BangSak, pinagsamang "Bang" tunog ng baril at "Sak" pinaikling "saksak". Magsisimula ang dayaan este ang laro sa kopong-kopong para magkaroon ng "Taya". Ang taya ay tatalikod at ipipikit ang mata. Hahayaan niyang makatago ang lahat sa bilang ng sampu (see: BangSak Theme Song )
Bangsak Theme Song
by: Taya
tagu-taguan maliwanag ang buwan
A-B-D#-G
Pag-kabilang ko'ng sampu nakatago na kayo!
F-B-D#-G
Isa... Dalawa...Tatlo....-----hanggang sampu
T#-B-D#-G
Hahanapin ng taya ang lahat. kung nakita niya. ituturo na parang binabaril ang nagtatago o iba-"Bang" niya (ex: bang Edison nakatago sa kanal)
Pag-ubos na, magiging taya ang naunang na-"bang". Uulit naman siya kung sakaling may naka "sak" sa kanya.
simple lang maka-sak. kailangan mo lang mahawakan ang taya. SAK!!!
Paborito naming maglaro ng bangsak pag magdadapit-hapon o yung padilim na. Gumagana ng husto ang pagiging maparaan namin. kanya kanyang diskarte. kahit sa mabaho. mapanghi. marumi ay wala kaming pake basta makapagtago lang. may nagtatago sa jeep. meron nakikikumpol sa maraming tao para di halata. merong pumupunta ng malayo para talagang di mahanap. dugas talaga.

merong nakikipagpalitan ng damit para malito ang taya.
"Aburikit" ang tawag pag nagkamali ka ng tawag sa na-bang mo. example sinabi mo bang Reyan ngunit si Milong yon. aburikit ka kaya ulit ka.
para malito rin ang taya. kaming mga nagtatago ay nagkakasundong sabay-sabay lulusob. sa dami naming dudumog. matataranta siya, mabubulol, magugulat at halo-halong reaksiyon. posible siyang maaburikit o kaya ay ma "sak" namin siya. parang zombie mode ba.
meron namang malakas mag-trip. Hindi pa kami nakakatago at di pa nauubos ang bilang na sampu ng taya ay may sisigaw na ng "GAAAAAME!!! lagot ka kapag mabagal ka. kailangan makahanap ka kaagad ng matataguan pero madalas wala.
di ko malimutan yung kaibigan kong boklog magtago--si Behong. ewan ko kung bakit ganyan ang palayaw niya. etong mga magulang niya ang sisihin---binagay talaga sa mukha.
so si Barik ay laging burot. laging taya kasi madaling mahanap. nakakaawa na lang i-bang pero i-bang mo na baka siya pa kasi ang sumak sa'yo.

style ko naman para di mahanap ay umuuwi ako sa bahay. doon ko uubusin ang oras, kakain, tulog, nood ng dragon ball Z--dati pang primetime kasi. pag nakunsensiya na ako doon lang ako lalabas ng bahay.
so kung maba-bang ako ng taya, expexted kong hindi ako ang nauna. pero nagulat ako noon ng tinanong ko kung sino ang naunang na "bang". gulat ko ng ako palang raw?
Tip: pag ikaw ang taya. mas magandang magtago ka rin para mainip yung mga hinahanap mo. sigurado lalabas din yon---hintay lang.
Matatapos ang kasiyahan pagisa isa kaming pauuwiin ng mga magulang. kill joy talaga.
nakakalungkot ang unti-unting pag alis ng mga kalaro.

gusto pa naming maglaro kaso walang magagawa. bukas naman daw.
Di ko matandaan kung anong date ang hulirang laro namin noon. basta nagsibinataan na lang kami. ngayon iba-ba na kami ng buhay. iba may pamilya na. iba ay nakatira na sa ibang lugar. may nabiktima ng pesteng dengue. iba wala ng balita.
Hindi na kami bata na ang inisip lang ay maglaro. Hindi nga habambuhay tayong bata pero yung ala-ala na yon hanggang ngayon. sariwa pa rin sa akin habambuhay magpakailanman and forevermore.

1 comment:
paborito ko tong laro kesa sa basketball. tsaka mas ok talaga sya pag gabi nilalaro :)
Post a Comment