ngayong araw nakapanood ako ng balita, di ko alam kung matutuwa nga ba ako.
ang balita ay tungkol sa pinakamahal na desert, na merong golds and diamond.
hindi ko na pinanood kasi di ko gusto.
kasi bago ko panoorin yun may mas una pa akong napanood
kung napanood niyo na! siguro maiintindihan niyo ako,
bakit maraming tao ang nagpapakamatay dahil lang sa pera,
dahil sa career, dahil sa ambisyon at dahil sa pag-ibig.
yung iba nga diyan ginagawa ang lahat para mabuhay
bakit may mga alagang hayop na merong sariling stock ng pagkain sa ref.
habang sa iba hate ang magbigay.
iba gusto may collection ng mga mamahaling kotse kahit na isa lang naman dito ang gagamitin niya.
kalokohan!
bakit may mga taong may sobra sobrang luho,
sabagay nauunwaan kong wala namang masama kung pinagpaguran, at kung sa pamamagitan niyan ay mapawi ang pagpapagal mo at ganahan uli.
pero ang masama, ay kung sumobra. kakain ka ng dessert sa halagang libo?
ilang kaban na ng bigas yan, ilang drum na ng tubig, ilang banig na ng gamot.
yun lang sana ang punto ko.
mahirap talagang masanay sa mga bagay na pwede namang wala ka.
langya talaga!
No comments:
Post a Comment