntungan niya ng pikon, pinatid niya ito. agad siya tumakbo papunta sa ina. tinanong siya ng ina kung bakit namumula ang kanyang mata at malungkot, 

 "para kang biktima ng dynamite fishing" ang puna ng ina. 
hiniling ni gigi sa ina, na kung sana ay payagan siyang makapunta man lang malapit sa dalampasigan, para sa susunod meron na siyang tunay na iku-kwento. gaya ng dating attempt, hindi siya pinayagan ng ina. kinuha nito ang larawan ng mga kababayang isdang, namatay. 
"anak, \wag matigas ang ulo. gusto mo rin bang tumulad sa kanila, sa ama mo, sa mga kapitbahay natin na walang awang minasaker ng mga tao diyan sa Kalupaan" ang iyak ng ina niya.

sadyang pasaway ang bata. binabalak niyang tumakas, kinabukasan nagpaalam siya magsu-swimming lang kasama ng mga kaibigan,
"anak umuulan, saka na lang kayo mag swimming baka mabasa kayo" ang payo ng kanyang nanay.
balewala ito kay Gi, dahil ngayon na ang araw ng kanyang plano,
nagpunta nga siya sa dalampasigan, nabusog siya sa kanyang nakita. naakit siya ng gayon na lamang, hindi niya namalayan na unti-unti na siyang lumalapit sa pampang.
at isang sampal ng alon ang nagtangay sa kanya, tumilapon siya sa batuhan, nahimatay at na-stock sa batuhan at di na maka-uwi pa

lumipas ang ilang araw, nakakahindik ang mga sumonod na pangyayari. pinaghahanap siya ng kanyang mga kadadagat.
natagpuan na lamang siyang patay, amoy-daing na, malamang dahil sa matagal na pagkabilad sa araw.
kumalat ang balita sa san-karagatan, mabilis na kumalat sa social website na Fishbook at isdagram.

pati ang ibang isda ay na-shock din, nagdilat ang kanilang mga mata sa nasaksihan.
mula noon at kahit magpahanggang ngayon.

Tips sa Pag-pili ng Mr. Right Guy

tama na ang pag-iyak,
wala nang pusong masusugatan.
wala nang gabing  kaylamig,
wala nang pag-iibig na masasayang.
ito na ang katapusan ng mga sawing pagsinta
sa payo ko'y, makinig ka sana

Sa pag-ibig, natural lang ang masaktan, ang mahalaga ay manatili kang matatag at alam mong di ka nagkulang.
kung ayaw mong masaktan edi wag kang umibig.
yun nga lang nakakainggit ^_^


pero alam ko kung paano marereduce ang madalas na pagkabigo sa pag-ibig.
gusto mong malaman? magpatuloy lang sa pagbabasa
ang sikreto ay nasa iyo din, nasa pagpili mo ng makakarelasyon!
di ko na pahahaaaaaaaaaaaaaaaaabain pa.
ang mga TIPS na ito ay hindi naman palaging eksakto sa kalagayan mo, pero maari mo itong maging gabay.
Yun bang payo na maglalaro sa isip mo, malay mo makatulong ako.
10 TIPS Sa PAG-PILI ng Mr. RIGHT GUY

Humanap ng Pangit.
kailangan ko pa bang ipaliwanag! eh sapat na yung kinanta ni andrew E. pero kung di mo gusto itong payo ko. try mo yung susunod pa. (scroll down mo na)

Pumili ng May Mabuting Ugali
Wala naman talagang taong perpekto yung ugali, pero atleast, pumili ka ng may pinaka may puso.
Kayong mga Giliw ko wag basta iibig sa mga taong maporma, mas okay nga yung simpleng tao lang.
kailan ba kayo magsasawa sa mga gwapo? sabi ni Bob Ong, mahalaga sa lahat ng anuman eh yung UGALI, kasi kahit yung mga dating crush ng bayan magmumukha ring tinapay paglipas ng panahon. tama di ba?


Pumili ng Masaya Kasama
Yung kapogian pagmatagal mo nang kasama nawawala rin pero yung sense of humor hindi.
kaya alam mo na dapat kung sino yung gusto mong makasama. yung poging boring o yung may SENSE OF HUMOR

Wag Padadala sa Laki ng Katawan.
huwag kang maiimpressed kaagad-agad kung binibida niyang, lagi siya sa Gym. Hindi ba't kung sino pa ang nasa Gym, siya pa yung bading?
baka dumating ang araw na mahuli mo na lang siyang may kasamang kumpare sa loob ng isang kwarto. marinig mo na lang na parang may nage-espadahan. (ting! ting ting)

Wag Padadala sa Kutis.
 hindi ko naman sinasabing magsyota ka ng di naliligo. mahiya naman siya, buti pa de lata may Ligo( funny),
Ang yamang akin lang ay kilatisin mong maiigi yang napupusuan mo. siya ba ay sobrang nagenge-elam sa ayos ng buhok mo, sa pananamit mo, mas latest pa ba siya pagdating Fashion? pag-ganun nga, pakatandaan ang kasabihan na ito.
"aanhin pa ang Gwapo, kung mas malandi pa sa iyo".

Wag pasisilaw sa Pera.
anong BF ba ang hanap mo, Boyfriend o Bigfish
marami ang nagkakamali at nauuwi sa malungkot na relasyon kapag ang pera lang ang naging batayan niyo sa pagpili ng mapapangasawa/makakarelasyon. pag laging ganyan, siguradong masasaktan ka o kaya'y makakasakit ka lang.
sabi nila " hindi naman nakakain ang pagmamahal"
pero hindi bat hindi rin naman nakakain ang pera? baka nga magkasakit ka pa sa tiyan.

Wag Paloloko Purkit De-motor
Hindi naman sa sinisiraan ko yung mayabang na manliligaw mong de-motor.
pero baka sindikato yung tatay niyan.
Ay naku! okay na yung masugid mong manliligaw na de-payong lang at least di niya kina-katwirang di ka niya masusundo kase walang gas!

Okay lang ang Umibig ng Mahirap.
kung may minamahal ka, ngunit siya ay mahirap lamang, wag kang magpa-epekto sa sasabihin ng iba.
basta nagmamahalan kayo, malay mo yung mahirap na iyon, tumakbo pa sa eleksiyon.
ang mahalaga raw eh may sipag at tiyaga.

Humanap ng may ganitong bigote
well, scientific proven na ito. pumili ka ng lalakeng may ganitong bigote, at siguradong sure ang smooth na kiliti



Panghuli 

Pumili ka ng Taong Mahal ka at Mahal mo din
Dapat nagmamahalan kayo parehas, hindi pwedeng ikaw lang ang nagmamahal sa kanya
Ang pag ibig daw ay parang tsinelas, dapat pares.
(how deep)


Yun lamang ang payo ko, isaalang-alang lamang ang mga ito at siguradong di na muli magdurugo ang iyon puso.
naniniwala akong darating din ang lalakeng para sa iyo taglay ang pag-ibig na totoo.
salamat at congratulations.

Ang mga ito ay kuro-kuro lamang, mga kwentong produkto lamang ng imahinasyon, karanasan at tsimis.
Kung may reaksyon man, maaring ipaalam dito.
Mag-comment gamit ang facebook or google account.
Hanggang sa muli,
Magandang araw at Mabuhay ka!


Friday, September 14, 2012

Ang Pulang Dragon

May kaibigan ako na minsan ay nakakuwentuhan, napalalim ang usapan at nauwi ang topic sa pangyayari ngayon.
aniya, baka raw ang tsina ang tinutukoy na pulang dragon sa bibliya, yun bang halimaw na antichrist na darating

"Then another signappeared in heaven: an enormous RED DRAGON with sevenheads and ten horns and seven crowns on his head"--revelation 12:3 (NIV 1984)

medyo interesting yung kwento niya .
pero malalim ang bibliya at ibat-iba naman ang pakahulugan ng ilan. sabagay ang sinasabi niya ay malayang opinyon lamang.

Ang kasaysayan ng tsina ay parang gulong, minsan nasa taas sila minsan din ay nasa baba, minsan din nananakop sila, at minsan din ay sila naman ang sinasakop, nang aalipin sila at minsan sila ang inaaalipin, inaapi sila at minsan din ay sila ang nang-aapi.

dinananas nila ang pinakamatinding pagka-dusta noong panahon ng WWI at WWII.
halos pinagparte-parte ang inang-bayan nila ng mga mananakop na bansa.
pagkalipas nito naging mahirap na bansa ang Tsina
tinagurian silang "Ang Natutulog na Higante"

ngunit ngayon, nagising na ang dragon este ang higante.
nagpakitang gilas na sila sa maraming digmaan ng mga komunista laban sa demokrasya.
ngayon nga, nagsisiga-siga an na ang higante.
inaangkin nila ang halos lahat ng isla ng spratly, scarborough, paracel at iba pa.
kaagaw naman nila ang maliliit na bansa sa timog silangang asya na ang hinahabol lang eh yung ilang parte lang.

nanga-ngawawa na ang dating kinakawawa.


Kung ang tsina ay ang dragon, tayo naman ang "kalabaw" na sumisimbolo ng pagiging masipag, matimpiin at masunurin nating mga pinoy. tulad ng kalabaw kaya rin nating manuwag kung kailangan.

kung matuloy man ang digmaan ano ba ang panlaban natin
pagdating sa makabagong armas, teknolohiya, bilang ng sundalo at pera,wala tayong panama.
umaasa lang tayo sa habag ng ibang bansa. umaasa rin tayo sa mutual defense treaty natin sa Amerika.
pero tulad ng pangyayari sa Sabah na ngayon ay sakop na ng Malaysia eh baka iwan uli tayo ni uncle sam.
ang langis at yaman ngayon ng Sabah ay pinakikinabangan na ng malaysia, britanya at Estados Unidos.
kaya di rin maasahan yan.

eto lang ang naiisip kong bentahe nating mga pinoy.
una, ang mga pilipino ay puro cute(yes! apir tayo!)
Pangalawa, mas asintado tayo kumpara sa mga intsik.
isipin mo, kasi tayong mga pinoy pag umaasinta, yung mga mata natin sinisingkit natin para asintado.
eh yung mga intsik, singkit na. pag umasinta pa sila, isisingkit pa nila, yan tuloy wala silang makita o nakapikit na sila. 

ang problema baka maghire sila ng OFW bilang sundalo, yan ang iwasan ni chinoy este Pnoy na mangyari.
ang problema pa baka wala nang barilan, puro hightech na warweapons ang gamitin nila kung saan computerized na lang. baka bumili sila sa ibang bansa ng mga sasakyang pandigma,
habang tayo puro made in china lang gamitin.

pag nangyari yan at natalo tayo, merong hinandang plan B ang mga pinuno natin,
para di tayo masakop ng tsina, magpasakop tayo sa Japan o sa U.S.

Tuesday, August 28, 2012

Kap's Amazing Video, Nakaka-urat

isumbongmo.blogspot.com sumbong, solusyon at aksiyon

Ang sumbong na natanggap natin ngayon ay mula sa isang grade school student na sumusubaybay sa programa na Kap's Amazing Stories ng GMA 7, ito ang kanyang munting reklamo.


" Sir B3n 2lfowh, lagi po akong nabibitin sa Kap's amazingStories, ang iksi ng palabas ang haba ng palatastas, sobrang dami po ng commercial breaks, nakaka-inis"

yan ang inis na inis na sumbong ng batang si baki, dahil diyan isang operasyon ang aming isinagawa,


Aksiyon, Ora Mismo!!!

inabangan namin ang palabas na nabanggit, at ng nagsimula na inorasan namin ang pag-ere ng programa, at inorasan din namin ang mga commercials breaks.

ang resulta, isang minutong palabas, 6 na minutong palatastas.
1 : 6 ang ratio?!

talagang nakakatuyo ng utak, kawawa naman ang mga batang gustong matuto. kawawa silang walang cable sa bahay, kawawa silang ang tagal maghintay at kayo naman ay walang ibang inisip kundi manamantala. maawa ka, maawa ka!

napakaganda pa naman ng show niyo kaya kahit nakakagago sa haba ng commercial at iksi ng palabas eh marami pa rin ang nanonood. pero pero sana ay alagaan niyo rin ang sumusubaybay sa inyo. grrrrrr

wala po akong masamang tinapay, ang panawagan ko lang ay kung sakaling mabasa niyo ito ay magkaroon ng pagbabago, wag tayong manhid. yun lamang po at magandang araw.

dahil dito sa isumbongmo.blogspot.com
ang lahat ng sumbong,
dapat may tugon. 
handang umaksiyon,
kahit pa laban kay bong.

Pinaka-karaniwang Dahilan ng Pag-liban ng mga Mag-aaral na Pinoy


Tuwing tag ulan madalas ang class suspension.
signal no. 1 suspended ang kinder at elementary,
signal no. 2 pag highschool, at
signal no 3 naman para ma suspended ang klase ng mga nasa college,
nagrereklamo na nga sila eh, kasi kung minsan este madalas kahit ulan lang, ga-baywang na ang baha, wala pang masakyan.

madalas pumalpak ang PAG-ASA sa pag predict  na hindi naman natin dapat ulanin ng sisi, kasi sa aking opinyon sapat na ang common sense para magpasiya. kasi nga naman kahit sabihing may pasok, eh kung nagliliparan ang mga bubong at lubhang delikado , papasok ka parin ba? sabagay dagdag thrill.

dahil dito pumasok sa isipan ko, na magsagawa ng listahan ng mga pangunahing dahilan ng pagliban ng mga mag-aaral sa paaralan,

narito ang sampung pinakakaraniwang dahilan ng pag absent sa pampublikong paaralan maging sa pribado at kolehiyo.

di na ako magpapatumpik-tumpik pa, diretso na.

UNA: TOOTHACHE
Kung isang araw lang ang absent, pwedeng dalawa araw hanggang isang linggo, kung isusulat mong namaga po kasi, maawa sayo si ma'am kasi talagang masakit yun, kung hihingan ka ng pirma ng dentista, sabihin may bayad ang check-up.

PANGALAWA: WALANG BAON/PAMASAHE
Ang hirap ng palaging ganyan, pero nasa iyo na ang desiyon kung isusulat mo yan,
Anong gusto nila pumasok kang walang laman ang tiyan, walang pambili ng kung anong paxerox, papel, test paper, coupon bond. gusto ba nilang maglakad ka kung napakalayo ng bahay niyo, mag one, two, three?
sila na ang martir. no choice ka lang talaga.

PANGATLO: MASAKIT ANG ULO
Madalas kong isulat sa excuse letter ko ito, kailangan magaling kang umarte, siguraduhin mong pag sinabi mong masakit ang ulo mo. ang kamay mo ay nakasapo sa noo at hindi sa pisngi.

PANG-APAT: MAY LAGNAT
Siguro eto na ang pinaka-madalas, walang magagawa si ma'am, pero magtataka siya kung bakit ang liksi mo ngayon, sabihin mo lang na na-miss ko lang kayo.

PANG-LIMA: BUWAN NG DALAW
Siyempre ho para lang sa mga babae ito, wala akong gaanong alam dito. puro kasi english yung ginagamit na terminolohiya sa mga commercial break, bakit ba ayaw nilang tagalugin.
example:
 itchyness = panganngati
Wetness = pamamasa
Odor = amoy
leak = tagas

PANG-ANIM: NAMATAYAN
Hindi naman siya madalas magamit na excuse. Pero sa tingin ko, bawat taon may isang estudyante sa isang seksyon na aabsent ng higit isang linggo kase halimbawa ay may pumanaw.
may kilala ako na itinatago niya yung lolo niya kase sinabi niya yun daw yung namahinga.(FUNNY)

PANG-PITO: SORE EYES
Pinapayuhan ang mga estudyante na lumiban na lamang kaysa pumasok, sapagkat baka makahawa sila,
sinasabing ang sore-eyes ay laganap tuwing tag-init, may mga kasabihan ding mas malakas makahawa ang taong maysore-eyes na pagaling na. ang gatas ng ina ay hindi pa sure pero maaring maging panglunas, kase ang gatas ng ina ay antibacteria. maaring subukan dahil wala namang mawawala.
ang ilan sa mga maling pamahiin naman ay ang pamahiing makakahawa ang pagtitig "eye-to-eye" sa taong may sore eyes.  mali din ang paniniwalang ang paghilamos ng ihi tuwing umaga ay gamot,

PANG-WALO: L.B.M.
Yes LBM o Loose Bowel Movement, yan madalas na dahilan yan, mauunawaan naman ng titser ang kalagayan mo na lagi kang pinapatawag sa confession room na puro tiles, may gripo at tabo, kailangan mong pumunta kasi kung hindi mapipilitan siyang lumantad na. kung naiintindihan mo ang sinasabi ko tumungo na tayo sa pang 9

PANG-SIYAM: Tinatamad
hindi ko na ipapaliwanag kasi nakakatamad ipaliwanag basta kasali siya sa top-ten, at kung sakaling tanungin ka ng titser kung bakit wala kahapon sabihin mo lang na "absent ka"

PANG-SAMPU:  Birthday
para makaiwas sa palibre, ung may birthday iiwas pumasok.  swak siyang dahilan at pagbibigyan ka ng titser na hindi kill joy.
maidagdag ko lang, pabor ako sa suhestiyon ng ilang kongresista na ilipat ang pasukan sa buwan ng abril o mayo, kasi yung birthday ko natapat dun eh.

PANGLABING-ISA: NA-STRANDED
Kung ang absent nang isang buwan, eto ang madalas na dahilan. maaring nagpunta ka kasama ang pamilya mo sa isang probinsya at nagkataong walang pera pauwi.

yan na ang sampung pinaka-gasgas na dahilan. hindi ko alam kung paano tatapusin ito. di na man pwedeng gayahin ko yung pelikulang pinoy na sa huli dumarating yung mga pulis.

any way, ang mga nabanggit ay base lamang sa aking karanasan, mga pagtatanong, internet at iba pa. kung may suggestion ka, reklamo, reaksyon, tanong, maari kang magcomment,
pwede kang magdagdag at pwede kong baguhin ang gusto mong patanggal.(iba kasi ako eh)
pwede ring magcomment gamit ang fb.

ang ilan pang-nominated ngunit di umabot sa top ten ay ang tigdas, bulutong at iba pang uri ng sakit sa balat, kasama rin yung beke, pilay at iba pa.

 kung wala kang natutunan?
eto ang dagdag na word of wisdom mula kay bob ong na maari nating isa-puso.

"Mag-aral ng maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o supendido ang klase o absent ang teacher.(haay... sarap!) " -bob ong

salamat sa pagbabasa,

Sunday, June 10, 2012

Tien Shinhan of Dragon Ball Z Illuminati?

Kamakailan lang, napabalita si international singing sensation charice pempengco na isang illuminati, 
dahil umano sa kanyang music video ng kanta niyang Pyramid, anila kitang kita ang Illuminati symbol sa mga kilos ng kamay niya. na animo ay ginagaya ang "The All-Seeing  Eye" na favorite na emblem ng mga illuminati,
ang simbolo na ito ay makikita rin sa US Dollar bills.

ano kaya ang masasabi ni Tien Shinhan?


Friday, May 4, 2012

INVENTION: Healthy Cigarrette

 solusyon sa mga adik sa yosi na nahihirapang huminga.

simplelang ang ideya, hindi ba't sakit ng mga mahilig mag-hits ang nahihirapang huminga? kasi sa kaka-yosi humihina ang baga. minsan pa, pag di nakaya kailangan nila ng "ventolin inhaler".diyan pumapasok ang kapakinabangan ng produktong ito.
para sa masmaraming impormasyon. Itanong niyo sa mga may hika.


Saturday, April 14, 2012

Quiz: Websites na may "YOU"


Quiz:  
magbigay ng mga websites na nagsisimula sa salitang "YOU"


example : youtube.com


Palatandaan ng Isang Tunay Pilipino

paano nga ba masasabing pinoy ka, ano nga ba ang mga karaniwang tumatakbo sa mga utak ng mga kaapo-apuhan ni lapu-lapu ngayong panahon. sa aking pagmamasid eto ang napansin ko sa panahon ngayon.
heto ang mga palatandaan ng isang tunay na pinoy, siyempre ang sasabihin ko ay ang sampu lamang, random ang gagawing kong pagkasunod sunod. halinat isa-isahin natin.

1. Whitening Products
Ang mga pinoy praning pagdating sa kutis, lahat sinusubukan mula sa katas ng kalamansi hanggang sa pagturok ng Gluthathione sa katawan para lamang pumuti, chin chun soo, mena, pati yung mga sabon at mga whitening lotion na iniindorse nang mga artistang dati ng mapuputi. marami rin sa mga pinoy takot na takot sa araw. maski  mga lalaki di pahuhuli, may sikreto raw ang mga gwapo? --- nakangiti akong haharap sa inyo, at sasabihin na wala akong tinatago talaga!.


2. Problemado sa Ilong
ang mga pilipino ay natural ng pango, kaso dahil dumating ang mga kastila, itinatak nilang mas superior ang lahi nila. tayo namang mga pinoy naniwala, kaya gusto nating maging kamukha nila, kaya pinipilit nating magpatangos ng ilong,



3. Fil Am ang mga Atleta
sa Pilipinas uso ang import, pati national team natin puro fil am, yung iba panga hindi marunong magtagalog meron man , "mehel ko keyow" lang ang kaya.


4. Avid fan ng mga Foreign Drama
sa panahon ngayon, lagi na lang mga koreanovela ang nangunguna sa mga ratings, pilipino ka kung nasubaybayan mo ang marimar, maria del barrio, meteor garden, jumong,  dong yi at iba. 
sabagay kasi yung mga teleseryeng pilipino paulit ulit na lang, puno pa ng halikan at patayan, kalaguyo, laging may kidnapan, nawalan ang anak at kung ano ano pa. paulit ulit na lang ang kuwento nagbabago lang yung pamagat.

5. Die Hard Fan ng mga KPOP
nabalitaan niyo, number 1 lagi ang mga kpop albums? sa totoo lang wala namang akong naiintindihan sa mga lyrics ng mga kanta ng superjunior, big bang, 2ne1, wondergirls etc. may maintinihan man ako eh yung onting english na karaniwan ay yung title lang. pero sabagay tingnan mo ang mga koreano na mga yan, wika nila ang laging gamit nila. balang araw malulugi din ang kimchi nila,

6. Mahilig mag English kahit di kailangan
ang mga pinoy(hindi lahat) mahilig magsingit ng english sa usapan, mahilig mag taglish kahit di naman kailangan. ewan ko kung anong problema sa kanila/

7. Mahilig Ibahin ang Apelyido
marami sa mga pinoy ang hilig baguhin ang apelyido  iba gusto tunog Fil-am.
 halimbawa: John Batungbacal  gagawing John Smith
ang di niya alam mukha siyang Fil-am (feeling americano)

meron namang ang gusto eh may pagka-japanese
halimabawa: Benjamin Bungcal gagawing benj yamaguchi (ewan)

meron namang ang gusto eh chinese o korean
Halimbawa: Andy Dilao gagawin niyang Andy Lao.

ang hirap tuloy nilang i-search sa FB



8. Imported na Damit
Marami sa mga pilipino ang proud na proud kapag ang suot nila ay imported. tulad ng nasa larawan, kailangan talaga nakabandera ang pangalang ng lugar na pinaggalingan. kamakailan lang umuso ang mga damit ng FMCC ang mga naturang damit ay gawa sa pilipinas at pinoy na pinoy ang design.
salamat kay master rapper kiko magalona sa pagtatanggol sa sariling atin.


9.  Mabilis makalimutang magtagalog.
Marami sa mga pinoy, mga giliw kong tagapakinig, kahit 2 linggo o buwan lang magbakasyon sa ibang bansa kahit sa hong kong lang, nakakalimutan ng magsalita ng tagalog, laging ingles na ang gustong gamitin o kaya yung wika dun sa napuntahang bansa. (ewan ko ba)


10. Karamihan ng mga Kasangkapan ay Made in china.
pinoy na pinoy ka kung mula sa kasuotan, gamit sa bahay, gamit sa trabaho ay puro made in china ang nakasulat.


Ayan na ang sampung pinaka.  Sa aking opinyon marami sa atin ang mga "utak kolonyal" o yung mga taong mas bilib sa produktong banyaga, madalas pa nga pag sinabing "lokal" pumapasok kaagad sa ating isipan na ang mga produktong lokal ay mahinang klase, mas gusto natin ng imported. dahil sa di natin pagtangkilik ng sariling atin marami ang naluluging negosyanteng pinoy. kawawa naman

wala namang masama sa pagtangkilik sa gawa sa ibang bansa. wag lang sana nating kalimutan ang sariling atin.

Paalala: ang blog na ito ay Gawa ng Isang Pinoy,kawawa naman

FILIPINO  FIRST 

kung meron man kayong suhestiyon, reklamo, reaksyon, papuri, pangungutya ay maari niyo pong idulog, maari lamang ay i-comment ninyo. 

maraming salamat mga bata sa pag-basa. sana ay may natutunan kayong leksyon.

0000

Friday, April 13, 2012

Si Henry at ang Matakaw na Haring Alien


dear kuya benjie,

Tawagin mo na lang akong henry, simpleng Sekyu na nakaranas ng isang  kakaibang pangyayari. isang gabi ng aking duty ng bigla na lang isang spaceship ang nag abduct o humigop sa akin. sa loob ng spaceship may mga alien na nag-escort sa akin(kakaiba ang itsura nila, malaki ang ulo, maliit ang katawan at maraming kamay. dinala nila ako sa isang chamber, nagulat ako ng nakita kong may ibang tao pa, yung isa ay italyano, yung isa ay franses at yung isa pa ay malamang intsik.

ilang oras pa, kaming apat ay dinala sa isang kusina, ang pinagtataka ko lang sa mga guwardiyang alien na nandun ay bakit ako lang ang kinapkapan, purkit ba mukha akong mahirap? yung ang pinagtatampo ko sa kanila.

sa loob ng kusina dumating ang haring alien, mas malaki ang ulo niya ngunit tambotsog, marami ring kamay at may malaking bunganga. at yung laway niya eh di papigil sa pagtulo. yucks!
"awamug oyak gn niakgap, tom jones na akets" ang sabi ng haring alien.
dahil mukhang pataygutom ang hari agad naming na pickup ang gusto niya ipagawa. inutusan kaming gumawa ng potahe na kakainin niya mamayang gabi. 
kumpleto sa rekado ang loob ng kusina at nandun na lahat ng kagamitan. mahuhusay magluto ang mga kasama ko.

isang oras lang ay natapos na ang lahat.
isa isa kaming nagpunta sa kinaroroonan ng hari. nandun lang siya sa magarang hapag kainan.

una namang pinatikim ng pranses ang kanyang "PACQUES MENU" at may alak pang kasama. tinikman ng hari ito at naubos ng isang minuto lang, nakangiti ang pranses na iyon ng biglang binasag ng hari sa mukha niya ang kupita ng alak. 

lahat kami ay kinalabutan, agad namang sinugod si mr.french at itinapon sa pinakamalapit na dagat.

sumunod na si mr. italy, "STUFFED ARTICHOKE" ang niluto niya, ginto ang lahat, plato, kubyertos, tinidor pati alak( itallain goldschlagger yata tawag dun). pinagmalaki niya kung magkano ang lahat ng ito. tinikman ito ng hari at naubos ng isang minuto rin. ngunit nag init ang ulo ng hari at pinatawag ang isang utusan, pinadakip si mr. italy at pinatunaw kasama ng kanyang mga gintong binibida.

sumunod na sasalang ay si intsik, kabado siya at mukhang nagdarasal na.
veggie noodles ang kanya, kinuha ito ng hari, nahirapan ang hari gumamit ng chopstick kaya itusok niya na lang ito sa kawawang intsik.

susunod na ako...
mahal na hari, eto po ang akin "chicken adobo with kanin" kamayin niyo na lang po at mas masarap, naintindihan naman ng panget ang sinabi ko. kinamay niya ito at inubos sa loob ng 30 minuto, humingi pa siya ng kanin, at nabusog ang hari. natuwa sa akin ang hari.

bilang gantimpala, sinabihan ako ng hari na humiling ng kahit ano. ang tanging hiniling ko lang sa kanya ay palayain ako at ibalik sa pilipinas.
tumingin siya sa akin ng masama at animoy may gagawin siya sa akin, napasigaw ako ng malakas. malakas na malakas at nagising ako(nanaginip lang pala ako) kaya yung mga magnanakaw na magtatangka sana ay natakot at tumakbo, dumating ang mga pulis at nasukol sila, pinasalamatan naman ako ng mga tao at mga pulis dahil sa pagsigaw ko ay nataranta ang mga bad guys at naalerto ko ang lahat kasama na ang mga pulis.

kinabukasan ay may nabalitaan ako sa TV, isang french nationals, di umano'y nagpakamatay at nagpakalunod sa dagat. intsik na sadistang tinuhog ng chopstick at ang nawawalang Italian Nationals.

Monday, March 19, 2012

Mga Nakakatawang Kasabihan

Nagtanong sa mga tambay, Nag search sa google, nag-isip naghanap. eto lang pala ang mapapala.
mga Kolesiyon ng mga nakakatawang kasabihan. 



 

" how can you face the problem if the problem is your face?"
---maganda

"what the use of beauty if your brain is empty"
---pangit

"what the use of knowledge if your face is damaged"
---maganda (reply)

"di bale nang flat ang gulong

wag lang ang ilong"



"di bale ng mangupit, Hindi naman gipit..!!"



“Review is useless kodigo is the best”

"its better to cheat than to repeat"


"aanhin mo ang damo kung ang garden mo ay sementado"


"aanhin mo ang maraming pera, kung ikaw naman si aling dionesia"

"di bali magnakaw basta wag lang mamakla"



"matalino man ang bakla...napeperahan din."



"AANHIN PA ANG LIMANG DAAN

KUNG SI DIEGO NAMAN ANG MATITIKMAN..."



"matalino man ang matsing...

magkamuka lng kau"



"aanhin mo pa ang damo , kabayo ka ba?"



"dalaga nang nalasing, buntis nang nagising"

"Ang babae parang barbie... pwedeng paglaruan, damitan, hubaran.

pero tandaan mo na ang tunay na lalaki hindi naglalaro ng barbie"


"ang taong pangit sa edit kumakapit"

"Ang taong naglalakad nang matulin… may utang."


"natuto kang lumandi magtiis ka sa hapdi"

"pag may alak, may balak"

"pag may tiyaga, may siyota"


"virginity doesnt matter at all, as long you know the "muscle control".

"di man ako kasing “Gwapo” ng EX mo …di kasing “TINDI”ng CRUSH mo … at di kasing “LUPET”ng MAHAL mo ..pero pag “AKO” MINAHAL MO …mamahalin kita hanggang “MAGYELO” ang “IMPYERNO”"

"aanhin mu ang gwapo, kung malandi pa syo"


"aanhin mo ang sexy kung mukha ay scary"

"okay lang kahit chubby, basta yummy"

"hindi ako pihikan, pwede na ang maganda basta teacher"


"Aanhin ko ang gabi kung di naman kita katabi

aanhin ko ang katabi kung wala namang mangyayari"

"hindi man kita mabibigyan ng magandang buhay, mabibigyan naman kita ng magandang lahi" 


"ang gulay na hindi nakakain...sa farmville nakatanim"

"magbagsakan na ang lahat ng bituwin... wag lang sa tetris, baka magrankdown eh!"


"Kung kaya ng iba,,,pagawa mo saka nila"



"lahat ng problema may solusyon. pag walang solusyon, wag mo nang problemahin. "

"Paano mo lalabanan ang katamaran, 

kung tinatamad kang lumaban? "


"You need pain.... 
... dahil pag wala ka niyan di ka makakahuli ng isda"

"kapag maikli ang kumot... tuwalya ata yan!" 

"kapag madami ang hadlang sa landas na gusto mong tahakin, kapag ang lahat ay nakakabangga mo at kumokontra sa'yo! wag kang makulit, EXIT yan! dun k s ENTRANCE!"


ayan na lahat ng funniest of all time (e-exit na ako '_'), hahaha ako mismo nalilibang at natatawa nang naghanap ako nito. salamat sa google at sa maraming websites na nakuhaan ko ng marami sa mga yan. 
kung meron kayong suggestion, panukala, reklamo, reaksiyon. magagalak po ako kung sakaling magcomment kayo, marami pong salamt at sana napaligay ko araw mo. love you all, God Bless.


Cryptobrowser