Friday, December 8, 2017

No to Torotot, Yes to Safety

Delikado?

Paalala: Guys, mag ingat po tayo sa pagbili ng Torotot. dahil pwede rin itong makapinsala. tingnan mabuti kung mataas ba ang lead content. ang lead ay maituturing na cancerous. meron ding torotot na sub-standard at madaling masira. may kaso pa nga ng isang bata ang nakalunok ng pito ng torotot. dahil madaling matanggal ang pito. may torotot ring may balahibo na di pede sa hikain o may kiliti. at may torotot ring marami masyadong glitters na baka mapunta sa mata mo at ikabulag mo at kung magkakaimpeksyon ay ikamatay. may torotot ding tinesting o nalawayan na nang ibang mamimili tapos bibilhin mo at ibibigay mo sa anak mo? paano na kung may AIDS?  payo ko sa mga magdidiwang ng bagong taon. salubungin na lamang natin ito. salamat po.





Sunday, November 12, 2017

10 Tips sa Handaan

Ber Months na naman!!!. at syempre puro handaan. undas, pasko, new year, christmas party, b-day party (mostly ng mga valentines baby) at iba pang salu-salo.
Kaya narito ang inyoong lingkod B3n 2Lfowh at maghahatid sa inyo ng mga payo para mas ma-enjoy ang mga handaang rarating.
narito ang mga 10 Tips sa Handaan

Tips #1. I-ready ang Kaha
Magpagutom. simple at common na.  pero effective. pag may handaan kailangan maging gaya ng gutom na gagamba. mas masarap ang lechon pag gutom ka.
kwento ko lang yung pamangkin kong si baki. Reunion naming pamilya kumain kami sa isang food chain na may unli rice. naka 2 rice cup na siya toyo palang nababawas. #lodi # werpa #petmalu

Tips #2. Magdala ng Plastic Labo.
kahit ganyan ang tawag ko diyan. malinaw ang pakay natin. magpabalot kung pwede.
plastic labo a.k.a plastic ng isang kilo.

 Tips #3. Kumuha ng Marami Kaagad,

Kasama ko pinsan kong si Vigel sa isang fiesta. naglagay siya ng marami sa plato niya. nagulat yung kasama namin kasi akala mo sandukan. pero katwiran ni Vigel  ( na sumasali ngayon sa mga pageant). "keso naman daw (onti tapos) pabalik-balik ka" . sa ngayon debatable parin ito at paksa ng argumento.
ikaw sangayon kaba na "onti at umulit na lang" o "isang bagsakan na."

 Tips #4. Wag Pabagal-bagal
nabasa ko lang sa diyaryo na di ko matandaan ang pangalan. makakatulong raw sa nagda-diet ang mabagal na pag-nguya. makakatulong raw ito para mabilis na mabusog.
salamat sa diyaryo na yan.
para makarami gawin ang kabaligtaran

Tips #5. Focus
Hayaan silang magkuwento, makinig ka lang. focus sa pinunta mo.
sabi ng kaibigan ko. pag may handaan lagi mont tandaan " pagkain ang pinunta mo hindi ang kung ano man"

Tips #6. Umiwas sa Makeso o mga Dairy Products
Ice Cream, lasagna, macaroni, makesong spaghetti etc. wag kumuha ng marami. ihuli ito kung maari.

Tips #7. Kaunting Inom.
Gaya ng Tips number 6. mabilis makabusog ang madalas na pag-inom ng softdrinks, tubig, juice etc.

Tips #8. Tikman Lahat
Tikman lahat ng handa. kumuha kahit konti bawat isang potahe. masusulit ang handaan at pag katapos nito. pag nagkuwentuhan kayo tungkol sa handa. lahat related ka dahil lahat nasubukan mo.

Tips #9. Kaibiganin ang Kusinero.
Nasubukan ko na ito. tumutulong ako bilang taga hiwa ng sibuyas. nagpuputol ng dulo ng sitaw atbp.
at pag nagkakainan na. siguradong ikaw ang first consumer. lahat ng pagkain makakain mo. hindi nakakahiya kumain dahil di mo kailangan pumormal. pag nilalabas ko nga yung bangus wala ng taba.
source: google.com
Tips #10. Magpasalamat.
Pasalamatan ang naghanda at purihin na masarap ang menudo niya na kaldereta pala.
iwasan ang eat and run, mali yun. onting kwento pa at baka pagbalutan ka. magagamit na natin ngayon ang Tip #2 o Ang Pagdala ng Plastic Labo.

Ayan na ang sampung tip ko. salamat sa pagbabasa mo at sana naaliw ka. ito ay biruan lamang po. marami sa mga readers ko ay ipinauumanhin ko na sa huli ko na pinaalala na ito ay katuwaan lamang. parte po kase ng humor ko ang magmukhang seryoso pero joke joke lang.
kung may tips kayo ay hinahangad kong marinig at maisama sa mga tips natin.
comment lang po gamit ang facebook.

salamat din sa mga nahingan ko ng tips. kay Vigel, kay Umeng, kay Baki, sa site na to http://www.xiaoxizhang.com/weight-loss/tips/paano-ba-magpapayat-ng-permanente-at-mabilis-sa-loob-ng-isang-linggo/, at sa diyaryong di ko alam. salamat din sa calypso plastic. mabuhay kayo.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser