Wednesday, March 13, 2013

Ang Hiling ni Kapatid na Jun

isang makapagbagbag damdamin ang matutunghayan. Isang hiling ang aming bibigyan kasagutan.
humanda, dahil para kang binatang umihi===di mo maiiwasang kiligin sa mga magaganap. basahin natin ang kanyang liham.

dear ser b3n,

   ako po si Jun. ako po ay napilitang lumuwas rito sa maynila. iniwan ko ho ang aking 4 na taong anak at asawa sa probinsya. tinitiis ko po ang hirap ng trabaho rito, kahit na po may nararamdaman akong masakit eh tinitiis ko. ang isang mahirap pa ay ang malayo sa pamilya mo. ibang pangungulila at paninimdim ang lagi kong kayakap araw at gabi makapagpadala lang ng pera sa mga mahal ko sa buhay sa probinsya.
   
  Ang hiling ko po sana'y makasama ang pamilya ko dahil, mahirap po pala talagang mag-isa. wala akong magawa kasi kailangan namin ng kuwarta para di magutom. di ako makauwi dahil narin sa maliit lang ang sahod ko, kaya yung ipapamasahe sa barko ay ipapadala ko na lang. sana po ay mabigyan niyo ng pansin ang aking liham.

umaasa sa iyo,

Jun


Ilang araw lang pagkatanggap namin ng sulat ay agad naming tinungo si Jun sa kanyang tahanan.
bitbit ang mga regalong handog ng aming team.
nasopresa si mang jun.
ang unang regalo ay ang pangkabuhayan package.


sumunod ay pinasuri namin siya sa isang eksperto sa kalusugan. dahil umano sa iniinda niyang karamdaman.
at aniya ng doctor. usog lamang ang sakit ni mang jun. nilawayan lamang siya para gumaling.

nakikita ko ang ligaya sa mata ni mang jun, ngunit umpisa pa lang yan.
batid namin ang kaniyang pangungulila. kaya isang sorpresa at tiyakkk na ikagugulat ng mabuting ama.
naka-blindfold si mang jun ng dinala namin siya sa isang kwarto at doon tinanggal ang piring.
tumambad sa kanya ang ilang bagong kagamitan, bagong sabon at shampoo, bagong brief, bagong sipilyo rin para hindi na siya nanghihiram sa kapitbahay.

at

maya-maya pa ay isang babae ang patakbong umiiyak na yumakap sa nakatalikod na si mang jun.
kasama pa ng isang bata na sobrang adorable at isang dalaga.
yumakap narin si mang jun.
doon ay di niya naring mapigilang umiyak. gayon din ang buong staff.
sa kalagitnaan ng pag-iyak niya ay itinanong niya sa amin. "huhuhu Sino siya(yung babae)?, bakit siya umiiyak huhuhu?".

"Mang jun, siya ang bago mong asawa at bagong anak, tada!! nasopresa ka ba?"
oo! totoo mang jun, bago lahat yan, mas cute sila diba?"
kaya di ka na mangulila pa at mag-iisa rito sa maynila.
maasikaso ang maganda at balingkinitang chix na dating nurse at HRM graduate din.
sure na malambing, hindi bungangera, mas maganda at maunawain pa yan. ako yata ang pumili niyan. at sagot lahat yan ng isumbongmo.blogspot.com!
masaya ka na ba"

hindi lingid sa kaalaman ko na niya maiiwasang mag-alala sa pamilyang naiwan sa probinsya. kitang kita ko sa kanyang mga mata.
paano na sila.
kaya bago siya magsalita  ay binuksan na namin ang computer at nag-open ng skype

kung tungkol naman po sa pamilya niyo sa cagayan. wag ho kayong mabahala mang jun sapagkat binilhan na rin namin ang tunay na misis niyo ng bagong asawa. at masaya sila rito. mas gwapo at kumikita ng sapat at di na kailangan lumayo.

doon siya lalong umiyak. 

"hu hu hu, di ko na alam ang sasabihin ko" ang huling nabigkas ni Mang Jun bago siya nahimatay.
oOo

diyan na natapos ang isang araw naman ng pagtupad sa mga hiling. 
abangan ninyo ang mga susunod pang episode.
eto si b3n 2lfowh at sampu ng mga bumubuo ng isumbongmo.blogspot.com na laging nagpapa-alala na libreng mangarap at wag mawalan ng pag-asa.

Monday, March 11, 2013

Ang Dating Don

Sa isang lugar sa Saranggani ay may lalakeng mayaman. siya si Don Gerry--- may ari ng malaking palaisadaan
saksakan ng kunat at gulang ang taong ito. bukod dun eh may pagkamatapobre rin ang nilalang na'to
mistulang binabad sa kayabangan ang ugali niya.
ngunit marami rin ang nakakaalam na mula rin siya sa pagiging anakpawis.

lagi niyang ikinukuwento na noong binata siya eh nakapagtrabaho siya sa Banko Sentral ng Pilipinas (wow)
hindi niya naman kinukuwento na ang trabaho niya roon ay taga-guhit ng gilid ng piso nung araw.

Isang araw bumisita ang kanyang ina na nanghihingi ng tulong, ngunit sa halip na tulungan ito ay pinagwikaan pa ng ganito; "kaya kayo walang asenso, lagi kayo hingi ng hingi.
ay naku! sa tingin ko mas makakatulong ako kung di ko kayo tutulungan ng sa ganoon matuto kayong hindi umasa sa akin"

umalis ang kanyang ina na nanghihingi ng pambayad sa ospital bill ng kapatid niyang maykaramdaman.
totoo namang hingi ng hingi si aling maria kay gerry, yun naman ay dahil sa sampung beses na humingi ang matanda ng tulong eh daang beses naman itong tinanggihan ni Don Gerry.

maya-maya'y dumating si Don Pruke--isang mayaman na sinawsaw sa kayabangan.
malugod na tinanggap ni don gerry ang kaibigan, at masayang nag-usap.

Don Gerry: kumusta don Prekprek, este Pruke pala. nitong huli, sabi mo nang nakaraan eh isasakay mo ako sa bago mong yateng nabili sa napakalaking halaga

Don Pruke: Oo sana, kaso eh di natin magagamit ngayon, yung yate nabasa. tsk tsk tsk.

Don Gerry: ah ganoon ba, masyado palang sensitive yang yate, kaya ayaw kong bumili ng mga mumurahin.

Don Pruke: teka, eh, bakit di nalang yung sinasabi mong nabili mong submarine ang sakyan natin ngayon kaibigan?.

Don Gerry: ipagpaumanhin mo... (hindi pa nakakatapos ng sasabihin si Don Gerry eh sumabat na agad si...)

Don Pruke: hahahaha, huwag mong sabihining nabasa rin?!

Don Gerry: ah hindi naman kasing pipitsugin ng yate mo ang submarine ko. ang problema kasi yung submarine ko---lumubog!

natapos ang palitan ng mahahangin na salita ng dalawa at nagpaalam na si Don Pruke
lumipas ang ilang taon, isang wild fire ang kumalat sa lugar nila at kasamang nasunog ang malaking palaisdaan ni Don Gerry. marami kasing tambay na dumudura ng plema kaya naging plemable (Flamable)--- nakuha niyo yung wordplay?


nalugi ng malaki ang Don at nabaon pa sa utang, sumubok rin sa ibang negosyo at nabigo.
mahirap na Ang Dating Don (ADD)
humingi siya ng tulong sa mga kaibigan at koneksyon niya ngunit ito ang karaniwang sagot nila.
"sa tingin ko mas makakatulong ako kung di kita tutulungan"
naalala niya ang kanyang ina at humingi ng tulong at siya namang di matiis nito.
nadatnan niya rin ang kanyang kapatid na masaya siyang nakita at ilang araw ay pumanaw na.

napagtanto niya ang tunay na yaman na nararapat ingatan.

natuto na rin siya sa pagpili ng kaibigan.

naisip niya rin na may mga kaibigan tayong triple-triple ang cellphone ngunit di naman matawagan kung kailangan.

meron namang mga taong kahit di nga tayo magsalita eh nariyan at naiintindihan ka.


sa muling pagbangon ng dating Don.
unti-unting bumalik ang mga nawala kay Don Gerry.
mas naging matagumpay siya at higit sa lahat ----naging mas masaya :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser