Sunday, February 20, 2011

Si Maganda at si Mabait (Alamat ng mga Unang Tao)

Takdang Aralin: pinagmulan ng unang ta
Alamat ng Unang Tao
Noong unang panahon, Wala pang tao sa daigdig, isang araw habang palipad lipad si Uwak sa isang kagubatan, napansin niya ang isang kawayan. na parang may nagsasalita mula sa loob nito.
"ginoo, ginoo, tulungan niyo ako" tila isang tinig ng magandang binibini.
lumapit at nagmasid  maigi si  Uwak sa kawayan.
"ginoo, tulungan niyo po ako" sabi ng isa pa.
magalang na tinig na lalaki ang narinig niya, maaring may dalawang nilalang na nasa loob nito.
dahil sa curiosity ng Uwak, tinuka niya ito ng tinuka ang puno este damo pala(turo ng titser ko, damo raw ang kawayan at hindi puno gaya ng akala ng marami eh).
nageffort siya hanggang sa mabiyak ang kawayan.

pag kabiyak ng kawayan, nahati ito sa dalawa., sa isang bahagi ay nandoon ang babae na napakaganda.
at isang lalaki naman sa kabila na, thank you ng thank you.
nagulat si uwak sa nakita,
 "uy ano 'to parang tao". ang sabi ng uwak.
at iyon na ang alamat ng unang tao.
pinangalanan ni uwak na maganda ang babae at mabait naman ang lalake.
"Malakas with capital M" sana ang nais niyang ingalan sa lalake. ngunit parang di bagay kasi kung malakas talaga siya eh bakit hindi niya nabiyak mag-isa ang kawayan. (kuha niyo yung point ko?)

napagusapan din nila ang love life
"ilang taon na kayo sa loob ng kawayan?" tanong ni uwak.
"21 years old na" sabay na sagot ng dalawa. at sila ay nagkatinginan.
"uuuy", sabi ni uwak,
"doon na kayo nagdalaga o nagbinata at nag-aral? nasa tamang edad na pala kayo para magpakasal" dagdag pa ng ibon
nagblush si maganda, at nahiya naman si mabait.
"ligawan mo na si Maganda, Mabait" sabi ni uwak kay Mabait.
naghihintay naman ng sagot si Maganda, ngunit di niya ito ipinahalatang nais niyang marinig ang sagot ni Mabait.
walang ginawa si Mabait, para siyang tanga, abnormal, ang daming katwiran
komo nahihiya, di pa raw time, may pagkakataon para diyan at kung ano ano pa.
Nayamot si uwak sa kabagalan ni Mabait.walang nangyari ng moments na yon,

lumipas ang sampu pang taon...
ang tatlo ay may kaniya kaniya nang buhay. si Mabait ay nakapagtapos na ng pag-aaral at naging matagumpay.
naisip niya sa kabila ng karangyaan niya ay parang may kulang. naiisip niya ang childhood sweetheart niya na si Maganda. nasabi niya sarili.
"hahanapin ko siya! at ipagtatapat na ang aking pag-ibig, hindi na ako mahihiya" sabi ni Mabait sa sarili at pinuntahan ang dating lugar sa kagubatan na alam niya, naroon si Maganda.
malayo pa lang ay natanaw niya na si Maganda.
kaakit-akit parin si Maganda kahit ilang taon na ang lumipas.
ngunit bago pa man siya lumapit ay bigla na lang napalibutan si maganda ng maraming bata.
meron ng anak si Maganda at ang ama ay si...
maya maya ay lumapit si Uwak kay Maganda at hinagkan ito.
si Uwak ang naging asawa ni Maganda.
kitang kita ito ni Mabait. gulat na gulat siya. hindi niya na nagawang ihakbang ang mga paa niya patungo kay Maganda at sa halip umuwi na lang siyang nakatitig sa lupa at sising sisi
"sana noon pa" ang tanging nabanggit niya sa sarili.
alamat ng unang tao
"Sana Noon Pa"
Photo by Lukas Rychvalsky from Pexels.com

Tuesday, February 8, 2011

Larawan by Eevee From their Album, Paramdam (Lyrics and Video)

Larawan by Eevee
Album: Paramdam
NEWEST OPM


Lyrics:
1st verse:
Pwede ba kitang
Makunan ng larawan
Kahit isa lang
Para merong ala-ala
Ang ating nakaraan
Ngunit mayron...
Kang ibang minamahal
Kung kaya't ako'y
'Di mo pinapansin

Chorus:
Sa larawan na lang (larara 2x), kita mahahagkan
Sa larawan na lang (larara 2x), tayo magpakasal
Sa larawan na lang, baka pwedeng legal
Dahil dito sa mundo, bawal!!!

2nd verse:
Paano ba kita kalimutan
Kayrami na kasi
Ang ipanagdaanan
Ipagpatawad mo
Kung mahal pa rin kita
Ipagpatawad mo
Kung mahal pa rin kita

Chorus:
Sa larawan na lang (larara 2x), kita mahahagkan
Sa larawan na lang (larara 2x), tayo magpakasal
Sa larawan na lang, baka pwedeng legal
Dahil dito sa mundo, bawal!!!

(Instrumental)

Chorus:
Sa larawan na lang (larara 2x), kita mahahagkan
Sa larawan na lang (larara 2x), tayo magpakasal
Sa larawan na lang, baka pwedeng legal
Dahil dito sa mundo (Dahil dito sa mundo)
Dahil dito sa mundo, bawal!!!



Salamat sa Adobe photoshop, pwede kang gumwapo bigla, kahit sa picture lang,
salamat sa photoshop pwede mong makasama ang iyong mahal,
salamat sa photoshop at kahit saan makararating ka.
salamat sa photoshop at marami kang magagawa na hindi pwede
 "Dahil dito sa mundo, bawal" 

back in highschool.... nakakahiya man, may pagkakataong di mo magawang magpapicture kasama ang gusto mo. pero sa iba ayos lang naman- bakit ganun?

siguro may pinanganak na talagang mahina ang loob, pag tatanungin mo naghahanap lang daw ng pagkakataon, ayan inabot tuloy ng taon-taon. hanggang sa wala na :(
pero salamat at merong taunang class picture---atleast magkasama kayo sa picture :)

buti na lang may photoshop :)
at nagawa mong itabi ang sarili mo sa kanya--- sa larawan nga lang :(

Sunday, February 6, 2011

Habulin ng Aso


Marami akong naging karanasan tungkol sa trouble sa aso, Alam kong ikaw din. pero dahil ako ang bida ngayon
ako muna ang magpapakara.
salamat na lamang at hindi pa ako nakakagat ng aso.
kahit nasabi ko dati sa sarili , ako ay habulin. certified habulin
sa ibang salita, ako ay maalinDOG .
ano ano nga ba ang di ko malilimutang karanasan? marami pero eto ung mga unforgetable...

ahh! simulan ko ng bata ako
tumatakbo ako ng di ko alam may tuta na pa lang humahabol sa akin, nalaman ko lang nang nagsisigawan na yung mga tambay, binilisan ko ang takbo.... ayun binilisan din ng tuta. mabilis akong umakyat sa nakapark na owner.. salamat at ligtas.

isa pa madalas, pagnangangaroling. oo madalas caroling
"thank you, thank you, may malaking aso takbo"
masaya pag nakatakas masaya ang tropa, pero isang araw may pangyayaring napunta kami sa eskinitang alam naming maraming aso. shet malayo pa lang nakita na namin si fulgoso, nataranta kami, biglang tumakbo ang isa sa amin at nagsisunuran na. karaniwan lugi ang huling tumakbo. makikita mo kung sino ang mautak pagdating sa ganyang sibatan.
hindi kami nakagat. ang problema ang pinsan kong si robin nadapa. sumabit ang noo niya sa barbedwire. ang daming dugo. dinala siya sa hospital malapit sa amin

isa pa ulit... nung simbang gabi
susunduin namin ni rhejie ang isa pa naming kaibigan. ewan ko kung bakit dumaan kami sa eskinita at dapat sa kalsada na lang.
ang daming aso patay! nagsisitahulan wari bang naninindak.. naalala ko ung sabi sa akin ni robin

"kuya benjie huwag kang tatakbo, diretso lang ang lakad, at
 'wag na 'wag kang titingin sa mata ng aso"

nagpatuloy kami ng lakad, nauna lang si rhejie nang kaunti sa akin, nagsisitahulan, parami ng parami. ewan ko ang dami dung aso.
 pero sa tingin ko makakalagpas din kami. naalala ko uli ang payo ni robin.

"kuya benjie, magkunwari kang may pupuluting bato at matatakot ang mga aso. magsisilayuan yun"

ginawa ko yun, ang nangyari...
yari. lalong nagalit ung mga aso, nagsilapitan sila sa akin. napansin ko na lang na malayo na si rhejie, at parang di kami magkakilalala. hindi ako makahakbang ng maayos. ung nguso ng mga aso dumudikit na sa binti ko. tatakbo ba ako? pero huli na yata.
tatakbo ba talaga ako?,
pero diretso ang daanan walang pag-asa matakasan ko ang mga asong may tig-aapat na paa. wala na akong nagawa at halos hindi na ako makakilos.
nasaan na ang kaibigan ko! ayun anglayo.
ang kaligtasan ko ngayon ay nasa pagpapapasya ng mga matatalim na pangil ng mga aso.
halo halo na ang nasa isip ko, naalala ko ang mga kuwentong
" tao kinagat ngaso ng walang dahilan, ang aso ay aso kahit amo ka pa nito, aso pa rin yan"

anak ng... ilang dasal kaya ang nagawa ko.
in Jesus name, hallelujah 4X

pero salamat at nakaraos ako, pagkatapos nito malakas na tawanan ang naganap sa bahay ng kaibigan ko.
bukod sa masakit at delikado ang kagat ng aso.
pera tol, malaking pera ang mawawala.
ang hirap maospital, boring!
ilang beses ka bang tutuhugin ng injection para sa anti-rabies?
iskandalo pa
ilang away magkapitbahay na rin ang nakita ko dahil diyan. dahil kasi sa sagot sa gastusin.
hindi sapat ang sibuyas at sabong bareta,  first aid lang yon

lumipas ang ilang araw. nakausap ko si robin
"robin di naman pala totoo ung sinabi mo, pumulot ako ng bato,  lalo akong nilapitan!" ang dismayado kong sabi.
"tingnan mo muna kung matapang ung aso, mali ka kuya benjie eh" sagot ni robin.

oo nga mali ako! dapat kasi tinitigan ko yung mata ng aso.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser