Friday, December 31, 2010

Dalawang Kwentong Death Clock


may isang website akong nakita, matatansya daw nito kung kailan ka matitigok,
deathclock.com
Monday, February 25, 2064
yan daw ang petsa ng kamatayan ko, ang nakakatakot pa merong seconds countdown pa!
maraming sumisimangot at di sumasangayon ang sabi nila;

"eh paano bukas maaksidente ka?"

"eh paano kung naimbento na ang pampahaba ng buhay"

"Diyos lang ang nakakaalam ng eksaktong segundo ng tagal ng buhay mo"

tama ang lahat ng opinyong ito, ngunit kung susubukan niyo makikita niyong may scientific basis naman ang death clock na iyon
bago mo malaman ang deathdate mo, magpi fill up ka muna
ilalagay mo ang birth date mo, tinatanong din kung ano ang Body Mass Index mo o BMI,
may drop down menu din kung smoker ka ba o nonsmoker
at presto pwede mo nang iclick at malalaman mo na ang resulta.
kung smoker ka mababawasan ng 7 taon ang maximum na tagal ng buhay mo.
iba iba rin ang resulta dahil iba iba tayo ng BMI.
may drop down menu din kung lalaki ka at babae.
maari ring isinaalang alang nito ang bansa mo, kahit wala sa fill-up form automatic naman nila itong malalaman sa pamamagitan ng IP address ng computer mo.
ang average na buhay ng mga pilipino ay; 68.45 para sa mga lalaki, at 74.45 naman sa mga babae

ibig sabihin, ako ay ipinanganak ng taong 1990 at kung 68 ang average life expectancy ko
1990 + 68 = 2058
2058 dapat ako mamatay? hindi malayo sa 2064 na hula ng deathclock
ibig sabihin tumagal pa ang buhay ko siguro dahil narin sa BMI ko.
oOo
eto naman ang isa pang kwentong death clock.
DEATH CLOCK TRUE TO LIFE STORY
kwento sa akin ni robin
" nung elementary ako may kaklase ako, mula grade one alarm clock ang natatangap niya sa exchange gift palagi ang kwento niya.
nung grade 3 ko siya naging kaklase. minsan nung christmas party sabi niya sa akin, "alarm clock nanaman 'to" tama nga siya at alarm clock nga nang binuksan namin!
ganun din ang sabi niya nung christmas party nung grade4,5 at 6.
alarm clock na lang palagi.
nung higschool di na kami nagkita,
nung 4th year highschool ako,nagreunion ung mga kabatch ko ng elementary. wala siya doon, ang kwento pa nga naaksidente daw siya! nasagasaan daw.
kilala mo yun kuya benjie, nakonyatan mo yun kasi makulit".

walangyang robin dinamay pa ako, di ko alam kung nagungunsensya siya o ano. pero ganoon pa man kinilabutan ako sa kuwento niya
hindi kaya may dahilan kung bakit laging orasan ang natatanggap niya?
hindi kaya paalala sa kanya iyon para tingnan ang mga oras niya?

nakakatakot!

RH Bill

May nabasa akong ganitong t-shirt, na nagsusulong ng reproductive health bill. ang RH Bill ay isang batas na nagsusulong para sa artificial na pagcontrol ng populasyon. ang batas na ito ay naglalayong magbigay ng pondo para mag pamudmod ng mga birth control jejeboo.

naalala ko tuloy ng ako ay highschool, merong pinabibili sa amin ang guro namin, isang work book. makakatulong daw ito sa mabilis na pagkatuto. ang dating aklat namin ay kulang at maraming mali kaya kaialngan namin ito.
nagkakahalaga ito ng 130 pesos. kami ay mahirap lamang at buwanan ang sahod ng aking ama, kaya nagtitiis muna akong wala nito at nakikibasa sa katabi, bakit ganoon? ang panawagan ko lang unahin ang pinakakailangan, gagastos ang pamahalaan sa pamamahagi ng condom, pills, iud at iba pa. maari sana kung makakain iyon pero hindi.

marami nang maiinit na debate ang naganap, para sa iba ito ang sagot sa over population, kanya kanya ng datos at kanyakanya ding barahan, may pangyayaring isang bakla ang nagtaas ng dalang plakard na may nakasulat na "damaso", ang kapwa nating iyon ay pabor sa RH bill,
Hindi ako pabor sa rh bill dahil ito ay laban sa mga kababaihan. kahit tayo ay mahirap na bansa bilib ako dahil mataas ang pagpapahalaga ng mga pinoy sa moralidad ikumpara sa mga bansang 9 years old palang ay professional na sa sex, ang bansa natin ay malaki ang pagpapahalaga sa buhay, hindi tayo papabor sa aborsyon kailanman.
hindi tayo tulad ng mga bansang ok ang same sex marriage. malinaw sa bibliya na masama ito! tama ba ako?
sabi pa ng iba maeenganyo lang ang mga kabataan sa premarital sex, na isa ring imoralidad.

Overpopulation: problema nga ba?

nung elementary ako pabor ako sa rh bill
pero napagisip ko, mayaman ang pilipinas pagdating sa likas na yaman, kumpleto tayo sa lahat. kaya nitong tustusan ang populasyon basta tama lang tutukan lang ng pamahalaan.

Ang bansang may malaking populasyon ay malakas ang potential, halimbawa ang china bagamat hindi maituturing kasali sa first world, kinakatakutan parin ng maraming bansa

sa ideya ni sen. pimentel sadyang hinahadlangan ng us ang pagdami ng populasyon ng pinas, ito ay para sa kabutihan ng ekonomiya nila, ang dahilan? logically kung lumaki ang populasyon lalaki ang pangangailangan ng bansang nasa 3rd world tulad ng pinas, kung ganoon imbes na magkaroon ng mapagkukunan ang amerika ng mga raw materials. magkakaroon pa sila ng kakumpitensiya.

ang sabi nila, siksikan na raw? ang lawak ng pilipinas maraming lupang nakatiwangwang na lang, sistema ang kailangan.

anong masama sa over population kung ang lahat naman ng mga ito ay nakapagaral at may trabaho, ano ang problema ng bansa? over population o kurapsiyon?



Thursday, December 30, 2010

Face Off

Hawig ba sila?
napansin ko lang, napagkamalan kong internet ung windows movie maker, kaya yun. kasalanan ng malabo naming monitor.

Sino mas Gwapo?
ayon kay kuya jeff mas matangos daw ilong ni chrome,
Ikaw sino ang mas cute?



Alam niyo ba na ang google chrome ay pwedeneg gamiting media player?, basta i-open with mo lang at piliin ang internet google chrome.

Ang kawawang wm Player at google chrome napagdiskitahan.

Bawal Magpaputok

Bawal magpaputok sa pagsalubong sa bagong taon, para ito sa ating kaligtasan. hindi maiiwasan ang aksidente kaya ngat hanggat maari ay lumayo tayo sa anumang delikadong bagay na maaring magdulot ng pinsala sa ari-arian, kalusugan at minsan pa nga kumikitil ito ng buhay. bilang paghahanda puspusan ang pagiinspeksiyon ng Department of Health(DOH), pinatupad din ang liquor at gun ban. nakahanda din ang bureau of fire protection, phil. nat'l. police, arm forces of the phil. at iba pang mangangalaga ng siguridad ng mga mamamayan. nakahanda din ang mga hospital 24 oras. paanyaya din DOH, mas magandang salubungin na lang ang bagong taon ng ligtas kaya huwag ng magpaputok hanggat maari.
ganoon pa man adik parin ang mga pinoy sa paputok ilan sa mga paputok na trip nila ay ang mga sumusunod:
Picollo
nagunnguna sa listahan ng DoH bilang pinakamaraming nabiktima, nauungusan nito ang dating five star at kwitis. hindi kaya ito ang dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng mga naputukan kada taon dahil ang piccolo ay mas ligtas kumpara sa dating usong five star. bagamat mas maingay ang fivestar mas mura naman ito at mas marami pa.
hindi ko pinagtatanggol itetch, ito lang ang pagkatingin ko.
Trivia: binansagan itong piccolo dahil kahawig nito ang maliit na flute na kung tawagin ay piccolo (search niyo)









Five Star
Isa sa din sa may pinakamaraming nabikitima,
Pagpinaliit ito, ang tawag doon ay 3 star, pag pinalaki naman ay pla pla, pag pinalaki pa ay goodbye philippines na
Pag pinarami naman ito ang tawag ay sinturon ni hudas, pag pinahaba pa uli ang chain, sawa na ang tawag
ewan ko ginawa nilang pokemon












Kwitis
madalas ang aksidente nito, meron dahil sa pagkakamali imbes na sa ere pumutok, pumapasok ito sa mga bintana, meron ding pagkakataon na imbes na pataas, lumilihis ito at tumatama sa mga tao. minsan shoot sa bintana ng mataas na bahay kaya delikado ito
madalas magpaputok nito ay ang mga nagiinuman.




Baril
ang pagpapaputok ng baril sa ere ay trip ng mga loko, ang ligaw na bala nito ay bumabalik sa lupa at walang pinipiling tatamaan.
marami na itong nabiktima at ang malungkot doon malabo ang hustisya sa kasong ito
bilang kampanya, pinatutupad ang gunban, nilagyan ng tape ang mga baril ng mga pulis para masigurong hindi ito magagamit.







Torotot?
bawal na rin ang torotot, ayon sa balita may sinugod sa hospital na tatlong bata, nakalunok sila ng pito.
anak ng tinapa! siguro kung kaldero gagamitin natin para magingay may mababalitaan tayong may sinugod sa ospital dahil nabagsakan sa paa.

sabagay may pagkakataong bawal magingay kasi may natutulog na matanda, hehehe paano na ang new year?







Isa ako sa sumusuporta para sa ligtas na bagong taon, maraming alternatibong paraan at produktong ligtas. maaring magdaos na lang ng street party, pagkalampag ng kaldero, pagpapatugtog ng malakas, pwede rin ang pagpili ng de-air pump na torotot.
Mahirap maalis sa ating mga pinoy ang pagkahilig sa paputok, ngunit good news ang balitang pababa na ng pababa ang bilang ng mga naputukan. sana dumating ang araw na maging 0 accident, sana.
maraming salamat sa pagbisita at sana nakapagbigay ako kahit onting impormasyon.
Manigong Bagong Taon

Wednesday, December 29, 2010

Mga Pamahiin ng mga Pinoy Tuwing Bagong Taon



Sa paglipas ng panahon unti unti na ring nawawala ang ilan sa mga pamahiin, dahil siguro sa mga bagong tuklas ng siyensya o di kaya dahil relihiyon. Isa akong kristiyano, at hindi ako naniniwala sa mga pamhiin ganoon pa man sinusunod ko ang ilan sa mga ito dahil sa katotohanang wala namang mawawala. at isa pa, "ang pamahiin ay bahagi ng kultura at tungkulin kong pangalagaan ito dahil ako ay pilipino."

Ang pamahiin ay bahagi ng kultura, Sa mga pilipino halos lahat yata ng okasyon ay merong pamhiin. mapakasal, araw ng patay, libing etc. maging pasko ay meron nito, halimbawa na lang pag simbang gabi, pag nakumpleto mo raw ang 9 na araw ng simbang gabi, pwede kang magwish at ito ay magkakatotoo. nakumpleto ko ito pero wala namang nagyari. pero dahil magbabagong taon, tungkol muna sa mga pamahiin sa bagong taon ang aking ilalahad.


Bilog na Prutas
ang paghahanda ng mga bilog na prutas ay sinasabing pampasuwerte dahil ito ay bilog, kahugis nito ang pera.
ayon sa iba kailangan daw labing dalawa
sinasabi ding pampasuwerte ang paglagay ng ubas sa pinto.










Polka Dots
dahil ang disenyo nito ay parang barya, pampasuwerte daw ang pagsuot nito,
Suwerte din ang pagsuot ng pula.








Pag iingay Tuwing Bagong Taon
Sinasabing ang pagiingay ay makakapagpataboy ng masasamang espiritu, maari ring ang malakas na ingay ay makakapagpataboy ng mga peste, Ang usok na mula sa mga pumutok na mga paputok ay pwedeng pumatay ng mga lamok, ipis at iba pang insekto.
may ibat ibang klase ng pagiingay, maraming nagpapatugtog ng malakas, nagsisigawan, gumagamit ng lata, kalkdero para ikalamapag, torotot pagsindi ng mga firecrackers atbp.
ngunit di kasali dito ang pakikipagsigawan sa kaaway.




Tikoy at iba pang Kakanin
mula sa mga intsik, naadopt na natin ang paghahanda nito, Dahil ito ay malagkit suwerte ito para mapaganda ang relasyon o bonding ng magkakapamilya. ewan purkit madikit ganoon din daw ka stick together ang buhay pamilya.
kaliwaan ang pagbibigayan ng tikoy, madalas na may dala nito ay yung galing sa trabaho na ang boss ay intsik.




Ang Pagtalon Pagsapit ng Alas-dose
Ang paglundag raw pagsapit ng alas dose ay makakatulong para tumangkad ka
Hindi ko alam pero tingin ko wala naman talagang logical basis ito,
ang karaniwang height mga pinoy ay 5'5" lang.







Charm Bracelets
Sabi ng ilan suwerte daw ito, maakit daw ang mga positive chakra at maitataboy naman ang mga negative, makakapagbigay din daw ng positive aura. hindi ko alam san nila nakuha to, kay naruto ba o kay gokou
suwerte nanaman,
sumagi tuloy sa isip ko na kunwari lang yata suwerte para makabenta.
Pauso din kaya ako?
"Ang pagbisita sa blog ko ay pampasuwerte, ganun din ang pagcomment. mas lalo pang susuwertihin kong iki-click ang mga ads ko :) ".

Kung napapansin niyo ang ibang pamahiin ay mula pa sa ibang bansa at na-adopt na lang natin, ang iba naman ay pinoy na pinoy. hindi ko na sinali ung dragon dance, kasi hindi na talaga atin yun
ang mga nabanggit ko ay base lamang sa sarili kong karanasan, minsan bawat pamilya ay may kanya kanyang pamahiin, tulad sa amin
kailangan daw
"mag tapon ng barya sa bawat sulok ng bahay" pampasuwerte ulit(suwerte makapulot),


ano ang sa inyo? ano pa ang mga pamahiin ang alam ninyo

Tuesday, December 28, 2010

Ouija Board

Ouija board, marami nagsasabing totoo ito, at ayon sa bibliya pinagbabawal ang pakikipagusap sa mga yumao na.
nung 2nd year ako, wala pa kaming pakialam sa mga ganyan ganyan, ang lahat sa amin biro.

dahil brown out noon, at nasa bahay kami ng kaklase kong si adrian anievas. ang bahay nila ay malapit lang sa ilog na naging estero. mula doon ay rinig mo ang agos nito, sa labas ng bahay nila ay isang malawak na farmville. malawak at maraming halaman, maraming damo at maraming puno.
naisipan naming gumawa ng ouija board, kumuha siya ng piraso ng folder at pentel pen, pinagtulungan naming gumawa nito, ang problema hindi naging maayos ang pagkagawa ng ouija board, puro kalokohan ang nailagay namin.

Kumuha si adrian ng kandila at baso, kami ay nagsimulang nag tanong, ang unang tanong, ano ang pangalan mo? wala naman nangyayari, parang naglolokohan lang kami,
nararamdaman kong sinasadya ng isa kong kaibigan ang baso kaya natatawa ako.
tinapos na namin ang pagaaksaya ng oras ng ang nanay ni adrian ay pinatigil na kami, masama daw yan.

Monday, December 27, 2010

Mga Karaniwang Handa ng mga Pinoy sa Bagong Taon

Tuwing bagong taon, masaya ang lahat, kahit anong relihiyon ay sumasangayon na ipagdiwang ito. ang pagsalubong din sa bagong taon ang pagkakataon ng mga ninong ( tulad ko) na makabawi sa kanilang mga inaanak.
"inaanak, wala pang pera si ninong, sa bagong taon na lang ako babawi"
nakakasawa nang marinig, pero narealize ko na ngayon!

Karaniwan, mas maraming handa tuwing bisperas ng bagong taon kaysa pasko, maraming dahilan kung bakit ganyan, siguro dahil sa kaisipang ang pasko ay para sa mga bata, magparaya ka na, binibigote ka na, sa bagong taon ka na bumawi.
marami ring handa tuwing bagong taon dahil katatapos lang ng pasko, may aguinaldo may budget.
gumawa ako ng listahan ng sampung pinakakaraniwang handa ng mga pinoy sa pag salubong sa bagong taon:

Biko at mga kakanin
credits:google.com

Isa ang kakanin sa madalas na ihanda ng mga pinoy, masarap kumain nito,
suggestion ko, huwag kang gumamit ng kutsara sa pagkain at pagkatapos,
pwede mo nang paputukin ang pla pla,
i-youscoop ko ang magiging resulta.
Meron ding pamahiing mula sa mga intsik na ang mga pagkain na malagkit na tulad ng mga kakanin ay pampasuwerte sa relation ng pamilya, dahil ito ay malagkit magiging ganoon din daw ang bonding ng pamilya. ito na yata ang dahilan kung bakit marami sa ating mga pilipino ang nakadikit parin sa mga magulang kahit may sariling pamilya na.

Pansit
pansit, ang immortal na pansit, tinawag itong pampahaba ng buhay, ito rin ang handang palaging natitira at madalas napapanis na lang, abot kaya ang presyo nito at marami pa ang makakakain. lahat ng handaan hindi ito nawawala ewan ko ba kung bakit.

Spaghetti
pamalit sa pancit, medyo mahal nga lang kumpara sa pansit, pero bagong taon naman kaya oks lang. favorite ng mga bata. bukod sa pansit ang sphagetti ay tinuring na pampahaba din ng buhay, nakakakapagtakang bakit hindi ito nirerecommend ng mga doctor.

Lechon( crispy pata etc)
Iba ang pakiramdam pag may patay na baboy sa lamesa. masarap kaining nakakamay. ang cute nito at angsarap kurutin.

Adobo (manok, baboy, baka, etc)
Ang adobo, isa sa pinagmamalaking potaheng pinoy, mapaparami ka ng kanin pag ito ang inulam mo.

Dinuguan
madalas pag may lechon may dinuguan, mas naniniwala akong bagay ang dinuguan sa puto kaysa champorado at tuyo.

Leche Plan
trivia: ang leche ay hindi mura kundi spanish ng gatas

Salad (fruit, buko, vegetable etc.)
vegetable salad, fruit salad at buko salad, magkakaiba man ng pagkasalad, isa lang ang malinaw,
bilog ang mundo

Mga Prutas
siguro ito na yata ang hindi mawawala sa handaang pinoy tuwing bagong taon. mayroon tayong pamahiin na suwerte daw ang mga prutas na bilog dahil kahugis nito ang barya. pero hindi pa ako nakakakita ng baryang kasing laki ng melon kung meron man hindi na ito tinatanggap.

Inihaw na bangus, barbecue at iba pang kauri nito
Tuwing bagong taon maraming inuman, favorite ito ng mga magkukumpareng nagiinuman dahil masarap ipulutan.

Paalala:
ang mga datos na ito ay base lamang sa aking sariling pagmamasid at pagsasalikisik.
gumawa ako ng survey at tinanong ang sampung katao. ganito ang tanong
"ano sa sampu ang madalas na handa ninyo bago sumapit ang bagong taon?" pumili lamang ng dalawa,

a. biko at mga kakanin
b.pansit
c. spaghetti
d. lechon
e. adobo *baboy, manok, baka etc.)
f. dinuguan
g. leche plan
h. salad ( fruit salad, buko salad, etc)
i. mga prutas
j. inihaw (bangus, barbecue etc)

eto ang naging resulta:

LOADING...

o loading daw, maghintay ka baka bukas ulit may resulta na :)

ikaw ano ang sa tingin mo ang pinakamadalas na handa ng mga pinoy sa bagong taon?, pumili ng dalawa, pwedeng magcomment


Sunday, December 26, 2010

Pick-up Line Testing

pick-up lines, effective nga ba?
heheh, effective din buti na lang mabait tong si leah at willing tumulong.

sumubok uli ako baka makisa pa, heheh nahirapan ako. di gaanong effective.

Dahil wala na akong friends na babaeng pwedeng paggamitan nito, hiniram ko muna kay robin ang fb account niya, sinubukan namin kay nikki limson

konklusyon:
tiyempo o timing ang kailangan para sa ikatatagumpay ng pick-up line mo, wag maging atat.
ang kailangan lang talaga ay marami kang alam na pick-up lines para kahit anong sitwasyon ay may maiibanat ka kung may pagkakataon. kailangan din wag mong pahahalatang mag pipick up ka, kailang yung magtataka siya,
yun lang mga bata, paalam!


Bakit Ka Umiinom ng Alak?

Bakit ka nakikipag lips to lips sa alak?
  • dahil ba sa impluwensiya ng barkada?
  • dahil ba nakadikit na sa katawan mo ang pagkahilig dito?
  • for celebration lang
  • meron namang umiinom ng alak tuwing may gustong gawin o sabihin na di nila magawa tuwing nasa katinuan sila.
  • meron namang umiinom dahil sa sobrang kalungkutan.
  • ang iba naman ay napilitan dahil sa pakikisama,
tinanong ko ang katrabaho ko, "masasabi bang wala kang pakisama kung tumanggi ka sa tagay?"
ito ang sagot niya," ok lang kung kilala mong hindi talaga siya tumatagay, baka kasi may problema sa kalusugan o dahil sa relihiyon", pero pag kilala mong umiinom talaga ito, yun ung walang pakisama" ito ay ayon sa kanyang opinyon, at lahat ng opinyon ay tama. agree ka ba?
sabi naman ng iba kailangan ang bisyo sa buhay, naalala ko tuloy ang sabi ni bob ong

"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."



Kaya ko naikuwento ito, dahil ako ay hindi umiinom ng alak, hindi ako alcoholic, ang iniinom ko lang ay isoprophyl alcohol (funny)
huli akong uminom ng alak ay nung bata pa ako, katagay ko ang lola ko sa beer, sabi kasi pampataba daw ito. Pero mula noon hindi na, ayaw akong makita ng mga mahal ko sa buhay na umiinom, sabi ng nanay ko uminom lang daw ako tuwing magsecelebrate ng tagumpay, ang sagot ko namn, kailanman hindi ako iinom ng alak kahit patak.
katatapos lang nitong Pasko may nakaaway ang tito ko, hindi na bago kasi tuwing may okasyon siya ay lasing, at nakaaway niya ay lasing din. nasira ang selebrasyon namin dahil sa gulong ito. isa ito sa dahilan kung bakit di ako umiinom, dahil nagrerebelde ako sa alak. bakit ang mga tao nagtatanim ng galit sa kapwa niya samantalang sa alak ay hindi, samantalang ang alak naman talaga ang ugat ng pagkasira ng buhay ng marami.

Kahit na mahirap, hindi ako iinom, sumasama ako sa inuman ng mga kaibigan ko pero hindi para uminom, kundi para mamulutan, makisaya at makasali sa picture picture. ayaw kong uminom ng alak para maging huwarang mabuting kristyano. di rin ako umiinom para may karapatan akong pagalitan ang mga mas nakakabata sa akin.
"bago mo ayusin ang kapwa mo ayusin mo muna ang sarili mo".

hindi ako iinom ng alak dahil alam kong balang araw kailangan ko itong itong itigil. hihintayin ko na lang na sabihin sa akin ng doctor na uminom ako ng alak at makakatulong ito kaysa ihinto ko na ang paginom dahil makakasama ito.
Ang alak ay gamot ngunit lason naman pagininom ng sobra.

Sinisisi ko ang mga nakakatanda na nagiinom dito sa mga iskinita ng bagong barrio kung bakit ang mga kababata ko ay naging ganoon din, sinira niyo ang henerasyon namin!
Para sa iba pamporma ang paginom ng alak, ngunit para sa akin,
Kahit gaano pa kataas ang pinagaralan mo, kahit professional ka pa, pag lasing ka, bumababa ang pagkatao mo. ('yun ay sa aking opinyon lamang)

panahon pa ng nakaraang administrasyon merong batas na ipanukala ang Sin Tax, maganda sana ito dahil bukod sa lalaki ang kita ng bansa mula sa buwis na ipapataw sa mga sigarilyo, alak at iba pa. makakatulong ito para maiwas ang mga kabataan sa bisyo. Paano nga namn abot kaya lang ang presyo ng sigarilyo at alak, kahit na may nakasulat na "not for sale for minors" ay mabenta parin sa mga kabataan.
sa kasamaang palad ang batas na ito ay hindi napatupad, kesyo marami daw mawawalang ng trabaho pag nalugi ang kompanya. 
Ang buhay nga naman! Itagay na lang natin.


ang larawan ko habang pinagiisipan ang mga nabitawan kong salita

Saturday, December 25, 2010

Ang Pinaka-karaniwang Regalo ng mga Pinoy

Lahat tayo excited tuwing pasko, kasi nga naman para sa ating mga pilipino eto ang araw na muli nating makakasama ang mga mahal natin sa buhay, mga kaibigan, kakilala etc. Excited din tayo dahil dito bubuhos ang mga handa. isa pa sa inaabangan natin eh yung bukasan ng regalo. maaring sa christmas party o simpleng may gusto lang magregalo sa iyo. Gumawa ako ng listahan ng mga regalong madalas iregalo ng mga pinoy.

Alarm Clock
Kaya siguro madalas ito iregalo ng mga pinoy, sa kadahilanang tumatagal ito, kapakipakinabang ito at madaling balutin, mura at laging suwak sa usapan kung magkano dapat ang presyo ng ireregalo,
may kwento pa nga akong narinig , meron daw taong mula grade one siya ay laging alarm clock ang kanyang natatanggap, kaya lagi niya ng expected ito tuwing may kris kringle sa paaralan. at tama nga ang hinala niya palagi.

Picture Frame
madali itong balutin at maganda tingnan pag naka-wrapper na, mura rin ito at suwak sa budget, laging magagamit at tumatagal.

Teddy Bear
isa sa pinakamadalas ay ang teddy bear, bagamat laging nirerergalo hindi naman nakakasawa. pagalingan ang pagpili nito, minsan nga niregalo ko ito akala niya mamahalin, di nila alam buy one take pa nga.

T-shirt
ang t-shirt, eto ang madalas kong matnggap, siguro kasi nababaduyan sila sa porma ko,heheh.
madalas itong iregalo siguro dahil tulad ng mga nauna lagi itong available sa bangketa, at mismong may namamahay na nagbebenta nito pag malapit na ang pasko (avon, mse, natasha etc.)

Mug
ang tasa, madalas itong igive away, minsan mas maganda nga pag personalize ang pagkagawa, mura lamang ito, kapakipakinabang at tumaagal

Panyo at Face Towel

Ewan ko, madalas itong i-give away, mura at laging magagamit

Manika at Barbie Doll

Favorite matanggap ng mga batang babae, hindi ba nakakapagtaka pag nagustuhan ito ng batang lalake, patay tayo diyan pagnangyari yan!

Figurine
isa sa pinakamadalas iregalo ng mga pinoy ay ang figurine, lagi itong igi-give away, maganda idisplay. madalas gamitin ang figurine bilang souvenirs

Unan o Throw Pillow
Madalas magregaluhan dito eh ung magkasintahan(hindi ko nilalahat ah), para daw pag gising eh ung nagregalo kaagad ang naaalala. pwede namang tuwing namimiss ng isa ung kasintahan niya, simpleng yayakapin niya lang ito at ok na(wow kilig). mas maganda nga kung personalize o may picture na naka print dito.

Pera o Cash
Oh, sinong kokontra, ang pera na yata ang pinakamadalas iregalo, Lagi itong iginigive away, pag pera kasi ang iregalo mo matutuwa ang pagreregaluhan mo dahil siya na ang bahala, tuwing may karoling ano ang laging ibinibigay hindi ba pera? tuwing may pacontest hindi ba ang prize lagi ay pera,

Gumawa ako ng survey, tinanong ko ang 10 katao ano ang madals nilang matanggap. Pinapili ko sila ng dalawa.
a. alarm clock
b. picture frame
c. teddy bear
d. t-shirt
e. mug
f. handkerchief & facetowel
g. doll
h. figurine
i. pillow
j. cash

eto ang naging resulta:
no.1 cash nakakuha ito ng perfect 10 na boto
no.2 t-shirt nakakuha naman 7
no.3 picture frame nakakuha ng 2 boto
no.4 doll nakakuha ng 1 boto

kapwa naman walang boto ang mga sumusunod

a. alarm clock
c. teddy bear
e. mug
f. handkerchief & facetowel
h. figurine
i. pillow

itong resulta na ito ay mula lamang sa 10 katao, ikaw ano ang 2 pinakamadalas mong matanggap na regalo tuwing pasko? be honest!


Ito naman ang laging pinagbabawal iregalo

Baril-barilan at mga mararahas na bagay
Sabi ng simbahan bawal ito, sabagay bakit ka nga ba magreregalo ng baril barilan, nung bata ako, tuwing nilalaro ko, iniimagine ko meron akong kalaban, ito ay salungat sa diwa ng pasko na kapayapaan at pagmamahalan, na sanay tumatak sa isip ng mga bata,
pasensya na sa pamangkin kong si raymond, hindi kasi ako ang namili ng niregalo ko, sorry

Snacks atbp
ewan basta laging bawala sa kris kringle



Kahit ano mang matanggap mo ngayong pasko, lagi kang magpapasalamt ng bukal sa puso, hindi la laki, presyo o dami ang batayan, lagi mong tatandaan hindi lang mga materyal na bagay ang pwedeng iregalo, pwede na ang simpleng pagbati sa iyo ng merry christmas, kiss o hug.
hanggang sa muli merry christmas sa lahat, magmahalan po tayo
happy birthday Bro.


Friday, December 24, 2010

Xmas' should never be used

Una sa lahat Merry Chistmas sa iyo ,
pag nasa kalsada tayo mababasa niyo ung naimbentong salita ng mga sinaunang jejemons na PedXing,

ang ibig sabihin pedestrian crossing where X means cross? teka paano naman pag sinabing merry Xmas, edi kung bashin un EKSMAS o kaya CROSSMAS, hindi sumagi sa isip kong basahin ung CHRISTMAS dahil malayo ang salitang Christ sa X,

kaya mga bobong tagapagmana ng mali ang gagamit ng X pamalit sa Christ.
wag nating tatanggalin ang Christ sa pasko
ang alam ko kasi ginagamit ang X o ekis bilang simbolo ng mali o di-dapat.
halimbawa sa test paper, pag may X ibig sabihin mali,


kaya kung Xmas...
sa tingin niyo tama ba? di ba parang mali?
may nagsasabi naman na X ay parang Cross at ang cross ay sumisimbolo kay Christ,
medyo malayo ang ginagawa ninyong pakahulugan, bakit hindi na lang Plus sign (+) ang gamitin ninyo, o diba merry +mas kesa Xmas.
ayon naman sa pagsasaliksik ko sa wikipedia, nagsimula daw ang paggamit ng xmas, dahil ang X ay mula sa letrang griyego na chi at ang unang letra sa salitang griyego na "Χριστός" na kung bigkasin naman ay Christ, ang masasabi ko lang, ewan ko sa inyo, mas maganda siguro kung Cmas na lang, kasi english naman ang gamit natin at hindi alphabetong griyego.

salamat sa guro ko na si ma'am Asuncion sa Bagong Lote Elem. School. siya ang unang nagpaliwanag sa amin nito. at sumasangayon ako, wag tayong masanay sa mali, hindi ako isang pilosopo, tinutuwid ko lang ang mali at sinusunod ang naituro sa akin, at hindi nasayang ang pondong nilaan ng mahal na gobyerno para paaralin ako sa elementarya.

malaya kong tatanggapin ang mga komento ninyo at baka meron naman kayong punto de vista tungkol sa post na ito, pero sa ngayon dito muna ako sa alam kong tama
hindi ko papalitan ng X ang Christ sa Christmas
like niyo ako kung sumasangayon kayo

Merry CHRISTMAS

Cryptobrowser