Friday, March 16, 2018

Lost In Space by Lighthouse Family



Sometimes I get tired of this me first attitude 
You are the one thing that keeps me smiling 
That's why I'm always wishing hard for you 

'Cause your life shines so bright 
I don't feel no solitude 
You are my first star at night 
I'd be lost in space without you 

And I'll never lose my faith in you 
How will I ever get to heaven, if I do 

Feels just so fine 
When we touch the sky me and you 
This is my idea of heaven 
Why can't it always be so good 

But it's alright, I know you're out there 
Doing what you've gotta do 
You are my soul satellite 
I'd be lost in space without you 

And I'll never lose my faith in you 
How will I ever get to heaven, if I do 

And I'll never lose my faith in you 
How will I ever get to heaven, if I do 

And I'll never lose my faith in you 
And I'll never lose my faith in you

Ang kanta na ito ay isinumbong lang sakin ng isang kaibigan, kalakip ng isa kanyang kwento ng pumunta siyang cagayan. Narito ang daing niya. 

ang daing ni Sumbong sender na  si Jay
"Muli kong narinig noong nasa daan ako papuntang sa isa pinakadulong parte ng pinas sa norte. 1,000 kwentuhan mula maynila ang layo.  

Para sa isang project, kasama ko ang 3 na noong araw ko lang unang nakasama. baon ang 1 extradamit, jacket, 200 pesos,  at ilang gamit. lakas ng loob akong sumama sa biglaang trabaho. gusto ko noon ng thrill. pero sa biyahe parang naiisip ko na parang di yata ako nagisip, kumbaga sa gera sumabak ako ng walang baril.
hindi naman sa madasalin pero ang option ko ay magpray. 
sa daan tumugtog ang isang kanta. ganda ng boses, tugtog at linya, lalo na yung 
"lost in space without you. hooo" 
parang tumama sa akin. hindi siya lovesong lang, pwede siyang inspirational or motivational."
tinandaan ko ito. at paguwing-paguwi. madali kong nahanap ang kanta sa internet.
ang bandang nasa likod nito ay ang british duo na Lighthouse Family. 
Vocalist: Tunde Baiyewu
Keyboardist: Paul Tucker
Album: Postcard to Heaven (3rd album, 1998) 
Produced by: Mike Peden
(click here to wiki more)"----Jay

 At 'yan ang kwento ni jay at intusan pa akong mag wiki. pero worth it naman kasi ako rin ay na-elib.
lalo na sa lyrics na....

"You are my first star at night 
I'd be lost in space without you 

And I'll never lose my faith in you 
How will I ever get to heaven, if I do"

 Ayon sa isang answers sa  songmeaning.com. ang kanta ay maaring kanta ng pakikipagusap sa Diyos, supported pa ito ng music video na pinapakita yung popular na Crist the Redeemer Statue sa Brazil.



 Iba talaga ang classic song, walang kupas. iwasan mo lang ipangharana kung boses kalabaw ka. kantahin na lang ang kanta ni DJ Khaled kung magkaganon.

[intro: DJ Khaled]
We the best music
Another one, dj khaled.

[Pre-Chorus: Justin Bieber and DJ Khaled]
"Yeah you're lookin' at the truth
the money never lie, no
i'm the one, yeah, i'm the one, yeah"

10 taon mula ngayon meron kayang mag thro-throwback nang mga kantang ganito? whatchutink sumbungeros.


Wednesday, March 7, 2018

United Christian Artists of the Philippines (UCAP)

Excuse mo po!!! Magandang araw mga Sumbungero.
Ako po ang inyong lingkod b3n 2lfowh ay malaking tagahanga ng musikang pinoy (favorite ko ang F4).
Alam kong isa ang mga pinoy sa tinitingala sa buong mundo, minsan pa ngang tinawag ng mga sikat na celebrity na ang Pilipinas ay "Land of the Great Singers" tanungin niyon si  Simon Cowell at David Foster Making.
Ngunit bakit tila mahina ang music industry. Tila mas patok pa ang mga KPOP o RNB sa atin.

Ito ang napansin ko.
1. ang basehan ng pinoy ay ang looks at hindi ang talento sa musika.
2. Palakasan o pulitika
3. natsi-cheapan sa tagalog song.
4. puro revive na lang mga singer natin.
5. puro cover.
at
6. walang pumapansin sa original composition ng mga pinoy. kaya binibenta na lang sa artistang pogi.

Ngunit imbes na magmukmok. gagamitin ko ang pagkakataon para ipromote ang UCAP. 
ang UCAP ay nabalitaan ko lang sa pinsan ko. gumagawa sila ng mga praising songs. samahan sila karaniwan ay mga new rising / aspiring artist na gumagawa ng mga original composition. maraming magagandang awit, may english at tagalog worship songs. ibat iba rin ang genre at mga cute/maganda/pogi pa ang mga singer.
para sa karagdagang impormasyon. bisitahin ang FB page nila. https://www.facebook.com/ucapnetwork/
pwede ring i download ang mga kanta, bisitahin lang ang www.ucapnetwork.com

kasali rin doon ang pinsan kong pogi at talented na si angelo estores at ang kanyang album na UPSIDE DOWN. Ooops hindi to revive ah! original song ito, may kapangalan lang.

suportahan din ang ASOP,  PPOP at iba pang Pilipino Artist.
https://www.asoptv.com/
https://www.facebook.com/PpopArtistsLeague/

Wish List:
Sana magbago na ng panlasa ang mg pinoy. tama na yung boyband na puro papogi tapos kakanta lang ng revived na kanta, tapos english ang salita para sosyal tapos may aakyat na kinikilig na fangirl tapos pupunasan yung pawis ng tisoy na singer. at magtitilian ang buong madla. at yun na yun. paulit-ulit.
nakakasawa na! sana subukan muli nating tangkilikin ang original pinoy songs. tayo rin ang makikinabang. at baka balang araw tayo naman ang magbenta ng album natin sa US, EUROPE at KOREA.
comment na lang po for suggestion.

hi to Jisoo of Black Pink, annyeonghaseyo!!!

heto yung kuha ko ng pinicturan ko sya.
source:https://ygdreamers.com/category/blackpink/jisoo/page/36/
heto naman yung kuha niya ng pinucturan niya ako. ayiee!!!
Black Pink in your AREAAAH!!!



Sunday, March 4, 2018

Tips Para Di Malate


matagal na rin ng huli akong nagpost ng bagong katha.
busy kasi sa work daming trabaho.
pero dahil din dun kung bakit ako naka-isip ng ikukuwento.

Madalas ka bang Malate?

Ito ang pangunahing dahilan.
malayo, traffic, o tinatamad ka na sa trabaho mo.
may nakaaway, may ayaw makita sa trabaho. natambakan. blah blah blah. nye nye nye.
in short tinatamad ka

paano mo lalabanan ang katamaran kung tinatamad ka?

tsk tsk tsk. walang gamot sa katamaran  kundi pag kukusa. narito naman ako si b3n 2lfowh ang inyong lungkod upang magbigay ng mga helpfull tips
para maiwasan ang late na may kakambal na stress.

1. Inspirasyon.
Mahirap gumising ng maaga kung mukhang paulit-ulit na lang.  humanap ng inspirasyon, pwedeng gumising para sa mahal sa buhay, sa kapatid na pinapa-aral, sa nanay mong hanggang ngayon ay nagtratrabaho pa rin, o kahit sa loveones pwede. Masarap magtrabaho lalo na kung iisipin mo kung paano ka nagsimula. kumbaga yung iba nag-aaply/sumusugal pa lang ikaw nagtatrabaho na. isipin mo na ginagawa mo ito hindi lang sa pera kundi para sa Diyos at para sa iyo na maging huwaran ka sa iba.  isipin mo ang benefits ng pagiging di late o absent. kahit na di ka ang pinakamagaling ikaw naman ang mr. NICE GUY . masarap sa pakiramdam pag naunahan mo ang guwardiya. kung madalas late malamang ay nasisi mo ang byahe, ang traffic, katrabaho mo, boss mo, kasama mo sa bahay kaya ka na late.
pero lagi kang magfocus sa solusyon at huwag sa problema. unahan mo ang problema (traffic)  bago pa ito magising.

2. Matulog ng Umaga
Ugaliing matulog ng maaga, uminom ng sapat na tubig, at  mag basa ng blog ko. isumbongmo.blogspot.com. madaling gumising kung full charge ka.

3. Buksan ang mga Media devices
Pagkagising buksan ang TV, Radio o Mp3 para mas active ka pag kagising. bantay mo pa ang oras dahil ang isang kanta ay natatapos ng 3 minutes. budget mo ang oras ng di na palingonlingon sa wall clock.

4. Magtootbrush Kaagad,
Well simple lang ito, nakakagising kasi ng diwa ang pag tootbrush. hindi nakakatamad kaysa pagligo. para ka ring nage-exercise at mabubuhay kaagad ang dugo mo. may kaibigan akong di na nga naliligo katwiran niya nagsipilyo nanaman siya eh.

5. 'Wag Magtootbrush
Wag ka sanang maguluhan, dahil una pinag sisipilyo kita tapos ngayon hindi. pero think about it. kung di ka magsisipilyo 20 minutes rin ang matitipid mo. see?

6. Unang Banlaw.
Marami ang tinatamad maligo dahil sa lamig ng tubig. pero sabi nila unang buhos lang naman ang mahirap. ang tip ng Visor namin dati binabasa niya muna paa niya. para makondisyon at di na siya gaanong malamigan pagmagbubuhos na siya ng buong katawan kahit mag shower kaya mo na ang lamig.  pwede ring iwasan mo ung unang buhos.

7. 'Wag Maligo
Magulo talaga ako mag tips. pero parehas ng tip number 5. makakatipid ka naman ng 45 minutes hanggang 1 oras kung di maliligo. use your head.

8. Ilayo ang alarm clock.
kung nasa tabi mo lang ang alarm clock madali mo siyang patayin. pero try mong nasa malayo at malakas. tatayo ka muna bago mapatay ito.

9. Ilapit ang alarm clock,
para mas maingay.

10. Magpaiba ng Schedule
makiusap sa kinauukulan na wag itapat yung oras ng gising mo sa oras ng pasok. onting kosiderasyon naman ho.

11, Sugar Rush
kumain ng peanut brittle, magkape, milo, o chocolate bilang sugar rush. pampagising,

12. Wag na Babangitin sa isip ang 5 minutes pa.
masarap matulog, wala nang singtatamis sa 5 minutes na yan. bakit ang damot ng mundo. 5 minuto lang naman, kaysa namnamin ang nakaw na sandali.wag na padalasin ang minsan. bumangon na at gawin ang mga tips ko, its worth a try. effective yan!

Para karagdagang tips, may pabirong nagsasabing umabsent ka kung ayaw mong late, ilapit mo yung school o workplace mo sa bahay niyo, wag magtrabaho etc. hindi ko na sinama kasi gusto ko sampu lang, para masaya. ang lahat ng nilalaman ng post maging buong blog na ito ay birubiruan lamang wag po laging seryoso. sana ay may natutunan kayo kahit alam kong wala,
'Yan lamang po, salamat sa pag basa. salamat din sa mga natanungan ko. JR. Robin, Umeng, Kuya Ding, Tedi at sa Google.com at  facebook,com/SHS-Confession .

pwedeng magcomment, ako bahala.


Saturday, March 3, 2018

Nakakatawang Balita

Narito ang mga koleksyon ng mga nakakatawang balita sa radyong sira. Luma na pero mapapangiti ka parin, halina't limutin muna ang problema. magbiruan muna tayo.
Nakakatawang Balita
Kwentong kanto: Koleksyon ng mga Nakakatawang Balita
basurero nagsampa ng kaso, binasura.

kaso ng pilay, nilakad.

kusinero, ginisa sa senado

barbero sa korte, di pinaniwalaan

lalaki, nagwala sa bilyaran, sinargo.

bulag nanaksak ng ka eyeball, nagdilim raw ang paningin.

bulag tuwang tuwa sa nakita.

labandera na nagkamali,sinabon.

bastos na titser, tinuruan ng leksiyon.

bakla napasali sa away, napasubo.

nagbabagang balita, fishpond nasunog.

sementeryo nasunog, lahat patay.

misis ng photographer, nakunan

tubero, nagkatulo.

bagyo hindi natuloy, sa sama ng panahon,

tindera ng tubig, uhaw sa atensyon.

tindera ng asin, inalat ang benta.

tibo, binayagan.

vampira, hinigh-blood?

janitor nagbasketball, nilampaso.

entrance, pinasok.

exit, nilabasan.

parada ng lechon sa laloma, binaboy

PAG-ASA, inulan ng batikos.

Ayan na po ang mga nakakatawang balita, mga best of the best. medyo luma na pero diba ang importante ay ang mahalaga. nag-effort rin ako kahit paano kaya sana wag niyo namang pagtawanan. yun ang punto ng point ko. Ito yung mga jokes noong bata pa lamang ako. merong luma pero marami ring bago. kaya salamat sa mga websites na ito at kay google.

http://www.symbianize.com/archive/index.php/t-321099.html
http://pinoyjokesatbanats.blogspot.com/2012/08/nagbabagang-mga-balita.html
https://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=372402
https://www.facebook.com/FnnJks/?hc_ref=ARSHIKWKmomFSu5YpE9WX3XOMqOvLlMfqZwAe1bawDAR_bCoTugP7WnEVefbCnZOPXw&fref=nf
http://balitasaradyongsira.blogspot.com/
http://nakakatawa.blogspot.com

sana ay makapag-comment kayo, lubos kong ikagagalak kung may suhestiyon, reaksyon o meron kayong nakakatawang balita rin.parinig naman. hehehe.

Friday, March 2, 2018

Kape Jokes


Marami sa atin ang adik sa kape, masarap sa kwentuhan, pampagising at stress reliever.
di lang masarap partneran ng tinapay, masarap ding lagyan ng joke.
Wala nang paligoy-ligoy. heto na ang "Mga Kape Jokes". tikman na natin.

Kape Joke # 1 (Kape muna)

Kamatayan: Pedro kukunin na kita.
Pedro: 'Wag po muna ngaun,marami pa akong gagawin.
Kamatayan: Hindi pwede yun,ikaw ang unang nakalista sa listahan ng kamatayan.
Pedro: Sige po,tatapusin ko muna to, pagtimpla muna kita ng kape,mag kape ka muna.


Nilagyan ng pangpatulog ni pedro ang kape, naka tulog si kamatayan.

Binura ni pedro ang panglan nya sa unahan ng listhan at nlagay sa pnakahuli. . .

Kamtayan: ohh, napasarap ng tulog ko kaibigan, Dahil sa mabuting pakikitungo mo sa akin,mag sisimula ako sa pinakahuli ng listahan. .


Pedro: acheche 
credits: http://tagalog-pick-up-lines-jokes.blogspot.com/2014/02/pinoy-tagalog-jokes-collection-001.html

Kape Joke # 2 (trivia)


Kape Joke # 3 (Boy Pick up)
alam mo yung masarap sa kape? edi ano pa. eh yung maKAPEling ka!

Kape Joke # 4 (Hashtag Hugot)
kape nga miss, yung matapang. yung kaya kang ipaglaban 

Kape Joke # 5 (Mag-ama)
Anak: 'Tay, Anong English ng Kape
Tatay: 3 in 1
Anak: Akala ko "Coffee"
Tatay: "Cofee", kung walang sugar
credits: http://www.jokespinoy.com

Kape Joke # 6 (Presyo ng Kape)
Juan: Kape with milk.
Waiter: 16 pesos sir,
Juan: ano 13 lang yan kahapon
Waiter: Nagtaas po kasi ang presyo ng gasolina.
Juan: Pwes 'Wag mong lagyan ng gasolina! P****TA!
credits: http://www.filipino-jokes.com/life/658-kape

Kape Joke # 7 (Palusot)
habang nagkakape si mister..binatukan siya ni misis

Mister: ano ba!
Misis: ano itong "jane" na nakuha ko sa pantalon mo?
Mister: a yan..yung kabayo na tinayaan ko sa karera..
(lusot)...

pagkalipas ng 3 araw..
habang nagkakape na naman si mister..binatukan na naman siya ni misis..

Mister: ano ba!
Misis: tumawag yung kabayo

credits: http://www.sabong.net.ph/forum/showthread.php?55063-Joke-Lang-pag-Nanalo-Sa-Sabong



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser