Wednesday, January 26, 2011

Sumbong: Manok, Binaboy!

Dito sa isumbongmo, isumbongmo.blogspot.com
wala kaming pinipiling kalaban
wala din kaming pinipiling tulungan
basta nagsumbong ang bayan
aksyon ng  isumbongmo.blogspot.com  asahan!




Ang ating sumbong ngayon ay tungkol sa kawawang sisiw.
pakinggan ang kanyang kwento

Kawawang Sisiw: "isang araw, habang maligaya kaming kumakain kasama ang  aking ina
nang bigla na lang pumasok ang may ari ng apartment na aming tinitirhan


dinampot nila si nanay, " parang awa niyo na , may mga anak ako!" ang pagmamakaawa ni ina.
hindi na sila naawa, nagdadalantao ang aking ina,
hindi na ako nakasunod dahil nakakandado ang pintuan.
wala na akong magawa kundi umiyak  hanggang mapaos".

"hindi pa sila nakuntento, pati ang aking mga kapatid, ang aking kapatid na walang kamuwang muwang dinampot din nila, huhuhu pinatay nila sila mama! (humagulgol)"
45 days akong umiiyak at natatakot galit na galit ako sa mga kahayupan este katauhan nila
mga mamatay hayop, magbabayad kayo!"

Ben 2Lfowh: "huwag ka matakot, maitanong ko lang eto ba ang unang pagkakataon na ginawan ka nila ng ganyang uri ng karahasan?."

Sisiw: "(hingang malalim) hindi po, ang aking ama ay namatay dahil isinali nila ng sabong, namatay ang aking ama. di kami nakapagsumbong dahil natatakot kami huhuhu "

B3n 2Lfowh:" huwag kang mag-alala kasangga mo ang isumbongmo.blogspot.com.
at hindi kita pababayaan, kung tuwing naghahanap kami ng hustisya
at pinapatong namin kayong mga sisiw sa kabaong bilang kahulugan ng paghahanap namin ng hustisya.
ngayon kami naman ang babawi sa inyo"

---------

ang bikitimang itago na lang natin sa pangalang sisiw ay nasa pangangalaga na ng kinauukulan.

agaran pong kumilos ang isumbongmo.blogspot.com 
panis ang bitag, xxx, soco, at imbestigador sa aming aksyon, 
ilang araw lang ang nakalipas dahil sa masusing pagiimbestiga at matiyagang paghahanap ng ibidensiya, natagpuan po namin ang bangkay ng mga biktima.


upang mailibing ng maayos, 
tinabunan namin ng kanin at softdrinks nang sa ganoon 
matahimik na ang kanilang kaluluwa.
pinaghahanap na ng pulisya ang suspek sa karumal dumal na krimen na nakilala sa pangalang alyas KFC


kung may nalalaman po kayong impormasyon na makakatulong sa agarang pagdakip sa  akusado
maari lamang ay mag comment kayo, mag follow, mag message, mag post sa chat box ko, o kung trip niyo magclick sa mga ads ko baka sakaling interesado kayo :)
hanggang sa muli.
dito sa isumbongmo.blogspot.com
ang iyong sumbong ay di dapat ibulong
dapat sinusumbong
at sasamahan ko ng aksiyon!

17 comments:

Bino said...

nakita ko si kfc sa megamall kanina. hehehehe

benjie said...

malaya pa palang nakakagala yan

EMOTERA said...

naku! kakaloka yan. May nagpapasabi nga pala: hindi naman lahat ng napatay na manok eh malungkot. -Chicken Joy. :)

kriz said...

"upang mailibing ng maayos,
tinabunan namin ng kanin at softdrinks nang sa ganoon
matahimik na ang kanilang kaluluwa."
---- kalurkey :-D

benjie said...

@ emotera. nakakatawa hahah

benjie said...

@kriz
nataw ka doon, salamat pa rin

sHeRrY said...

LOL! di mo na sana pinost ang pangalawang picture kasi yucks^^] gawin mo kaya 2ng video:]

benjie said...

gawin kong video, oo nga marami nga akong naiisip pa, salamat sa suggestion mo sherry, hayaan mo malapit na yan

benjie said...

massacre the movie

Mary said...

I love it.
Very creative.
Galing niyo po.

benjie said...

salamat talaga sa mga comment niyo, nakakataba ng puso

salamat mary at sa lahat pa

Nene said...

hahaha!! Hilarious funny story...

benjie said...

hehehe kayo talaga

tekamots said...

ang galing lang magisip...teka parang may nakita din akong KFC sa SM north...hehhehehehe...

iya_khin said...

may adobo na pala sa kfc?!! astig ha! parang natakam ako,magluluto din ako nyan bukas!!

benjie said...

teka! si alyas KFC ang suspek pero walang adobo sa kfc, iimbestigahan pa natin yan, bakit nga ba adobo ang ginawa niya at hindi roated chicken, hmm

Unknown said...

hahahaha.. kay mr. kfc the best kang killer.. condolence sisiw!! hahaha nice one!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser