eh maging Bully?
(wala nagtatanong lang.)
parehas kong naranasan yan. mabully ng maraming beses at maging bully-bullyhan (ang sama ko no?)
ooops! wag muna akong huhusgahan
na bully ako lagi sa umpisa. umpisa nang klase o bagong lipat kami. binyag yata ang tawag dun pag mukha kang bagito sa isang lugar o dayo.
siguro kasi payat ako at mukhang mabait ( naks). mukhang madaling kikilan.
pero once na nakilala na nila ako. mabait naman pala ako---- manlilibre nang kusa.
Kung paano ko pinagtatanggol ang sarili ay ganito kasimple,
IF YOU LACK OF PHYSICAL ATTRIBUTES, USE YOUR HEAD!.
sabi nila. may mga taong kung gaano katapang ganoon din kabobo (kung walang taong bobo edi tanga o mayabang)
heto ang istratehiya ko. bakit ko uubusin ang oras ko sa away (hehehe dahilan), maraming paraan diyan. last option lang yon..
binabarkada ko na lang sila. binibigyan ko nang kendi para magkaroon sila nang onting sweetness/
IF YOU CAN BEAT THEM, JOIN THEM
ganyan ako eh parang politiko. wais ang ganyang tao di ba?
kaya pag may nang-away sa akin marami ang magko-comfort. :)
marunong akong magtimpi at masindak din pero once na sinaktan na ako. hindi ako papayag!
sa bahay namin
"pag umuwi ka na umiiyak may palo ka pa." ---Tita 4:50
maraming mga memory verses sa bahay namin. palibhasa malaking pamilya. sa loob ng bahay namin ay bawal maapi sa labas. asar talo ka kapag matapang ka sa bahay pero sa labas binu-bully ka. SHAME ON YOU.
(eeew)
sa Kuwento naman tungkol sa naging BULLY ako.
ganito yan..
:eksena:
tatalikod ako sa'yo at tutungo sa labas ng bintana. titingin sa kawalan.
hihinga ng malalim. at magkukuwento.
:Flashback:
Taliwas sa normal na senaryo. yung maliit ang bully sa kuwento ko.
May kaibigan ako at kaklase. si Vic at Nik (pinaiksi ko lang ang real name nila).
kaibigan ko si Vic at naging ka seatmate noong second year higschool. si Nik naman ay mabait rin. parehas silang matangkad at malaking tao. tanga lang ang mambu-bully sa kanila.
payapa silang pumapasok sa eskuwelahan nang isang payatot na binatilyong nag-ngangalang b3n(ako) ang dumating sa buhay-estudyante nila. --- at nambully.
maliban sa kanya, walang nag-aakalang bubulihin ni b3n and dalawang tore sa klase.
miyemro nang kilalang Frat si Vic, at si Nik naman ay diyan lang malapit sa school ang bahay.
ang gulo ba? si b3n na payat at mukhang di nabakunahan nung bata ang siga?
eto ang mga kasagutan:
trip lang ito. dahil kaibigan din ni b3n ang dalawa. nabigyan niya siguro ng kendi sa umpisa para allies.
simpleng biruan sa loob ng klase.
(TAKENOTE: BIRUAN LANG AT HINDI TALAGA PAMBU-BULLY)
kasama ng iba pa niyang kaibigan panay kuwento siya ng malakas na akala mo ay may kaaway.
"pag nakita ko yung dalawang duwag na yon. iuumpog ko sila sa muscles ko"
"grabe ang tapang mo, biruin mo yung pinakamalaki pa ang binubully mo?"
'hehehehe"
habang naglalakad sa hallway papunta sa klasrum nila (walang titser), sigaw siya nang sigaw.
"nasaan si NIK!!!!???? NASAAAAAAAAAAN????"
sabay tadyak pa sa pintuan. maraming nagulat, maya-maya'y ngingiti na lang. yung iba naman akala nila totoo.
"grabe tama na, maawa ka sa kanila" sakay ng iba sabay tawa.
galing talaga ng acting kasi
nanlilisik pa ang mga mata ni b3n at dinuduro pa si Nik.
"PENGENG DOS KUNG AYAW NIYONG SAMAIN" malaking boses ni b3n.
si Nik naman ay natatawa lang din.
iba naman ang reaksyon ni Vic.
"VIC MAGPAKITA KA KUNG AYAW MONG...."
biglang tumayo si Vic. tatakbo naman si b3n. kailangan listo si b3n sa mga kinikilos ni Vic.
laging ganito, nakakaeksayt!!!
tulad ng inaasahan, hinabol nga siya ni Vic,
madalas huntikan nang mahuli si b3n pero maraming kasamahan si b3n na tagalook-up niya sa position ng kalaban. parang radar. mabilis niya ring nahuhubad ang polo niya sa tuwing nakukuwelyohan siya ni Vic.
iba ang thrill lalo na yung habulan. dahil dito nahikayat ko rin ang iba.
"bulihin natin yung malalaki" sigaw nila.
lalong lumakas ang sigawan...."BULIHIN!!!!!!"
hindi naging kasing palad ng kahapon ang mga sumonod na nangyari. marami ang nasukol ni Vic na nagenjoy na rin sa kakahuli ng mga bully niya. ibang nahuli ay nanumpa pa. hindi na master mauulit!
hindi ko na hahayaan na mangyari na tawa ka pa ng tawa habang di naman makalakad, hinihilot ang hita na nagtamo ng ganti nang napikon na Vic.
hindi na pinagpatuloy ng musmos na b3n(ako) ang pambubully, dahil alam niya na isang araw ay mauubusan din siya nang lupang matatakbuhan.
isang araw. bumili siya ng maraming kendi para sa dati niyang ka seatmate na si Vic.
hindi na siya nambuli. sapat na ang ilang linggong karanasan. hindi niya na hinihingan si Nik ng dos.
hindi naman siya nagbibigay eh.
back to normal. ibang trip na lang. friend parin kami. pero tumatak na kay Vic at Nik ang pangalang B3n na naging kilabot sa loob ng ilang linggo at ilang oras (joke). basta okay na lahat. natatawa na rin si Vic pag iniisip yon at pabiro pang tinatawag akong master, si Nik naman ay nagbigay sa akin ng dos.
dumating ang 3rd grading period. nagpa-transfer na si vic sa ibang eskuwelahan kung saan mas payapa. bwuhahaha. at yon ang kuwentong bully ng inyong lingkod b3n 2lfowh.

_________

+++++++
sana ay mabakapag-iwan ako ng aliw. kasiyahan ko naman makahingi ng opinyon, reaksyon, suhestiyon, o komenton. gamit ang facebook ay maaring maipost ito. salamat at mabuhay ka.
salamat sa pagbabasa.salamat.
No comments:
Post a Comment