Tuesday, October 16, 2012

Pasa-pasang Kwento: Si Juan at ang Mahiwagang Bato

bakit sa mga kwentuhan lagi na lang si juan?
kasi ang istorya natin ngayon ay tungkol nanaman kay Juan pero this time kasama na si pedro. halina't tunghayan natin ang kwento na may napakagandang ending.

Sa malayong baryo ng bagong barrio---ang barriong di naluluma.
May isang binatang nagngangalang juan(as usual si juan uli)
ambisyon niyang maging mayaman, sino ba naman ang gustong maghirap?
pangingisda lang hanapbuhay niya, minsan isang araw kasama si pedro ay umabot sa kanila ang usap-usapan tungkol sa mahiwagang bato na anila ay kayang ibigay ang anumang hilingin mo.
gayon na lamang ang pagkadisperado ng dalawa at inalam nila kung paano at kung saan makikita ang nasabing bato.

"Sa pusod ng dagat, naroon ang bato. yun nga lang tuwing kabilugan lang ng buwan lumilitaw ito, walang nakaka-alam ng eksaktong lugar nito basta mamangka ka lang at pag nabangga mo ito humiling ka na kaagad"
yun ang impormasyong nakuha nila.

kinabukasan.... si pedro naman ay naghintay ng gabi. kabilugan ng buwan at nagsimulang mamangka si pedro. hindi niya kasama si juan na di naman yata naininiwala
habang namamangka, inisip niyang marahil ay pamahiin lamang iyon tulad ng kwentong wala raw "dayaan" sa lotto. inaantok na siya ng biglang bumangga ang bangka sa isang malaking bato na di niya napansin.---yun na ang hinahanap niya
agad siyang humiling, gus.. gusto kong gumaling si ina na dinapuan ng karamdaman.

pagka-uwi niya sa bahay laking tuwa niya ng nakitang magaling na ang ina. laking tuwa niya sa nangyari, agad  niya itong ikinuwento sa kaibigang si juan,

Si juan ay naniwala sa ikinuwento ng kaibigan, bakit ba hindi eh kita niya kung gaano kasigla ang nanay ni pedro. ganoon din ang ginawa niya. namangka siya ng kabilugan ng buwan sa dagat.
tuwang tuwa siya habang ini-isip ang mga hihilingin, wari bay nanaginip ng gising.
gusto ko syempre pera! pag may pera pwede niyang makuha ang lahat,
gusto ko ng mansiyon.
gusto ko ng maraming babae.
gusto ko ng maraming mga kotse.
gusto ko ng kapangyarihan.
gusto ko ng....(habang sinasambit niya ito ay nabangga siya)
"ay pwet ng kabayo" ang nasabi niya sa pagkagulat.
nabangga siya sa bato, ang pagkaintindi naman ng mahiwagang bato ay "gusto ni juan ng pwet ng kabayo" kaya ito ang ibinigay ng bato.

umuwi siya sa lugar nila bitbit ang pwet ng kabayo.

at doon na nagtatapos ang kwento, pasalamat na lamang siya kahit paano ay may napala siya.

Maraming salamat at sana'y napingiti ko kayo kahit onti, Ang kwento na ito ay kwentong bayan na. pasa-pasa sa henerasyon sa henerasyon. may binago lang ako nang kaunti para hindi gaanong bastos. sana rin ay di kayo mahihiyang ipaabot ang iyong saloobin, maari lamang ay mag-post kayo ng mga reaksyon dini sa comment box,

Tuesday, October 9, 2012

Pasa-Pasang Kwento: Si Juan at ang Mahikero

 Mula lamang sa mahirap na pamilya si juan, pagsasaka ang kanilang kinabubuhay. sila naman ay masisipag maliban lamang kay juan na mahilig manlamang.

 Isang araw, si juan at ang mga kapatid ay nakatakdang magtrabaho sa bukid, tanghali nang nagising si juan kaya nauna na ang kanyang kapatid. kinagalitan siya ng kanyang ina at pinasunod sa mga kapatid. sa halip na sa bukid, tumuloy siya sa "plaza".

maraming tao roon. maraming kilalang tao na nakaupo sa enteblado. naroon din si mayora at yung sikat na mahikero, siya si david ------------- david salon

siyempre ang mahikero ay nagpamalas ng mahika.
ganito ang ginawa niya,
tinanong niya sa alkalde ang edad nito at ibinulong naman ito sa mahikero,
bumilang ang mahikero gamit ang mga kamay
1,2,3...........45, 46, 47, and 48
at sabay parang may sinilip sa kanyang kamay.
pagkatapos ay sumigaw, Green!!! green ang kulay ng kuwan na suot mo mayor!.

napangiti lamang ang mayor dahil tama nga,
sumigaw ang mga taong naroroon. "Take it Off 5X"
nagpaunlak naman si mayor. nagkagulo ang mga tao hindi sa magic kundi sa ginawa ni mayor.

 Nagilalas at napahanga si Juan sa mahikerong si David.
sakto namang si david ay may paglalakbay na gagawin at magsasama siya ng mga gustong sumama.
labis naman ang paghahangad ni juan na matuto sa mahika kaya sumama siya---nakalimutan na ang pamilya niya. sawa na daw siya sa amoy ng lupa sa bukirin.

 Nasunod niya ang gusto niya't nakasama, ngunit talagang sadyang tamad si juan.
habang nagpapatuloy sa paglalakbay, sumenyas ang mahikero para huminto muna at nagutos pa ito na kumuha ng dalawang bato. tumalima ang lahat maliban kay juan na kumuha lamang ng isa at napakaliit pa.
nag"magic" ang mahikero at ginawa niyang mga tinapay ang mga bato. oh anong saya ng lahat maliban kay juan.

lumipas ang ilang araw, nagpakuha uli ng dalawang mga bato yung mahikero, ngunit ngayon ang mga kasamahan ni juan ay kumuha na lamang ng di kalakihang mga bato. si juan naman ay kumuha ng napakalaking bato na halos hindi niya mabuhat.
nag"magic uli ang mahiero.
"magic, magic! mula ngayon ang mga hawak niyong mga bato ang inyong magiging betlog.

at doon na nagtatapos ang kwento.

ang kwento na ito ay pasa-pasang kwentong barbero lamang, hinaluan lamang ng onting twist at onting spices para okay.
kung may nakahalintulad man sa tunay na pangyayari, baka magic din

Wednesday, October 3, 2012

Wow-Mani


"peanut ka ba, kasi peanut-tibok mo ang puso ko" kilig na page-ensayo ni empoy, dahil ngayong umaga ay aakyat siya ng ligaw sa apo ni aling indang na galing maynila, bihis na bihis siya't may rosas at tsoknat. bumuntong hininga muna siya bago lumabas ng pinto.
sa may daan ay bumili muna siya ng isang supot ng mani sa kanto. pagkaabot ay tumikim siya ng isa. pagkabukas isa lang ang laman, nagreklamo siya.

"ay sori ser, di pa kasi perfect ang imbensyon ng DOST na hybrid ng seedless peanut, kaya pag pasensyahan niyo kung may buto pa, pero yung iba siguro wala naman" ang paliwanag ng tindero.

wala nang nagawa si empoy, tinungo niya na ang gate nila aling indang, huminga siya ng malalim"di is it".
ng kakatok siya eh biglang bukas kaagad ng pinto...
"ay unggoy" ang gulat ni aling indang ng buksan niya ang pinto
agad hinayag ni unggoy este ni empoy ang pakay niya. sinabi naman ng ng ale na kausap pa ng apo niya si Joel. isa ring manliligaw. gwapo, mayaman, matangkad.
yun lang naman ang lamang ni City Councilor Joel kay empoy.
"who cares eh mas dalisay naman ang pag-ibig ko" ang naisambit na lang niya sa sarili.
pinaupo naman si empoy sa isang malilim na lugar na may upuan at mesa.

"kung gusto mo ay dumito ka muna at maghintay, ikukuha kita ng tubig-inumin" ang anyaya ni lola indang.
"wag na ho, softdrinks na lang" ang nahihiyang wika ni Empoy
"ay iho, payo ko lang sayo umiwas ka sa matamis" ang payo ni aling indang
"bakit ho" ang tanong ni empoy.
"nilalanggam kasi yung mukha mo" ang pangugutya ni lola sabay tawa.
di kasi ka-kinisan yung kutis ng mukha ni empoy, ganun pa man sanay na si empoy sa panutya sa kanya.
"lola kailan po kayo mamatay este kailan po kaya matatapos mag-usap sina Joel at ang apo niyo?" ang tanong ni Joel sabay inabot kay lola indang ang binili niyang supot ng mani, medyo pikon si lola kaya kailangan ng panlubag loob.
"ay di ko alam iho, hayaan mo siguro matagal lang. salamat dito sa mani, peyborit ko talaga ito. kahit tinitigyawat ako sa mani" ani ni lola indang
"buti pa kayo sa mani tinitigyuawat ako sa mukha" ang wika ni empoy.
"ano kamo?" tanong ng matanda.
"wala ho" paliwanang ni empoy.
"oh sige iwan muna kita at ikukuha ng maiinom, salamat nga pala sa supot ng mani. ay naku paborito ko ito" ang dagdag pa ng matanda.

naghintay ng matagal si 'poy. napansin din niya ang nasa ibabaw ng lamesa isang "parang dinurog" na mani na nasa paltito, na-curious siya kaya tinikman niya ito, at masarap! di niya mapigilan ang sarili at naubos ang laman ng platito.
ilang minuto lang ay dumating na ang meryenda at may dalang lola.

" ay lola ano nga pala ang pangalan ng apo niyo" ang magalang na tanong ni empoy habang kinakain ang meryenda.
" ah si bruno" ang agad na tugon ng lola.
"hindi ho, yung dalaga ho yung tinutukoy ko." ang pagtataka at paglilinaw ni empoy.
" ah, wala akong apong babae, si bruno lang ang apo ko, lalake yun retokada lang" ang matibay na paglilinaw ni lola.
nabigla at nagulo ang isip ni empoy, sinilaban siya ng masamang kaba sa rebelasyon ni lola.
maya-maya'y bumukas ang pinto at may lumabas, si joel!. ika-ka ito, nahihirapang maglakad at parang may-hapding ini-inda. buti na lamang at may mga bodyguard na tumulong sa kanya, at sinakay siya sa ambulansya.
lalong tumindig ang mga balahibo ni empoy, pinasya niyang umuwi na lang at magalang na nagpaalam kay lola, hindi naman siya mapigilan ni lola.

naiwan si lola, at maya-maya'y parang may hinahanap sa lamesa, nakita niya yung platito na wala ng lamang durog na mani.
"naubos ko na ba alam ko may laman to kanina?" ang pagtataka ni lola.
"di bale, gagawa na lang ako ulit" ang nasabi na lang ni lola, tinanggal ang pustiso at pinandurog sa mani.

Sa kabilang banda. si joel naman ay naka-uwi sa bahay.di niya lubos mai-isip na na wow-mali siya, pero okaya na yun kaysa sa sinapit ni councilor.
naalala niya rin ang dinurog na mani, naisip diyang gumawa rin nito. di man magaya ang lasa na gawa ni lola, sumikat naman ito. masarap siyang ipalaman sa tinapay.
ngayon ang produkto na ito ay kalauna'y tinawag na peanut butter ay ang nagpa-asenso kay empoy.
masya siyang namuhay at nakahanap ng bagong pag-ibig.

doon na nagtatapos ang kwento, maraming salamat sa pag-basa.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser