Sunday, May 29, 2011

Biag ni Langgam

(halaw sa ilocano epic na biag ni lam-ang)
biag ni langgam

Isang araw, sa malayong kabukiran habang masayang nagtatrabaho ang mga insekto ay bigla na lamang dumating ang mayabang na si ahas, at walang ano ano ay nag aamok. walang magawa si punong tipaklong, si gwapong uwang, at si mayamang tutubi. sino ang makakagapi kay ahas?

sinisira ni ahas ang anumang madatnan. hindi sila makakilos dahil sa takot, makita pa lamang si ahas ay nanginginig na sila, lalong lalo na si langgam, ang duwag na langgam. sumubok na tumakbo ang lahat ngunit lahat sila ay nasukol ni ahas at ginawang bihag. masuwerte namang nakatakas si langgam at tumakbo ng malayo.

napunta si langgam sa bahay ng mag amang halupian, napansin niyang umiiyak si halupian,
''bakit ka umiiyak?'' ang tanong ni langgam
''wala na si papa at kasalanan ko'' tugon ni batang halupian.
''ha ano bang nangyari?'' paguusisa ni langgam.
''bortday ko nun at sabi ni papa mag wish daw ako at bibilhin niya promise!'' wika ni batang halupian.
''tapos, anu anong nangyari?'' tanong ni langgam
''namatay si papa, humiling ako ng shoes!'' umiiyak na tugon ni batang halupian
hindi mapigil ang pagpatak ng luha, at humagulgol, 
''sana kung shades na lang, buhay pa sana si papa, hindi sana siya hinimatay. ilang pares kasi ang kailangan ng mga tulad naming mga halupian'' pagsisi ni halupian.
dinamayan naman ni langgam ang ulilang kaibigan, 
"akala ko kasi natapilok ka" biro ni langgam para mapatawa ang kawawang kaibigan.
"acheche!" sabi ni Halupian
"pak" biglang pumasok sa isip ni langgam ang ideya, ideya kung paano matatalo si ahas. "ANG KAHINAAN NI AHAS"

Dali daling nagpaalam si langgam at kumaripas pabalik sa kinaroroonan ng ahas at kanya itong hahamunin. 
nang makita niya ang ahas. bigla siyang nangamba.
ngunit paano nga pala niya ito kakalabanin kung ang tuhod niya ay sumusuko at ayaw humakbang. papanong ang isip niya ay lalaban ngunit ang katawan ay naduduwag?
bigla niya naalala ang kababata niyang si cathy r pillar, na ngayoy mariposa na ang ngalan.
(si mariposa nga pala ang kanyang childhood sweetheart, dati niya itong tinutuksong mukhang uod ngunit ngayoy mala diyosa na)

Biglang lumakas ang kanyang loob, dahil sa pag-ibig, nais niyang iligtas ang mga kababayan, si ina, si kapatid at si mariposa na balitang ipapa-laminate ni ahas!
sinigawan niya si ahas at hinamon.
"mayabang na ahas, lalabanan kita at papakainin ng mga alabok, paghihiganti ko ang mga kababayan ko at palalayain pa." hamon ni langgam.
"Ikaw? lalabanan mo ako, eh isa kang duwag, wala kang balls, nakainom ka lang yata at namumula ka, hahaha?" pangungutya ni ahas sabay dirty finger.
"LOL, hindi ako lasing pero totoong pula ako, sabi mo duwag ako? eh ikaw naman, ang haba ng leeg mo abot hanggang tumbong, ikaw nga brief mo tube, hoy parehas lang tayong walang balls, ano laban na?" sabi ni langgam.
"sige matapang ka, makakatikim ka ng pinakamapait na pagkasawi, lil istupido!" sabi ni ahas at aatakihin si langgam.
tumugon naman si langgam at aatakihin si ahas sa katawan at nakagat niya ito. nangati ang ahas at winasiwas si langgam at tumilapon ito, buhay si langgam, nangangati ang ahas at syempre dahil wala itong mga kamay na pangamot, ang pinangkamot nito ay ang kanyang bibig, at napatay nito ang kanyang sarili.
humandusay si ahas at tiyak na patay na.

Nagdiwang ang bayan sa pagkapanalo ni langgam, naging bayani ito at kinilala ang kanyang katapangan. naging halimbawa siya ng lahat na maging matapang, at magtiwala sa sarili. dumating ang maraming pagsubok sa kanilang bayan ngunit nagawa nilang lagpasan ito, dahil na rin sa pagalala sa historya. walang nagawa ang sumunod na sumalakay na king cobra, sawa at maging anaconda,





Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser