ngayong malaki na, alam ko na!
gustong gusto kong maging bata muli."
mula sa fb post ng isang kaibigan. siya nga naman. sarap maging bata. haayy
kung may problema man ay heto lang. especially for batang'90s nga pala.
1. Matulog tuwing Tanghali.
Isa sa the best meryenda. galing dito ang larawan |
noong bata pa ako, kunwari akong natulog, mahirap din pero no choice, aakting na bagong gising.. bobolahin pa ako ng "edi ang pogi mo na"
di nila alam nakapikit lang ako. istayl ko may bulok ay epektibo parin. ginulo ko lang ang buhok ko at nagtanggal kuno ng muta at magpanggap na bagong gising. ayan na ang meryenda. favorite ko ang binatog at softdrinks.
karaniwang rules:
a. bawal kayong magharap ng katabi mo at baka naguusap kayo.
b. pikit ang mata
c. galangin ang patpat na masakit.
d. matulog atleast 1 oras. basta matagal dapat.
2. Home Study at Home Work.
Maranasan mo na bang mapa-iyak noong tinuturuan ka pa lamang magsulat o magbasa?
dati yung tita ko na napakahigpit.
andami sa'king pinababasa at pinasasagutan.
nakakayamot at nakakainip.
ngunit sa huli ay napadali ang pagkatuto at nakinabang din ako sa paggagabay sa akin.
marunong na akong magbasa at sumagot sa tita ko. joke
dati yung tita ko na napakahigpit.
andami sa'king pinababasa at pinasasagutan.
nakakayamot at nakakainip.
ngunit sa huli ay napadali ang pagkatuto at nakinabang din ako sa paggagabay sa akin.
marunong na akong magbasa at sumagot sa tita ko. joke
3. Kumain ng Gulay.
FACT: mas masarap panghilod ang upo sa halip na kainin |
yung okra sarap itanim na lang uli.
yung talong naman pala ay overrated--di naman masustansiya. masarap lang prituhin at tortahin. at yung patola ginagawa naman palang panghilod. sitaw, patani, kundol at pechay. ilayo niyo yan.
ayoko nang gulay ng bata ako. yung lutong "Diningding" ay lasang dingding.
Question: anong gulay ang pinakamasakit sa lahat.
Answer: AMPALAYAin ka!
4. Alcohol Bilang Panlinis ng Sugat
mula dito ang larawan |
nagka-phobia yata ako sa alcohol.
betadyne na lang please. tinatapat ko na lang sa bintilador bawas hapdi.
ano ang kaya kung mabuhusan ang mga nasa kaliwa ng alcohol,
?
away yan sigurado.
5. Di Makanood ng Cartoons.
nakakaiyak talaga ang drama. tagal ko pa namang inabangan ang palabas na cartoons tapos ililipat lang sa telenovela. magkatapat dati yan.
sila tita, lola, mga may-edad na babae tsaka si mama ang may hawak ng makapangyarihang remote. wala kaming magawa.
kalaban din ang balita.
kung susuwertihin na walang balita at drama. papatayin parin ang T.V. para makapagpahinga daw ito at makatipid sa kuryente. UNFAIR!!!
sila tita, lola, mga may-edad na babae tsaka si mama ang may hawak ng makapangyarihang remote. wala kaming magawa.
kalaban din ang balita.
kung susuwertihin na walang balita at drama. papatayin parin ang T.V. para makapagpahinga daw ito at makatipid sa kuryente. UNFAIR!!!
6. Bawal Maglakwatsa
Buti pa si Dora :( |
Lakwatsa pa more? paguwi mo saka na lang saluhin ang galit ni nanay. ---labis siya sigurong nag-alala.
7. Nagulo ang Laruan
Collectibles na alphabet na robot |
mga bagay na pinaghirapan mong iayos
ay masasagi lang at magugulo.
may pinsan akong sinasadya niya.
kunwari raw higante siya at manggugulo.
nakakainis talaga.
sadnu?
8. Sinong Maghuhugas ng Pinggan
toka ni angel ngayon |
kahit gumawa ng "Scheme", lagi paring may magtuturuan.
masakit sa ulo kaya number 9 na tayo kaagad.
9. Mag-Tupi ng Damit
Kung lumaki kang walang kasambahay. siguro naranasan mong pagtupiin ng damit. nakakatamad at nakakainip. sarap magpatintero sa labas. o kaya maghabul-habulan. angsasaya ng mga kalaro mo tapos ikaw nariyan at pinapatay ng inggit .
may solusyon ako diyan! yung kuya ko ang bilis magtupi. pero pag binuklat mo yung damitan niya. nakabalunbon lang yung marami. yung kita lang ng mata ang nakatupi. nakatupi rin ang nasa ibabaw. mga lima para kung ininspeksyon. approved!
10. Gustong Laruan
Hanggang ngayon parin naman, marami tayong gustong makuhang bagay at halos hindi na maubos.
naranasan kong umiyak ng ilang beses para ibili ako ng panaginip kong laruan.
maling asal ito. sige kang bata ka. hindi ka na isasama pag pupunta sa palengke kase kung ano-ano pinagtuturo mo.
ang pinakamahal kong laruan ay ang bike ko na may pakpak na kumakampay. may watergun ito sa harapan. kumpleto ang ilaw at naglalabas pa ng usok. yan ang pangarap ko magkaroon pag umuwi na si papa. hindi ako nagkaroon niyan dahil wala naman palang ganyan kahit saan, imagination ko lang kasi sa sobrang inggitero ko.
Ang da most expensive toy ayon sa listverse.com. nagkakahalaga ng 115,000 U.S. Dollars! kung ako yan ibibili ko na lang ng bigas, |
yan lamang po ang pumasok sa ala-ala ko. ang sarap maging bata. maliliit lang ang problema. laro, tulog, kain-laro-tulog tapos ganun uli bukas.
sana ay makapagiwan ka ng komento at suhestiyon na maidadag-dag pa.
maraming salamat sa pag-basa, God Bless
Isang problema ko noon
galing dito ang larawan |
Ngayon alam ko na?
No comments:
Post a Comment