Wednesday, February 22, 2012

Salagubang Derby

hindi pa uso ang dota, hindi pa uso ang SF. 
bago pa ang panahon ng supermario, contra at urban champion. 
ay may 2 player game ng nilalaro ang mga bata.


at bukod sa Gagamba derby (sabong ng gagamba), nauuso na ang labananan ng salagubang .
hindi nga lang tulad ng labanan ng gagamba, sa salagubang derby ay walang rahas na kasali, walang mamatay sa dalawang salagubang na magtatagisan ng lakas. walang katis walang fishball


paano laruin?
ganito ang laban, bibili ka muna ngg tsiklet, mas maganda yung bubble joe bazooka kung naalala niyo pa.
nguyain ang tsiklet. 
pagkatpos, pagdikitin ang mga likod ng dalawang salagubang gamit ang tsiklet.
hayaan silang nakatumba patagilid.
pagsinubukang tumayo o makadapa ng isang salagubang kailangan niyang buhatin ang nakadikit sa likod niya na isa ring salagubang.
magpapalakasan sila, pattibayan ng kapit, pipilitin ng isa makatayo at hindi naman magpapatalo ang isa. magbubunuan sila.
exciting ang laban pag nakikita nang makakatayo ang isa at bigla namang nadulas at tumumba ulit.
at ang siyang makatayo ang siyang panalo.
ang talo ay ang siyang nakatiyayang buhat-buhat.

maaring ulitin hangang round 3, at ang manalo ng dalawang beses ang ay magagwaran ng unanimous decision.

kaya "lamang" ang salagubang na mas maliksi, mas makapit ang mga paa, at mas masuwerte.

gusto kong maglaro kaso wala akong salagubang?
makakahuli ka ng gagamba sa puno ng mangga, laksan mo lang ang yugyog at ng may mahulog na salagubang.
tulog sila sa umaga, at pag-gabi naman ay hyper. madalas marami nito tuwing hunyo o buwan ng tagulan, kaya siguro tinatawag din itong june beetle o june bug. at kung wala kang makuha meron namang mabibilhan, karaniwan sa labas ng school.

masama ba ito sa ecosystem? ang paglalaro ng salagubang?
hindi, sa totoo lang itunuturing itong peste dahil kinakain nito at kinakalbo ang mga dahon ng puno ng mangga. kaya hinuhuli ito ng mga magbubukid at minsan kinakain pa nga ng mga nagiinuman, madalas adobo ang luto at "lasang manok parin" (as usual).

kung makakakita ka ng kamukha nito ngunit kulay makintab na berde, ginto,o pilak. hindi ito salagubang kundi "Salaginto". kung ang itsura naman ay malaking may sungay, ito ay uwang. pero kung maitim, malambot at mabaho, baka ipis ang nakuha mo.

sa tagal ko ring naglaro nito, nalalaman ko kung babae o lalaki ang salagubang. babae siya kung maiitim siya. at kung may kalakihan. ito ay buntis. ang saya ko nung nangitlog yung favorite salagubang ko  na siyang pinakamalaki sa lahat . ibinilad ko ang mga itlog sa bintana-- ayun tumigas yung mga itlog at nasyaang parang nahardboil.

bukod sa paglalaban ng salagubang, pwede rin itong laruin, taliaan lamang ito sa katawan gamit ang sinulid at yun ihagis at lilipad-lipad ito.

ang sarap talaga isipin ng karanasan ng bata ka pa. nung bata ako gusto kong tumanda para di na ako patulugin sa tanghali. ngayong matanda na gusto ko uling bumalik kahit sandali lang sa pagkabata . hanggang dito na lang ang aking munting entry sana ay may napala ka naman. sige na maglalaro na ako ng bago kong paboritong salagubang.
siya si anub'arak ng DOTA

Wednesday, February 15, 2012

Si Maganda at si Mabait 2(Ang Pagbabalik ni Mabait)

Ang nakaraan...
"noon unang panahon, natuklasan ni uwak ang mga unang tao -si maganda at si mabait.
hindi nagkatuluyan ung lalaki at babae, dahil sa kabagalan ni Mabait.
paglipas ng mga taon na nais na niyang ipagtapat ay huli na ang lahat.
si Maganda ay asawa na ni Uwak (nasulot for short)

Ngayon,
Si mabait nga ay nakapagtapos na ng pag-aaral at naging matagumpay sa buhay, nakapagtapos siya ng Abogasya.
 ngunit alam niya na ang kanyang pinakakaasam na pangarap ay malabo na. si maganda ay kay uwak na,

itinuon niya ang buhay niya sa pagtratrabaho at  at sa mga ibang bagay para malimutan ang nakaraan. . sinuko niya na ang pag-ibig niya kay maganda lalo na nung nalaman niyang may anak na  rin ang mga taksil.

ngunit isang malakas na "AYOKO NA!"
ang kanyang di sadyang isigaw, marahil ay kahit anong gawin niya ay di niya mapigilang isipin si Maganda.

naalala niya yung panahon na likhain sila ni bathala, sila ay lupa na hinulma at inuluto, pagkatapos ay binigyan ng buhay.
nagkaroon ng malaking pagbaha, napili ng bathala ang puno ng kawayan dahil sa kakayahan nitong sumabay at tumagal sa hamon ng unos. inalagaan sila sa loob nito at pagkatapos...
dumating ang uwak para buksan at palayain sila.

hinayang na hinayang, sinasapo niya ang kanyang dibdib, sinisisi niya ang sarili kung bakit di siya naging malakas.
ano na ang nangyari pagkalipas ng taon?
wari ba'y naiwan siya sa loob ng biyas ng kawayan,
"hanggang ngayon nakakulong parin ako, nakakulong sa loob ng mapait na nakaraan"

isang araw, naka-isip siya ng mga ideya;
una, nag-aral siya ng midwifery
pangalawa, binago niya ang pangalan niya, mula sa ngalang Mabait, siya na ngayon si Malakas.
at pangatlo ay gumawa siya ng tula.

'i got the  power and fame,
I'll get back my mi amor.
Malakas is my name,
call me Mabait no more."

tinungo niya ang bahay ng mga dating kaibigan.
natagpuan niya si Uwak at si Maganda.... masaya silang nagkumustahan, doon uli sa kagubatan kung saan una silang nagkita-kita, naroon pa rin ang puno ng kawayan, este damo pala.

"kamusta mga friends" ang pagbati ni Malakas habang patakbo palapit sa mag-asawang Uwak at Maganda, kunwari hindi siya nagulat.
"ayyy ikaw pala mabait" ang sigaw ng mag-asawang nasupresa.
"ehem its Malakas. with capital M" Mabait said.

napansin ni Mabait este Malakas na malaki ang tiyan ni maganda.
" uy, KA-I-B-I-GAN buntis ka pala" ang tanong ni mabait.
"hinde, hindi siya buntis! kita mong malaki yung tiyan nagtatanong ka pa hahaha" ang sagot ni Uwak na natawa.

"kayo talaga, tara selfie tayong tatlo" ang anyaya ni Maganda.
"oh sige si uwak yung sa gitna" sabi ni mabait.
" diba masama yung magpapiktyur ang tatlo, mamatay daw yung sa gitna" sabi ni maganda
" to see is to believe, try nating si uwak ang sa gitna" ang payo ni mabait.
" pag buntis ba pinuktyuran makukunan?" pag alala ni uwak
" ewan, ang alam ko pag kinurot mo ng daliri yung siko mo hindi ka masasaktan" sagot ni Maganda.

" ang gulo niyo. eto na lang meron akong anting anting. sayo na lang Maganda para suwertehen ka  naman." ang sabi ni Malakas at inabot kay maganda ang agimat.
"di ba maraming uri ng agimat, may pampasuwerte sa negosyo, pampasuwerte sa pag-ibig, pampahaba ng buhay, pampalakas at kung ano ano pa. Itong binigay mo para saan ito?" ang usisa ni maganda
" pag meron ka niyan, di mo na kailangan ng ibang agimat" ang tugon ni mabait.
" bakit?" ang tanong ni maganda.
" siyempre meron ka na" ang sagot ni Malakas.
" pwede kaya to sa left handed" mahinang sambit ni maganda at sinuot sa kaliwang kamay ang anting-anting.

" btw, di niyo naitatanong midwife din ako, alam kung wala kang trabahong matino Uwak. kaya kung nais niyo ay pwede akong maging midwife. no problem sa'kin.." ang offer ni malakas
" aba talaga, good news kasi gipit kami ngayon, mahirap ang buhay namin, isang kahig isang tuka, wala kaming pambayad sa ospital" ang nasabi ni Maganda
" may kakilala ako [areng uwak, pwede kitang ipasok ng trabaho. di kailangan ng talino kaya pwedeng pwede ka roon." anyaya ni Malakas
" teka, hindi pwede, sobra na" ang pagpigil ni uwak na kanina pa nanahimik,
" no no no" ang sagot ni mabait.
" ang ibig kong sabihin ay SOBRA KA!, wag mong iisiping hindi ko alam ang nasa isip mo, ikaw ang magpapa-anak? para ano? para maka-isa ka sa asawa ko" nakakagulat na sigaw ni uwak
"hindi ko alam ang pinagsasabi mo, ang ganang akin lang ay bigyan mo sana nang magandang buhay ang mag-anak mo. kelan ka kikilos? sa pagputi ng uwak?" ang pagtanggol ni Malakas sa sarili
" umalis ka na rito at huwag ng magpapakita sa amin, SULUTERO" ang bulyaw ni Uwak na kanina pa nagtitimpi.
"ano sinong sulutero?" nagpantig ang tenga ni Malakas. "sino nga ulet? tama ba ang narinig ko? put..." nag-init ang ulo ni mabait. isang unos ang paparating.
" alam mo naman na ikaw ang sulotero, alam mong una pa lang ay may pagtingin na ako kay Maganda,(ligaw tingin)" ang wika ni Malakas
"teka naguguluhan ako, may pagtingin ka sa akin dati pa?" ang epal ni Maganda.
"oo! at kahit kailan, hindi ako tumigil magmahal sa'yo. sinubukan ko. pero mahal talaga kita.  noon, ngayon, at panghabang panahon" ang pagtatapat na ni mabait.
"teka, mahal mo siya, pero di ka niya mahal, wag mo nang pagpilitan ang sarili mo mabait, nagmamahalan kami at may sarili ng pamilya, mahiya ka naman, homewrecker ka?" ang sambit ni uwak.

"sabihin mo na ang lahat uwak, pero alam ko, sa puso ni Maganda ay nandyan ako, pero kung gusto mo idaan natin sa isang labanan ang lahat ng ito" ang hamon ni Malakas

"hinahamon kita uwak kung  lalaki ka!  isang duwelo, pick up lines battle, no overtime, and the crowd will be the judges. the winner takes all" .ang dag-dag pa ni Malakas.

hindi nila napapansin na parami na ng parami ang mga nakikiusyoso dahil na rin naglalakasan na ang mga boses nila.

"pick up?, lines?" mahinang sabi ni uwak.
" oh nasaan na ang tapang mo kanina, bakit di ka makapagsalita, ano napipi ka na?" ang pangugutya ni Malakas.
" hahah nakakapagsalita ako, eh ikaw kaya mong lumipad? huh?" ang banat ni uwak.
" hindi, pero kumakain ako ng buhay na manok" ang sagot ni mabait
"hindi ako manok" sagot ni uwak.
magsusuntukan na sana ang dalawang dating magkaibigan, nakaamba na ang kamao ni Malakas at handa namang sumagot si uwak gamit ang kamao niya (basta may kamao siya)
"teka wag kayong ganyan, magkaibigan kayo" ang awat ni Maganda.

wala ng nagawa si Maganda kundi maging neneng B

napalibutan sila ng maraming usisero na nagsisigawan, karamihan ay boto kay uwak.

inumpisahan na ang laban.
Maganda: welcome to the pick-up line battle, everybody make some noise!!
crowd: whooaahh

mauunang bumanat si Malakas, pinatunog ang mga kamao (praakkkk!)
 at nagsimula ng bumanat
bumanat ng pick up lines si Malakas
Malakas: pwede ka bang maabot?
maganda: bakit?
mabait: ikaw kasi ang pangarap ko! whooo

walang pumalakpak, onting huni ng insekto, ngumiti si maganda ng onti "ahihihi".

ngingit-ngiti lang si uwak.
babanat na si Uwak,
uwak : ketchup ka ba?
maganda: bakit?
uwak : kailangan ka kasi ng hotdog ko. boom!

nagsisigawan, nagsitalunan ang mga crowd. may nagkakauntugan pa nga  at sa round 1 ay mukhang nakuha ni uwak.hindi man ngumiti si maganda, kitang kita parin ang saya nito sa kanyang mata at expression ng mukha.

babawi naman si  Malakas

nakataas ang mga kamay at titira na,
Malakas:  may kilala ka bang gumagawa ng relo?
maganda: bakit?
mabait: kasi tuwing kausap kita..... tumitigil ang oras ko... woooooaahhhhh.

may napilitang pumalakpak at napangiti si maganda

uwak: katahimikan, ako naman (pakahig-kahig pa sa lupa)
uwak: manok ka ba?
maganda: bakit?
uwak: kailangan ka kasi ng mga itlog ko, woooh boom!

hindi mapigilan ang sigawan ng crowd at nakangiti na halos kaluluwa ni Maganda. mukha ngang tagilid si Malakas. sure win na. imposibleng manalo si Malakas sa scorecards, its a clear unanimous decision victory!

hindi makapagpasya si Maganda kaya ipinasa niya na lang ito sa sigawan ng crowd

crowd: tatay, tatay, tatay, tatay....
tatay, tatay, tatay, tatay....---sigaw ng mga tao na mga anak pala ni Uwak at Maganda

kesa magulpi, nag-concede na lang si Malakas
Malakas: dami niyo na palang anak.panalo ka na, sibat na ko.

at nanalo si uwak

Uwak: kaibigang mabait este malakas, ipagtatapat ko sa iyo ito, dati na akong umiibig kay maganda, nung narinig ko palang ang boses niya ay parang nagsisitalon na ang puso ko. kaya nung nakita ko siya, ipinangalan ko sa kanya ay maganda
Maganda: bolero ka parin uwak pero okay yan atleast nagsasabi ka ng totoo. Ang totoo'y masuwerte ang babaeng makakatuluyan mo mabait. you deserve better.
Malakas: masaya narin ako at kampanteng alam kong nasa mabuti kang kamay este pakpak maganda. sayo naman uwak ay may tanong ako, bakit nga ba "mabait" ang iningalan mo at hindi malakas?
Uwak: paanong malakas, eh pagbuwal sa kawayan sa munting ibon ka pa nagpatulong, balak ko ngang ipangalan sa iyo Tamad"
Malakas: basta mula ngayon hindi Tamad o Mabait ang pangalan ko, kundi malakas,
nagtawanan ang magkakaibigan. parang dati nung una. naputol ang tawanan nang ibinigay ni maganda ang bagong print na litrato nilang tatlo.
Maganda: salamat rito sa magarang anting-anting, nagustuhan ko siya talaga.
Uwak: kahit baguhin mo ng ilang beses ang pangalan mo, ikaw parin ang mahal naming kaibigan.
Malakas: ganoon din ako.

nagpakalayo layo si Malakas/Mabait. tuloy ang buhay. hindi man sila ni maganda sa huli siya parin ang unang pagibig niya. sapat na ang maipagtapat niya ang nararamdaman at para siyang nakahinga ng maluwag. kung kayo, kayo talaga. if you love somebody set her free. naniniwala siya na merong destiny talaga.
hanggang sa makilala niya si Destiny ang babaeng muling nagpatibok ng kanyang puso ---ex ni uwak.


the end

* ang kuwento na ito ay karugtong ng "Si Maganda at Mabait(Ang Alamat ng Unang  mga Tao)sa mga di pa nakabasa ng unang chapter, narito ang link
 http://isumbongmo.blogspot.com/2011/02/si-maganda-at-si-mabait.html

Sunday, February 12, 2012

Divorce Bill

Isang araw, ay nagpatulong sa akin ang pamangkin ng ate ko, kailangan ko gumawa ng family tree, personal data, at mga special events sa buhay niya since birth.
yung pamangkin ko na yun eh wala ang tatay, ang nanay naman ay may asawa nang iba. ang nagpapaaral ngayon sa kanya ay ang kanyang lolo at lola, na tumatayong mga magulang.
kung kayo ang nasa kalagayn ko, paano niyo iguguhit ang family tree niya?


Pilipinas na lang yata ang nagiisang bansang walang batas ng divorce bill,
ang batas na ito ay nagpapahintulot sa magasawa na gusto nang maghiwalay,
may mga kondisyon naman ito bago magkabisa sa mag-asawa.
titingnan naman ng korte kung makatarungan ba?
pero kung walang sapat na batayan hindi ito papayagan.

ngunit hindi pabor ang simbahan,
anila " hindi pwedeng paghiwalayin ng tao ang pinag-isa na ng Diyos".

eh paano naman ang hindi naniniwala sa Diyos?
Hindi ka pala naniniwala sa Diyos eh bakit ka nagpakasal sa harap ng simbahan na hindi mo pinaniniwalaan.
magpapakasal ka tapos hiwa-hiwalay ka, "till death do us part". sana di ka na lang nagpakasal.
sa tingin ko hindi naman nagbigay ang Diyos ng batas para mahirapan tayo, binigay niya ang batas para sa ikakaganda ng sitwasyon. pansinin ang pamilyang napagtagumpayan ang problema sa pamilya sa pamilyang nagdiborsyo.

eh paano kung dati naniniwala ako ngayon eh hindi na?
eh baka naman pwede pang mabago ang isip mo na baka nalilito lang, baka pagdating ng araw maisip-isip mo mali pala ang desisyon mo at ng gusto mo nang buuhin ay sira na ang pamilya mo, ang anak mo ay naging malungkutin at ang pianakamasahol ay  di malayong maging adik, makapatay, maging salot ng lipunan at galit sa mundo. ---ganyan ang karaniwang nangyayari sa mga taong may broken family,  mali ba ako?

ang gustong sabihin ng simbahan, yaman din lamang na ang Diyos ang namagitan sa inyong dalawa, bakit di ka magpakatatag at maniwala sa Kanya, hindi naman Siya natutulog. problema lang yan na may kasagutan.
isipin mo lagi ang mga anak mo, ang maliligayang araw ninyong mag-asawa.

pero sa bibliya pinahintulutan ng Diyos si moises tungkol sa Diborsyo.
dahil na rin sa katigasan ng ulo ng mga tao nung panahon na iyon,
at dahil na rin sa tinatawag na freewill at pag-galang ng Diyos sa batas ng tao.


sinusulong parin ng maraming mambabatas na ipatupad ito (para kahit paano may nagawa silang batas kahit kopya lang)
dahil para narin sa mga relasyong ang tanging kasagutan na lang ay hiwalayan?,
marami kasi ang mga kababaihang inaabuso ng kanilang asawa.
ginugulpi, sinasaktan physical, mental at emotional.
hindi ako pabor sa diborsyo pero lalong di pabor sa pnag-aabuso sa mga kababahihan.
paano naman kasi kung sinasaktan ka na at halos patayin ka?
umalis ka muna, sampahan mo siya ng kaso, ipakulong mo hanggang sa magsisi, ganun lang.
hindi porke kasal kayo eh pwede ka naniyang gawing punching bag.
siyempre kumilos ka para sa sarili mo. hindi lang namn divorce bill ang kasagutan.


kasaysayan na ang nagpapatunay na. dahil sa batas na diborsiyo marami na ang nasirang pamilya. ang ang pinakapektado ay ang mga bata,
sa bahay, bata pa ako lagi na lang nagaaway mga magulang ko, pero salamat parin kasi bigyan nila ako ng kumpletong pamilya yun ang pinagpapasalamat ko sa kanila.

yung mga kapitbahay ko lagi na lang nagsisigawan. minsan este madalas pala pa nga sakitan.
kuya bubot ate joan, kuya lulong ate yeng, kuya bobby ate jo.
yan ang palaging match-up sa lugar namin
kataka-takang di sila naghihiwalay, bakit kaya?


maraming salamt sa pagpansin sa aking post, kung may suhestion ka comment, o anumang reaksiyon welcome po.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser