Friday, February 23, 2018

San Miguel Pale Pilsen Alab Pilipinas Petron Magnolia SMDC Jersey

Jersey na billboard o billboard na jersey?

Sari-saring reaksyon at komento ang inabot ng bagong jersey ng team Alab Pilipinas na representante natin sa Asian Basketball League (ABL) 2018.
marami ang pumuna sa animo'y billboard na jersey. kung mapapansin nakakatawa ang paglagay ng bote ng beer (dapat isang case na). mas kapansin pansin pa ang ibang text kaysa sa salitang "Pilipinas". walang patawad pa at pati ang likod ay may advertisements din.

ganito nga ba kabrutal ang mga negosyante sa Pilipinas. balak yatang masama sa Guiness Book of World Record bilang "longest Name of Basketball Team" o "Most Number of Printed Sponsor in a Jersey". good luck mga boss.

at yun po ang sumbong na natanggap po natin. na talaga namang nakaka-ewan ko.

wala na tayong magagawa, pero pag nanalo ako sa lotto sasagutin ko jersey ng mga kawawa nating atleta para magmukhang professional athlete naman ang dating ng ating national team. pero dahil di pa tayo milyonaryo ang magagawa na lang natin ay suportahan at ipagdasal ang bawat atletang Pinoy.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser