Dito sa isumbongmo, isumbongmo.blogspot.com
wala kaming pinipiling kalaban
wala din kaming pinipiling tulungan
basta nagsumbong ang bayan
aksyon ng isumbongmo.blogspot.com asahan!
Ang ating sumbong ngayon ay tungkol sa kawawang sisiw.
pakinggan ang kanyang kwento
Kawawang Sisiw: "isang araw, habang maligaya kaming kumakain kasama ang aking ina
nang bigla na lang pumasok ang may ari ng apartment na aming tinitirhan
dinampot nila si nanay, " parang awa niyo na , may mga anak ako!" ang pagmamakaawa ni ina.
hindi na sila naawa, nagdadalantao ang aking ina,
hindi na ako nakasunod dahil nakakandado ang pintuan.
wala na akong magawa kundi umiyak hanggang mapaos".
"hindi pa sila nakuntento, pati ang aking mga kapatid, ang aking kapatid na walang kamuwang muwang dinampot din nila, huhuhu pinatay nila sila mama! (humagulgol)"
45 days akong umiiyak at natatakot galit na galit ako sa mga kahayupan este katauhan nila
mga mamatay hayop, magbabayad kayo!"
Ben 2Lfowh: "huwag ka matakot, maitanong ko lang eto ba ang unang pagkakataon na ginawan ka nila ng ganyang uri ng karahasan?."
Sisiw: "(hingang malalim) hindi po, ang aking ama ay namatay dahil isinali nila ng sabong, namatay ang aking ama. di kami nakapagsumbong dahil natatakot kami huhuhu "
B3n 2Lfowh:" huwag kang mag-alala kasangga mo ang isumbongmo.blogspot.com.
at hindi kita pababayaan, kung tuwing naghahanap kami ng hustisya
at pinapatong namin kayong mga sisiw sa kabaong bilang kahulugan ng paghahanap namin ng hustisya.
ngayon kami naman ang babawi sa inyo"
---------
ang bikitimang itago na lang natin sa pangalang sisiw ay nasa pangangalaga na ng kinauukulan.
agaran pong kumilos ang isumbongmo.blogspot.com
panis ang bitag, xxx, soco, at imbestigador sa aming aksyon,
ilang araw lang ang nakalipas dahil sa masusing pagiimbestiga at matiyagang paghahanap ng ibidensiya, natagpuan po namin ang bangkay ng mga biktima.
upang mailibing ng maayos,
tinabunan namin ng kanin at softdrinks nang sa ganoon
matahimik na ang kanilang kaluluwa.
pinaghahanap na ng pulisya ang suspek sa karumal dumal na krimen na nakilala sa pangalang alyas KFC
![]() |
kung may nalalaman po kayong impormasyon na makakatulong sa agarang pagdakip sa akusado
maari lamang ay mag comment kayo, mag follow, mag message, mag post sa chat box ko, o kung trip niyo magclick sa mga ads ko baka sakaling interesado kayo :)
hanggang sa muli.
dito sa isumbongmo.blogspot.com
ang iyong sumbong ay di dapat ibulong
dapat sinusumbong
at sasamahan ko ng aksiyon!




