Tayong mga pinoy maraming pamahiin. halos lahat ng bagay mapa kasal, pagdiriwang ng bagong taon, pagtaya sa lotto, pagkain at iba pa ay laging mayroong pamahiin.
Ang nakakatuwa pa nga'y maging ang laban ni pambansang kamao ay hinahaluan natin ng ganyang paniniwala kaya imbes na mabawasan at mapabulaanan ang ilan ng nating pamahiin ay nadaragdagan pa.
heto ang mga pamahiin tuwing laban ni idol manny pacquiao
1.
Kailangan suotin ni ninong manny ang rosaryo para manalo sa laban.
nitong 2012, back-to-back ang talo niya laban kay bradley at marquez (na nakasuot ng rosaryo).
nang gabi niyaoy hindi niya suot ang rosaryo. ....pero hep hep hep!!!
sa laban niya kay brandon rios ay nagwagi siya kahit hindi niya ito suot at sa halip ang mexican-american na si bam bam rios ang may suot ng rosaryo.
2.
Sinabi ng Buwan
|
nakangiting buwan |
noong laban ni pacquiao kay oscar dela hoya. sabi nila nung araw este gabi na iyon ay nakangiti ang buwan. na nagpapahiwatig na panalo si pacman. hindi ko nakita yung buwan. nabasa ko lang sa isang blog.
|
nakangiting buwang |
3.
Malakas si pacman pag siya ang underdog.
oo mukha nga, siguro dahil sa hungriness at matinding motivation pag ikaw ang underdog.
sa laban niya kay Lehlohonolo Ledwaba (june 23, 2001, las vegas) hindi si pacman ang dapat na lalaban ngunit dahil di nakatuloy yung kalaban ni ledwaba. si pacman ang pumalit. nanalo si pacman via round 6 tko.
si pacman ang underdog habang ang champion ang 20-1 favorite.
ganun din ang pangugulat ang ginawa niya kontra kay Antonio Barerra by round 11 tko at Oscar Dela Hoya round 8 tko at marami pang iba.
pero sa laban niya kay David Diaz (won by round 9 tko) at Ricky Hatton (round 2 ko) ay si Pacman ang favorite at ang dalawang nauna ay siyang underdogs.
napansin ko lang bakit yung favorite fighter laging pogi sa poster? pansinin ang poster sa kaliwa. tingnan mo mukha ni pacq, mukha talagang underdog. yung tipong gutom na mukhang kontrabida na mukhang matatalo at dehado. pansinin mo itong sumunod na poster. tingnan maigi ang cute ni pacman! gwapo parang champion talaga.
samantalang si clottey look! mukhang nakatiklop na yung mukha hindi pa lumalaban.
4. Pulang Trunks
Mas malakas raw ang killing instinct at apoy ni pacman pag siya ay nakasuot ng pulang trunks. either trunks na white pero may linings na print na pula. kung mapapansin niyo kasi halos lahat ng impressive wins ni pacman ay nakapula siyang trunks.
tko win over,cotto, ledwaba, hatton, diaz, barerra, morales 1st, 2nd and 3rd bout etc.
5.
Malas na Blue trunks
Nang sa laban niya kay mosley, siya ay naka Blue trunks(may onting pulang print) at naka gloves na yellow. nanalo nga siya ngunit sa round 10 siya ay nadulas soya dahil tinulak siya ni mosley. ang referee ay dineklara itong knock down. kalaunan si referee kenny bayless ay inakong nagkamali siya. ito ang first knockdown ni manny since nang tumuntong siya sa US soil.
at sa marquez 3rd bout at laban kay bradley ay nakasuot siya ng asul na may print na pula.
ang pinakamasaklap ay ang pagkatalo niya kay marquez sa ika-apat na pagtutuos nila. siya ay naka Gray at Blue
6. Magdasal si Aling Dionesia sa Altar
Sa bawat laban ni pacman ay lagi siyang nasa harapan ng altar, nanalangin para gabayan at ingatan ang kanyang anak. nitong kambal na talo ni pacman kay bradley at marquez ay napabalitang hindi ginawa ni mommy D ang kanyang nakagawian ----kaya yun talo .
sa buhay natin ay nangyayari ang mga pagkabigo. ang matapat na si Job ay nagdanas ng hirap na halos hilingan niya sa Diyos na siya ay kunin na. nagreklamo siya at naghinagpis.
maging si Lord ng mapako nagpasan ng krus. dinanas niya ang hirap anupat nawika niyang " Ama ko bakit Mo Ako pinabayaan" bago siya malagutan ng hininga.
pero wag kayong mag alala sa pagkakatalong yan tulad ng muling pagkabuhay ng panginoong Hesus
si manny ay babawi. pangako ni gat manny pacquiao: "we will rise again".
7. Nagbago si Manny Pacquiao ng Religion.
hindi na raw nagsisimba si manny sa simbahang katoliko. di na siya nagsusuot ng rosaryo at nag sa-sign of the cross. puro pastor ang nakapaligid sa kanya. in-short nag convert siya from roman catholic to born-again christian. kaya minalas siya.
kayo na ang bahala humusga. pero sabi nila nahahati raw yung oras ni pacman na dapat sana ay 100 % para sa training.
ang positive sides lang ay noong natalo si manny naging matibay siya sa pagtanggap sa pagkatalo. maraming payo ang bibliya na kailan niya lang nahalungkat.
talo parin :)
8. Mas Malakas si Pacman pag Mas Malaki ang Kalaban
Cotto (5'7"), De la Hoya (5'10 1/2"), Margarito (5'11") kahit sino pang pang halos 6 footer v.s. Pacquiao(5'6 1/2) .
kaya si mayweather nang inakusahan si pacquaio na gumagamit ng steroids ay maraming tangang naniwala sa kanya. may nagkalat pa ng issue na takot raw ang team pacquiao kay floyd mayweather ( 5'8"). pero kung sasabihing mas malakas si pacquiao pag malaki ang kalaban. maari! pero matatandaan na kahit nanalo siya kay cotto nabangasan nito ang kaliwang tenga ni pacman at nakabali naman ng tadyang si margarito.
myth breaker: ke malaki ke maliit malakas talaga si pacman, may araw lang talaga na panalo at may pagkabigo. thats life.
9. Suwerte sa Red Corner
Sabi ng pinsan ko ay lagi raw panalo si pacman pag siya ay nasa red corner ng boxing ring.
saan nga ba ang red corner at blue corner?
pag naonood ka ng boxiing, mapapansin mo ang dalawang corner na may color blue at red. yund dalawa pang iba ay naka paint nang white.
suwerte nga ba si pacman pag nasa red corner?
kung babalikan mo ang kanyang huling 10 laban. alam mo ba na lahat iyon ay nasa red corner si pacman. ang huli kong natatatandaang nasa blue corner siya ay nung laban niya kay david diaz. nanalo siya via round 9 tko.
10. Sting Energy Drink
natakot ako noong lalaban si idol kay bam bam rios. kasi naman meron nanaman siyang commercial, ini-endorso niya yung sting energy drink.
matatandaan na sa simula nang uminom siya ng sting energy drink eh ginahasa siya ng malas. dalawang talo!
pero salamat naman at sa laban niya kay bam bam rios ay nanalo na siya kahit in-endorse niya yung nasabing energy drink.
kung may alam pa kayo na ibang lucky charm eklaboo ay please po ay ipaalam niyo naman.
sabi ng ilan suwerte raw ang pulang gloves. pero lagi namng red yung gloves ni manny.
ipagpaumanhin niyo po ang ilang pagkakamali kung meron man. mangyari po ay i-comment niyo ito para mapabuti pa ang post na ito. handa akong makinig sa ilang suhestiyon, reaksiyon, papuri o reklamo.
ayan lamang po at salamat sa pagbabasa.
special thanks to: http://emanzky88.wordpress.com/tag/pamahiin/ , en.wikipedia.org, www.google.com and pinsan robin estores.