Sunday, April 15, 2018

Pampatangos ng Ilong

Pampatangos ng ilong
Pango? cute kaya!
Gusto mo ba ng pampatangos ng ilong? Puwes, nasa tamang pahina ka.
Gumawa ako ng listahan ng ibat-ibang klase ng pampatangos ng ilong.
Mga tips, advices at kaalaman na maaring makatulong sa iyo.
Pero kung ako tatanungin di naman pangit ang pango, kaiingit nga eh, pang sundalo.
(nakadapa kasi)
Any way. narito na ang 10 paraan Pampatangos ng ilong.



1. Plastic Surgery
Pwede mong pa-opera ang iyong ilong para tumangos sa loob lang ng 2 o higit pang oras. kailangan mo lang ay maraming pera at mapagkakatiwalaang surgeon.
dadagdagan o babawasan yung nosebridge ng ilong. gagamit ng silicone hanggang maabot ang desire nose shape.  at sa wakas hindi mo na kailangan mag selfie ng pa-sideview.

2. Nose Up
Pampatangos ng ilong
Sa halagang 80 pesos lang, pwedeng umasa.
Sinearch ko sa shopee. suotin lamang ito sa loob ng 10-15 minutes daily na parang sipit.
made in japan kaya quality.
Hindi rin masakit, komportable at adjustable para sa ibat-ibang klase ng porma ng ilong. kahit pa parang upuan ng bike yan.

3.Nose Lift
photo from https://nonsurgical-nosejob.com/index.php/tag/nose-lift-price/

Napanood ko sa Shopping Channel.
Pampatangos ng ilong sa loob lang ng 2 hingahan. isusuot mo ito sa loob ng ilong para tumangos and voyla!... hindi na mahuhulog ang shades mo.

4. Massage
Masahiin ang ilong, may ilang tutorial para diyan.
to summarize. pisilin ang ilong ng dahan-dahan ('wag galit)
pababa at pataas sa loob ng ilang minuto kada-araw.
kung hindi epektive pampatangos ng ilong, magpasalamat ka na lamang atleast nakakahinga ka pa.

5. Ngumiti.
Sa pamamagitan ng pagngiti. na parang nakapikit ang mata at kumukunot ang bridge ng ilong.
maaring mapatangos ang ilong. kung hindi epektib ngumiti pa rin. nakaka-inlove ang taong jolly.
Pampatangos ng ilong


6. Kawayan (Huwag seryosohin, biro lang)
Isa sa epektib pampatangos ng ilong,
Kumuha ng kawayan, lagyan ng bubuyog ang loob. itaklob  sa ilong. kakagatin nila jollibees ang balat ng ilong mo para mamaga.
Tiisin para tumangos ang ilong and congrats...... nag embossed na ang ilong mo. HooraaYY!!!

7. Make-Up
Madalas gawin ni Michael V at paolo ballesteros
pag nagpapanggap na babae sa mga show niya.
humingi ng tulong sa make-up artist para matutong magcontour.

8. Photoshop
"Pag matangos pointed nose, kapag pango, disappointed nose?" madalas na panlait sa social media.
kaya kung dadamdamin mo ang pang-aasar, gumamit ng photoshop. pampatangos ng ilong instantly.

Tip: Minsan hindi naman maliit ang ilong mo eh, baka malaki lang mukha mo.

9. Eyeglasses for Flat Nose.
Alam mo bang pwedeng tumangos ang ilong sa pagsuot lang ng akmang "eyeglasses"?  Oo pwede. Nasa tamang porma lang yan at tamang pagpili ng frame. Pumili ng metal frame na mas manipis. Mas nagiging flat kasi ang nose kapag makapal or plastic frame ang ginamit.
Ito naman ang rekomendado ko pampatangos ng ilong.
eyeglasses for flat nose
Sinunod niya ang payo ko, kaya matangos na ang ilong niya,
10. Yoga
Ang Yoga ay di lang healthy lifestyle. Pampatangos din ng ilong.
Sa pamamagitan ng paghinga tatangos na ang ilong.
Ganito ang easy steps:
1. Umupo ng komportable, magrelax, clear your mind.
2  Gamit ang |hintuturo takpan ang kaliwang butas ng ilong. pwedeng hinliliit o hinlalaki ang gamitin. depende sa size ng butas.
3. Huminga sa isang butas ng 30 seconds.
sabihin ang linya na ito:
 "Di baleng flat ang gulong, 'Wag lang ang ilong" (sampung beses).
Ang sampung beses na pagsabi nito ay katumbas ng 30 segundo.
4. Pagkatapos, sa kabilang butas naman. gawin lang din ang step 1,2, & 3.
5. Gawin ang session atleast 10 minutes per day.

Tip: Pwede ring linisin ang kabilang butas habang humihinga sa isa. diba?

Ayan lamang ang sampu sa mga paraaan kung paano patangusin ang ilong.
Salamat sa pagbasa, sana ay napatawa kita.
Ang tunay na purpose ng blog na ito ay tawanan lang ang problema. at wag problemahin ang mga bagay na pwedeng hindi problemahin. Lahat ng bagay may solusyon, kung wala wag nang problemahin.

Magiging kontento ka, pwede ka parin namang magsuot ng shades kahit pango, meron nga nagba-bra kahit flat.
Para di mahulog lagyan ng goma ang shades o maglakad ka ng patingala.
o kung maniniwala ka sa akin.
hindi lahat ng pango ay di kaakit-akit at hindi lahat ng pango ay pangit. Di dapat sukatan ng kagandahan ang haba ng ilong. eh ano kung di ka makasuot ng shades?
wag mong maliitin ang ilong mo, cute kaya.

salamat

credits:
free photos by pexels.com
https://www.facebook.com/Michael-Bitoy-V-270144698694/
http://japino.net/nose-shape-of-your-dreams/
http://www.buhayofw.com/blogs/blogs-beauty-pagpapaganda/paano-tumangos-ang-pango-na-ilong-paraan-para-mapaganda-mapatangos-588f4fc8bfadf
photo from https://nonsurgical-nosejob.com/index.php/tag/nose-lift-price/
nakakatawa.blogspot.com
http://www.jokespinoy.com/pinoy-jokes/butas-ng-ilong/



Monday, April 9, 2018

Madalas na Pasalubong ng OFW Pag-uwi

Ang ama ko ay 20 taong OFW sa Saudi bilang mekaniko. Salamat sa Diyos, Isa ako sa walong pinalad maging anak niya. Hindi ko malilimutan noon na wala pang skype/facebook . Sulat lang at Long Distance Telephone pa ang paraan noon. Doon binabalita namin ang tungkol sa amin dito sa pinas. Doon rin humihiling kami ng pasalubong pag-uwi niya. Umu-uwi  si Papang every 2 years.
Taong 90s maraming nag-aabroad dahil sa hirap dito sa atin. Marami akong tito, tita, kuya, pinsan, kaibigan etc na lumipad ng ibang bansa. at siyempre marami ring pasalubong..

Itong Topic ko ngayon ay tungkol sa Pinaka-madalas na pasalubong ng mga OFWs. 
Narito ang 10 na laging nasa Balikbayan Box.

1.Tsokolate
Isa ito sa pinakamadalas na pasalubong galing abroad. M&Ms, Cadbury, Kitkat,Toblerone na pinakamalaki at marami pang iba. Naranasan kong magsawa sa tsokolate. salamat kay diko. Kailan ka ba uuwi.
free photos from pexels.com
2. Relo
Rolex, Swatch, Swatch, G-Shock at relong made in japan na mahirap ayusin. Yan ang naalala kong pasalubong ng galing sa abroad para sa kaanak. Maliit lang at kasya-kasya sa balikbayan box. Pagka-alam ko 20 kilos ang maximum ng Balikbayan Box at 7 kilos naman sa hand carry.
bey G-Shock doo doo, doo doo doo doo, bey G-Shock----yan ang tunog ng alarm.

3. Robot
Ito ang request ni junior. mas maraming features mas astig. pero paalala lang bantayan maiigi si Junior baka di na Transformers idol niya, baka transgenders na. Iba na kasi ang millenials.


4. Sapatos
Isa sa madalas na pasalubong ng galing abroad ito. Imported "wow""naks",. sabay post sa wall. "nice kicks" ang caption.
wala akong gaanong kwento kaya joke na lang.
MALICIOUS = Kapag mali ang nasuot mong sapatos (mali+shoes)


5. Damit na Imported

Iba ang dating pagsuot mo ito. tingin nila sayo "uy abroad" uy "orig".
ganoon ang hatak ng mga imported sa atin. madalas na design ng t-shirt
yung I heart NY, I heart HK, I heart UK, FCUK, I Heart Singapore, Camel, Barcelona FC, NY Jets, GS Warriors etc.
meron din ako kaso local lang.
Puso ng Saging imbes na heart <3
6. Pabango at Alahas
Madalas na pasalubong ng mga OFW  ang alahas at pabango. Para sa mga relatives at close friend.

7. Beauty Products/Health Care
Nivea, Dove, Jergens, Colgate etc. Madalas na giveaway sa mga bumisitang kaibigan. Pati Nescafe na kahit meron sa atin ay laman din ng balikbayan box. mura raw kasi doon ng di hamak. Ooops may imported kape rin na iba ang brand na wala yata sa atin. At heto meron pang. "parang bala?"

8. Dates 
Marami sa mga OFWs ay nasa middle east. mantakin mo 2.2 millions. Siguro minsan ka na ring nakatikim ng matamis na "dates" mula sa kanila.
and Speaking of date, tignan ang larawan, sino ang ka-date ko
Joke lang, nagpapicture lang ako with Ms. Bea.

9. Snow, Buhangin, Coins/Paper bills
Biro lang ang snow at buhangin. Pero madalas na pasalubong ng mga galing abroad ang pera ng bansang pinanggalingan. pound, euro, diar, rial, dollar at lapad.. Ilan lang sa mga halimbawa.

10. Souvenir
Minsan keychains o miniature. depende sa pinuntahang lugar. Kamakailan lang, yung kaibigan ko na galing Colorado, pinasalubungan ako ng walis ting-ting.
(acheche!!!)


Salamat sa pag-basa.
Siguro ito na ang pinakamadalas na pasalubong ng OFW pag-uwi. ayon sa aking karanasan at pagmamasid. para mas maging accurate pa. hinihikayat kitang magbigay din ng suhustiyon. salamat in-advance

credits:
Empoy, ate Ging & Kuya Jeff

sapatos jokes
https://www.facebook.com/notes/jace-aguinaldo/new-pinoy-term-jokes-hahaha/214931088639213/
at sa karagdagang survey
https://my8insights.wordpress.com/2015/04/27/8-most-common-pasalubongs-of-filipinos-from-overseas/

and thank you pexels.com
for free photos. thank you very much.

Sunday, April 8, 2018

Alamat Ng Giraffe


Alam mo ba ang Alamat ng Giraffe? Narito ang maiksing alamat tungkol sa pinagmulan ng giraffe. Magsisimula ang lahat sa isang eskuwelahan.

Kasalukuyang noong nasa silid-aralan si Raffy ngunit hindi naman nakikinig sa leksiyon. Katabi niya ang mga kamag-aral na pawang mga tamad din at kopyador gaya niya.
Nakagawian na ng kanilang Guro magbigay ng maiksing pagsusulit pagkatapos ng leksiyon.
Kampante naman ang grupo ni Raffy na may maisusulat sa papel. Bakit kaya?

Pagkatapos ng mga tanong. Oras na para magpalitan ng papel ang magkatabi.
Sasabihin ng guro ang tamang kasagutan mula una hanggang pagsampung tanong.
At iyon ang Tseking.
Nakangiti naman si Raffy dahil sila-sila lang kasi ng mga katropa niya ang nagpalitan. Mayroon silang panibagong papel. Blanko ito at saka lang nila ilalagay ang tamang sagot pag sinabi na ng titser. ganoon ang ginagawa nila madalas.
Napapansin ito ni Lyn na binabansagan nilang kabayo ngunit tumatahimik na lang sa takot maasar.

Pagkatapos ng "tseking", ibabalik na sa katabi o sa may-ari.
Ngayon nama'y ipapasa na ang papel. tatawagin ng Guro ang nakakuha ng "perfect 10" pababa sa "perfect Zero".

"May nakakuha ba ng perfect 10" Wika ng Guro.

Nagsitaasan ang mga nakakuha, kasama sila raffy.
Hindi na kinaya ni Lyn ang pandaraya nila raffy. kaya pinagsabihan niya ito.
"nyeehaaa, perfect 10 kayo? walang mali raffy? ayos ha?" reklamo ni Lyn habang  pasipa-sipa pa sa lapag sa labis na kainisan.
"Edi 9 na lang" sagot ni Raffy.
Binago nila ang score at ginawang 9 para di na magreklamo si Lyn.
Hindi naman sila gaanong pinansin ng guro. ang nasabi lang ng ginang.
"Hindi ako ang niloloko niyo, kundi sarili niyo"

Ibat-ibang klase ng pandaraya, pangongopya at pag-gamit ng kodigo ang ginagawa ni Raffy. Hindi siya nag-aaral ng mabuti para may sagot bagkus inaaral niyang pahabain ang leeg para mangopya.
nagkakataon pa ngang mas mataas pa ang nakuha niyang score kumpara sa kinopyahan.
para sa kanya. REVIEW is USELESS, KODIGO is the BEST. diyan siya magaling.
ngunit isang araw. hindi na pumasok si Raffy.
nabalitaan na lang ng school na nawawala na si Raffy. walang naiwang bakas. maliban sa isang hayop na may mahabang leeg ang nasa loob ng kwarto ni raffy. Parang si raffy pag nangongopya ng sagot. kulay dilaw ito at kamukha ni Raffy. Tinawag nila itong "Si Raffy". pinangalan kay Raffy syempre..
kalaunan tinawag itong "Giraffe".
at Iyan ang Alamat ng Giraffe.

oOo KATAPUSAN oOo

Photo Courtesy of Frans Van Herdeen of  www.pexels.com
Ngayon maraming makikitang Giraffe sa Africa. National Animal ito ng bansang Tanzania.
Ang tropa ni Raffy naman ay nagsikap nang mag-aral sa takot na maging giraffe. kumalat na rin tsismis, tungkol sa alamat ng giraffe. at marami ng bersiyon ng kwento.
Samantala....
Si Lyn ay naging mahusay na Equestrian at may ari rin ng Grass Farm.
Hindi na siya kinakantiyawan na kabayo, kalabaw na lang.

Salamat sa pagbasa. sana ay may natutunan kayong aral.

credits:
nakakatawa.blogspot.com
pexels.com
dafonts.com
wikipedia.org
adobe photoshop

Saturday, April 7, 2018

Cute Ka ba Noong Baby Ka?

Cute Ka ba Noong Baby ka? Tough question, Isn't it?
Medyo maselan ang topic ko ngayon------medyo masakit.
Kaya bawal dito ang "sensitive". Kung matibay ka, sige hayaan akong magbigay ng signs, tips o advices para malaman kung cute ka noong sanggol/musmos ka pa lamang.

1. Hindi sila gumagamit ng photoshop sa mga pictures mo. no need na kasi sa mga cute.

2. Marami kang stolen shots. pruweba na cute ka kahit anong oras at anong angle.
Kung wala, atleast meron mahirap ang wala. baka totoo ang tsismis ------di ka nila anak.

3. Wala kang picture na nakalagay sa frame. Minsan may frame pero di ikaw nakalagay.

4. Viral ang picture mo. pati tiyahin, tiyuhin, ninongs, ninangs pati sila neigborhood may nakatagong picture mo. Lahat sila kasi ay minsan mong napasaya sa kabibuhan mo.
Kung hindi naman viral ang picture mo baka virus.

5. Kahit malaki ka na. May mga taong pag nakikita ka. Para silang bumabalik sa nakaraan. naalala nila ikaw noong bata pa at ang unforgettable nilang experience kasama ka.
pag wala, siguro di ka cute.

6. Marami kang bansag noong bata ka. Pwedeng ngalan ng celebrity alden(pag may dimple), baby baste.  marimar, thalia,etc.
Pwede ring ngalan ng pagkain, bulaklak at iba pang bagay ihalintulad sa iyo.
Angel, tisoy, pogi, baby, darling, Princess, honey, sweetie etc.
In-short mga tunog compliments.

7. Well hindi naman lahat ng may bansag cute. Kung naging nickname mo  ay tyson, bungo, poklat, gala, ebak, kalawang etc. baka hindi ka cute.

8. Kung di ka sure pero alam mong talented ka noong bata. cute ka parin. bibo=cute.
or pwede namang binawi ng mga magulang mo sa talent.

9. Maraming kumakarga sa iyo noong bata ka. pwede mong tanungin mga relatives mo o tumingin ka sa lumang "photo album" ng mga happenings.
Kinakarga ka kasi nakakapawi ka ng pagod. cute ka noong baby, nakakatuwa, pero ngayon sarap mo na raw tadyakan. har har :)

10 Oops! Panghuli na pala. Simple lang ito.
Nalaman ko na cute ako(hehehe) or maaring cute ako noong sanggol pa ako noong minsang yung pamangkin kong "cute". ay kinumpara sa akin.
Narinig ko ang nanay niyang sinabi "Hawig niya tito niya nung cute pa."
Di ko alam kung matutuwa ako o malulung-cute.

Ayan na ang Tips. mababago mo na ang mundo (har har)..
Alam mo na ngayon kung cute ka noon.
Please comment wag kang mata-cute.
Comment your tips, suggestion or reactionon. Sana ay napatawa kita, 'wag sanang seryosohin dahil ito ay biruan lamang.


Monday, April 2, 2018

Ibat-Ibang Klase ng Tindahan

http://www.gmanetwork.com
Tindahang Mabagal
May tindahan na ganito sa amin sa sobrang tagal aabutan ka ng curfew.
Tip: Magdala ng paglilibangan para di maiinip.

Tindahang Sobra Manukli 
Minsan nakakakunsensya kasi sobra siya manukli. may tindahan na ganito sa amin. siguro medyo mabagal sa sipnayan.
Trivia: Sipnayan sa Tagalog, mathemathics sa ingles. 

Tindahang Kulang Manukli 
May store naman na kulang manukli kabaliktaran ng nauna. parang mahusay naman magkwenta.
nagmamalimalian lang. mapapansin mo tuwing nagkakamli siya ng kwenta laging kulang never maging sobra. 
Reminders: Lagi niyang napapagkamalan ang 50 na 20. at never ang 20 pesos mo ay mapapagkamalan niyang 50. pustahan

Kalimot Store
Delikado ito guys. naranasan kong makipagtalo. sure kong inabot ang 100 pero nagmatigas yung tindero na may edad na rin. "hinding hindi ako manloloko, wala nga oh, kapkapan mo pa ako etc etc" ang dami niyang iyak.  sa huli talo rin ako. gusto kong isiping wag manghinayang. 
sa susunod mas mainam na wag ka munang magbayad ng maaga. lugi ka kasi pag pinagmatigasan. wala na sa iyo ang pera. 
Advice: mamigay sa kapwa. mas okay to kaysa mawalan ng pera tulad ng naranasan ko

Tindahang Classic
May tindahan  sa amin na pag bumibili ako parang bumabalik ako sa pagiging batang 90's. mabibili parin ang merengue, lala, viva candy, nata de coco at ang hopiang di mabili. inaamag sa tabi.
Tip: check niyo expiration ng binibili. pag sumakit yung tyan mo expired yon for sure. pag hindi naman. binabati kita dahil immune ka brod. batang 90's 100 porsyento!

Tindahang No Signal
May Sari-sari store naman na pag bumili ka. di ka marinig. yung nagbabantay nakaheadset at nakatutok sa ipad, phone or pc.
Tip: hanap ka ng signal. laksan mo boses mo para marinig o kaya lipat ka ibang tindahan

Tindahang Wala Lahat
Ito ang klase ng tindahan ng laging wala sila ng bibilhin mo.
Tip: baka naman kase sa hardware ka dapat bumili.

Overprice Store
Maraming mga tindahan ngayon na grabe ang patong. malayo sa SRP. (example guide: Kuya Batoy Store,  Mang Boy Sari-sari Store, Aleng Girl Store, Tindahan ni Aling Kuwan atbp)
Tip: wag na bumili don di ka naman pinipilit.


http://www.gmanetwork.com
Tindahan ni Aling Nena
Ito ang Dabest na klase ng tindahan. ito yung klase ng tindahan na may chic sa loob. madalas anak na dalaga na walang pasok.
Dito mura at sari-sari pa ang tinitinda pero ang talagang hanap mo ay hindi mabibili ng pera.
Survey: naranasan mo na bang bumili ng di mo kailangan para makausap lang yung  si crush?

Tindahang Utangan
Dabest ang tindahan na ito. may ganito sa amin kaso iniiwasan ko muna.
Advice: bayaran mo na para makautang uli.

Ayan na po ang 10 na klase ng tindahan maari kang magdagdag ng category. hindi kasama rito yung mga convenient store o supermarket. sa kadahilanang wala.  salamat sa pagbasa. sana ay makapagcomment ka para tuloy ang kwentuhan.





Sunday, April 1, 2018

Libreng Self Defense Tutorial Online

Photo by Haste LeArt V. from Pexels
Tuturuan ko kayo ng basic self defense na natutunan ko mula pa sa aking mga grand masters(10,000 B.C.).
Ako nga pala si B3n 2lfowh, bihasa sa maraming klase ng martial arts. veterano sa maraming laban. hindi sa nagyayabang pati mga grand master ko nagenroll na rin sa aking mga free seminars.

well...this is how.

compare sa ibang "Guru" o "Dan",
karaniwang pinapawarm-up ka nila bago ka turuan. Sa akin,  NO. definitely a "big NO"
no need na kasi. mas praktikal sa akin. gusto ko ready na agad. sa actual na gulo or away di ka pagwa-warm-upin ng kalaban. "Kaboom" sapak kaagad.

ikakatalo mo ang kakasalita. kailangan walang salita-salita unlike sa mga ordinary trainor diyan sa mga Gym sa tabi tabi.

ready ka na ba?

"Kapoom"

sinapak nanaman kita. nalimutan mo agad? wala nang blah blah blah.
di ka tatanungin ng kalaban mo kung ready ka na ba? maniwala ka!

wayahhh!!!

karate chop mula sa likuran mo.
iiyak ka "hu hu hu aray"

dapat di ka magtiwala ?

yan ang napala mo. tandaan mo Hijo. Wala kang ibang kakampi kundi sarili mo. maniwala ka!

wayahhh!!! (right hand karate chop)

pero nasalag mo this time.
nasalag mo nang dalawang kamay ang kanan ko.
kasi natuto ka na. di ka na nagtiwala.
magaling! magaling!
magaling sana kaso.ututo ka!

"Kapoom!!!" sinukmuraan kita sa dib-dib.

pain o bitag lang ang kanan. na fake news ka kid!

sabay batok sa noo.

"toink"

napeke na kita. nabilog ko pa ang ulo mong pahaba..
nasabihan ka lang magaling nalimutan mo nang dumepensa.

"kapooom" "wayahhh" "toink"

3 hits combo at sabay SS (special Skill)

"Ray Gun"

"boom" nasapul kita 2 seconds bago bumagsak sa soil (lupa).

Nabalot tayo ng usok. ngunit ako lang ang nakatayo pagkahupa nito.
nakahiga ka.
Buhay ka pa naman, minor injuries lang. at tapos na ang laban. umpisahan mo nang magpulat ng ngipin.

So thats all for the day. bumangon ka na.
sa susunod, be prepare. aralin mo at praktisin mga tinuro ko.
Remember: wag kang magtitiwala, stay focus, defend yourself at all time. at disiplina
Gamitin ang nalaman mo ngayon sa mabuting bagay at wag sa basag ulo. huwag na huwag.
magcomment kung may di naiintindihan.


AYYYT!!!

"Bonus Self Defense Tutorial Video Clip"


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser