Sunday, February 6, 2011
Habulin ng Aso
Marami akong naging karanasan tungkol sa trouble sa aso, Alam kong ikaw din. pero dahil ako ang bida ngayon
ako muna ang magpapakara.
salamat na lamang at hindi pa ako nakakagat ng aso.
kahit nasabi ko dati sa sarili , ako ay habulin. certified habulin
sa ibang salita, ako ay maalinDOG .
ano ano nga ba ang di ko malilimutang karanasan? marami pero eto ung mga unforgetable...
ahh! simulan ko ng bata ako
tumatakbo ako ng di ko alam may tuta na pa lang humahabol sa akin, nalaman ko lang nang nagsisigawan na yung mga tambay, binilisan ko ang takbo.... ayun binilisan din ng tuta. mabilis akong umakyat sa nakapark na owner.. salamat at ligtas.
isa pa madalas, pagnangangaroling. oo madalas caroling
"thank you, thank you, may malaking aso takbo"
masaya pag nakatakas masaya ang tropa, pero isang araw may pangyayaring napunta kami sa eskinitang alam naming maraming aso. shet malayo pa lang nakita na namin si fulgoso, nataranta kami, biglang tumakbo ang isa sa amin at nagsisunuran na. karaniwan lugi ang huling tumakbo. makikita mo kung sino ang mautak pagdating sa ganyang sibatan.
hindi kami nakagat. ang problema ang pinsan kong si robin nadapa. sumabit ang noo niya sa barbedwire. ang daming dugo. dinala siya sa hospital malapit sa amin
isa pa ulit... nung simbang gabi
susunduin namin ni rhejie ang isa pa naming kaibigan. ewan ko kung bakit dumaan kami sa eskinita at dapat sa kalsada na lang.
ang daming aso patay! nagsisitahulan wari bang naninindak.. naalala ko ung sabi sa akin ni robin
"kuya benjie huwag kang tatakbo, diretso lang ang lakad, at
'wag na 'wag kang titingin sa mata ng aso"
nagpatuloy kami ng lakad, nauna lang si rhejie nang kaunti sa akin, nagsisitahulan, parami ng parami. ewan ko ang dami dung aso.
pero sa tingin ko makakalagpas din kami. naalala ko uli ang payo ni robin.
"kuya benjie, magkunwari kang may pupuluting bato at matatakot ang mga aso. magsisilayuan yun"
ginawa ko yun, ang nangyari...
yari. lalong nagalit ung mga aso, nagsilapitan sila sa akin. napansin ko na lang na malayo na si rhejie, at parang di kami magkakilalala. hindi ako makahakbang ng maayos. ung nguso ng mga aso dumudikit na sa binti ko. tatakbo ba ako? pero huli na yata.
tatakbo ba talaga ako?,
pero diretso ang daanan walang pag-asa matakasan ko ang mga asong may tig-aapat na paa. wala na akong nagawa at halos hindi na ako makakilos.
nasaan na ang kaibigan ko! ayun anglayo.
ang kaligtasan ko ngayon ay nasa pagpapapasya ng mga matatalim na pangil ng mga aso.
halo halo na ang nasa isip ko, naalala ko ang mga kuwentong
" tao kinagat ngaso ng walang dahilan, ang aso ay aso kahit amo ka pa nito, aso pa rin yan"
anak ng... ilang dasal kaya ang nagawa ko.
in Jesus name, hallelujah 4X
pero salamat at nakaraos ako, pagkatapos nito malakas na tawanan ang naganap sa bahay ng kaibigan ko.
bukod sa masakit at delikado ang kagat ng aso.
pera tol, malaking pera ang mawawala.
ang hirap maospital, boring!
ilang beses ka bang tutuhugin ng injection para sa anti-rabies?
iskandalo pa
ilang away magkapitbahay na rin ang nakita ko dahil diyan. dahil kasi sa sagot sa gastusin.
hindi sapat ang sibuyas at sabong bareta, first aid lang yon
lumipas ang ilang araw. nakausap ko si robin
"robin di naman pala totoo ung sinabi mo, pumulot ako ng bato, lalo akong nilapitan!" ang dismayado kong sabi.
"tingnan mo muna kung matapang ung aso, mali ka kuya benjie eh" sagot ni robin.
oo nga mali ako! dapat kasi tinitigan ko yung mata ng aso.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo, swerte ka ba o malas.:
swerte: kasi may humahabol sayo
malas: kasi aso ang humahabol
lolzzzz :-)
loko
Pardon my being cebuano, what's magpapakara?
Regarding your post, I believe you ate dog meat before. You remember?
@avatar lady
magpapapakara is tagalog slang means
"to tell stories" i think, that it is.
btw i never ate dog meat or "azucena"
hahaha
heheheeh ganda ng karanasan mo bro heheheh napatawa mo ko dun ah :) sana masama mo ako sa list ng friend mo dito.. Salamat
csseyahm sure ayos, sige pwede
thankyou bro
Post a Comment