Sunday, April 15, 2018

Pampatangos ng Ilong

Pampatangos ng ilong
Pango? cute kaya!
Gusto mo ba ng pampatangos ng ilong? Puwes, nasa tamang pahina ka.
Gumawa ako ng listahan ng ibat-ibang klase ng pampatangos ng ilong.
Mga tips, advices at kaalaman na maaring makatulong sa iyo.
Pero kung ako tatanungin di naman pangit ang pango, kaiingit nga eh, pang sundalo.
(nakadapa kasi)
Any way. narito na ang 10 paraan Pampatangos ng ilong.



1. Plastic Surgery
Pwede mong pa-opera ang iyong ilong para tumangos sa loob lang ng 2 o higit pang oras. kailangan mo lang ay maraming pera at mapagkakatiwalaang surgeon.
dadagdagan o babawasan yung nosebridge ng ilong. gagamit ng silicone hanggang maabot ang desire nose shape.  at sa wakas hindi mo na kailangan mag selfie ng pa-sideview.

2. Nose Up
Pampatangos ng ilong
Sa halagang 80 pesos lang, pwedeng umasa.
Sinearch ko sa shopee. suotin lamang ito sa loob ng 10-15 minutes daily na parang sipit.
made in japan kaya quality.
Hindi rin masakit, komportable at adjustable para sa ibat-ibang klase ng porma ng ilong. kahit pa parang upuan ng bike yan.

3.Nose Lift
photo from https://nonsurgical-nosejob.com/index.php/tag/nose-lift-price/

Napanood ko sa Shopping Channel.
Pampatangos ng ilong sa loob lang ng 2 hingahan. isusuot mo ito sa loob ng ilong para tumangos and voyla!... hindi na mahuhulog ang shades mo.

4. Massage
Masahiin ang ilong, may ilang tutorial para diyan.
to summarize. pisilin ang ilong ng dahan-dahan ('wag galit)
pababa at pataas sa loob ng ilang minuto kada-araw.
kung hindi epektive pampatangos ng ilong, magpasalamat ka na lamang atleast nakakahinga ka pa.

5. Ngumiti.
Sa pamamagitan ng pagngiti. na parang nakapikit ang mata at kumukunot ang bridge ng ilong.
maaring mapatangos ang ilong. kung hindi epektib ngumiti pa rin. nakaka-inlove ang taong jolly.
Pampatangos ng ilong


6. Kawayan (Huwag seryosohin, biro lang)
Isa sa epektib pampatangos ng ilong,
Kumuha ng kawayan, lagyan ng bubuyog ang loob. itaklob  sa ilong. kakagatin nila jollibees ang balat ng ilong mo para mamaga.
Tiisin para tumangos ang ilong and congrats...... nag embossed na ang ilong mo. HooraaYY!!!

7. Make-Up
Madalas gawin ni Michael V at paolo ballesteros
pag nagpapanggap na babae sa mga show niya.
humingi ng tulong sa make-up artist para matutong magcontour.

8. Photoshop
"Pag matangos pointed nose, kapag pango, disappointed nose?" madalas na panlait sa social media.
kaya kung dadamdamin mo ang pang-aasar, gumamit ng photoshop. pampatangos ng ilong instantly.

Tip: Minsan hindi naman maliit ang ilong mo eh, baka malaki lang mukha mo.

9. Eyeglasses for Flat Nose.
Alam mo bang pwedeng tumangos ang ilong sa pagsuot lang ng akmang "eyeglasses"?  Oo pwede. Nasa tamang porma lang yan at tamang pagpili ng frame. Pumili ng metal frame na mas manipis. Mas nagiging flat kasi ang nose kapag makapal or plastic frame ang ginamit.
Ito naman ang rekomendado ko pampatangos ng ilong.
eyeglasses for flat nose
Sinunod niya ang payo ko, kaya matangos na ang ilong niya,
10. Yoga
Ang Yoga ay di lang healthy lifestyle. Pampatangos din ng ilong.
Sa pamamagitan ng paghinga tatangos na ang ilong.
Ganito ang easy steps:
1. Umupo ng komportable, magrelax, clear your mind.
2  Gamit ang |hintuturo takpan ang kaliwang butas ng ilong. pwedeng hinliliit o hinlalaki ang gamitin. depende sa size ng butas.
3. Huminga sa isang butas ng 30 seconds.
sabihin ang linya na ito:
 "Di baleng flat ang gulong, 'Wag lang ang ilong" (sampung beses).
Ang sampung beses na pagsabi nito ay katumbas ng 30 segundo.
4. Pagkatapos, sa kabilang butas naman. gawin lang din ang step 1,2, & 3.
5. Gawin ang session atleast 10 minutes per day.

Tip: Pwede ring linisin ang kabilang butas habang humihinga sa isa. diba?

Ayan lamang ang sampu sa mga paraaan kung paano patangusin ang ilong.
Salamat sa pagbasa, sana ay napatawa kita.
Ang tunay na purpose ng blog na ito ay tawanan lang ang problema. at wag problemahin ang mga bagay na pwedeng hindi problemahin. Lahat ng bagay may solusyon, kung wala wag nang problemahin.

Magiging kontento ka, pwede ka parin namang magsuot ng shades kahit pango, meron nga nagba-bra kahit flat.
Para di mahulog lagyan ng goma ang shades o maglakad ka ng patingala.
o kung maniniwala ka sa akin.
hindi lahat ng pango ay di kaakit-akit at hindi lahat ng pango ay pangit. Di dapat sukatan ng kagandahan ang haba ng ilong. eh ano kung di ka makasuot ng shades?
wag mong maliitin ang ilong mo, cute kaya.

salamat

credits:
free photos by pexels.com
https://www.facebook.com/Michael-Bitoy-V-270144698694/
http://japino.net/nose-shape-of-your-dreams/
http://www.buhayofw.com/blogs/blogs-beauty-pagpapaganda/paano-tumangos-ang-pango-na-ilong-paraan-para-mapaganda-mapatangos-588f4fc8bfadf
photo from https://nonsurgical-nosejob.com/index.php/tag/nose-lift-price/
nakakatawa.blogspot.com
http://www.jokespinoy.com/pinoy-jokes/butas-ng-ilong/



Monday, April 9, 2018

Madalas na Pasalubong ng OFW Pag-uwi

Ang ama ko ay 20 taong OFW sa Saudi bilang mekaniko. Salamat sa Diyos, Isa ako sa walong pinalad maging anak niya. Hindi ko malilimutan noon na wala pang skype/facebook . Sulat lang at Long Distance Telephone pa ang paraan noon. Doon binabalita namin ang tungkol sa amin dito sa pinas. Doon rin humihiling kami ng pasalubong pag-uwi niya. Umu-uwi  si Papang every 2 years.
Taong 90s maraming nag-aabroad dahil sa hirap dito sa atin. Marami akong tito, tita, kuya, pinsan, kaibigan etc na lumipad ng ibang bansa. at siyempre marami ring pasalubong..

Itong Topic ko ngayon ay tungkol sa Pinaka-madalas na pasalubong ng mga OFWs. 
Narito ang 10 na laging nasa Balikbayan Box.

1.Tsokolate
Isa ito sa pinakamadalas na pasalubong galing abroad. M&Ms, Cadbury, Kitkat,Toblerone na pinakamalaki at marami pang iba. Naranasan kong magsawa sa tsokolate. salamat kay diko. Kailan ka ba uuwi.
free photos from pexels.com
2. Relo
Rolex, Swatch, Swatch, G-Shock at relong made in japan na mahirap ayusin. Yan ang naalala kong pasalubong ng galing sa abroad para sa kaanak. Maliit lang at kasya-kasya sa balikbayan box. Pagka-alam ko 20 kilos ang maximum ng Balikbayan Box at 7 kilos naman sa hand carry.
bey G-Shock doo doo, doo doo doo doo, bey G-Shock----yan ang tunog ng alarm.

3. Robot
Ito ang request ni junior. mas maraming features mas astig. pero paalala lang bantayan maiigi si Junior baka di na Transformers idol niya, baka transgenders na. Iba na kasi ang millenials.


4. Sapatos
Isa sa madalas na pasalubong ng galing abroad ito. Imported "wow""naks",. sabay post sa wall. "nice kicks" ang caption.
wala akong gaanong kwento kaya joke na lang.
MALICIOUS = Kapag mali ang nasuot mong sapatos (mali+shoes)


5. Damit na Imported

Iba ang dating pagsuot mo ito. tingin nila sayo "uy abroad" uy "orig".
ganoon ang hatak ng mga imported sa atin. madalas na design ng t-shirt
yung I heart NY, I heart HK, I heart UK, FCUK, I Heart Singapore, Camel, Barcelona FC, NY Jets, GS Warriors etc.
meron din ako kaso local lang.
Puso ng Saging imbes na heart <3
6. Pabango at Alahas
Madalas na pasalubong ng mga OFW  ang alahas at pabango. Para sa mga relatives at close friend.

7. Beauty Products/Health Care
Nivea, Dove, Jergens, Colgate etc. Madalas na giveaway sa mga bumisitang kaibigan. Pati Nescafe na kahit meron sa atin ay laman din ng balikbayan box. mura raw kasi doon ng di hamak. Ooops may imported kape rin na iba ang brand na wala yata sa atin. At heto meron pang. "parang bala?"

8. Dates 
Marami sa mga OFWs ay nasa middle east. mantakin mo 2.2 millions. Siguro minsan ka na ring nakatikim ng matamis na "dates" mula sa kanila.
and Speaking of date, tignan ang larawan, sino ang ka-date ko
Joke lang, nagpapicture lang ako with Ms. Bea.

9. Snow, Buhangin, Coins/Paper bills
Biro lang ang snow at buhangin. Pero madalas na pasalubong ng mga galing abroad ang pera ng bansang pinanggalingan. pound, euro, diar, rial, dollar at lapad.. Ilan lang sa mga halimbawa.

10. Souvenir
Minsan keychains o miniature. depende sa pinuntahang lugar. Kamakailan lang, yung kaibigan ko na galing Colorado, pinasalubungan ako ng walis ting-ting.
(acheche!!!)


Salamat sa pag-basa.
Siguro ito na ang pinakamadalas na pasalubong ng OFW pag-uwi. ayon sa aking karanasan at pagmamasid. para mas maging accurate pa. hinihikayat kitang magbigay din ng suhustiyon. salamat in-advance

credits:
Empoy, ate Ging & Kuya Jeff

sapatos jokes
https://www.facebook.com/notes/jace-aguinaldo/new-pinoy-term-jokes-hahaha/214931088639213/
at sa karagdagang survey
https://my8insights.wordpress.com/2015/04/27/8-most-common-pasalubongs-of-filipinos-from-overseas/

and thank you pexels.com
for free photos. thank you very much.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser