"anak bumili ka ng mantika at kakapusin tayo, pakibilis."
kaya tumakbo ka sa tindahan.
"opo mamah".
dahil nagmamadali, nakalimutan mong ang tindahan na pinuntahan ay kilala sa bayan dahil sa sobrang bagal magtinda. anyare?!#$ syempre maghihintay ka, useless yung pagkaripas mo ng takbo. kahit nangangatog ka na at di mapakali, wala kang magagawa kundi maghintay ng matagal.
galing rito ang larawan |
ULAM NA NAGING ABO PA :( |
kung hindi pa. ay naku napakasuwerte mo. higit kang pinagpala.
napuno ang inbox ko ng mga sumbong tungkol sa tindahang mabagal sa ibat-ibang dako ng pilipinas.
mayroon pang kuwento ng batang bumibili na inabutan ng curfew.
ang kaso na ito ay di dapat ibalewala lang ng gobyerno. maraming bata ang nakakatikim ng palo mula sa mga magulang. may iba pa nga na inun-friend at bina-blocked sa fb. (ANONG KLASENG NANAY YAN!)
akala ng parents nila ay naglaro lang ang mga kids kaya natagalan.
pero ang puno't dulo ay napabili sila sa tindahang ang bagal kumuha ng paninda at ang bagal ding manukli.
yung yelo natunaw na bago maiabot sa bata.
batu-bato sa langit ang tamaan 'wag magagalit.
panu ba naman daming lamok. may tindahan sa amin lagi kong iniiwasan pero may time talagang napapabili ako. nagbabakasakali na yung nagtinda eh yung apo niya. opo ang tindero talaga roon ay si mang ___. siya ay senior citizen.
(kaya pala.)
pero may mas malupit pa diyan. sa dati naming tinitirhan sa Pasay.
pinakagrabe yon. magkakabalbas ka sa kahihintay. pag-uwi mo sa bahay mo advanced na ang technology. taon na pala ang nakalipas sa kahihintay. kung estudyante ka ay male-late ka. kung masakit ang ngipin mo ay magaling na bago ka pa makabili. may-edad na rin ang tindero at tindera kaya no choice. manigas ka o lumipat ka!
hindi ko kinukunsinte yung mga mamimili na bastos lalo na yung mga bata. hindi ka naman pinipilit na bumili sa mga tindahang mabagal much. kung may sasabihin ka at di maganda wag mo nang sabihin. gumamit ng magagalang na salita kung may nais sabihin. iwasan ang pakikipag-away.
kaso dama ko ang pakiramdam niyo. gusto mong sumigaw diba?
kaya eto ang purpose ng blog na ito. kung may hinaing kayo sa mga tindahan na ang bagal magtinda ay dito isumbong. mag kuwento rito tungkol sa experience mo at imbes na makipag-alitan, gawin nating nakakatawang ala-ala. at malay mo mabasa nila at matauhan. balang araw.
halina't gamit ang FB ay pwedeng ikuwento sa fb comment box. meron ring blogger comment box para sa ibang options.
No comments:
Post a Comment