Wednesday, March 13, 2013

Ang Hiling ni Kapatid na Jun

isang makapagbagbag damdamin ang matutunghayan. Isang hiling ang aming bibigyan kasagutan.
humanda, dahil para kang binatang umihi===di mo maiiwasang kiligin sa mga magaganap. basahin natin ang kanyang liham.

dear ser b3n,

   ako po si Jun. ako po ay napilitang lumuwas rito sa maynila. iniwan ko ho ang aking 4 na taong anak at asawa sa probinsya. tinitiis ko po ang hirap ng trabaho rito, kahit na po may nararamdaman akong masakit eh tinitiis ko. ang isang mahirap pa ay ang malayo sa pamilya mo. ibang pangungulila at paninimdim ang lagi kong kayakap araw at gabi makapagpadala lang ng pera sa mga mahal ko sa buhay sa probinsya.
   
  Ang hiling ko po sana'y makasama ang pamilya ko dahil, mahirap po pala talagang mag-isa. wala akong magawa kasi kailangan namin ng kuwarta para di magutom. di ako makauwi dahil narin sa maliit lang ang sahod ko, kaya yung ipapamasahe sa barko ay ipapadala ko na lang. sana po ay mabigyan niyo ng pansin ang aking liham.

umaasa sa iyo,

Jun


Ilang araw lang pagkatanggap namin ng sulat ay agad naming tinungo si Jun sa kanyang tahanan.
bitbit ang mga regalong handog ng aming team.
nasopresa si mang jun.
ang unang regalo ay ang pangkabuhayan package.


sumunod ay pinasuri namin siya sa isang eksperto sa kalusugan. dahil umano sa iniinda niyang karamdaman.
at aniya ng doctor. usog lamang ang sakit ni mang jun. nilawayan lamang siya para gumaling.

nakikita ko ang ligaya sa mata ni mang jun, ngunit umpisa pa lang yan.
batid namin ang kaniyang pangungulila. kaya isang sorpresa at tiyakkk na ikagugulat ng mabuting ama.
naka-blindfold si mang jun ng dinala namin siya sa isang kwarto at doon tinanggal ang piring.
tumambad sa kanya ang ilang bagong kagamitan, bagong sabon at shampoo, bagong brief, bagong sipilyo rin para hindi na siya nanghihiram sa kapitbahay.

at

maya-maya pa ay isang babae ang patakbong umiiyak na yumakap sa nakatalikod na si mang jun.
kasama pa ng isang bata na sobrang adorable at isang dalaga.
yumakap narin si mang jun.
doon ay di niya naring mapigilang umiyak. gayon din ang buong staff.
sa kalagitnaan ng pag-iyak niya ay itinanong niya sa amin. "huhuhu Sino siya(yung babae)?, bakit siya umiiyak huhuhu?".

"Mang jun, siya ang bago mong asawa at bagong anak, tada!! nasopresa ka ba?"
oo! totoo mang jun, bago lahat yan, mas cute sila diba?"
kaya di ka na mangulila pa at mag-iisa rito sa maynila.
maasikaso ang maganda at balingkinitang chix na dating nurse at HRM graduate din.
sure na malambing, hindi bungangera, mas maganda at maunawain pa yan. ako yata ang pumili niyan. at sagot lahat yan ng isumbongmo.blogspot.com!
masaya ka na ba"

hindi lingid sa kaalaman ko na niya maiiwasang mag-alala sa pamilyang naiwan sa probinsya. kitang kita ko sa kanyang mga mata.
paano na sila.
kaya bago siya magsalita  ay binuksan na namin ang computer at nag-open ng skype

kung tungkol naman po sa pamilya niyo sa cagayan. wag ho kayong mabahala mang jun sapagkat binilhan na rin namin ang tunay na misis niyo ng bagong asawa. at masaya sila rito. mas gwapo at kumikita ng sapat at di na kailangan lumayo.

doon siya lalong umiyak. 

"hu hu hu, di ko na alam ang sasabihin ko" ang huling nabigkas ni Mang Jun bago siya nahimatay.
oOo

diyan na natapos ang isang araw naman ng pagtupad sa mga hiling. 
abangan ninyo ang mga susunod pang episode.
eto si b3n 2lfowh at sampu ng mga bumubuo ng isumbongmo.blogspot.com na laging nagpapa-alala na libreng mangarap at wag mawalan ng pag-asa.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser