Humor - Top Blogs Philippines

Friday, March 16, 2012

Sumbong: Hot Magtataho



mga kaibigan, isang tanghaling tapat ng marso , maiinit ang panahon maging ang ihip ng hangin , ang sarap magpalamig at bumili ng halo-halo, scramble , buko juice, o kahit anong malamig diyan sa labas.
nasa isang computer shop ako, ng biglang narinig ko ang isang tinig....
"tahooo...., tahooo...woah..." ang sabi ng magtataho.

agad napasimangot ang aking mukha (pero cute pa rin)
"taho? tanghaling tapat? halos naka number 3 na ang araw" ang naibulong ko sa sarili.

isang magtataho ang papadaan, sinubukan kong magtanong pero di ako bibili.

"kuya, mainit pa" ang tanong ko

hinawakan niya ang lagyanan niya ng taho at sabay sabing.."oo mainit pa"

anak ng.... hindi ko na alam ang sasabihin,
"wag na lang po, magkakape na lang po ako" yun na lang ang nasabi ko.


the end of story.


banat time:


wala ho akong masamang tinpay sa mga magtataho, nakakapagtaka lang kasi ang pangyayaring ito. hindi ko alam kung nasa wow mali ako o hindi, o sadyang pinagtripan lang. o baka feeling Spy lang.

ganun pa man, kung hindi naman ito sinasadya, may payo lang ako na susunod.
agahan niyo ho ang gising at ng makpagbenta kayo ng maaga. para ho kumita ho kayo ng mas malaki kailangan magtyempo tayo ng panahon..
pero kung ito ay sinasadya. nagkamali kayo ng binangga.


hanggang ngayon naghihitay kami ng paliwanag mula sa sinusumbong na Hot Magtataho na ito. bukas naman kami sa anumang dayalogo.
pero kung di kayo sisipot sa paguusap na ito Ilalantad ko na ang inyong mukha sa cyber world na may caption "Huwag Tularan, Magulo ang Isipan"

sa susunod pa na magsusulat ako tungkol dito, wala ng pali-paliwanagan,  babanatan ko kayo ng matindi, promise.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...