Showing posts with label Utorial (Panguuto at tutorial combined). Show all posts
Showing posts with label Utorial (Panguuto at tutorial combined). Show all posts

Sunday, April 15, 2018

Pampatangos ng Ilong

Pampatangos ng ilong
Pango? cute kaya!
Gusto mo ba ng pampatangos ng ilong? Puwes, nasa tamang pahina ka.
Gumawa ako ng listahan ng ibat-ibang klase ng pampatangos ng ilong.
Mga tips, advices at kaalaman na maaring makatulong sa iyo.
Pero kung ako tatanungin di naman pangit ang pango, kaiingit nga eh, pang sundalo.
(nakadapa kasi)
Any way. narito na ang 10 paraan Pampatangos ng ilong.



1. Plastic Surgery
Pwede mong pa-opera ang iyong ilong para tumangos sa loob lang ng 2 o higit pang oras. kailangan mo lang ay maraming pera at mapagkakatiwalaang surgeon.
dadagdagan o babawasan yung nosebridge ng ilong. gagamit ng silicone hanggang maabot ang desire nose shape.  at sa wakas hindi mo na kailangan mag selfie ng pa-sideview.

2. Nose Up
Pampatangos ng ilong
Sa halagang 80 pesos lang, pwedeng umasa.
Sinearch ko sa shopee. suotin lamang ito sa loob ng 10-15 minutes daily na parang sipit.
made in japan kaya quality.
Hindi rin masakit, komportable at adjustable para sa ibat-ibang klase ng porma ng ilong. kahit pa parang upuan ng bike yan.

3.Nose Lift
photo from https://nonsurgical-nosejob.com/index.php/tag/nose-lift-price/

Napanood ko sa Shopping Channel.
Pampatangos ng ilong sa loob lang ng 2 hingahan. isusuot mo ito sa loob ng ilong para tumangos and voyla!... hindi na mahuhulog ang shades mo.

4. Massage
Masahiin ang ilong, may ilang tutorial para diyan.
to summarize. pisilin ang ilong ng dahan-dahan ('wag galit)
pababa at pataas sa loob ng ilang minuto kada-araw.
kung hindi epektive pampatangos ng ilong, magpasalamat ka na lamang atleast nakakahinga ka pa.

5. Ngumiti.
Sa pamamagitan ng pagngiti. na parang nakapikit ang mata at kumukunot ang bridge ng ilong.
maaring mapatangos ang ilong. kung hindi epektib ngumiti pa rin. nakaka-inlove ang taong jolly.
Pampatangos ng ilong


6. Kawayan (Huwag seryosohin, biro lang)
Isa sa epektib pampatangos ng ilong,
Kumuha ng kawayan, lagyan ng bubuyog ang loob. itaklob  sa ilong. kakagatin nila jollibees ang balat ng ilong mo para mamaga.
Tiisin para tumangos ang ilong and congrats...... nag embossed na ang ilong mo. HooraaYY!!!

7. Make-Up
Madalas gawin ni Michael V at paolo ballesteros
pag nagpapanggap na babae sa mga show niya.
humingi ng tulong sa make-up artist para matutong magcontour.

8. Photoshop
"Pag matangos pointed nose, kapag pango, disappointed nose?" madalas na panlait sa social media.
kaya kung dadamdamin mo ang pang-aasar, gumamit ng photoshop. pampatangos ng ilong instantly.

Tip: Minsan hindi naman maliit ang ilong mo eh, baka malaki lang mukha mo.

9. Eyeglasses for Flat Nose.
Alam mo bang pwedeng tumangos ang ilong sa pagsuot lang ng akmang "eyeglasses"?  Oo pwede. Nasa tamang porma lang yan at tamang pagpili ng frame. Pumili ng metal frame na mas manipis. Mas nagiging flat kasi ang nose kapag makapal or plastic frame ang ginamit.
Ito naman ang rekomendado ko pampatangos ng ilong.
eyeglasses for flat nose
Sinunod niya ang payo ko, kaya matangos na ang ilong niya,
10. Yoga
Ang Yoga ay di lang healthy lifestyle. Pampatangos din ng ilong.
Sa pamamagitan ng paghinga tatangos na ang ilong.
Ganito ang easy steps:
1. Umupo ng komportable, magrelax, clear your mind.
2  Gamit ang |hintuturo takpan ang kaliwang butas ng ilong. pwedeng hinliliit o hinlalaki ang gamitin. depende sa size ng butas.
3. Huminga sa isang butas ng 30 seconds.
sabihin ang linya na ito:
 "Di baleng flat ang gulong, 'Wag lang ang ilong" (sampung beses).
Ang sampung beses na pagsabi nito ay katumbas ng 30 segundo.
4. Pagkatapos, sa kabilang butas naman. gawin lang din ang step 1,2, & 3.
5. Gawin ang session atleast 10 minutes per day.

Tip: Pwede ring linisin ang kabilang butas habang humihinga sa isa. diba?

Ayan lamang ang sampu sa mga paraaan kung paano patangusin ang ilong.
Salamat sa pagbasa, sana ay napatawa kita.
Ang tunay na purpose ng blog na ito ay tawanan lang ang problema. at wag problemahin ang mga bagay na pwedeng hindi problemahin. Lahat ng bagay may solusyon, kung wala wag nang problemahin.

Magiging kontento ka, pwede ka parin namang magsuot ng shades kahit pango, meron nga nagba-bra kahit flat.
Para di mahulog lagyan ng goma ang shades o maglakad ka ng patingala.
o kung maniniwala ka sa akin.
hindi lahat ng pango ay di kaakit-akit at hindi lahat ng pango ay pangit. Di dapat sukatan ng kagandahan ang haba ng ilong. eh ano kung di ka makasuot ng shades?
wag mong maliitin ang ilong mo, cute kaya.

salamat

credits:
free photos by pexels.com
https://www.facebook.com/Michael-Bitoy-V-270144698694/
http://japino.net/nose-shape-of-your-dreams/
http://www.buhayofw.com/blogs/blogs-beauty-pagpapaganda/paano-tumangos-ang-pango-na-ilong-paraan-para-mapaganda-mapatangos-588f4fc8bfadf
photo from https://nonsurgical-nosejob.com/index.php/tag/nose-lift-price/
nakakatawa.blogspot.com
http://www.jokespinoy.com/pinoy-jokes/butas-ng-ilong/



Saturday, April 7, 2018

Cute Ka ba Noong Baby Ka?

Cute Ka ba Noong Baby ka? Tough question, Isn't it?
Medyo maselan ang topic ko ngayon------medyo masakit.
Kaya bawal dito ang "sensitive". Kung matibay ka, sige hayaan akong magbigay ng signs, tips o advices para malaman kung cute ka noong sanggol/musmos ka pa lamang.

1. Hindi sila gumagamit ng photoshop sa mga pictures mo. no need na kasi sa mga cute.

2. Marami kang stolen shots. pruweba na cute ka kahit anong oras at anong angle.
Kung wala, atleast meron mahirap ang wala. baka totoo ang tsismis ------di ka nila anak.

3. Wala kang picture na nakalagay sa frame. Minsan may frame pero di ikaw nakalagay.

4. Viral ang picture mo. pati tiyahin, tiyuhin, ninongs, ninangs pati sila neigborhood may nakatagong picture mo. Lahat sila kasi ay minsan mong napasaya sa kabibuhan mo.
Kung hindi naman viral ang picture mo baka virus.

5. Kahit malaki ka na. May mga taong pag nakikita ka. Para silang bumabalik sa nakaraan. naalala nila ikaw noong bata pa at ang unforgettable nilang experience kasama ka.
pag wala, siguro di ka cute.

6. Marami kang bansag noong bata ka. Pwedeng ngalan ng celebrity alden(pag may dimple), baby baste.  marimar, thalia,etc.
Pwede ring ngalan ng pagkain, bulaklak at iba pang bagay ihalintulad sa iyo.
Angel, tisoy, pogi, baby, darling, Princess, honey, sweetie etc.
In-short mga tunog compliments.

7. Well hindi naman lahat ng may bansag cute. Kung naging nickname mo  ay tyson, bungo, poklat, gala, ebak, kalawang etc. baka hindi ka cute.

8. Kung di ka sure pero alam mong talented ka noong bata. cute ka parin. bibo=cute.
or pwede namang binawi ng mga magulang mo sa talent.

9. Maraming kumakarga sa iyo noong bata ka. pwede mong tanungin mga relatives mo o tumingin ka sa lumang "photo album" ng mga happenings.
Kinakarga ka kasi nakakapawi ka ng pagod. cute ka noong baby, nakakatuwa, pero ngayon sarap mo na raw tadyakan. har har :)

10 Oops! Panghuli na pala. Simple lang ito.
Nalaman ko na cute ako(hehehe) or maaring cute ako noong sanggol pa ako noong minsang yung pamangkin kong "cute". ay kinumpara sa akin.
Narinig ko ang nanay niyang sinabi "Hawig niya tito niya nung cute pa."
Di ko alam kung matutuwa ako o malulung-cute.

Ayan na ang Tips. mababago mo na ang mundo (har har)..
Alam mo na ngayon kung cute ka noon.
Please comment wag kang mata-cute.
Comment your tips, suggestion or reactionon. Sana ay napatawa kita, 'wag sanang seryosohin dahil ito ay biruan lamang.


Sunday, April 1, 2018

Libreng Self Defense Tutorial Online

Photo by Haste LeArt V. from Pexels
Tuturuan ko kayo ng basic self defense na natutunan ko mula pa sa aking mga grand masters(10,000 B.C.).
Ako nga pala si B3n 2lfowh, bihasa sa maraming klase ng martial arts. veterano sa maraming laban. hindi sa nagyayabang pati mga grand master ko nagenroll na rin sa aking mga free seminars.

well...this is how.

compare sa ibang "Guru" o "Dan",
karaniwang pinapawarm-up ka nila bago ka turuan. Sa akin,  NO. definitely a "big NO"
no need na kasi. mas praktikal sa akin. gusto ko ready na agad. sa actual na gulo or away di ka pagwa-warm-upin ng kalaban. "Kaboom" sapak kaagad.

ikakatalo mo ang kakasalita. kailangan walang salita-salita unlike sa mga ordinary trainor diyan sa mga Gym sa tabi tabi.

ready ka na ba?

"Kapoom"

sinapak nanaman kita. nalimutan mo agad? wala nang blah blah blah.
di ka tatanungin ng kalaban mo kung ready ka na ba? maniwala ka!

wayahhh!!!

karate chop mula sa likuran mo.
iiyak ka "hu hu hu aray"

dapat di ka magtiwala ?

yan ang napala mo. tandaan mo Hijo. Wala kang ibang kakampi kundi sarili mo. maniwala ka!

wayahhh!!! (right hand karate chop)

pero nasalag mo this time.
nasalag mo nang dalawang kamay ang kanan ko.
kasi natuto ka na. di ka na nagtiwala.
magaling! magaling!
magaling sana kaso.ututo ka!

"Kapoom!!!" sinukmuraan kita sa dib-dib.

pain o bitag lang ang kanan. na fake news ka kid!

sabay batok sa noo.

"toink"

napeke na kita. nabilog ko pa ang ulo mong pahaba..
nasabihan ka lang magaling nalimutan mo nang dumepensa.

"kapooom" "wayahhh" "toink"

3 hits combo at sabay SS (special Skill)

"Ray Gun"

"boom" nasapul kita 2 seconds bago bumagsak sa soil (lupa).

Nabalot tayo ng usok. ngunit ako lang ang nakatayo pagkahupa nito.
nakahiga ka.
Buhay ka pa naman, minor injuries lang. at tapos na ang laban. umpisahan mo nang magpulat ng ngipin.

So thats all for the day. bumangon ka na.
sa susunod, be prepare. aralin mo at praktisin mga tinuro ko.
Remember: wag kang magtitiwala, stay focus, defend yourself at all time. at disiplina
Gamitin ang nalaman mo ngayon sa mabuting bagay at wag sa basag ulo. huwag na huwag.
magcomment kung may di naiintindihan.


AYYYT!!!

"Bonus Self Defense Tutorial Video Clip"


Friday, December 25, 2015

TIPS sa Pag-gawa ng Resume (Specially for Beginners)

isumbongmo.blogspot.com sumbong, solusyon at aksiyon. boom!

Narito ang inyong lingkod B3n 2Lfowh para maghatid ng bagong kaalaman at payo sa pag gawa ng Resume o Bio-Data.
Ang Bio-Data o Resume ay naglalaman ng mga personal na impormasyon ng isang tao. pati educational background, at work experience. kailangan ito lalo na kung ikaw ay papasok ng trabaho.
pero bago ang lahat, paalala lang po, ang blog na ito at ang mga naka-vandal
 ay para sa katuwaan lamang. wag masyadaong seryoso. huy!

1st Tip:
kung paano gumawa ng resume? i search lang sa google ang keyword na resume formats.
makakapili ka roon ng ibat-ibang struktura ng bio-data. pumili ng pinakasimple pero "payak". simplicity is .... tipid.
magpatuloy pa sa kawiwiling pagbabasa ng bagong kaalaman..

2nd Tip:
gawing one page lang ang iyong resume upang madaling basahin ng interviewer lalo na kung wala ka pa namang gaanong work experience o credentials. piliting maging maiksi ngunit detalyado. wag mo nang ipagmalaki yung lolo mo na war hero. tiyak na wala yan sa lolo ko.

3rd Tip:
madalas na inalalagay ng iba sa kanilang objectives ang katagang "as a stepping stone... blah blah blah"
masakit ito para sa kompanyang papasukan mo. ang ituring na tuntungan lang para sa pangarap mo. isipin mo na lang na may nanliligaw sa'yo at sabihing niyang gusto ka --- for experience lang. ouch di ba? sadnu?

4th Tip:
ito ang mga dapat hindi mawala sa sa isang resume.
name, address, contact number & email address
age: 18
address.
weight: 50 to 56 kgs (depende kung busog)
height: (insert your height here)
sex: never

5th Tip:
sa date naman, ah eh, problema ko rin yan, wala rin akong date. hu hu hu.

6th Tip:
pwede ring ilagay ang religion, province. isama na rin ang iba pang talento,  kasanayan at strengths.
importante ito para sa first impression nila sa iyo. kasama na ang signature, lagyan ng heart shape para cute tulad ng pirma ko.
7th Tip:
kung malaki ang mukha, gumamit ng 3x3 para magkasya, ipaliwanag maigi sa interviewer na di kasya ang mukha mo sa 2x2.

8th Tip:
wag mo nang lagyan ng kiss mark/lips mark ang resume.

9th Tip: 
Mag drowing sa blankong likod ng resume. in case na di ka matanggap. at sabihing tatawanan este tatawagan ka na lang nila. ang totoo ay ayaw nila sa'yo. kaya "at least" di nila magagamit na scratch paper ang resume mo. nek nek nila.

10th Tip:
gumamit ng tissue paper instead of coupon bonds, syempre magtataka siya kung bakit tissue paper ang resume mo.
ganito ang isasagot mo.
"ganyan kalinis ang hangarin ko".
kung nakornihan siya, isisi mo kay bob ong wag sa akin, sa kanya ko nabasa to.

muli ito ang inyong b3n 2lfowh, lingkod niyo at nagpapasalamat sa pagbasa sana ay natulungan kita.
wag mahiyang mag-iwan ng comment tungkol sa post.
salamat sa mga natanungan ko at kay pareng google.com.

Tuesday, May 12, 2015

Paano Maligo

naiinggit ka, kaso wala kang magawa,
gusto mong gawin, ngunit di mo kaya.
paano nga ba maligo? ang tanong ng marami, Paano ang kanilang iyak?
huwag mag-alala at nandito ako. b3n 2Lfowh aalay po ng tiyak.

Paano Maligo
Maaga akong natutong maligo. tandang tanda ko pa bata pa ako  -kurt 5,
Malabon


Paano Maligo
Masarap maligo --- Eva

Para sa mga first time pa lang maligo. narito ang instructional guide kung paano maligo. simple lang at madaling matutunan.

Materials: Balde, tabo, adequate water, tuwalya, sabon at shampoo (optional).
basta meron ka ng nabanggit na mga materials ay pwedeng mag undergo sa pagliligo.
ngunit kadalasang sa banyo ito isinasagawa. para na rin sa privacy mo.

1st Step: Prepare Yourself
pwedeng maligo ng nakadamit. pero masyadong advance yon at inhuman. kaya prefer ko ang mag take off ng clothes kung maliligo.

2nd Step. Magbasa
punan ang balde ng tubig, sumalok gamit ang tabo. at ibuhos ito sa katawan. siguraduhing nabasa mo ang 100 % ng iyong outer space.

3rd step : Cleansing
A: then gamit ang sabon. linisin ang buong katawan. gumamit ng panghilod para sa better cleansing. may gumagamit ng bato na panghilod. pero advance bathing na ito at risky para sa mga beginnner gaya mo.
Warning: mapait ang sabon at masakit sa mata. onting tiis lang. wag magpanic. hanapin ang tabo kapain kung di makakita. relax at buhusan ang mukha mo.
B: I-Apply ang shampoo sa buhok.

4th step. Magbanlaw
Gawin lang ang ginawa sa "2nd step". siguraduhing wala ng sabon o shampoo ang sarili.
ito ang pinaka exciting na parte. baka maadik ka pa sa pagbabanlaw. malamang mangungulobot mga daliri mo, maging color rainbow ang labi mo at di ka na magpanext sa susunod na gagamit ng banyo sa sobrang saya.
para sa masayang pagbabanlaw. itaklob ang may lamang tabo sa ulo mo at hintaying maubos ito.
sa huling banlaw. buhatin ang baldeng may 20% na laman. at ibuhos sa sarili.(LaMIIIggG!!!)
'Wag matakot sa tubig -andi (Agua Bendita)
5th: Drying
punasan ang sarili gamit ang tuwalya o kahit tissue paper.

6th and final step: Paraphrase.
finalyzing operation... (remember) magtapis kung lalabas ng banyo.
magsuot ng malilinis na kasuutan, magsuklay at mag pulbos paraphrase. (para fresh).

Ayan! Congrats marunong kanang maligo. mag celebrate and i-share sa friends mo sa facebook ang magandang karanasan.
ang pagliligo ay araw-araw, pwede ring twice or thrice or more everyday. may advance bathing din na gumagamit ng bath hub at shower instead na traditional na tabo.  kung kaliwete, walang problema dahil suitable for both right handed and left handed ang tabo.

TIP: para happy ang pagliligo. pwedeng kumanta o sumayaw at kahit sabay. merong sumisipol at tumutula. meron ding nagsha-shadow boxing. merong umiiyak. nag ala-Gary V o michael jackson. depende sa trip mo. meron ding advance bathing na naglalagay pa ng disco ball.

may rumors din na nang mga artista ay gumagamit ng fresh milk sa paliligo dahil nakaka-nourish at nakaka puti raw umano ito ng balat. ngunit magastos ito at hindi tayo 100% sure, kaya
inumin na lang ang gatas. siguradong healthy ito sa balat dahil sa mga sustansiya nito. kesa sayangin lang.
makikinabang din ang brain, eyes, bones at other body organs sa calcium content nito.

ngayon at nagbago na ang lahat. marunong ka nang pangalagaan ang sarili mo. mahalin ang sarili at ang kapwa. maligo araw araw at wag katamaran. kung ang sardinas nga may LIGO, dapat ikaw rin may ligo.

salamat sa pagbabasa. sana ay nakatulong ako. para sa iba pang impormasyon, magcomment lang rito. malulugod akong pakinggan ang mga opinyon, tanong at reaksyon ninyo. salamat.


Thursday, January 1, 2015

Mauusong Hairstyle sa mga Lalake

Hindi ako manghuhula, hindi ako fashionistas o hairstylist.
pero maniwala kayo, mas may sense at malapit sa katotohanan ang magiging prediction ko tungkol sa mauusong hairstyle this year. isa rin lang akong taong curious sa mga new looks.
lagi kong inaabangan sa balita ang magiging uso raw. pero alam niyo ba lagi akong nabibigo. laging mali ang prediction nila.

nakaraang taon sabi nila ganito raw ang mauuso
Futuristic raw?
naniwala naman ako. pati yung sinasabi nilang mauusong outfit. may temang modern indian raw. ginaya ko.  mukha akong pharoah-wala nga lang pera.. naging kamukha ko yung ininterview.
di ako nakikilala ng nanay ko, kala siguro niya rambutan ako.
nagulat ang kaibigan ko. ba't ganyan daw itsura ko. manalamin daw ako.
"bakit ako mananalamin, di naman malabo ang mga mata ko"
grabe nagtapos na ang taon hindi naman nauso. inabangan ko kaya kahit sa huling segundo.

kaya yun, hindi purket nabalita sa TV na ito ang magiging porma ay yun na. minsan kasi bayad lang yung reporter. exposure kasi yan. isang palatastas o marketing strategy nila. para marami pumunta sa salon nila o bumili ng mga produkto nila. mas paniwalan mo ako kaysa sa beking ini-interview. dahil ang sasabihin ko ay ayon sa survey ko sa mas maraming kabataan. pinakita ko sa kanila ang mga posibleng mauuso at yung tingin nila ay babagay sa kanila. at ito ang mga nag-top.

Heto ang nausong hairstyle ng nakaraang taon.

at ito naman ang mauuso ayon sa prediction ko
ito ang hairstyle na mauuso ayon sa pulso ng bayan.

Ang Mauusong Hair Style
1. long hair na brush up ni brad pitt
2. super mohawk-brush up, maganda yan pagnag-motor ka. sa gilid mo lang dadaan ang hangin. maririnig mo rin ang sipol nito.
3. Police Look Hairdo version8.1, one side na brush up. 
4. Army Brush-up (brad Pitt). wag lang maging assuming kasi buhok lang niya ang magagaya mo. para ring sa no. 2, hindi lang ganoon kataas ang ahit sa gilid.
5. Mafia look na Brush Up, malinis na brush up. bagay din pag may patilya ka. at magsuot ng shades para kunwari si steven seagal ka
6. Sa mga hindi mahaba ang buhok. ito ang pupwede. Mike Shinoda of Linkin Park Hair Style
(MSLPHS)
pag magpapagupit kayo sa barbero sabihin niyo MSLPHS. alam na nila yon.
7. Soccer Player Look tulad ng kay Paolo Ballesteros. medyo "be-free" ang dating na parang relax lang ang tikwas ng mga buhok. okay na ito kaysa kay wally ang gayahin natin.
Ayan na lahat ang mauusong buhok ayon sa Survey ko karamihan ay brush up. ano sa tingin mo? alin kaya ang mauuso sa mga nabanggit?
pwede kang magcomment gamit ang iyong facebook. maari kang magsuggest. 
salamat sa pagbabasa.  paalam mga kapwa. 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser