Thursday, December 31, 2015

Balitang SHONGA (Showbiz Ngayon)

Ito ang showbiz tsika portion ng isumbongmo.blogspot.com.
ang Balitang SHONGA, Showbiz ngayon!!!
maghahatid sa inyo ng mga updates at latest scoop sa likod at harap ng pinalakang tabing.
mga celebs walang ligtas sa lente ng Balitang SHONGA

narito ang unang pasabog... boooshhh!!

YAMCHA-BULMA-VEGETTA what the real score?

tunghayan muna natin ang simula.
Bulma and  Yamcha Love Team
Si  Bulma ang love interest ni Yamcha. mula umpisa hanggang sa pagpunta nila Son Gokou sa Planet Nemek. then fast forward....naging si Bulma at Vegetta ang magka-love team. may nakapansin kaya nito? naging si Bulma at Vegetta agad, paano na si Yamcha?!
aRay k0 b3h!
ganito kasi ang nangyari mga shongangerz.
noong natalo na ni Son Goku  ang malupit na si Frieza at mga kampon niya.
sasabog na ang planet nemek. kailangan makatakas ni Son Gokou. huntikan siyang mahulog sa bangil. buti nakakapit siya sa isang tipak ng bato at di siya nabaldog.
shonga rin si gokou na akala niya shonga ang mga televiewers niya. lumilipad naman siya diba.
umaarte pa.
salamat at may spaceship siyang nakita.


suwerte. ang spaceship ay nakaprogram na pumunta sa isang payapang  planetang sunod na sasakupin nila Frieza.
doon nanatili si Son Gokou ng ilang taon. doon niya rin natutunan ang instant teleportation.

then umuwi siya sa earth. si Bulma at si Vegetta na ang mag-on. at may anak na. oh gosh.
si bulma nakapagteleport na rin ng love life.

masaya ang mag-asawa ngayon. at binata na ang anak nilang si Trunks
kung bakit naghiwalay si Bulma at Yamcha ay walang nakaka-alam.

may malaman na biro naman  ang funny ever na si Krillin.
"kung kami ni bro (Son Goku) ay naghahanap ng 7 dragon balls. si Yamcha ibang balls ang hinahanap. hahahah"

ano sa tingin niyo ang ibig sabihin ni Krillin?

So mga Shongangers, ayaw naman magbigay ng panayam si Vegetta. pinagbawalan rin niya si Bulma. nagbanta pa. baka raw pasabugin niya yung Pinas pag napikon siya. 
edi wag! sinong tinakot mo!

buti pa si Yamcha magiliw kaming pinunlakan at pinatuloy sa kanilang condo. pinakilala niya rin ang ka live-in partner niya.


The First Man Who Landed to the Moon Ever

B3n 2Lfowh At your service.

Faked Moon First Landing?
May katotohanan ba? o isang paninira?
Sino ang unang nakapunta sa Buwan?


 Siguro kung tatanungin kayo, kung sino ang unang tao nakapunta ng buwan. ang isasagot niyo ay si Neil Armstrong, at si Buzz Aldrin. nasa loob naman ng sasakyan si Collins. hindi ko alam ang first name baka Jack. Jack Collins, Max Collins, pwede ring Collin Heusaff. o yung partner ni Billy Crawford --- Collins Garcia.





Ayan ang alam ko, isang amerikano ang unang naglakbay sa buwan.
Neil Armstrong: The First Person Who Walk on the Moon
siya nga si Neil Armstrong, iyan ang turo ng aking mga guro. ngunit ng ako ay lumaki na. nagtrabaho sa isang respetadong inteliigence agency sa loob at labas ng bansa.
marami akong natuklasang mga bagay. mga katotohanan at kasinungalingan. marami ring teorya at mga claims. isa sa mga nakapaggimbal sa akin ay ang interview kay bay na taga Davao.
di niya sinabi ang pangalan niya. at kahit na sabihin niya ay di ko ibubunyag para narin sa proteksyon ng nasabing tao.

aniya, totoong nakapunta na ang mga tao sa buwan ngunit hindi mga amerikano ang unang nakatapak sa buwan kundi siya na hamak na cameraman lang na tubong Davao ang unang nakatapak sa balat ng buwan.
ganito ang kwento.

bukod sa 3 astronauts. nagsama sila ng isang camerman. pinalad ang davaoenyo pera at big break nga naman ito. ngunit ang kasunduan ay wag na wag siyang tatapak sa moon paglapag roon. dapat ay mauna si Neil Armstrong. sa loob lang rapat ng spaceship siya manatili.
sucessful sila sa pagland. nagyakapan ang 3 sa tuwa. inutusan ni Neil Armstrong ang davaoenyong cameraman na kuhaan ang pagtapak niya sa lunar space. lumabas siya ng spaceship at pumuwesto kaagad.
"ok joe, do the 1st step on the moon surface, GO!" masayang anyaya niya.
namutla at nanlaki ang mata ng tatlo lalo na si Neil.
napakamot si collins, nanghihinayang at pailing iling si Buzz Aldrin, umiiyak naman si Neil Armstrong. dahil isang cameraman na sabit lang ang unang nakatapak sa moon.
"I told you many times. stay at the spaceship."
wala na silang nagawa, inilihim nalang nila ang pangyayaring ito.


Sino ang kumuha ng litrato? ang sagot ay ang sagot rin sa katanungang, sino ang unang nakatapak sa buwan?
nagulat na lang siya nang napabalita ang pag land ng 3 sa moon, at sila raw ang first ever. di man lang siya nabanggit kahit pang 4th man na lang. yan ang kinasama ng loob niya. sinubukan niyang magpunta sa NASA Headquarters ngunit di siya pinansin. kinaladkad siya palabas at pinagbubugbog. tinuring ang 3 na superstar habang siya ay sinabihang nababaliw  sa pakikinig ko, di mapigilang pumatak ng aking mga luha.

Yun ang kanyang kwento. kalakip nito ay mga ebidensya. may bonus ring maiksing Q&A. 
B3n 2Lfowh: Bay, Mabigat na alegasyon ito.
ikaw bay ang kumuha ng video at pics. so ikaw ang 1st ever who landed.....?
Mr. Cameraman: shhhhh shhhh mismo! its me, myself, and I. and this is the evidence hahaha oo bay.
sino kaya yung cameraman?

B3n 2Lfowh: bakit ako maniniwala sa picture na yan? 
Mr. Cameraman naniniwala ka nga rati sa picture lang eh (picture ng 3)? 
at sino sa tingin mo ang kumuha ng video nila.? 
Ako ang nagcoverage, siyempre dapat nakapuwesto ako. ako ang cameraman nila. ako nga maniwala ka. naitanong mo na ba sa sarili mo na kung sino ang cameraman nila?
 3 sila nakapabebe, sino ang nagclick ng camera?
sino nagsabi ng say cheese? MAKULIT KA, AKO NGA, AKO NGA! 
B3n 2lfowh: Bakit ngayon ka lang lumantad?
Mr. CameramanMatagal na akong lumantad ngunit hawak ng CIA ang media. may banta sa buhay ko at tumakas ako papunta uli sa bayan natin. dito ako nagtago at naghintay ng tamang panahon. maaring walang maniwala sa akin pero naniniwala ako sa isang kasabihan.

may 3 bagay na hindi matatago, ang araw, ang buwan at ang katotohanan.


naputol ang aming usapan, maaring may naginterrupt sa paguusap namin. may mga kahinahinalang tao sa labas na nagmamanman. hanggang dito na lang muna ang kwento ko.
may bayad na ang susunod na katanungan.





Friday, December 25, 2015

TIPS sa Pag-gawa ng Resume (Specially for Beginners)

isumbongmo.blogspot.com sumbong, solusyon at aksiyon. boom!

Narito ang inyong lingkod B3n 2Lfowh para maghatid ng bagong kaalaman at payo sa pag gawa ng Resume o Bio-Data.
Ang Bio-Data o Resume ay naglalaman ng mga personal na impormasyon ng isang tao. pati educational background, at work experience. kailangan ito lalo na kung ikaw ay papasok ng trabaho.
pero bago ang lahat, paalala lang po, ang blog na ito at ang mga naka-vandal
 ay para sa katuwaan lamang. wag masyadaong seryoso. huy!

1st Tip:
kung paano gumawa ng resume? i search lang sa google ang keyword na resume formats.
makakapili ka roon ng ibat-ibang struktura ng bio-data. pumili ng pinakasimple pero "payak". simplicity is .... tipid.
magpatuloy pa sa kawiwiling pagbabasa ng bagong kaalaman..

2nd Tip:
gawing one page lang ang iyong resume upang madaling basahin ng interviewer lalo na kung wala ka pa namang gaanong work experience o credentials. piliting maging maiksi ngunit detalyado. wag mo nang ipagmalaki yung lolo mo na war hero. tiyak na wala yan sa lolo ko.

3rd Tip:
madalas na inalalagay ng iba sa kanilang objectives ang katagang "as a stepping stone... blah blah blah"
masakit ito para sa kompanyang papasukan mo. ang ituring na tuntungan lang para sa pangarap mo. isipin mo na lang na may nanliligaw sa'yo at sabihing niyang gusto ka --- for experience lang. ouch di ba? sadnu?

4th Tip:
ito ang mga dapat hindi mawala sa sa isang resume.
name, address, contact number & email address
age: 18
address.
weight: 50 to 56 kgs (depende kung busog)
height: (insert your height here)
sex: never

5th Tip:
sa date naman, ah eh, problema ko rin yan, wala rin akong date. hu hu hu.

6th Tip:
pwede ring ilagay ang religion, province. isama na rin ang iba pang talento,  kasanayan at strengths.
importante ito para sa first impression nila sa iyo. kasama na ang signature, lagyan ng heart shape para cute tulad ng pirma ko.
7th Tip:
kung malaki ang mukha, gumamit ng 3x3 para magkasya, ipaliwanag maigi sa interviewer na di kasya ang mukha mo sa 2x2.

8th Tip:
wag mo nang lagyan ng kiss mark/lips mark ang resume.

9th Tip: 
Mag drowing sa blankong likod ng resume. in case na di ka matanggap. at sabihing tatawanan este tatawagan ka na lang nila. ang totoo ay ayaw nila sa'yo. kaya "at least" di nila magagamit na scratch paper ang resume mo. nek nek nila.

10th Tip:
gumamit ng tissue paper instead of coupon bonds, syempre magtataka siya kung bakit tissue paper ang resume mo.
ganito ang isasagot mo.
"ganyan kalinis ang hangarin ko".
kung nakornihan siya, isisi mo kay bob ong wag sa akin, sa kanya ko nabasa to.

muli ito ang inyong b3n 2lfowh, lingkod niyo at nagpapasalamat sa pagbasa sana ay natulungan kita.
wag mahiyang mag-iwan ng comment tungkol sa post.
salamat sa mga natanungan ko at kay pareng google.com.

Tuesday, May 12, 2015

Paano Maligo

naiinggit ka, kaso wala kang magawa,
gusto mong gawin, ngunit di mo kaya.
paano nga ba maligo? ang tanong ng marami, Paano ang kanilang iyak?
huwag mag-alala at nandito ako. b3n 2Lfowh aalay po ng tiyak.

Paano Maligo
Maaga akong natutong maligo. tandang tanda ko pa bata pa ako  -kurt 5,
Malabon


Paano Maligo
Masarap maligo --- Eva

Para sa mga first time pa lang maligo. narito ang instructional guide kung paano maligo. simple lang at madaling matutunan.

Materials: Balde, tabo, adequate water, tuwalya, sabon at shampoo (optional).
basta meron ka ng nabanggit na mga materials ay pwedeng mag undergo sa pagliligo.
ngunit kadalasang sa banyo ito isinasagawa. para na rin sa privacy mo.

1st Step: Prepare Yourself
pwedeng maligo ng nakadamit. pero masyadong advance yon at inhuman. kaya prefer ko ang mag take off ng clothes kung maliligo.

2nd Step. Magbasa
punan ang balde ng tubig, sumalok gamit ang tabo. at ibuhos ito sa katawan. siguraduhing nabasa mo ang 100 % ng iyong outer space.

3rd step : Cleansing
A: then gamit ang sabon. linisin ang buong katawan. gumamit ng panghilod para sa better cleansing. may gumagamit ng bato na panghilod. pero advance bathing na ito at risky para sa mga beginnner gaya mo.
Warning: mapait ang sabon at masakit sa mata. onting tiis lang. wag magpanic. hanapin ang tabo kapain kung di makakita. relax at buhusan ang mukha mo.
B: I-Apply ang shampoo sa buhok.

4th step. Magbanlaw
Gawin lang ang ginawa sa "2nd step". siguraduhing wala ng sabon o shampoo ang sarili.
ito ang pinaka exciting na parte. baka maadik ka pa sa pagbabanlaw. malamang mangungulobot mga daliri mo, maging color rainbow ang labi mo at di ka na magpanext sa susunod na gagamit ng banyo sa sobrang saya.
para sa masayang pagbabanlaw. itaklob ang may lamang tabo sa ulo mo at hintaying maubos ito.
sa huling banlaw. buhatin ang baldeng may 20% na laman. at ibuhos sa sarili.(LaMIIIggG!!!)
'Wag matakot sa tubig -andi (Agua Bendita)
5th: Drying
punasan ang sarili gamit ang tuwalya o kahit tissue paper.

6th and final step: Paraphrase.
finalyzing operation... (remember) magtapis kung lalabas ng banyo.
magsuot ng malilinis na kasuutan, magsuklay at mag pulbos paraphrase. (para fresh).

Ayan! Congrats marunong kanang maligo. mag celebrate and i-share sa friends mo sa facebook ang magandang karanasan.
ang pagliligo ay araw-araw, pwede ring twice or thrice or more everyday. may advance bathing din na gumagamit ng bath hub at shower instead na traditional na tabo.  kung kaliwete, walang problema dahil suitable for both right handed and left handed ang tabo.

TIP: para happy ang pagliligo. pwedeng kumanta o sumayaw at kahit sabay. merong sumisipol at tumutula. meron ding nagsha-shadow boxing. merong umiiyak. nag ala-Gary V o michael jackson. depende sa trip mo. meron ding advance bathing na naglalagay pa ng disco ball.

may rumors din na nang mga artista ay gumagamit ng fresh milk sa paliligo dahil nakaka-nourish at nakaka puti raw umano ito ng balat. ngunit magastos ito at hindi tayo 100% sure, kaya
inumin na lang ang gatas. siguradong healthy ito sa balat dahil sa mga sustansiya nito. kesa sayangin lang.
makikinabang din ang brain, eyes, bones at other body organs sa calcium content nito.

ngayon at nagbago na ang lahat. marunong ka nang pangalagaan ang sarili mo. mahalin ang sarili at ang kapwa. maligo araw araw at wag katamaran. kung ang sardinas nga may LIGO, dapat ikaw rin may ligo.

salamat sa pagbabasa. sana ay nakatulong ako. para sa iba pang impormasyon, magcomment lang rito. malulugod akong pakinggan ang mga opinyon, tanong at reaksyon ninyo. salamat.


Sunday, March 15, 2015

Bagsak Presyo, Shop Now!!!

ebay, lazada, ayosdito, sulit/olx.com.ph o maski amazon. di niyo mahahanap ang mga items na ibebenta ko exclusibo! dito lang sa isumbongmo.blogspot.com makakatagpo ng mga cool at quality products at a very low price. kaya saan ka pa, dito ka na!

For sale:
Owner Type Jeep.
Price: 12 k (negotiable)
Condition: Used

* okey naman sir ang sasakyan, stainless ang body,  power steering at diesel ang gasolina kaso yung windshield may grado.








For Sale
Honda WaveRM
Price: 14 k (negotiable)
Condition: Used
* okey naman sir ang sasakyan,  power steering at diesel ang gasolina kaso yung Upuan inodoro.



For sale/Wholesale:
Item: Ketchup. gawang pinoy ito kaya proud to be.
bili na kayo nitong Ketchup na kulay blue. bago sa pandinig diba?
meron din kaming Hotdog na kulay blue. bili na beh..




For Sale:
parang Google Chrome noh?
Item: Tabo for Lefthanded
gawa sa Venice Italy, dinesenyo ng isang sikat na arkitektong si Rafaelo Bulvuichikik
Price: 3 isandaan
kung ikaw ay kaliwete o lefthanded. walang problema. dinesenyo ni Rafaelo ito para pwedeng gamitin ng mga kaliwete.










For Sale:
Item:  Instant Water Powder.
simple lang, kung ikaw ay nauuhaw. magbaon lang sa bulsa ng pakete ng instant water powder na ito. simple lang ang instruction. just add water at meron ka nang intant water. anytime, anywhere.

For Sale:
Item: Brown Out Detector
para sa mga techy diyan. bumili ng bagong technolohiya na ito. galing Japan
very user friendly. simple lang ang purpose nito. nalalaman nito kung brown out sa inyo.
ikabit lang bumbilya na ito sa bukilya ng dati niyong bumbilya. pag umilaw hindi brown out o may kuryente and vice versa.










 For Sale:
Item: Isumbongmo Secret Agent Hooded Jacket
Price: 15,000 kasama na resibo
*Para sa mga secret agent na gustong itago ang identity










Meron din kaming serbisyong ina-alok:
Malabanan Medical Group.
Mahina ba ang iyong sikmura o panunaw? ikaw ba ay pinahihirapan nito? ito na ang sagot sa kirot na tinitiis mo tuwina. ipa-transplant ang bituka ng kambing sa bituka mo. napag-alaman kasing 10 times na mas mahusay tumunaw ang digestive parts ng ibang mammal kaysa sa tao partikular na ang Goat. malapit ang DNA strand ng kambing sa tao, kaya oks na oks dahil compatible pati ang tissue structure nito. Scientifically proven na ito at aprubado na ng WHO. another good news ay walang side effects ang transplant. mura at mabilis lang ang operasyon para ka lang nanganak. onting pahinga at wala nang problema. kumain ka na ng gusto mo. hooray!
kaso may minor problems lang, yung ebs mo.
tuldok tuldok din.





Ayan na po ma'am, sir, ate, koya.
pili lang kayo. ang presyo laging mapag-uusapan yan.
kung ikaw ay may napusuan na, huwag mag atubiling magcomment gamit ang FB.
bukas din ang aking buy and sell portion na ito kung may nais kang ibenta o nais hinahanap na wala rito.
abangan din ang iba pang bagong items.

Maraming salamat po sa pagsulyap sa aking paninda. paalala lang po ito ay biro lamang.
kung feel mo nasayang ko ang oras mo, okay na yan kesa mag drugs ka diba?
wala akong ibang pakay kundi ang mapasaya ang araw mo. salamat sa'yo kay empoy sa bubble gang, sa philippinesthesickmanofasia.blogspot.com, kala kuya at sa mga napulutan ko ng kwento.

 God Bless.

Monday, March 2, 2015

Miss Pakipot by: Urban Flow



INTRO 
Ahh, hooh 
Ahh, hooh 
CTG kita, miss, miss pakipot 
CTG kita, miss, miss suplada 
CTG kita, miss, miss maganda 
Sa palagay ko, mahal na nga kita 
Ooh 

Miss, miss, miss, ba't ang suplada mo 
Sayang ako'y in love sa 'yo 
Pero teka, teka, teka, teka, teka 
Ganyan na ba talaga ang ugali nila 

Baka naman ay nagpapakipot lang 
Ilabas mo na baka mapanis lang 
But I guess sa mukha kong ito 
Ikaw ay magkakagusto (swing) 

Okey lang sa akin kung iyong sasabihin 
Na ako ay mayabang o mahangin 
But I know may chance pa ako 
Na makamit ko ang matamis mong "oo" 
Ooh 

CHORUS 
Crush kita, miss, miss pakipot 
Type kita, miss, miss suplada 
Sorry ka, miss, miss maganda 
Sa palagay ko mahal na nga kita 
Ooh 

What's the use of beauty kung ikaw ay ganyan 
Pati ang puso ko ay nahihirapan 
Halos araw-araw kitang inaabangan 
Sinusulyapan at napapanaginipan 

Hindi ka na maaalis sa aking isipan 
Para kang si Eba at ako si Adan 
Everything I do, I do it for you 
'Cause there's no more love than my love for you 

Ang pag-ibig ko sa 'yo 'sing bango ng Polo 
'Sing tamis ng Milo, 'sing sarap ng Nido 
I want you to know ang pag-ibig ko sa 'yo 
Ang pag-ibig ko sa 'yo sagad hanggang buto 
Ooh 

[Repeat CHORUS] 

Ahh 

And one year fades sa paghihintay 
I got her "oo" sa malupit n'yang kamay 
Kaya ngayon kami'y magkasama 
Sa lungkot at ligaya 
Ooh 


--------------------------------------------------------
Sa tuwing maririnig ko ito. parang bumabalik ang mga ala-ala. bata pa ako nang lagi ko tong naririnig. favorite 'to ng mga kuya at pinsan ko.

CTG kita, miss, miss pakipot 
CTG kita, miss, miss suplada 
CTG kita, miss, miss maganda 


Akala ko nga rati "chipi-chipi gum" imbes na "CTG kita"
ang meaning nga pala ng CTG ay Crush, Type, Gusto. okey ba mga bata?

ngayon ang rap, kamusta?
yung mga kanta kaya ngayon ay magtatagal at uulit-uliting maririnig din ng mga susunod na henerasyon?
maliban sa mga kanta ni sir Gloc9, bassilyo, ron henley at ng iba pa. wala ka nang matinong marinig.
yung boses, yung tugtog, yung lyrics ewan.
AYOKO TALAGA NG MGA RAP NGAYON. buti pa rati.
sabi naman ng iba edi wag ko raw pakinggan.
hindi naman sapilitan ito.automatic, binansagan nila akong haters o bashers. sadnu?

sa kasamahang palad, lagi kong naririnig ito sa Jeepney (pag under maintenance ang private chopper ay nagko-commute ako). hindi ko naman pwedeng takpan ng kamay ang mga tenga ko. (para akong nang-aasar non.)
pagnaririnig ko yung garalgal na boses ng mga rapper  na tila naga-amok. humahaba ang nguso ko at umaasim na parang nalulukot ang aking mukha.
 para akong naka-amoy ng utot. eeewww
tapos magagalit pa yung katabi ko?
 "nakiki-amoy ka na nga lang, galit ka pa."
"ang bango bango kaya?. parang narerejuvenmate yung kaluluwa mo kaya."
"takpan mo na lang ilong mo, ang te-arts mo"

tulad ng ilong, nasasaktan din ang tenga.
Opo tama po walang pilitan. nasabi ko lang naman ang opinyon ko.
pero kung tutuusin. wala naman ding masama kung tatanggapin ito bilang guide.

SURE ITO BEYBEH!

Meron akong blog, puro jokes. may natawa at meron namang nagcomment ng ganito; "ano ba yan makaloma na, ang corni ng mga jokes,"
isang kritisismo, nakaka sad syempreh. pero imbes na magbigti. sinubakan kong alamin kung ano ang corni, pinalitan ko, inayos  at naging mas mapili sa mga jokes. natutunan kong mahalaga ang opinyon ng iba. lalo na yung honest opinion.
ang naging resulta. tumaas ang pageviews.

ganun din sa rap ngayon. imbes na magtampo bakit hindi natin ichallenge ang sarili para tumaas pa ang kalidad ng mga awitin. makinig ng kantahing de kalibre. at suportahan ang mga artist na talagang may sense.
wag pairalin ang pagiging panatiko. i-push ang mga idol natin na gumawa ng magagandang kanta at huwag kunsintihin pag tae ang binebenta.
pag nangyari yun. ilang magandang kanta taon-taon ang mapro-produce ng industriya. pyesta ang tenga natin at sure akong may potential ang mga pinoy sa international scene. sa bagay maski naman sa hollywood. may mga kantang basura. kung ikaw ay fan di JB, wag sanang magalit. ako ay nagsasabi lang ng opinyon ko.
Quote of the DAy
tunkol naman sa mga HATERS mo.
kung may regular haters ka na lagi na lang pamumuna, natural lang yan siguro sikat ka na o sikat na ang idol mo. tulugan mo na lang, magkakamuta ka pa. 
maraming tao ang pangaral ng pangaral. di nagtira para sa sarili. ayun malungkot sa buhay. sarili niya di napangaralan. 




Thursday, February 26, 2015

Pag-Ibig at Pag-Ihi

Pag-ibig at Pag-Ihi
by: Balong Bieber (UTI Patient) 

What is love? ano ang pagmamahal?,
Aray ko beh! hindi ko alam.
Kaysa pa pag-usapan yan.
Pinu-foodtrip ko na lang

Gaya ng Pag-ihi, ganun rin ang Pag-ibig.
Ikay mapapangiwi, sadyang nakakakilig.
Nakakaginhawa, minsan nakakasakit.
Napakasarap, oooh! ikay mapapapikit.

Minsan mahapdi, minsan madugo.
Minsan madalas. minsan kahit sa kanto.
Minsan di sadya. minsan pinilit ko.
Minsan bawal. may lugar para dito.

Maiinit siya sa pakiramdam,
Maalat siya sabi ng halaman.
Ito'y di mo nararapat paglaruan,
Ngunit pwede mong lagyan ng style.



Minsan di mo matiis, minsan may bato-bato.
Minsan marami, minsan onti po,
Taong nakatayo o nakaupo, nararanasan ng kahit na sino.
Depende sa iyo ang magiging kulay nito.

Friday, February 20, 2015

Oplan Hablot. Nag leak!

Natanggap ko via email ang tungkol sa sabwatan para paghiwalayin ang magkasintahang Darwin at Chelsey.
diumano'y ang utak rito ay si Jerry. nais niyang agawin si Chelsey. narito ang laman ng nasabing conspiracy plan.

------------------------------------------------------------------------------------------
(FEB. 3, 2015)
Jerry: eto yung tungkol sa plano. paghihiwalayin natin sila. .......bwuhahaha........
ganito ang plano. ikaw Eddie makikipagclose ka kay Delta (refers to Darwin). KASI BADING YUNG HAYUP NA YUN. so bale kailangan mainlove/mabading siya sayo. gumastos ka kung maari.  ikaw naman Jerby. mahalaga ang papel mo. pag naka-ipon ka ng isang kilo dalhin mo sa junkshop yung papel. bukod pa doon pogi ka, kailangan nandiyan ka pag nag taksil na si Delta (refers to Darwin) o sumama na siya kay  Eddie. Eddie wow.  then papogi pa more para mainlove siya sayo. makikita niyang may nagmamahal pa sa kanya.
yung dating pagmamahal ni "Chelsea my dear" kay Delta ay mapapalitan ng galit. .....bwahahaha....

oo panakip butas ang role mo. pero magpapakasal kayo. so doon na ako papasok  matutuloy ang kasal niyo.
pero sa marriage contract. imbes na Jerby, o pangalan mo  ang nakalagay roon. papalitan natin ng Jerry.  bwuahahaha
JERBY and JERRY, nakakadaya diba?

bwuhahaha

bwuahahaha

bwuahahaha

di niya mapapansin yon kasi magka tunog. Jerby at Jerry
magugulat na lang siya. "WHAT!".
may katibayan na ako at pirmado niya. kasal na kami hehehe.

sasabihin niya "OMG Mali."

eto isasagot mo. kunwari malungkot ka.

"huhuhu, taksil ka Che. huhuhu. pero masaya narin ako at ang pinalit mo ay deserving! wheeeW!...
dahil nandiyan na yan, pirmado na. Conrats na lang Jerry and Chelsea. more power to both of you. ... the newly wedded couple! wheeew! wheew! hooray"

malinaw yan ha brod . pagmakulit pa rin. takbuhan mo.

hehehehe

so... akin na siya. cheers!

stick to the plan team. walang ibang makaka-alam dito dahil mag-isa ko lang pinost sa fb. walang nakikinood sa likod ko kaya. sure ball to beybeh.

isa pa. tatawagin natin itong Oplan Hablot. ito ay secret masterplan. kaya secret siya.
at mananatiling secret hanggang MISSION COMPLETE.

para sa plan B. if ever na di magtagumpay.

kunin mo akong midwife. ok? copy that!

Jerby and Eddie: roger that!
--------------------------END OF CONVERSATION--------------
salamat sa nagbigay ng intelligence report.


alarming diba?
So kung kayo ay kamag-anak ni Chelsey o Darwin, may panahon pa para ipabatid ang napakahalagang impormasyon na ito. andito lang ang inyong lingkod, b3n 2Lfowh. umaalalay!

Thursday, February 19, 2015

SUMBONG: Tindahang Ubod ng Bagal

Emergency! kulang ang mantika.

"anak bumili ka ng mantika at kakapusin tayo, pakibilis."

kaya tumakbo ka sa tindahan.

"opo mamah".

dahil nagmamadali, nakalimutan mong ang tindahan na pinuntahan ay kilala sa bayan dahil sa sobrang bagal magtinda. anyare?!#$  syempre maghihintay ka, useless yung pagkaripas mo ng takbo. kahit nangangatog ka na at di mapakali, wala kang magagawa kundi maghintay ng matagal.
galing rito ang larawan 
 pag-uwi, di rin naka-abot yung mantika. magagalit si nanay at pagtiya-tiyagaan niyong kainin ang prinitong lasang sunog. sad diba?
ULAM NA NAGING ABO PA :(
siguro naranasan mo na ito, bumili at maghintay ng siyam-siyam sa tindahang ang bagal.
kung hindi pa. ay naku napakasuwerte mo. higit kang pinagpala.
napuno ang inbox ko ng mga sumbong tungkol sa tindahang mabagal sa ibat-ibang dako ng pilipinas.
mayroon pang kuwento ng batang bumibili na inabutan ng curfew.
ang kaso na ito ay di dapat ibalewala lang ng gobyerno. maraming bata ang nakakatikim ng palo mula sa mga magulang. may iba pa nga na inun-friend at bina-blocked sa fb. (ANONG KLASENG NANAY YAN!)
akala ng parents nila ay naglaro lang ang mga kids kaya natagalan.
pero ang puno't dulo ay napabili sila sa tindahang ang bagal kumuha ng paninda at ang bagal ding manukli.
yung yelo natunaw na bago maiabot sa bata.


batu-bato sa langit ang tamaan 'wag magagalit.


nakakainip pong mag hintay ng napakatagal. di naman siya nakakamatay pero nakakadengue.
panu ba naman daming lamok. may tindahan sa amin lagi kong iniiwasan pero may time talagang napapabili ako. nagbabakasakali na yung nagtinda eh yung apo niya. opo ang tindero talaga roon ay si mang ___. siya ay senior citizen.
(kaya pala.)

pero may mas malupit pa diyan. sa dati naming tinitirhan sa Pasay.
pinakagrabe yon. magkakabalbas ka sa kahihintay. pag-uwi mo sa bahay mo advanced na ang technology. taon na pala ang nakalipas sa kahihintay. kung estudyante ka ay male-late ka. kung masakit ang ngipin mo ay magaling na bago ka pa makabili. may-edad na rin ang tindero at tindera kaya no choice. manigas ka o lumipat ka!

hindi ko kinukunsinte yung mga mamimili na bastos lalo na yung mga bata. hindi ka naman pinipilit na bumili sa mga tindahang mabagal much. kung may sasabihin ka at di maganda wag mo nang sabihin. gumamit ng magagalang na salita kung may nais sabihin.  iwasan ang pakikipag-away.

kaso dama ko ang pakiramdam niyo. gusto mong sumigaw diba?

kaya eto ang purpose ng blog na ito. kung may hinaing kayo sa mga tindahan na ang bagal magtinda ay dito isumbong. mag kuwento rito tungkol sa experience mo at imbes na makipag-alitan, gawin nating nakakatawang ala-ala. at malay mo mabasa nila at matauhan. balang araw.

halina't gamit ang FB ay pwedeng ikuwento sa fb comment box. meron ring blogger comment box para sa ibang options.


Wednesday, February 11, 2015

Mga PamahiinTungkol sa Pagtutuli


Narito ako ngayon para maghatid ng mga kaalaman ,  paniniwala o pamahiin natin patungkol sa pagtutuli.
Narito ang ilan sa mga pamahiin tungkol sa pagtutuli.

1.Tagpos Lang Maliligtas este Matutuli?
Pag di ka pa tuli o supot. natatakpan pa ng balat ang ulo ng pototoy mo. Pag magpapatuli, "tatanungin ka kung tagpos ka na ba?"
Ibig sabihin ng "tagpos", Labas na ba ang ulo ng kuwan mo? Kasi kung nakadikit o nakakapit pa ang balat at nababalutan pa ang surface ng ulo. hindi ka pa tagpos.
Kailangan maipalabas mo ang ulo at ipakita sa magtutuli sa'yo bilang pruweba.
May operasyon naman na di problema kung hindi. Sila na ang magtatagpos ora mismo.
So makatuwid kailangan tagpos na, pero may paraan naman kung hindi pa. Tignan mo may mga bata na tinuli na noong sanggol pa lamang.
Pero siyempre, mas madali at mas mainam kung tagpos ka na o ang bata, o ang matanda o ang tatay mo.
Pero pwede ring di na lang magpatuli. your choice teh,
Andito lang naman ako para ihayag ang ilang ek-ek tungkol sa pagtutuli pati na rin ang mga pang-iinsultong mangyayari at mangyayari talaga sa iyo if ever na sumagot ka ng "Ayoko"

2. Nakakatangkad ba?
Nakakatangkad raw ang pagtutuli. Wala namang "Scientific Basis". Kung meron text mo ko.
At kasi average height ng mga pinoy 5''5' lang. naka heels na yan. Sa tingin ko walang kinalaman sa pagtangkad ang pagtutuli. Kung meron text mo uli ako huh. alam mo na ba number ko?

3. Mangangamatis Kapag Nakita ng Babae.
Nangangamatis raw pag nakita ito ng babae? Sagot ay "Hindi". hindi naman maiiwasan ang pangangamatis, masama mangalabasa. ahihi. Sugat kasi iyan.
Mangangamatis o mamaga parehas lang yon. Sundin ang reseta ng doctor para maiwasan ang impeksiyon at mapadali ang pag-galing.

4. Mutaing Anak
Magiging mutain raw ang magiging anak ng lalakeng di pa tuli . Ewan, pero google niyo yung mga anak ng mga europeong supot.

5. Bading ka raw Pag di ka Tuli.
judge mental?

6. Bayabas as Panlinis o Panlanggas. 
Anti-biotic ang katas ng dahon ng bayabas, mas makatas ang sariwang dahon nito. pumitas din ng bunga at bigyan ako.

7. Religious Ritual 
sa Israel tinatawag na hentil ang mga hindi tuli.--- dito sa amin supot.

8. Personal Hygiene 
Ayon sa balita. maliit ang tsansa ng mga tuli na magkaroo ng STD (Sexual Transmitted Disease).
Mawawala rin yung kups (mabahong substance sa pototoy) pag tuli na. kumbaga sa mata wala ng muta.
Patuli ka na for better.

9. Tuling Pukpok. 
Kadalasang ginagawa ng mga albularyo gamit ang labaha.
Papanguyain ka ng bayabas. tapos idudura mo ito sa sugat/cut ng pototoy. Sisigaw si manong "next".
After niyan isasauli niya na ang hiniram na labaha sa kaibigan niyang barbero.

10. Malamig na Halo-halo 
kahit anong malamig para bumagal ang pagdurugo ng sugat at marelaks ka ng di ka himatayin pag nakakita ng dugo.

Ayan na ang Mga PamahiinTungkol sa Pagtutuli. Parte na ng kultura natin at ng masayang kabataan. ang buhay nga naman ay parang ganyan din. walang mapapala ang takot. lakasan ang loob at sa huli mapapangiti ka na lang pag sinariwa mo ito tulad ko. Halina't magpatuli.
hanggang dito na lamang at salamat sa pagbasa, mabuhay ka!


Thursday, January 22, 2015

Batas at mga Karapatan, Ituro sa Eskuwela.

ang kamangmangan sa batas ay hindi dahilan,
hindi palusot, hindi pwedeng ikatwiran.
ngunit ito ang masakit na katotohanan.
marami sa atin ang ignorante diyan.

ang kaalaman sa batas ay gaya sa matematika,
kailangan sa buhay nang hindi madaya.
kaya ang blog na ito ay may panukala,
batas at karapatan, ituro sa eskuwela.

Walang maloloko kung walang nagpapaloko,
kung alam mo ang batas, ilag ang dorobo.
hindi ka na kakayan-kayanin ng mga konyo,
sa batas pantay ang pagtrato sa inyo.

gumagrabeng agwat ng mahirap at mayaman.
ay ibabalik natin sa pagkakapantay-pantay,
dalas at bilang ng mga inaapi at iniisahan.
ay  mabilis na mababawasan o mapaparam,

sana nga ituro na mula sa elementarya.
dahil mahalagang matuto ng maaga.
karapatan at batas na meron ka,
meron rin sila, kaya igalang mo nawa.

ito ang pandaigdigang kalasag ng kahit sino.
ang konsiyensa mong magsasabing "oops illegal 'to".
bayan natin bubulusok sa pag-asenso.
uulitin ko, Batas at mga Karapatan, sa Eskuwela'y ituro.


:Rap remix:
yeah its b3n 2lfowh in the haws!
(make some noise)

I wish everyone knew the law,
their rights and how it fl-flows....
kung tutulungan lang ng goverment
gawing maalam ang kanilang constituent.
ang batas at karapatan, Ituro sa Eskuwela.
kailan? (kailan)
kailan? (kailan)
kailan? (kailan)
s-sana dati pa.
Sana dati pa (repeat until fade)

http://involuntaryignorance.blogspot.com/


Friday, January 16, 2015

Mga Jokes Tungkol sa Mani

May joke ako tungkol sa peanut butter.
gusto niyong malaman?
'wag na baka SPREAD niyo pa :)

Juan: (kumakain ng mani) Nene, gusto mo?
Nene: ay! ayoko, tinitigyawat ako sa mani
Juan: buti pa ikaw sa mani tinitigyawat, ako sa mukha.

Knock Knock
Who's there?
pritong sawa, pritong mane, sinigang kare-kare
pritong sawa, pritong mane, sinigang kare-kare, who?
pritong sawa, pritong mane, sinigang kare-kare, hallelu... hallelujah...

Sisiniko ni juan si pedro
Pedro: ma'am si Juan naniniko.
Teacher: Juan, Alam mo bang masakit ang maniko?
Juan: Ma'am ano namang pake ko sa mani niyo?!

Tanong: Ano sa Spanish ang mani?
Sagot: Hindi ko alam, sa Latin alam ko (Salatin hehehe)

(pick-up lines)
Juan: Peanut ka ba?
Nene: bakit?
Juan: kasi, PEANUTibok mo ang puso ko.



credits:http://themetapicture.com/congratulations-its-a-peanut/


ayan lamang, kung may suhestiyon, komento, reaksiyon o kahit joke pa diyan. sana ay makapagcomment kayo. ang unang limang makakapagkokomento ay may libreng mani ---seedless nga lang.
hahahaha. siya nga pala. ang mga jokes na ito ay hindi akin. kuha lang kung kanino-kanino.
maraming salamat kay ejay, kuya ding, may ari ng fb na ito, sa site na ito at sa google. salamat rin sa mga nagbabasa. sana ay natawa kayo.

Thursday, January 1, 2015

Mauusong Hairstyle sa mga Lalake

Hindi ako manghuhula, hindi ako fashionistas o hairstylist.
pero maniwala kayo, mas may sense at malapit sa katotohanan ang magiging prediction ko tungkol sa mauusong hairstyle this year. isa rin lang akong taong curious sa mga new looks.
lagi kong inaabangan sa balita ang magiging uso raw. pero alam niyo ba lagi akong nabibigo. laging mali ang prediction nila.

nakaraang taon sabi nila ganito raw ang mauuso
Futuristic raw?
naniwala naman ako. pati yung sinasabi nilang mauusong outfit. may temang modern indian raw. ginaya ko.  mukha akong pharoah-wala nga lang pera.. naging kamukha ko yung ininterview.
di ako nakikilala ng nanay ko, kala siguro niya rambutan ako.
nagulat ang kaibigan ko. ba't ganyan daw itsura ko. manalamin daw ako.
"bakit ako mananalamin, di naman malabo ang mga mata ko"
grabe nagtapos na ang taon hindi naman nauso. inabangan ko kaya kahit sa huling segundo.

kaya yun, hindi purket nabalita sa TV na ito ang magiging porma ay yun na. minsan kasi bayad lang yung reporter. exposure kasi yan. isang palatastas o marketing strategy nila. para marami pumunta sa salon nila o bumili ng mga produkto nila. mas paniwalan mo ako kaysa sa beking ini-interview. dahil ang sasabihin ko ay ayon sa survey ko sa mas maraming kabataan. pinakita ko sa kanila ang mga posibleng mauuso at yung tingin nila ay babagay sa kanila. at ito ang mga nag-top.

Heto ang nausong hairstyle ng nakaraang taon.

at ito naman ang mauuso ayon sa prediction ko
ito ang hairstyle na mauuso ayon sa pulso ng bayan.

Ang Mauusong Hair Style
1. long hair na brush up ni brad pitt
2. super mohawk-brush up, maganda yan pagnag-motor ka. sa gilid mo lang dadaan ang hangin. maririnig mo rin ang sipol nito.
3. Police Look Hairdo version8.1, one side na brush up. 
4. Army Brush-up (brad Pitt). wag lang maging assuming kasi buhok lang niya ang magagaya mo. para ring sa no. 2, hindi lang ganoon kataas ang ahit sa gilid.
5. Mafia look na Brush Up, malinis na brush up. bagay din pag may patilya ka. at magsuot ng shades para kunwari si steven seagal ka
6. Sa mga hindi mahaba ang buhok. ito ang pupwede. Mike Shinoda of Linkin Park Hair Style
(MSLPHS)
pag magpapagupit kayo sa barbero sabihin niyo MSLPHS. alam na nila yon.
7. Soccer Player Look tulad ng kay Paolo Ballesteros. medyo "be-free" ang dating na parang relax lang ang tikwas ng mga buhok. okay na ito kaysa kay wally ang gayahin natin.
Ayan na lahat ang mauusong buhok ayon sa Survey ko karamihan ay brush up. ano sa tingin mo? alin kaya ang mauuso sa mga nabanggit?
pwede kang magcomment gamit ang iyong facebook. maari kang magsuggest. 
salamat sa pagbabasa.  paalam mga kapwa. 
Cryptobrowser