Ang Sampung Extra-ordinary Project Ni Ma'am
1. Scientific Calculator
eto ang project mo kung may back subject ka. may kamahalan nga lang
2.Mangga at Fish Paste(bagoong)
para pirmahan ni ma'am yung clearance mo, ibili mo siya nito sa labas ng school. oops pwede mong gamitin yung bintana. di na kailangan lumabas ng school, pasabi lamang sa tindera sa labas at gamit ang panungkit iaabot nila ang inorder mong mangga. Bayad muna system is in effect.
3.Halo-Halo
Kwits na kayo ni sir sa mga pagkukulang mo. sagot ka pa niya sa guidance
4.Tarpaulin
okay class, sa mga may bagsak, pwede kayong mag project ng tarpaulin para makabawi.
sa mga may-ari ng mga tarps. sa mga nagkabit ng tarpauline, pagkagat ng gabi wag na kayong magtaka kung nawala ang ikinabit ninyong nasabing tarpaulin
5. Diyaro
di ko alam kung bakit sa math subject namin ipana-special project ito.
dagdag points daw yan.
6.Tin Can
tulad ng diyaryo bonus grade din ito. matututunan mong marealize ang halaga ng bawat bagay. matutunan mo ring mamili sa junk shop.
7. Wood Crafts
naalala ko noon sinubukan kong bumili direkta mismo sa pagawaan nito para makatipid, yun nga lang may minimum na dami at hindi pwedeng tingi-tingi.
wala ring silbi kasi kailangan kay ma'am ka bumili ng bubuuhing woodcraft. kailangan may pirma niya at nakalista na bumili ka sa kanya para may grades ka. kabaligtaran naman pag hindi.
sa totoo lamang nagdalawang-isip akong i-post ang topic na ito.
'wag ho sanang seryoshohin ang aking katha. ito po ay produkto lang ng aking magulong imahinasyon, bunga lang din ng walang magawa. kesa naman gumawa ng wala. naisipan kong sariwain nung school days.ganito ang buhay sa public schools.
hindi naman po lahat ng guro ay ganito ang pinagagawa. marami parin sa mga pangalawang magulang na kahit karampot lamang ang sweldo ay taos-pusong naglilingkod sa mga itinurin nilang anak.
hindi matatawaran ang sakripisyo nila.
maituturin silang bagong bayani.
malaki ang utang natin sa mga guro.
kung tutuusin pwede silang mag-abroad, roon ay may napakalaking oportunidad.
ngunit hayan sila't maitututring na martir.
No comments:
Post a Comment