dati nakakapikit pa ang mga isda, gusto niyo bang malaman kung Bakit Nakadilat ang mga Mata ng mga Isda, sige mga bata, iku-kwento ko sa inyo.
Sa ilalim ng karagatan,
naroon rin si Gigi, isang batang galunggong. Si gigi ay may katigasan ang ulo at pasaway din. minsan kasama ng mga kaibigan, masaya silang nagku-kuwentuhan.
habang nagkukuwento ang kaibigan niya, hilig niyang mangontra at laging pabida.
"walang kwenta yang mga kuwento niyo, mas malaki yung nakita kong ahas sa dalampasigan,
isang kalabaw nilunon niya ng buo" ang kwento ni Gigi.
pero ang totoo, hindi pa siya nakakapunta o nakakamasid man lang sa dalampasigan.
namangha at naniwala sa kanya ang mga kaibigan
"oo nga ang laki nun, kaya niyang kaiinin isang buong kalabaw" ang banggit ng isa.
"pero paano niya nakain yun, di ba may sungay yung kalabaw" ang naitanong ng isa pang batang isda.
matagal na di naksagot si gigi, nakatingin naman sa kanya ang mga kaibigan.
"ahh, hindi pala kalabaw, baboy pala" ang palusot ni Gigi.
hindi naniwala sa kanya ang mga kaibigan.
"ayaw niyong maniwala, nakakita nga rin ako ng babaeng tandang" ang pahabol pa ni Gi(2x).
"yan ka nanaman, niloloko mo kami, wala namang babaeng tandang" ang wika ng isa niyang kaibigan, nakataas ang kilay nito (an taray)
"meron, si Tandang Sora" ang joke ni gigi.
kumunot hanggang matiklop ang mga mukha ng mga kaibigan niya, dahil sa kakornihan ni gigi.
iniwan siya ng mga kaibigan, malungkot naman si gigi, isang kawawang alimango ang napabuntungan niya ng pikon, pinatid niya ito. agad siya tumakbo papunta sa ina.
tinanong siya ng ina kung bakit namumula ang kanyang mata at malungkot,
"para kang biktima ng dynamite fishing" ang puna ng ina.
hiniling ni gigi sa ina, na kung sana ay payagan siyang makapunta man lang malapit sa dalampasigan, para sa susunod meron na siyang tunay na iku-kwento.
gaya ng dating attempt, hindi siya pinayagan ng ina. kinuha nito ang larawan ng mga kababayang isdang, namatay.
"anak, \wag matigas ang ulo. gusto mo rin bang tumulad sa kanila, sa ama mo, sa mga kapitbahay natin na walang awang minasaker ng mga tao diyan sa Kalupaan" ang iyak ng ina niya.
sadyang pasaway ang bata. binabalak niyang tumakas, kinabukasan nagpaalam siya magsu-swimming lang kasama ng mga kaibigan,
"anak umuulan, saka na lang kayo mag swimming baka mabasa kayo" ang payo ng kanyang nanay.
balewala ito kay Gi, dahil ngayon na ang araw ng kanyang plano,
nagpunta nga siya sa dalampasigan, nabusog siya sa kanyang nakita. naakit siya ng gayon na lamang, hindi niya namalayan na unti-unti na siyang lumalapit sa pampang.
at isang sampal ng alon ang nagtangay sa kanya, tumilapon siya sa batuhan, nahimatay at na-stock sa batuhan at di na maka-uwi pa
lumipas ang ilang araw, nakakahindik ang mga sumonod na pangyayari. pinaghahanap siya ng kanyang mga kadadagat.
natagpuan na lamang siyang patay, amoy-daing na, malamang dahil sa matagal na pagkabilad sa araw.
kumalat ang balita sa san-karagatan, mabilis na kumalat sa social website na Fishbook at isdagram.
pati ang ibang isda ay na-shock din, nagdilat ang kanilang mga mata sa nasaksihan.
mula noon at kahit magpahanggang ngayon.
No comments:
Post a Comment