Kailan lang napagtripan kong gumuhit ng kung ano ano. gamit lang ang bolpen. iginuhit ko sa likod ng mga lumang test paper lahat ng pangyayari sa bahay, away, gulo, problema, etc.
natatawa ako habang gumuguhit. ginawa kong boxing match ang away ng pinsan ko kontra
sa nakaaway niya. ang mala telenovelang sitwasyon ng pinsan ko at yung ginawa kong KPOP BOYBAND yung mga binatilyong taga sa'min. natawa sila ng pinakita ko ito at wiling wili pa habang gumagawa ako ng panibago.
pero isa sa favorite ko ay ito. pinag-aksayahan ko ng panahon at pina-scan pa.
at itatambad ko ngayon sa blog na ito. heto...
Katapat ng Langit ay Pusali by B3n 2Lfowh |
A picture is worth of thousand words. hayaan niyong ipaliwanag ko ang aking obra.
Sa larawan sa itaas... makikita ang isang grupo ng kalalakihan na naghaharana. pero kung mapapansin mo na parang nagi-imagination lang yung isang lalake na siyang bokalista. naka "heart" pa yung kamay bagay na usong uso ngayon. kinakanta niya yung kanta ng side A na Forevermore.
"You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be with forevermoOOre..."
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be with forevermoOOre..."
nakabarong pa siya, pinoy na pinoy..
masyadong personal ang drowing ko. masyado ring corny kasi love story.
eto naman ang mga kasamahan niya mula sa itaas; isa ay nagpapatunog ng kili-kili ( tunog tao). ang isa ay naggi-gitara (siya lang ang marunong). yung isa naman ay may tanan na triangle, kung gaano siya kaliit ay ganun din kaliit ang effort niya. may dalawa akong backup singers/second voices. yung isa ay napapapikit pa at yung isa ay may papitik-pitik pa ng daliri. mga kaibigan ko sila sa tunay na buhay. mga highschool friends na mula ng nagkasama-sama kami ay di na naghiwalay pa.
ang kanilang ini-imagine o kanyang ini-imagine ay nasa bintana. kasabay ng ihip ng hangin ay kumakaway ang mga dahon. parang cherry blossom ng japan ang background. nakasuot siya ng jersey. nirereflect naman nito ang kanyang strong personality. hindi siya boyish pero may tapang na gaya ng sa isang tunay na lalake ang loob niya. katabi niya ang mga kaibigan niyang lagi kong nakikitang kasama niya sa picture sa FB.
pagalain pa ang mga mata na parang adik, mapapansin doon ang puso ng saging sa lapag.
kasi nung nakita ko siya. "ay puso ko nahulog".
naroon rin ang pusang sumakit ang tiyan sa kakatawa at mga tinik ng isda ay sarkastikong nakangiti. sila yung mga taong hinahamak ang pag-ibig ko at paraan ko ng pagsinta. yihi!
naroon rin ang dagang nauuyam. mga taong hilig ay kumontra.
ani pa nila..." kung ako tatanungin, tsk tsk tsk...wala no chance!"
kung sila raw ang tatanungin, ang problema hindi.
ani pa nila..." kung ako tatanungin, tsk tsk tsk...wala no chance!"
kung sila raw ang tatanungin, ang problema hindi.
alam ko naman na... langit siya, lupa ako. prinsesa ka, akoy dukha. napakaganda mo cute lang ako.
sa dami raming pabling sa paligid mo mapapansin mo pa kaya ako.
sa likod ng abang kalagayan ko. isang pusikit ng pag-asa akong natanaw.
kahit ni sulyap ay di matapunan,
merong isang katotohan.
na aking pinaniniwalaan,
na aking pinaniniwalaan,
ang katapat ng langit ay pusalian.
ayon din sa drowing. sa itaas ay ang mga ulap o kalangitan at ang tinuntungan ko naman ay isang maruming kalsada at pusalian. bagay naman sa title ng drowing diba? Ang Katapat ng Langit ay Pusali.
ayan na lahat, ano pa bang idadag ko. halos naipaliwag ko na ang lahat pero tila yata hindi umabot sa thousand words.
May mga bagay pa tulad ng bakit may band-aid sa noo yung semi-kalbong backup singer. kasi nakaaway niya noong highschool yung isa pang backup singer. tumalon talon kasi sa mga armchairs para sugurin yung kaduwelo niya. nagkamali ng hakbang si naruto at nahulog. tumama ang noo sa isang matigas na parte ng ewan ko kung sa armchair o baka sa kuwan ni nikola. sa zipper ata, pardible, bolitas, ewan,. basta matigas. at sana kasi nagsuot siya ng "forehead protector" gaya ng mga ninja.

Sana ay nakapagdala akong onting aliw sa oras na ito.
at bago ko tapusin ang kuwento na ito siguro ay napansin mo na ako yung main guy. yung nakashades na bokalista na naka "heart" yung kamay..
at bago ko tapusin ang kuwento na ito siguro ay napansin mo na ako yung main guy. yung nakashades na bokalista na naka "heart" yung kamay..
opo ako ho ang inyong lingkod, si Hon. b3n 2lfowh, hawig ko ba yung drowing?
lahat ng ito ay mula sa puso ko at malikot kong isipan. maraming salamat po sa pagbasa. sana ay makapag-iwan kayo ng komento. mabuhay, God bless.
puso!!!
No comments:
Post a Comment