sa mundo maraming multo,mga problema, mapapait na nakaraan, maniningil ng utang at marami pa.
Sumbong aksiyon at solusyon. isumbongmo.blogspot.com
halikayo mga kaibigan at pakinggan ang sumbong ng isang residente sa Baesa, QC
ang kanyang isinusumbong ay tungkol sa di umano ay ligaw na espiritu na gumagala sa kanilang lugar.
totoo nga ba ito?, meron ba talagang multo? oh baka may nagpakana lamang nito sa di natin alam na dahilan?
para tapusin ang espekulasyon gumawa ako ng documentaryo.
Kung totoo nga ba ang multo?
pag dating sa mismong lugar sa Baesa, QC na sinasabing maymulto ay naglakad ako, para malaman ko talaga sa sarili ko. gumala gala ako, pero parang wala naman talaga,
madilim, lubak lubak, maputik ang daanan.
maynakita akong tindahan at bumili ako ng suka.
uuwi na kasi ako dahil mukhang case closed na at wala namang multo.
ititigil ko na sana ang imbestigasyon,
pero habang pauwi, may parang kumaluskos, ako lang ang tao doon at wala ng iba, walang pusa o anuman.
pero siguro baka hangin lang.
ilang sandali pa eh parang yapak na nang tao! lumingon ako at wala!
naglakad pa ako at medyo natatakot at naglilikot ang isip.
sinilaban ako ng takot ng parang may sumusunod na nga sa akin, lumingon ako at wala uli.
may kumaluskos, wari isang taong naglalakad,
nilingon ko at wala naman,
kumaluskos pa ng ilang ulit at t'wing lilingon ako ay wala!
pero alam kong may nagpaparamdam, pinagpapawisan na ako ng malamig
hindi ko na kinaya
at tumakbo akong nagsisisgaw, "waahhhh"
biglang parang patakbo rin ang tunog ng multo, sinusundan talaga niya ako at may pakay siya,
lumingon ako at nakita ko na ang multo,
may multo nga at putlang putla siya, malalim ang mata, duguan at nakakatakot,
hinahabol niiya ako, patakbo naman akong sumisigaw ng tulong
naabutan ako ng multo, napasigaw ako ng malakas.
MULTO NGA!!!!!!!!!!!!!!!!
nahawakan niya ako sa balikat.
"ANO BA ANG GUSTO MO, BAKIT KAILANGAN MO PA AKONG HABULIN, PATAWARIN MO AKO SA PAGGAMBALA SA YO" umiiyak akong nagmamakawa., nakaluhod at nagginginig pa
bigla niya akong sinagot.
"hihingi lang sana ako ng suka mo, may chicharon kasi ako eh"
Friday, October 28, 2011
Wednesday, October 19, 2011
Tuko for Sale, Timbog
hindi na maka deny ang suspek.
nang ipakita ko ang larawan na ibedensiya laban sa naka-maskarang japanese national.
at hindi niya maikailang siya iyon. hawak din namin ang video habang nasa akto siya ng panghuhuli ng tuko.
huli ka ngayon, bawal yan sa aming bansa.
ayon sa aming tipster, 500 thousand at pwede pang tumaas sa bawat tukong
may timbang na 300 grams!
kaya dinadayo ang Pilipinas dahil maraming tuko dito.
pinaniniwalaan ding gamot ito sa aids at iba pang sakit.
ang kailangan lang ay lunukin ito.
salamat sa aming tipster na amin pang nakakuwentuhan.
kung wala ang pakikipagtulungan ninyong mamamayan, ang otoridad ay mahihirapan.
dahil kayo ang aming sandigan at pag-asa.
sabi ng isang henyyo, success is 99% Perspiration and 1% Inspiration.
walang silbi ang 99% na perspirasyon
kung walang
1% na inspirasyon at kayo yun.
Dahil dito sa isumbongmo.blogspot.com....
ANG SUMBONG AY MAY SOLUSYON---AKSIYON
Sunday, October 16, 2011
Angry B3n
isumbongmo.blogspot.com
sumbong, solusyon at aksiyon
ngayong araw nakapanood ako ng balita, di ko alam kung matutuwa nga ba ako.
ang balita ay tungkol sa pinakamahal na desert, na merong golds and diamond.
hindi ko na pinanood kasi di ko gusto.
kasi bago ko panoorin yun may mas una pa akong napanood
kung napanood niyo na! siguro maiintindihan niyo ako,
bakit maraming tao ang nagpapakamatay dahil lang sa pera,
dahil sa career, dahil sa ambisyon at dahil sa pag-ibig.
yung iba nga diyan ginagawa ang lahat para mabuhay
bakit may mga alagang hayop na merong sariling stock ng pagkain sa ref.
habang sa iba hate ang magbigay.
iba gusto may collection ng mga mamahaling kotse kahit na isa lang naman dito ang gagamitin niya.
kalokohan!
bakit may mga taong nagsasayang ng kuryente (ay kasali ako dun, wag na lang yan)
bakit may mga taong may sobra sobrang luho,
sabagay nauunwaan kong wala namang masama kung pinagpaguran, at kung sa pamamagitan niyan ay mapawi ang pagpapagal mo at ganahan uli.
pero ang masama, ay kung sumobra. kakain ka ng dessert sa halagang libo?
ilang kaban na ng bigas yan, ilang drum na ng tubig, ilang banig na ng gamot.
yun lang sana ang punto ko.
mahirap talagang masanay sa mga bagay na pwede namang wala ka.
langya talaga!

Subscribe to:
Posts (Atom)