Isang tahimik na bayan ang Los Avernus. hanggang sa isang pangkat ng pirata ang dumaluhong at sumakop sa lugar.
napapasailalim sila ng malupit na pamumuno ng sakim na si Xtian (Christian)---pinuno ng mga pirata.
Si Pedro ay isang Avernusenyo. namulat ang kanyang mata sa kaapihan ng bayan.
bagamat musmos sinikap niyang makatulong sa mga kababayan sa maraming paraan.
sa pagtulong, sa pagdamay, sa pagbigay atbp. maliban sa rebelyon.
Isang maulan na tanghali, nakita ni Pedro si Pepe. ito ay malungkot at basang-basa.
"Pipz, pinapatay mo ba ang sarili mo? halika at sumilong ka sa payong ko" ang paanyaya ni Pedro.
"Pedro, hindi ba masama akong kaibigan? mabuti nga't mamatay na dahil masama ako!" ang iyak ni Pepe.
lumapit si Pedro kay Pepe at inayang sumukob sa payong.
"Naku Pedro, huwag kang maniwala riyan, pihado akong may kalokohan nanaman yan" ang susog ni Juan na kaibigan ni Pedro.
ngunit bagamat nagdadalawang isip. lumapit si Pedro at inakbayan si Pepe.
"Walang perpektong tao (sabay binahagi ang silong ng payong). walang ring perpektong masama. kaibigan at kababata mo ako, ano ba ang problema" ang pagdamay ni Pedro.
Ikinuwento ni Pepe ang kanyang problema, itinakwil na siya nang kanyang mga magulang, busted siya kay Nene at di pa siya tuli. naawa si Pedro at maging si Juan na napa-akbay na rin sa supot.
maya-maya ay tumawa nang malakas si pepe.
"hahaha nasa...haha, nasa WOW MALI KAYO! ha ha ha.."
biglang lumabas si Berdugo ang tauhan ni Pinunong Xtian. laking gulat ni Pedro at Juan. binitbit sila na parang pusa.
"ano ito, Pepe anong ibig sabihin nito." usisa ni Pedro.
"Pepe, taksili tarydori" Pakli ni juan
"tahimik! pupunta tayo ngayon kay Panginoong Hon. Xtian." wika nang traydor.
isinuplong ni Pepe ang dalawa.
"kamahalan, narito ang sinasabi ko sayong tao na makakatulong sa atin" bungad ni Pepe, tinuro niya si Pedro.
"Anak ng teteng! itong kachupoy na'to? ha(3x) anong meron sa patpating uhuging ben adams look-alike na yan? nyahahaha" kutya ni Xtian. kinutusan naman niya si Juan(trip lang).
"aray! di naman masakit" pabulong ni Juan.
umentra agad si Pepe.
"hehehe bos, nasubukan niyo na ang pinakamalakas, pinakamatalino, pinakamabilis lahat nang pinaka. pero di niyo pa nasusubukan ang tulad niya." ani ni Pepe.
tumingin-tingin si Xtian sa itsura ni pedro.
"di niyo pa nasusubukan ang pinaka-masuwerte! wag mong mamaliitin ang taong swerte-mukha" mahinang dagdag ni Pepe.
"really? sabagay nakakatakot kaaway ang swerte mukha. ikaw na ang magaling, sakin na ang suwerte!" pagsang-ayon ng punong pirata."
malaki ang paniniwala ni Xtian na nasa bayan ng Los Avernus ang hinahanap na hiyas. iyon din lang ang dahilan kung bakit niya ito sinakop.
kinahapuna'y sinumulan na ang malayong paglalakbay. si Pedro at Juan ang tagabitbit nang mga pagkain at kagamitan. mga tabak naman ang hawak ni Xtian at nang kanyang Berdugo. si Pepe ay may magaang bitbit lang.
Si Pedro kahit wala namang kaalam-alam, ay siyang inatasan manguna sa paghahanap. sinakyan niya na lang ito dahil wala silang magagawa kundi sumunod. minungkahi niyang magtanong sa pinakamatandang tao sa bayan. nagtungo sila sa kubo ng isang matandang dalaga.
doo'y natakot ang matanda nang nakita ang mga kasamang dayuhang pirata.
"huwag ho kayong matakot lola, magtatanong lang kami" ang kalma ni Pedro.
"ano ba itong pakay niyo, wala akong pera, parang awa!" sambit ng matanda.
"tatanungin ka lang kung saan ho yaong hiyas na pwede kang humiling nang kahit ano" ang diretsa ni Pepe.
"chika! walang hiyas rito, yun ba ang pakay niyo kung bakit ninyo dinala ang mga manlulupig na yan (nakaturo ang hinlalato sa punong pirata)" ang sagot nang matanda .
"grrrr." ungol nang berdugo.
"sasamain ka sa amin tanda, kung hindi mo ibaba ang daliri mo at magmamang-maangan ka pa, nasaan ang hiyas?!" ang bulyaw ng punong pirata.
pumagitna si Pedro. ngunit isang dagok ang pinakawalan ng berdugo sa matanda at tumilapon ito.
lahat ay nagulat sa pagkatumba ng ugod-ugod na matanda.
umasiste si Juan. "lola, magsalita na kayo kahit ano" bumulong siya. "kahit imbento lang" awang-awa si juan.
ngunit tumayo ito."sige kung kapahamakan ang nais niyo. ibibigay ko.
bata pa lamang ako este napakagandang bata, char!!!.
itinago nang aking lolang mangkukulam ang hiyas. alam ko kung saan ito matatagpuan. subalit matanda na ako at naguulyanin na kaya nakalimutan ko na kung saan" sabay kamot sa ulo ang matanda.
"paano po ngayon yan" tanong ni Pedro.
"kailangan kong maging bata, isang halik, kailangan may humalik sa akin para maging magandang dalaga uli ako and in the same time ay bumata ang memorya ko't maka-alala," ang paliwang ng matanda.
"sinong hahalik?" tanong nang bawat isa. maliban sa berdugo na wala namang isip.
"ikaw na lang poklat" ang utos ni Xtian kay Juan.
"ako?" hindi naman makatutol si Juan."ako nga."
"Napansin ko ang chemistry niyo nang alalayan mong tumayo ang matanda."paliwanang ni P. Xtian.
"Atsaka magiging magandang dalaga naman yan di ba?" ang sabat ni Pepe.
walang nagawa si Juan kundi sumunod. umaasa na lang siyang magiging magandang dalaga ito.
"sino ang kamukha mo nang kabataan?" tanong muna ni Juan.
"hmmp ayaw mong maniwala. ang kamukha ko ay si.... none other than... Julia Baretto" sagot nang matanda at sabay nilabas ang lumang larawan nang kabataan niya bilang patunay.
"ayiii! sige, ayos Julia Baretto nga!" sabi ni Juan.
nagpalakpakan sila, napahanga si pinunong Xtian sa katapangan ni Juan.
pinikit ni Juan ang kanyang mga mata at humalik, gayundin din ang matanda. napapikit ng mata si pedro.
natatawa si Pepe, nakikitawa lang si berdugo.
tumaas ang balahibo ni Pinunong Xtian at napamura
"Tangna, shittttt" ganyan ang ugali ni Xtian puro mura ang lumalabas sa bibig.
napatigil si juan nang maramdaman niya na tinuklaw ng matanda ang ngala-ngala niya.
"ahhh shit!!!" napaatras si Xtian at hinintay magbagong anyo ang matanda.
ilang segundo ay wala paring nangyayari.
pigil sa una hanggang napatawa ng malakas ang matanda.
"nyahahahah hahahha"
"tigilan mo yang tawa mo, ano na bakit di ka parin nagiging si Julia?" ang tanong ni Juan na nanabik na talaga.
"sa tanda mong yan, naniniwala ka pa rin sa fairy tale?" ang sarkastikong tugon ng matanda.
pinigilan nila si juan bago pa ito makapatay.
"oh sige tutal. ito ang 91st kiss ko. karaniwang manlalakbay ay humahalik lang sa noo o kamay. 90 kisses lahat, 1st kiss naman na lips-to-lips. ahihi.. sige tutulungan ko kayo.
marami ang naghahanap ng hiyas ngunit hindi nila ito masusumpungan sapagkat, lumalabas lang ito tuwing sanglibong taon. sakto ang araw ng paglalakbay ninyo. napansin ko ang isang malaking tala sa kalangitan senyales na lumitaw na uli ang hiyas." ani ng matanda.
"nakita ko rin ang Star na yun" kumpiyansang singit ni Juan sabay turo sa kalawakan.
napatingin din ang iba sa itinuturo ng daliri ni Juan
"tangek caltex yun" sabi ni Hon. Xtian kasabay ng dagok kay Juan.
"oy game na! makinig na kayo. iwasan niyong mag-ingay sa gubat ng katahimikan, then sa "Hanging Bridge" then sa "tallest mountain". hanapin ang "silid ng kahilingan" naroon ang hiyas sa may altar and the rest ay kayo na ang bahalang tumuklas." ang panuto ni matanda.
nagpatuloy ang lima, una nilang nadaanan ang masukal na "Gubat ng Katahimikan".
sa daming pwedeng pag-ihian ay sa may batong nakasulat na "BAWAL UMIHI DITO". umihi si Pepe.
"masarap ang bawal. hehehe" bulong ni Pepe.
laking gulat nila nang ang iniihang bato ay nagsalita at bumangon...
"pweh pweh pweh ang alat, ang init... bastos kang bata ka, di mo nabasa? GRRRR!!!"
"tae tae, isang golem" ang pagkabigla ni Pinunong Xtian.
sasaktan na ng golem ang lima nang bigla itong napatigil.
na love at first sight siya kay pepe na kanina pa nagmamaka-awa. hiningi niya kay pinunong Xtian na ibigay na lang sa kanya ang binata kapalit ng kaligtasan nila.
"gusto ko sa lalake ang mataas umihi, nagdrowing ka pa ng puso gamit ang ihi mo. how sweet! akin ka na lang pogi"
"oh sige na Pepe sumama ka na" ang pasya ng Pinuno.
"hala!? walang laglagan boss. bossing huwag mong gawin sakin ito. alang-alang na lang sa katapatan ko." Pagsusumamo ni Pepe.
"hehehe Ganyan talaga Philip. di rin ako tiwala sa iyo. tsaka sa una lang masakit, magugustuhan mo rin sa huli" pakli ng pinuno at iniwan si Pepe sa golem.
wal nang nagawa si Pipz.
nagpatuloy ang apat sa "tallest Mountain". naiwan nga si Pepe. rinig pa nila ang iyak nito sa malayo.
tatawirin na nila ang "Hanging Bridge". sa ibaba nito ay maraming mga bading. pag nahulog tiyak na malulunod ka sa ilog ng mga bakla.
"20 pesos"
"oy pogi five hundred"
"600 sa'kin plus Tapsilog"
"Sarao XRM 400cc bet mo pogi?"
sari-saring offers/temptations mula sa mga bibig ng mga bading.
"Libreng chupet" sabi pa ng isa na may hawak na gunting.
napakasama talaga ni Xtian. inatasan niya ang berdugo na itapon si Juan. na aniya ay pampabigat lang.
sa Tallest Mountain. laking galak ang gumuhit sa mukha ni Xtian. naroon na sila sa bukana ng "Silid ng Kahilingan". nakikitawa naman si Berdugo pumasok sila. naroon ang hiyas na kasinlaki ng yakult sa may altar. makinang ito. may maliit na polyeto sa isang lamesita. binasa ni Xtian ang nakasulat sa altar.
"MAHIWAGEYI
TIKBALANGEYI...
HILINGEYI KOYI...
TUPARINEEEYIIII.. YI... YI... YI..."
napuno ng nakakasilaw na liwanag. ang hiyas at nawala. ngunit lumitaw ang isang tikbalang.
"WTF" nagmura nanaman si Xtian sa pagkamangha.
"NyihhHAAa! anong ang iyong kahilingan tagalupa?" nakakatakot ang boses nito.
sa wakas ay maiihiling na Xtian ang maraming kayamanan at buhay na walang hanggang.
"bigyan mo ako ng maraming..."
aksidente naman siyang natapilok sa isang bato
"p*ke ng kabayo" napamura si Xtian.
"maraming p*ke ng kabayo?! ahhh okay yun ba? matutupad ang iyong kahilengeyi" parang kulog na boses ng tikbalang.
"ahh hindi wait.. maraming kayamanan at buhay na walang hanggan I mean. hindi maraming kuwan ng kabayo!" paliwanag ni Xtian.
"wala na, nahiling mo na." paninindigan ng tikbalang.
nagpumilit pa ang pirata subalit unti-unting nagsitubuan na ang mga kuwan ng kabayo sa kanyang katawan. sa pisngi, sa noo, sa binti, sa braso, lahat at halos wala nang mapuwestuhan ang iba.
mayroon pa ngang nagsisitalunan sa lapag.
sa itsura ni Xtian ay parang nauulol ang tikbalang sa kanya. labis na naaalindugan sa mga hiyas na nagsitubuan sa malaking mama. di pa riyan natatapos. isinama rin siya ng tikbalang ng maglaho na ito.
"kuya wag po" boses ni Xtian
"nyihHHA, sa una lang masakit, magugustuhan mo rin" ang huling tinig ng tigang na tikbalang.
nahulog sa lapag ang hiyas at naging abo.
biglang bumuka ang lupa. nilamon sila Berdugo at Pedro.
at nahulog sa maraming patusok.
natuhog si Berdugo, pati yung butiki at Bubuwit. masuwerte namang hindi nagalusan man lang si Pedro--buhay siya.
samantala...
B3n 2Lfowh P.O.V.
kahit ika-ika at namumulaklak pa ang sugat. nagawa ni Pepeng makauwi sa bayan. inilahad niya kay Ngongo at Nene ang nangyari. si Nene naman ay nagsumbong sa isumbongmo.blogspot.com.
agad naman akong tumugon sa daing.
si Ngo-ngo, Nene at ang inyong lingkod lulan ng tricycle ay tumungo sa itinuro ni Pepe.
doo'y naabutan namin si Juan na mistulang iaalay. parang ritwal ng kulto ang tanawin.
tinalon ko ang kinaroroonan ni juan. tinabig ko ang kamay ng baklang nagsusulat ng CP number sa poklat ni juan.
"wag mo kaming pigilan!" ang sabi nila.
"teka mga teh! hindi ba kayo naaawa sa mura nitong katawan?" pagtatanggol ko.
"hindi! boborsyahin namin siya sa ayaw at gusto mo" sigaw nila.
"teka! bakit hindi na lang kayo-kayo ang mag... tutal namn meron din kayo ng meron siya. di ba?" ang katwiran ko.
"hahaha. lahat kami rito ay nag-round-robin na lahat. hahaha gusto namin ng bago" natatawang sagot nila.
unti-unti na silang lumalapit. patay!
"swiper no swiping... swiper no swiping... swiper noO Swiii-pinggGG..." ang sinabi ko na parang ginagaya si dora.
"OOooH Meeen!" ang bigkas nila sabay nagsilayuan silang lahat.
naiiligtas ko si juan na nawalan ng malay. pinasya kong maiwan si Nene at si Juan sa tricycle.
kasama si Ngo-ngo ay tinawid namin ang hanging bridge at pinasok ang "Silid ng Kahilingan"
Pedro P.O.V.
may narinig na tinig si Pedro habang nasa loob ng bangil.
Makma... oontaplo...
Makma... Imisamu...
Makma... Uyo iso...
Makma... uwo- uwoohh...
"(tawa ng baliw) ha... hahaha, Ngo ngo ikaw ba yang kumakanta ng Smack That ni Akon???!!!" wika ni Pedro.
"nandito ako sa butas..tas...tas..tas..."saklolo ni Pedro.
natagpuan siya ni Ngo-ngo at ni B3n 2Lfowh. maingat siyang iniangat gamit ang lubid.
ligtas silang naka-uwi ng Los Avernus.
Sanglinggo pagkatapos...sinumulan nila ang pagbawi ng kalayaan ng bayan.
wala nang nagawa ang natitirang kampon ni Xtian kundi ang lumayas. nagdiwang ang bayan.
naging bayani si Pedro at ang mga kasamahan niya.