Tuesday, March 25, 2014

Ang Tunay na Fratenity

pakiramdam ko, di kumpleto ang pagkalalake ko
kung wala akong frat.
maraming fraternity sa labas.
nakakaengganyo. uso at mukhang masayang sumali.
instant many friends. bukod pa diyan sa ibang chapters.
maraming bebe, maraming inuman, marami kayo kaya astigin ka.

kailangan ko noon ng koneksyon at proteksyon sapagkat lagi akong binu-bully.
pag umuwi naman ako sa bahay na umiiyak may palo pa ako. asar talo sa mga pinsan at kuya ko.

DEC. 1, 2006, 9:04 P.M.,  sumali ako dati sa isang fraternity na
W.M.F.(White Mens Family o puting kalalakihan). pinakamatagal at pinakamalawak sa lugar namin.
may initiation rites (hazing) pero dahil "close" ko yung isa sa seniors exempted ako sa takalan o anumang pisikal na binyag. kaya pinapulot na lang ako ng basura. nagreklamo parin ako kaya pinakakanta na lang ako. isang lines lang ang kinanta ko. nagustuhan nila ang boses. so its a yes.

kalaunan, nakita ko yung kasama kong sumali, sinasampal parin.
umpisa pa lang daw yan dahil may petsa kung kailan gaganapin ang tunay na pagsubok(hazing).
kasama mo ang iba pang mga neophytes na galing sa ibat-ibang chapter.
ako naman pakakabisaduhin na lang ako ng 8-core values ng kapatiran. imbes na palo ng paddle ay ibang paddle ang ibibigay sa akin.

wala naman talagang criteria para makasali. sali lang ng sali.
marami sa mga sumanib ay dahil sa hinahanap ang atensiyon na wala sa kanilang tahanan (drama )

naroon nga rin pala si Buknoy, matagal na siya sa grupo pero nakita kong nakapiring siya at pinapalo ng yantok sa bunbunan. natanong ko sa isang senior na tropa ko na bakit siya binibigyan. matagal na siyang W.M.F Member. tad tad na rin siya ng insignia ng grupo at isa sa pinakamasunuring bumili ng yosi.
Domon Ishijim
of Flame of Recca nga pala
pag bumili yan kay aling rosi akala mo si robin padilla pero para siyang si max domon kung ma-meet mo.
"disiplinary action daw yan" paliwanang ng natanungan ko. disiplinary action sa mga tulad ni buknoy na alam nila ang bahag at BATUKAN. pero pag si jok-jok yung ex-military ang pasaway hindi nila magawan ng parusa. nag jo joke-joke lang raw kaya hayaan na.
si buknoy pala ay maga-abroad sana kaso hindi naka-alis kasi may tattoo. ang totoo talaga kunsino pa ang mukhang sanggano siya pa yung unang tatakbo at yung mga duwag yun pa ang maingay sa kanto.


Brad Pitt
 (Aliennn!!!)
So kasali na ako kaya talagang brod kami. ang dami ko pala talagang ka brad.
may brad akong pulis, siga, tindero, estudyante sa Harvard at  ka brad ko yung city councilor na balak mag mayor. brad ko yung kuya ng crush ko at yung nais kong maging asawa, pangalawang asawa at yung tiyuhin ng mga nais kong maging mga kabit. (bad ko noh?)
brad ko pati si brad pitt.



ang mga nais tumakbo sa baranggay ay parang asong dumidikit sa amin. pinagagawa pa kami ng tarpaulin tuwing may anniversary. happy pagdiriwang na may maraming alak, babae, babae, at babae.

matatapang ang grupo pag marami kami pero mababait pag marami rin ang kalaban.
siga kami dito pero limited sa ibang lugar.
nagpapalaro kami sa piyesta at maraming programa.
kaso siyempre di-mawawala ang special treatment sa mga kabaro namin.
isang taon lang ang nakalipas ay may mga bagitong sasali sa kapatiran. hehehe babawi kami nila buknoy.
kami ang magbebendisyon sa kanila. humanda kayo.
may isang neophytes, nahimatay sa palo. nung nahimatay... parang mga asong naglalaway ang mga baklang miyembro ng grupo. pinagsamantalahan ang kawawang chinito.
hayuk na hayok. kanya-kanyang pitas ng bunga sa nabuwal na puno. eew gross!

"Tapusin, Tapusin" ang sigaw ng mga epal.
dumating ang araw. lumipat kami ng tirahan. may nagreklamong kapitbahay sa amin.
nagkaroon ng onting di pagkakaunawaan. habang nagpapaliwanag ako sa baranggay hall, halatang kampi si kap sa kapitbahay ko. naroon pa ang mga saw-saw na tanod. naramdaman kong dayo ako. pinagtutulungan nila ako. naiiyak na me.
Karma nga ba? hindi ako naniniwala sa karma pero parang nangyayari talaga.
gaya nila, pinagkaisahan namin gaya rin ng mga aso ang nakalaban ng isa.
wala namang masama sa pagtutulong-tulong.
nagiging pangit lang pag biased ka at kunsitidor sa kagrupo mo.

anong magagawa natin, isinilang na tayo na ang tao ay may kampihan. tatapak-tapakan ka kung nag-iisa ka lang. ang mahihina ay dinudurog ng malakas. ang onti ay nilalamon ng marami. ang maliliit ay foods ng malalaki. walang masama kung para sa depensa. kaya lang, karaniwan ginagamit nila ito para makapanggulang sa kapwa.
may kilala akong pulis. nagpalipat siya ng religion/frat para ma-promote siya.
ganyan ang nangyayari. ganyan kabulok. mas matimbang pa kung ano ang sektang kinaaniban mo kaysa sa qualifications.

hazing, di ko ma-gets? tradition daw---ang pangit naman ng tradisyon na ito.
sinasaktan ang kapatid niya imbes na protektahan?.
kusang dumarating ang dagok ng buhay hindi mo kailangan mag-set ng hazing.
di ko maarok ang lohika. hindi ilalagay ng kapatid niya ang kapatid niya sa away, sakitan at anumang kapahamakan.

sana hindi kayo mapasali sa mga fraternity na ang layunin ay maghari-harian. magkampi-kampihan,  at mamulitika.

sana mapasali kayo sa fraternity na may tulungan ngunit hindi lang para mga kasapi nito.
pag-ganyan kasi ay pangit ang magiginng mundo natin.

lahat tayo ay miyembro ng isang Fraternity. pinakamalawak na fraternity. ang fraternity ng lahat ng fraternities. ang pinakamatandang fraternity.
Fraternity na di na kailangan ng tatak. hindi iniisip ang dahas, galit at gulangan. sabay-sabay nating baliin ang paddle na simbolo ng kabalbalan na minana natin sa mga unang nagbalbal.
sana maghari na ang tunay na fraternity. lahat ng tao sa paligid mo ay ituring mong kapatid mo hindi lang yung ka W.M.F. para masaya.

----------------------------------------------------------------
Salamat sa pagbisita. nalulugod ako, kahit paano'y naihayag ko yung aral na gusto kong matutuhan niyo rin. nilagyan ko nang onting lesson kasi kalimitan sa mga post ko ay "for laughtrip" lang. may mga nagko-comment kasi minsan na  nagpapasalamat at  marami raw silang natutunan---- sinungaling yon dahil ang totoo'y di sumagi sa isip ko magbigay ng "moral lesson". siguro yung iba meron talagang nakuhang moral lesson pero kung meron man ay di ko sinasadya, sorry :)
-----o baka naman yung iba ay di naman talaga binasa?

Tuesday, March 18, 2014

Sheamus VS. C.M. Punk

Sheamus ang two-time International Heavyweight Champion. tinagurian ring The Celtic Warrior.
magsiluhod kayo!!!
Sheamus Tayo!!!
Itatapat mo kay CM Punk? yung madaya na, talunan pa.
Weak!!!
hindi siya mananalo kung walang tulong ng mga tropa niya ---ang Shields
Copycat ng APO Hiking Society --WWE Version
.pero si CM Punk kahit nandaya na at nagsumbong sa Shields, binalumbon lang siya ni Big show at ginantihan ni The Rock.
lahat ng karuyaan na kay CM Punk na kaya nakakapagtakang marami pa rin siyang fans/worshippers.
pinagmamalaki niya na matagal raw siyang naging kampiyon. oh poor punk
longest reigning champion of modern era (434 Days) your neck.

Maraming racist na nilalait ang kulay ni Sheamus. May sakit raw?



Ang nasa larawan ay si Emma Stone with a Bang!!!. siya ay may irish blood rin tulad ni Idol Sheamus.
kitam! magkababayan pala si sheamus at emma .

ikumpara mo naman kay CM punk na tadtad ng tattoo. imaginin mo, sakali lang kung yung anak ni CM punk ay nangailangan ng blood donor. Eh bagsak kagad yung tatay niya kasi marumi raw ang dugo ng may tattoo.
kanino siya hihingi edi sa mga tulad ni sheamus. squeaky clean ang kutis.
sakali lang huh pero malabo kasi wala namang anak si CM Punk kasi siya ay baog. namataan ko siyang sumayaw sa obando.
Fertility Feast sa Obando, Bulacan 
naalala ko, maniwala po sana kayo sa kuwento ko..
may nakaaway ako. anim na talampakan ang taas. nababalutan nang naglalakihang muscles ang katawan. nagkamali siyang banggain ang inyong lingkod. akala ng loko matatakot niya ako sa tattoo niya?
pagkatapos, nangyari na nga ang sakuna. iniwan ko siyang nakahandusay. bumubula ang goiter.
Binura ko ng dala kong eraser ang mga tattoo niya---agila, bungo, tatak ng frat niya, puso na hati, lahat maliban sa krus. rehilyoso kasi ako eh.

Ang punto ko. hindi sukatan ng tapang ang tattoo sa katawan.
tulad ni CM Punk na puro yabang at satsat. pweh!
pag pinatikim ni Sheamus ng Brouge Kick yan,  tepok panigurado.
Losers Got Served !!!

Si Sheamus talaga ang mukha ng WWE..
Paano mo malalaman na Caltex ang gasolinahan?
syempre kailangan may star kang makikita. parang WWE at ang superstar nito ay si Sheamus.
Walang Sheamus walang kwenta ang wrestling.

Hanggang diyan na lang.
So siguro naman decided na kayo kung sino ang idol natin.

patas ang pagkukumpara ko sa dalawa at di ko hinahayaang ang personal emotion ko ang magdikta ng sasabihin ko para hindi maging biased ang review ko.

Isumbongmo.blogspot.com
walang pinapanigan, walang pinoprotektahan, walang wrestler na pinaboran.



Saturday, March 15, 2014

SUMBONG: Tindahang Nakasimangot, Nakakalungkot!


Kung si Batman sa Gotham City, Ang Caloocan ay mayrooOOong.. tenenen...B3n 2lfowh !!!
medyo tabingi noh?
buti to okay



Ang sumbong na napaabot sa atin ngayon ay tungkol sa mga tindahang parang galit.
ewan ko kung galit nga talaga?

may tindahan kasi rito sa amin na laging nakasimangot o laging mataas ang boses ng tindero/tindera pag bibili ka,
pero kung papalarin ka  minsan
parang ayaw kang pansinin (suwerte na yon).
basta para siyang si squidward.

The Who ang tindahan sa may Bagong Barrio.

(background music: ...nang si hudas ay nadulas... tatlong balbas... ang nalagas....ooohh)




heto naman po ang kuwento ng isang bata na ang pangalan ay Toto. pakinggan natin ang hinaing niya.

Isang araw, bumili ako sa N_ _C_ STORE. Naroon yung mama na nagko-computer at parang abala.

Toto: pagbilaaaaan!!!
(hindi yata ako narinig)

Toto pabili nga po ng nescafe 3 in 1
lumapit siya sa wakas. astig ang lakad. itinukod niya ang mga braso niya sa lamesa. tumingin sa akin pasilip sa butas na parisukat ng tindahan nila.----ang pangit niya promise

Tindero: 'no yon??!! (parang tinatamad, nakakahawa)

Toto: nescafe 3 in 1 po (masigla kong tugon)

Tindero : (lumingon saglit) WALA, UBOS!

Toto: Kopiko na lang po.

Tindero: WALA, WALA (parang ayaw ng magtinda. gara)

Toto: Ahhh Tide powder na lang.

Tindero: 10 PESOS?

Inabot ko ang pera sa kanya  na 20 pesos. kinuha niya at mabilis na naibigay ang binibili ko. may bibilhin pa sana ako kahit anong chichiria sana pero baka maininp yung short tempered na tindero dahil hindi pa ako makapili ng bibilhin. at nilapag niya na ang sukli at bumalik siya sa harapan ng PC. nakakahiya naman sa kanya, mabuti pa sa iba na lang.

Bukod sa kuwento ni Toto ay may iba pang impormante akong natanong. Isinagawa namin ang sariling pagiimbestiga at ganun nga talaga. pag mukha kang bata o mukha kang mahirap sa paningin niya ay mag-aangas siya pero sa mga taong may-sinabi ay napaka-down to earth niya at super friendly talaga. parehas sila ng asawa nila.

Siguro naranasan niyo na rin ito. Yung tipong parang kaaway mo yung tindero. pero di mo siya kaaway kasi di mo siya inaaway. sadyang mayabang at magaspang lang talaga ang dating na nakasanayan niya.
hindi lang naman itong tindahan ang sinusumbong natin mga sumbungero. marami pang iba na may tindahan, ayaw naman magtinda. siguro marami rin sa inyo at halos lahat.
pero itong tindahan na sumbong subject matter ngayon ay consistent Tindahang Nakasimangot, Nakakalungkot. bago pa siguro ako isinilang ganyan na sila.

SOLUTION (Kung may ganitong tindahan sa inyo)
1. Huwag mo na siyang patulan, wag ka narin makipag-angasan. wag ka nang gumanti dahil hindi kayo magkalevel. hindi makitid ang isip mo. ikaw ay maunawain at mapagpasensya.

2. Isipin mo na lang na baka may problema lang siyang kinahaharap. may mens siya o baka badtrip siya kasi nakita niya na naman mukha niya.

3. Darating din ang time na may makakatapat din siya.

4. Wag ka nang bumili. siya rin naman ang makakaramdam ng ginagawa niya. mauubusan siya ng customer. langgam na lang ang tatarget sa paninda niya. marami namang tindahan diyan kaya doon ka na lang. Sa tindahan ng kuya ko mura ang mga bilihin hindi pa masungit ang nagbabantay. kaya saan ka pa? sa tindahan na nang kuya ko!!! Located at Rivera St. Corner Reparo Road, Baesa, Caloocan City.

5.  ibigay alam at isumbong dito sa isumbongmo.blogspot.com.

kasalukuyang pinaghahanap na nang otoridad ang nasabing tindero.


Maraming salamat sa pagbisita sa blog ko at pagbasa. siguro naisulat ko lang ito dahil sa sobrang yamot ko lang. pero baka darating din ang time na buburahin ko ito matapos kong paglaanan ng panahon, internet, pagod at kuryente. magulo ako eh.

Saturday, March 1, 2014

Bangsak (Tribute to my Kababata)


BangSak, pinagsamang "Bang" tunog ng baril at "Sak" pinaikling "saksak". Magsisimula ang dayaan este ang laro sa kopong-kopong para magkaroon ng "Taya". Ang taya ay tatalikod at ipipikit ang mata. Hahayaan niyang makatago ang lahat sa bilang ng sampu (see: BangSak Theme Song )

Bangsak Theme Song
by: Taya

tagu-taguan maliwanag ang buwan
A-B-D#-G
Pag-kabilang ko'ng sampu nakatago na kayo!
F-B-D#-G
Isa... Dalawa...Tatlo....-----hanggang sampu
T#-B-D#-G

Hahanapin ng taya ang lahat. kung nakita niya. ituturo na parang binabaril ang nagtatago o iba-"Bang" niya (ex: bang Edison nakatago sa kanal)
Pag-ubos na, magiging taya ang naunang na-"bang". Uulit naman siya kung sakaling may naka "sak" sa kanya.
simple lang maka-sak. kailangan mo lang mahawakan ang taya. SAK!!!

Paborito naming maglaro ng bangsak pag magdadapit-hapon o yung padilim na. Gumagana ng husto ang pagiging maparaan namin. kanya kanyang diskarte. kahit sa mabaho. mapanghi. marumi ay wala kaming pake basta makapagtago lang. may nagtatago sa  jeep. meron nakikikumpol sa maraming tao para di halata. merong  pumupunta ng malayo para talagang di mahanap. dugas talaga.
merong nakikipagpalitan ng damit para malito ang taya.
"Aburikit" ang tawag pag nagkamali ka ng tawag sa na-bang mo. example sinabi mo bang Reyan ngunit si Milong yon. aburikit ka kaya ulit ka.

para malito rin ang taya. kaming mga nagtatago ay nagkakasundong sabay-sabay lulusob. sa dami naming dudumog.  matataranta siya, mabubulol, magugulat at halo-halong reaksiyon. posible siyang maaburikit o kaya ay ma "sak" namin siya. parang zombie mode ba.

meron namang malakas mag-trip. Hindi pa kami nakakatago at di pa nauubos ang bilang na sampu ng taya ay may sisigaw na ng "GAAAAAME!!! lagot ka kapag mabagal ka. kailangan makahanap ka kaagad ng matataguan pero madalas wala.

di ko malimutan yung kaibigan kong boklog magtago--si Behong. ewan ko kung bakit ganyan ang palayaw niya. etong mga magulang niya ang sisihin---binagay talaga sa mukha.
so si Barik ay laging burot. laging taya kasi madaling mahanap. nakakaawa na lang i-bang pero i-bang mo na baka siya pa kasi ang sumak sa'yo.

style ko naman para di mahanap ay umuuwi ako sa bahay. doon ko uubusin  ang oras, kakain, tulog, nood ng dragon ball Z--dati pang primetime kasi.  pag nakunsensiya na ako doon lang ako lalabas ng bahay.
so kung maba-bang ako ng taya, expexted kong hindi ako ang nauna. pero nagulat ako noon ng tinanong ko kung sino ang naunang na "bang". gulat ko ng ako palang raw?

Tip: pag ikaw ang taya. mas magandang magtago ka rin para mainip yung mga hinahanap mo. sigurado lalabas din yon---hintay lang.

Matatapos ang kasiyahan pagisa isa kaming pauuwiin ng mga magulang. kill joy talaga.
nakakalungkot ang unti-unting pag alis ng mga kalaro.
gusto pa naming maglaro kaso walang magagawa. bukas naman daw.

Di ko matandaan kung anong date ang hulirang laro namin noon. basta nagsibinataan na lang kami. ngayon iba-ba na kami ng buhay. iba may pamilya na. iba ay nakatira na sa ibang lugar. may nabiktima ng pesteng dengue. iba wala ng balita.
Hindi na kami bata na ang inisip lang ay maglaro. Hindi nga habambuhay tayong bata pero yung ala-ala na yon hanggang ngayon. sariwa pa rin sa akin habambuhay magpakailanman and forevermore.
Bago sumikat ang crossfire. isang multiplayer game na ang kinahihiligan ng kabataan ---ang bangsak.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser