Monday, December 5, 2016

Pick Up Lines (Asaran Time)

Energy Drink ka ba?
Bakit?
Mukha ka kasing cobra eh.

Mangga ka ba?
Bakit?
Mukha ka kasing kalabaw eh.

Kariton ka ba?
Bakit?
Sarap mong Itulak eh.

yelo ka ba?
Bakit?
Sarap mong iumpog sa paderrr!!

Binggo ka ba?
Bakit?
Namumuro ka na sakin!

Lapis ka ba?
Bakit?
Mongol ka kasi.

Panget ka ba?
Bakit?
Ala! Di mo alam?

Panget ka ba?
Bakit?
Ala! nalimutan mo kagad.

ayan ang mga pick up lines alaskahan edition.  bago gamitin sa iba isipin muna ang sitwasyon at baka pikunin pala ang kausap mo. salamat sa pagbasa. hopefully madagdagan pa sana ang pangaasar este mga jokes na yan.

panget ka ba?
bakit?
nireremind ko lang :)



Wednesday, August 3, 2016

Alamat ng Rambutan at ng Asuete

Si Rambo  at Machete hindi tunay na pangalan ay matalik na magkaibigan at magkababata.
kahit ngayong may kanya-kanyang pamilya na ay barkada at inuman pa rin ang inaatupag. si Rambo palibhasa ay may itsura ay maraming bakla at matrona. iyon ang kanyang sideline maliban sa matulog.

si Machete naman ay hindi pinalad maging gaya ni rambo na adonis. ganun pa man, mahusay sa tong-its at kara krus si Machete. binansagan siyang machete hindi dahil malaki ang pangangatawan. sa katunayan ay payat si rambo at parang di naliligo everymonth.
hindi ko alam kung ano kinabubuhay niya.

parehas walang matinong trabaho, parehas batugan, kaya kawawa naman ang mga asawa't anak nila.
di sila nagtatagal sa trabaho dahil mahilig magreklamo. ayaw magbuhat, magpakumbaba, o mangarap para sa pamilya gusto magpalaki lang ng bayag sa bahay. dahil rito napilitang kumayod ang kani-kanilang asawa. 

isang araw. galing lang sa basketball ang dalawa, panalo ang magbrod.
syempre derecho sa kanto para magbayad kay aling nena. at umutang uli ng redhorses at kropeks. gusto pa sana nilang humirit pa ng tig isang bote. kaso di na sila pinautang. katwiran ni aling nena, "tagal niyong magbayad, wala na akong puhunan"

kinagalit ng magkaibigang lasing ang ginawa ng tindera. umalis na rin ang magbrod. hinintay nilang umalis ang tindera at isarado ang tindahang gawa lang sa plywood at tarpaulin.
nang nasiguro ng dalawa na wala ng tao.
binaklas ang mini kubo ng matanda. winahak ang mga tabing tabing. binato ng tsinelas ang mga pusa. tumakbo ng nakatawa at nag apir pa.
dinig mo ang boses nila nang biglang kumulog at kumidlat ng napakalakas.
sabay nito ang pagkawala ng hagikhikan ng magbrod.

kinabukasan....ay para ring kahapon.
kahit ang tindahang winasak ay nasa ayos naman? parang sa orihinal parin bago guluhin ng dalawa.
walang nagbago maliban sa wala ang dalawang nagpapalaki ng bayag.
sumunod na mga araw ay nawawala parin anbg magbrod.
nang isa pang araw. may napansin si aling nena sa harap ng tindahan niya. dalawang mga puno na may bunga. parang magkaakbay ang sanga. 
"parang sina Rambo at Machete" ang nasabi ni aling nena.
naroon ang asawa ni Rambo at Machete.

napansin nila ang bunga ng isang puno, bilog na mabuhok na mapula.hinimas himas ito at  tinikman ito ng isang bading roon. "ang tamis parang kuwan ni rambo"



kung kay rambo yan? kanino naman itong mabuhok din ngunit maitim at tuyong bunga ito.
tumawa ang ilan "baka yan si Machete" 


sabi ng mga  albularyo. pinarusahan raw ang dalawa ng diwata. dahil sa katamaran at sa ginawa nila sa tindahan. ginawa silang mga puno.
ang isa ay ang puno ng Rambutan na hango sa pangalang Rambo.
at yung isang ay Atsuete. hango naman sa pangalang Machete na nabago lang dahil wala pang dictionary noon. at pwede mo pang baguhin ang tawag at spelling ng salita noon.


lesson: magsikap at wag lang umasa at magpalaki ng bayag.




Thursday, July 21, 2016

Pampakinis ng Mukha o Kutis

May kaibigan ako, palibhasa makinis ang kanyang mukha, mahilig siyang manlait ng mga taong hindi. ang paborito niyang banat. tungkol sa durian, wag daw gawing unan. hahahahha.

ang mas nakakatawa don, bumaliktad ang buhay. bilog talaga ang tigyawat. siya na ngayon ang pinutakti ng acne. mukha na siyang pinipig ice cream ngayon, karma

kaya, imbes na maglaitan narito ako upang magbigay ng 10 tips kung paano pakinisin ang mukha.

TIP # 1
Iwasang Ma-Inlove
ewan ko, ayokong maniwala pero experience ko eh. lahat ng ka work mate ko tinigywat ng makita ako. yung iba nga 1st time lang magkapimple.
kaya ginagawa ko binabasted ko kagad. effective naman. di na sila tinigyawat.


TIP # 2
wag manlait ng kapwa, 
tulad ng kuwento ko. matakot ka sa karma. ngayon naging sungka na ang muka.


TIP # 3
instead na sponge, gumamit ng palo-palo.


TIP # 4
Umiwas sa matamis,
para di langgamin yung mukha mo.

TIP # 5
effective ang photoshop. 

TIP # 6
mas madaling huminga pag tasbu-tasbu ang mukha. kaya be be grateful and be proud sa pinagpuyatan mo.

TIP # 7
kumain ng saging, marami dapat.
tingnan mo yung unggoy, may pimples ba?

TIP # 8
Gumait ng Erase Products.
Dito ako nagta-trabaho ngayon eh.

TIP # 9
Wag Magpuyat

TIP # 10
Matulog ng Maaga


Ayan na ang 10 tip ko. na kung tutuusin 9 lang. kasi ang TIP # 9 at 10 ay iisa lang.
Ikaw anong Tip ang effective sa'yo.

salamat sa pagbasa, paalala lang, biruan lamang ito maliban na lang sa TIP kong gumamit ng Erase Products. hehehehe






Monday, March 28, 2016

Kapitan Amerika


Si kapitan Amerika! ang superhero ng bayan. bagamat banyaga, siya ang tagapagtanggol ng kalayaan, katwiran at ng inaapi.

balik tanaw tayo noong araw. di nyo naitatanong ginapi niya ang higanteng leon na 300 taong naghari sa bayan.
buti dumating si kapitan amerika at pinalayas ang mabagsik na leon?
ginapi niya rin ang mga itim na ninjas na dumaluhong sa bayan, sa una akala ng lahat matatalo na ang kapitan amerika. napinsala ng lubha ang bida sa unang tunggalian nila ng mga itim na ninjas. kaya tumakas siya.
2 taon namayagpag ang mga malupit na mga tulisan sa bayan.
nang magbalik ang lakas ng kapitan amerika, niresbakan ang mga kalaban at tinalo. tinupad niya ang pangakong "i shall return".

siya rin ang nakatalo sa agilang may dalawang ulo. na gumagambala sa kanlurang parte ng mundo.

sa kasalukuyan, kilala rin si kapitan amerika dahil marami siyang digmaang napagwawagian. sa mid-east. hinahunting niya ang mga dambuhalang alakdan, aniya ang dugo nito na kulay langis ay nakagagaling. kailangan niya ito para gamutin ang mga kababayan niya sa states.

ngayon. nanganganib muli ang bayan sa napipintong digmaan na malabong magwagian natin.
masyado makapangyarihan ang higanteng dragon na nais ay maging hari sa asya,
siya ang bansang tsina na umaangkin sa mga islang nasa dagat raw nila.
sa kanila raw ang south china sea cant you see?

kailangan di siya magtagumpay kung ayaw ng ibang maliliit na bansa sa asya na hindi na malayang mangisda at makadaan roon.

anong gagawin natin? mahirap lang tayo at mahina ang depensang militar. bukod pa roon, nakakatamad pa.
sino ang maasahan natin,
salamat na lang at
tutulungan tayo ni kapitan amerika. siya nga!

ang tagapagtanggol

superherong grabe maningil
bago matapos ang kwento ko ay nais kong ipaalala. wala ng libre ngayon
kung inaakala ng marami na si kapitan amerika ay bayaning tunay. nagkakamali kayo. hindi susugal si kapitan amerika ng walang nakakainspire na premyo, hindi siya tumatanggap ng T.Y. babawi siya syempre sa pinusta nya. asahan niyong mas malaki ang hihingin nila. cash, ginto, langis, lupain, etc. 

lahat ng sinalihan na digmaan nila ay nakinabang sila, kaya minsan negosyo niya na rin ito.
tulad din ng ibang bansa. ang interes ng estados unidos ang prayoridad ni ginoong kapitan ameri higit sa lahat.
ayan si kapitan amerika handang tumulong kung may pakikinabangan,

mabuhay!!!





Wednesday, March 16, 2016

Panawagang Ibahin ang Kulay ng 20 pesos o 50 Pesos

Nagdudulot ng kalituhan ang kulay ng 50 peso bill sa 20 peso bill.
marami ang nagaaway. dahil napagkakamalang 50 ang 20 at vice versa.


akala ko pa naman nitong nagpalit ng itsura ng pera sa panahon ni Pres. Aquino ay babaguhin din ang kulay orange na bente o ang red/pink na singkuwenta pesos.
ngunit mali ako. dahil ganoon parin ang kulay.
nakakalito parin.
ganun rin ang 100 pesos bill sa 1,000.
panoorin sa link sa baba kung paano pinagpalit ang 1000 sa 100 peso bill.

https://www.facebook.com/arielnanlypkmu/videos/745568992209730/

sana sa susunod na papalitan ang pera natin. ay magisip naman ang gobyerno partikular na ang bangko sentral ng pilipinas ng anyo na hindi gaanong magkamukha/magkakulay ang dalawang magkaibang value ng perang papel.





Monday, January 25, 2016

Alamat ng Papaya


nagmamahalan ng tunay si Papz at Aya. ngunit engage na si Aya kay
Don Juancho (46 y/o). mayamang haciendero at malapit na kaibigan ng mga mamah at papah ng dalaga.
samanatala. si papz ay asindero naman.
nagtitinda siya ng asin sa blumentritt. ASINdero ang bansag ng marami sa binata.

pinilit nilang ipaglaban ang pag-ibig. dahil desperadong magsama, galawang breezy, sila ay nagtanan.
masaya silang bumuo ng pangarap sa kung saan man. wala silang pangamba.. tanging tunay na pag-ibig ang kanilang pinanghahawakan at "awa ng Diyos"......kung meron nga talaga

talaga nga bang may Diyos? sabagay,  dahil sino nga ba ang lumikha sa langit at lupa. ngunit tama rin yata ang kasabihang " everything is made to be broken". hindi nakaligtas riyan ang Papz and Aya love team.

may Diyos ba, kung Oo? nasaan siya?
kung may awa Siya, sana ay di nangyari kay Aya ang sumunod na pangyayari.
isunugod sa ospital si Aya. matagal na pala siyang may karamdaman. meron siyang sakit na ano.
matagal na niyang nililihim ang ano kay papz.
walang pera si papz. tanging asin at pamasahe lang ang hawak niya at yung
pick up line niya.,

Papz: asin ka ba?
Aya: bakit (inuubo)

Papz: kasi I love you ALAT

at iyon na ang huling salitang narinig ni Aya mula sa labi ng kapareha..
nalagutan ng hininga ang dalaga.
"life is so short" ngunit sa maiksing panahon ay naparamdam ng bawat isa ang tunay na pagmamahal.
matagal na ang nakakalipas. laging dumadalaw sa himlayan ni Aya si Papz. patunay ng kanyang pag-ibig..

sa tabi ng puntod ni Aya ay umusbong ang isang bagong uri ng halaman.
inalagaan ito ni Papz. nang namatay si Papz. patuloy itong inaruga ng mga tao.
ang halaman na ito ay may bunga. malalaki at masustansiya.
"parang dibdib ni Aya" ang sabi ng iba.
pinangalanan nila itong papaya. mula sa pinagsamang Papz at Aya.

Sunday, January 3, 2016

Alamat ng Mais

Sa malayong bayan. may isang Guro na napakabait. minamahal siya ng kanyang mga kanayon. Tinuturuan niya ang mga tao roong bumasa, sumulat, mag-aral ng sining, agham at matematika. ng libre.
umunlad ang bayan. nagbuo siya ng kooperatiba at hinikayat ang lahat na magtulungan.
bukod sa magandang asal. mayroon rin siyang magandang pangangatawan. anupat di nakakapagtakang marami ang nagpapalipad hangin sa binatilyo.
ngunit bakit nga ba may pangit na pangyayaring dapat maganap pa?

Nasusunog noon ang "Fishpond" na pundar ng kooperatiba.
sumunod ang paaralan, pineste naman ang bukid. sabi ng iba ay "may nanabotahe raw".
ngunit walang makitang ebidensya. tikom ang mga saksi. hinala nila ay ang mga mayayamang nais kamkamin ang lupain na'yon. lalong nawalan ng pag-asa ng ang butihing Maestro ay binaril. ang Maestro kasi ang humihikayat sa mga taga-nayon na wag ibenta sa mga mayayaman ang lupain. lalo't sa murang halaga.
grabe na ang hirap na dinanas ng nayon. wala ng makain. sosyal ka na kung pagpag ang dinner niyo.
ngunit kahit anong gipit sa kanila ay di nila sinuko ang lupain.

Isang araw. may natagpuan roon ang mga magsasaka na isang bagong uri ng halaman.
malapit ito puntod ng Maestro. para lang siyang damo at may mahahabang dahon. may buhok ito gaya ng kulay ng sa Maestro. pag binuksan mo ang bunga ay parang abs ang laman.
naalala ng mga tao ang abs ni Maestro.
"parang abs ni Maestro".ang sabi ng iba.
nilaga nila ito at kinain. masarap ang lasa nito at nakakabusog.
"hindi tayo kinalimutan ni maestro. hanggang ngayon nais niya tayong busugin". ang iyak ng iba.
nagtanim sila nito. Ito ngayon ang bumuhay at nagpaunlad sa Nayon.
"Maestro" ang tawag nila sa halaman. bilang parangal sa mabuting guro. sa kalaunan ay naging "maes". pero sa mga Bisaya ay naging "mais". hanggang ngayon ay tinatawag natin itong mais.
Si Maestro at ang ABS niyang parang mais, ok ba?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser