pakiramdam ko, di kumpleto ang pagkalalake ko kung wala akong frat. |
nakakaengganyo. uso at mukhang masayang sumali.
instant many friends. bukod pa diyan sa ibang chapters.
maraming bebe, maraming inuman, marami kayo kaya astigin ka.
kailangan ko noon ng koneksyon at proteksyon sapagkat lagi akong binu-bully.
pag umuwi naman ako sa bahay na umiiyak may palo pa ako. asar talo sa mga pinsan at kuya ko.
DEC. 1, 2006, 9:04 P.M., sumali ako dati sa isang fraternity na
W.M.F.(White Mens Family o puting kalalakihan). pinakamatagal at pinakamalawak sa lugar namin.
may initiation rites (hazing) pero dahil "close" ko yung isa sa seniors exempted ako sa takalan o anumang pisikal na binyag. kaya pinapulot na lang ako ng basura. nagreklamo parin ako kaya pinakakanta na lang ako. isang lines lang ang kinanta ko. nagustuhan nila ang boses. so its a yes.
kalaunan, nakita ko yung kasama kong sumali, sinasampal parin.
umpisa pa lang daw yan dahil may petsa kung kailan gaganapin ang tunay na pagsubok(hazing).
kasama mo ang iba pang mga neophytes na galing sa ibat-ibang chapter.
ako naman pakakabisaduhin na lang ako ng 8-core values ng kapatiran. imbes na palo ng paddle ay ibang paddle ang ibibigay sa akin.
wala naman talagang criteria para makasali. sali lang ng sali.
marami sa mga sumanib ay dahil sa hinahanap ang atensiyon na wala sa kanilang tahanan (drama )
naroon nga rin pala si Buknoy, matagal na siya sa grupo pero nakita kong nakapiring siya at pinapalo ng yantok sa bunbunan. natanong ko sa isang senior na tropa ko na bakit siya binibigyan. matagal na siyang W.M.F Member. tad tad na rin siya ng insignia ng grupo at isa sa pinakamasunuring bumili ng yosi.
Domon Ishijim of Flame of Recca nga pala |
"disiplinary action daw yan" paliwanang ng natanungan ko. disiplinary action sa mga tulad ni buknoy na alam nila ang bahag at BATUKAN. pero pag si jok-jok yung ex-military ang pasaway hindi nila magawan ng parusa. nag jo joke-joke lang raw kaya hayaan na.
si buknoy pala ay maga-abroad sana kaso hindi naka-alis kasi may tattoo. ang totoo talaga kunsino pa ang mukhang sanggano siya pa yung unang tatakbo at yung mga duwag yun pa ang maingay sa kanto.
Brad Pitt (Aliennn!!!) |
may brad akong pulis, siga, tindero, estudyante sa Harvard at ka brad ko yung city councilor na balak mag mayor. brad ko yung kuya ng crush ko at yung nais kong maging asawa, pangalawang asawa at yung tiyuhin ng mga nais kong maging mga kabit. (bad ko noh?)
brad ko pati si brad pitt.
ang mga nais tumakbo sa baranggay ay parang asong dumidikit sa amin. pinagagawa pa kami ng tarpaulin tuwing may anniversary. happy pagdiriwang na may maraming alak, babae, babae, at babae.
matatapang ang grupo pag marami kami pero mababait pag marami rin ang kalaban.
siga kami dito pero limited sa ibang lugar.
nagpapalaro kami sa piyesta at maraming programa.
kaso siyempre di-mawawala ang special treatment sa mga kabaro namin.
isang taon lang ang nakalipas ay may mga bagitong sasali sa kapatiran. hehehe babawi kami nila buknoy.
kami ang magbebendisyon sa kanila. humanda kayo.
may isang neophytes, nahimatay sa palo. nung nahimatay... parang mga asong naglalaway ang mga baklang miyembro ng grupo. pinagsamantalahan ang kawawang chinito.
hayuk na hayok. kanya-kanyang pitas ng bunga sa nabuwal na puno. eew gross!
"Tapusin, Tapusin" ang sigaw ng mga epal. |
nagkaroon ng onting di pagkakaunawaan. habang nagpapaliwanag ako sa baranggay hall, halatang kampi si kap sa kapitbahay ko. naroon pa ang mga saw-saw na tanod. naramdaman kong dayo ako. pinagtutulungan nila ako. naiiyak na me.
Karma nga ba? hindi ako naniniwala sa karma pero parang nangyayari talaga.
gaya nila, pinagkaisahan namin gaya rin ng mga aso ang nakalaban ng isa.
wala namang masama sa pagtutulong-tulong.
nagiging pangit lang pag biased ka at kunsitidor sa kagrupo mo.
anong magagawa natin, isinilang na tayo na ang tao ay may kampihan. tatapak-tapakan ka kung nag-iisa ka lang. ang mahihina ay dinudurog ng malakas. ang onti ay nilalamon ng marami. ang maliliit ay foods ng malalaki. walang masama kung para sa depensa. kaya lang, karaniwan ginagamit nila ito para makapanggulang sa kapwa.
may kilala akong pulis. nagpalipat siya ng religion/frat para ma-promote siya.
ganyan ang nangyayari. ganyan kabulok. mas matimbang pa kung ano ang sektang kinaaniban mo kaysa sa qualifications.
hazing, di ko ma-gets? tradition daw---ang pangit naman ng tradisyon na ito.
sinasaktan ang kapatid niya imbes na protektahan?.
kusang dumarating ang dagok ng buhay hindi mo kailangan mag-set ng hazing.
di ko maarok ang lohika. hindi ilalagay ng kapatid niya ang kapatid niya sa away, sakitan at anumang kapahamakan.
sana hindi kayo mapasali sa mga fraternity na ang layunin ay maghari-harian. magkampi-kampihan, at mamulitika.
pag-ganyan kasi ay pangit ang magiginng mundo natin.
lahat tayo ay miyembro ng isang Fraternity. pinakamalawak na fraternity. ang fraternity ng lahat ng fraternities. ang pinakamatandang fraternity.
Fraternity na di na kailangan ng tatak. hindi iniisip ang dahas, galit at gulangan. sabay-sabay nating baliin ang paddle na simbolo ng kabalbalan na minana natin sa mga unang nagbalbal.
sana maghari na ang tunay na fraternity. lahat ng tao sa paligid mo ay ituring mong kapatid mo hindi lang yung ka W.M.F. para masaya.
----------------------------------------------------------------
-----o baka naman yung iba ay di naman talaga binasa?
No comments:
Post a Comment