Sunday, September 14, 2014

Gamot sa Katamaran. Pahinga lang.

SPEAK YOUR MIND! wag manahimik, hindi ka pipi.
wala nang sasahol pa sa taong nagsasalita naman
ngunit piniling maging pipi, wala nang papanghi pa sa pipi na yan.

Taumbayan: yuck!


Bakit ba tayo nape-pressure sa araw-araw na lang.
anong mapapala natin?

Taumbayan: WALA!!!

bakit ba may nangaalipin?

Taumbayan: DAHIL MAY NAGPAPA-ALIPIN!!!.

kung walang alipin, walang. mangaalipin. puno ka ba? bakit ka natatakot na sibakin. tao ka! ba't ka sinasabihang you're fire.
ok fine. walang trabaho, walang problema, pero sila rin, wala rin silang.... anong wala mga kabaro?...

Taumbayan: Wala tayong makakain?

hindi. wala rin silang kikitain dahil tayong mga obrero ang tunay na nagpapasahod sa kanila
oo sila ang nagsusulat ng numero sa payslip. pero tayo talaga ang gumuguhit ng kinabukasan ng kumpanya. isa pa, basahin natin ang boblia (koleksiyon ng mga libro ni bob ong)

“…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

Taumbayan: ?????parang walang konek.

May isa akong komersiyal sa TV na napanood. sabi ng Janitor roon. "magkakabahay din ako".
Oh kay sarappppp. yum yum yum. bing bing bing. solenn solenn soleenn.
pero magkakaroon kaya? i doubted it. yung janitor na kinuha nila eh di naman mukhang janitor. bayad siya sa pag ekstra sa shooting. hindi yan gawain ng janitor na nagpupursige at bawal mapuyat. hindi pagpapalit ng masipag na obrero sa 500 pesos ang permanente niyang trabaho. for sure.

Heto ang true to life story.
si Pedro ay masipag na tao. hindi siya nagpapahinga. trabaho sa umaga, trabaho sa gabi. sa pagsisikap ay nakabili siya ng TV. nagkaroon rin siya ng TB.
nabali na ang likod niya ay di siya naka-ipon. ni di maregular.
him against crabs, traffic, agency system, and capitalism.
"minimum" ang pinangakong sahod yun ay kung tatagal ka ng 21 year sa kanila.
liwanagin natin ang minimum wage

pagsumakay ka nang jeep may...
minimum fare. kahit sa kabilang kanto ka lang automatic dapat ay 8.50 peses ang ibabayad mo.
pagsasali ka sa Bb. Pilipinas o sa PNP mayroong anong "____ height"?

Taumbayan: minimum height.

istrikto rin ang Meralco kung maningil. kahit di ka gumamit ng kuryente mayroon ka paring 50 pesos na babayaran sa monthly bill. minimum, pwedeng labis, walang kulang.
yan ang alam ko pag sinabing minimum-----maliban na lang kung binago na kanina.

Taumbayan:  (napasuntok sa hangin) nakuha mo.. wooh. very well said. damn!

ang sahod din natin ay may minimum eklaboo. dapat nila tayong pasahurin ng di bababa sa tinakdang pasahod ng batas.

Taumbayan: ahhhhh!!! gets ko na.

ngunit umalma sila. masyado raw makatarungan ito. di nila kaya rate. ang kaya nilang minimum ay
0 pesos and 00 centavos. yan daw dapat ang itakda ng batas. at susunod sila. faithfully....

Taumbayan: tama ka! tsaka, kasi kapag tayo ang magkamali, charge sa sahod kaagad. istrikto lang sila pag interes na nila... unfair talaga.

aside from that, liliit ang pagkatao mo pag sinabon ka. sabi nila tamad daw ako. wala raw gamot sa katamaran kundi pagkukusa. nakiusap pa. lumaban daw ako?
kung masipag ka. bat mo ko inuutusan. sino sa atin ang tamad?
taumbayan paano mo lalabanan ang katamaran kung tinatamad ka nga.
bakit daw ang iba nagtagumpay dahil sa tiyaga?
Kung kaya ng iba, edi paggawa mo sa kanila.

binubulyaw pa nila na "tanggaling mo yang katamaran at aasenso ka!! g@#$":?go"
hindi po natin dapat tanggalin ang katamaran sa buhay.
yan ang nagdudulot sa atin upang maging maparaan.
bukod sa pangangailangan, dahil sa katamaran kaya naimbento ang maraming bagay. naging mabilis, at napadali ang mga gawain.

nainiwala ba kayo na kung may tiyaga, may.... nilaga raw?

Taumbayan: akala ko pag may tiyaga. may syota, hahahah.

walang nilaga! walang nilaga!.. dahil sabaw lang ang ibibigay sa'yo. sabaw! sa kanya ang laman ng baka. at yung buto ay pwede pang ibenta sa mga may ari ng fishpond. ikaw ang magtatanim iba ang aani? Heto ang simpleng larawan. henyo talaga ang gumawa nito,
from google.com
Taumabayan:  I see. para kang si yamcha ng dragon ball Z. partner sila ni Bulma pero di ko alam kung
bakit si Vegetta ang nakatuluyan niya. andaya talaga. ikaw ang manliligaw iba ang sasagutin. ouch!!!
nakikiisa ako sa'yo.

magkaisa! ganyan nga. kung may kakilala ka pang tulad ko. nais ko silang makabaliktaktakan--
(napigilan si juan sa kakasalita nang tawagin siya ng boss nilang si Mr. Pabuwaia ang presidente ng kumpanya).
wait, tawag lang ako ni Buhaya este Pabuwaia.

(sa loob ng opis)
MR. Pabuwaia: Ano Johnny, ano balita. may union ba?

Juan: ninong inaalam ko pa lang, paniwalang paniwala sila na kampi nila ako. hahaha. marami na akong kilalang walang loyalty sa'yo, ang latest ay si  Taumbayan.

Mr. Pabuwaia: ano siya.. paanong...sayang ....WTF!  balak ko sana siyang ipromote. tsk tsk tsk. tuloy mo lang ang tinuro kong pag sa-psychological reverse at pang eespiya. ako bahala sa pasko mo.

Juan at Mr. Pabuwaia:
BWUHAHAHAHAHAHAHA
PABUWAHAHA



Friday, September 12, 2014

Si Ticba'ah

Ito ang kuwento ng buhay ni Tikba'ah. kuwento ng katatagan sa hamon ng buhay na magbibigay inspirasyon sa lahat.
kung kaya ni tikbalang, kaya niyo rin. halina't tungahayan natin. ngayon, bukas at magpakailanman

Mula sa lahi ng mga Centaur,  mga maalamat na nilalang na kalahating tao at kalahating kabayo.
matatalino dahil ang ulo nila ay tulad sa tao. mabibilis at malakas dahil ang apat na binti nila ay sa paris ng kabayo----plus buntot.
Isang araw, isang bagong silang na sanggol ang nadagdag sa lipi.
kung iisipin mali ang salitang "bagong silang". dahil hindi mo na kailangan idagdag ang salitang "bago" sa "silang". imbes na "bagong silang na sanggol" dapat "sinilang na sanggol". dahil understood naman na pag sinilang syempre bago. at wala namang sinilang na luma.

(back to the topic)
Ang bata ay kakaiba. kabaliktaran ng itsura ng mga Centaur. ang ulo ng sanggol ay sa kabayo at ang katawan mula hanggang sa paa ay sa tao. hindi niya namana ang matalas na utak ng tao at tatag at bilis ng mga binti ng kabayo.
Ticba'ah ang ngalan ng sanggol. dahil sa kaibahan. naranasan niya ang pangaapi at pagtatangi sa kanya. nilisan niya ang lupang sinilangan at tumungo sa isang kapuluan. "paalam mga panget" ang huling liham niya.

(Sa Pilipinas)
doo'y nakilala niya ang isang manananggal na tumulong sa kanya magkatrabaho.
(isang manananggal 'yun bang nahahati ang katawan, naiiwan ang baywang, binti hanggang paa nito sa bahay at nagkakaroon naman ng malaking pakpak ng paniki. palipad lipad ito para maghasik ng laggim).  dahil sa kapilyahan. isang sibat ang humagip sa bagwis nito. bumagsak siya sa lupa. walang siyang ibang magagawa kundi tumakbo. ngunit wala siyang paa. sa nerbiyos ay natapilok ito. palapit na ang mga taumbayan na may dalang nagliliyab na sulo.
nakita siya ni Ticba'ah at tinulungan itong magtago. salamat at ligtas sila.
ang naabutan ng taumbayan ay isang itim na manok. ito ang binuntungan nila ng galit sa pagpapalagay na baka nagbagong anyo ang manananggal bilang ulikba.

(sa trabaho)
Natanggap sa trabaho si Ticba'ah.
Una tinanong niya ang sarili dahil ang sahod niya ay below minimum.
malinaw naman ang "Minimum Wage Law" ng Pilipinas.
dapat ay magpasahod ang employer sa empleyado ng hindi bababa sa itinakdang sahod ng gobyerno.
pag hindi ito sinunod ay maaring ireklamo ang lumabag na employer.
Andali lang namang intindihin. MINIMUM-bakit may mini pa sa minimum.
pero kung magrereklamo ka.  hugas kamay ang kumpanya dahil agency ang dapat mong i-sued sa korte. at kung manalo ano ang mapapala mo. tanggal ang permit ng agency at tanggal ka rin---walang nawala sa kumpanya. asa ka pang manalo, may panggastos ka ba sa PAO?

pero hindi pala tapos. may commision pa ang Makatao Manpower Services. kakaltas ang agency sa sahod. modus lang din ito ng kumpanya dahil sila rin ang may hawak ng ahensyang may isang tao lang. opo lang nang opo wala naman tayong magagawa. Sa huli ay tinanggap na rin ni Ticba'ah ang agos. isa pa. narito siya para magkaroon ng bagong simula.

kahit na ganun, nagpapasalamat siya sa kumpanyang ito dahil pinagkatiwalaan siya. doon ay naging kaibigan niya si Sigbin mabait siya nitong inorient. naroon si Kapre na nagyoyosi ng tabako. si Lope na aswang(uuuy) na love at first sight yata siya(yihiii) kilala rin si Lope bilang Lopeng Lupit dahil sa lupit na angkin nitong kariktan. si Pugot na walang ulo na mahilig mangulambaba. si Nuno Muhlac(isang nuno sa punso) . naroon rin si Tiyanak na masungit pero naging close niya nang binigyan niya ito ng "marie".

nakilala niya rin si Mang Esoj (binaliktad na Jose). siya ang CEO/Owner ng kumpanyang pinagtatrabauhan nila Ticba'ah.
tinanong siya nito. anong name mo?
Ticba'ah:Tikba po.
Mang Esoj: ANO TIKBA POE? (sabay ngisi).
Ticba'ah: Hindi Ticba'ah lang
Mang Esoj: ahh Tikbalang. maganda mukhang papatok. Tikbalang, welcome to the kumpani Tikbalang!

mula noon nabinyagan na siya bilang Tikbalang at yun na rin ang itatawag natin.
Si mang Esoj rin ang kilalang albularyo nang bayan. napabalita na ang husay niya sa Jessica Sojo at TV Patrol.
tama ang pagkadinig mo. albularyo siya at promotor ng mga lagim! kala niyo kalaban ng mga albularyo ang mga aswang hehehe. kung paano ito nangyari ay dahil patay-bata pa tayo sa tunay kalakalan.
ganito ang natuklasan ni Tikbalang:

Ang trabaho nila Tikbalang, Manananggal at iba pa ay manakot ng tao. ang tao naman ay hihingi sa serbisyo ng albularyo. ang albularyo ay magbibigay halimbawa ng anting-anting. sa una libre lang.
Sila Tikbalang naman ay magkukunwaring natatakot sa medalyong iyon. aarte na kunwari ay mapapatakbo sa tindi ng kapangyarihan taglay ng medalyong nagdaan sa sagradong orasyon at nilabhan sa holywater. mapapabalita ang epektibnes nito. maraming bibili kay Mang Esoj kaso may bayad na. entrepreneur talaga ang dating. tiba-tiba. goyoan, sabwatan at pera-pera. bukod sa medalyon ay marami pang ibang anting-anting, kontra-usog, laway, orasyon, hilot, mga libreta etc. ang mabibili ngayon sa botique niya. doon kumikita si Mang Esoj at ang kumpanya.

Maganda naman sa una. lumakas ang kita ng kumpanya. pinaka outstanding ang performance ni Tikbalang. ngunit naiba ang trato sa kanya ni Sigbin.
matagal na siya sa trabaho pero bali na ang likod hindi man lang siya maregular. yun ang kinainggit niya na baka maunahan pa siya ni tikbalang.
nais niyang pabagsakin si Tikbalang ngunit kabalintunaan ay siya ang lumalagapak. hanggang malaman niya ang relasyon ni Tikbalang kay Lope. gumawa ng tsimis si Sigbin. naging iskandalo ito at naapektohan ang kita kumpanya. ang tatlo ay kapwa sinibak sa trabaho. nakakapagtakang si sigbin ay masaya parin. hindi nadismaya sa paghila niya sa kapwa niya ay nasama rin siya pababa. crab mentality talaga!

Lope: paano ngayon yan beh. saan tayo pupulutin, ayokong bumalik sa amin sa maynila.
Tikbalang: Sumandal ka lang sa akin beh..nagmamahalan tayo, yun ang mahalaga beh. isa pa nangangako ako. beh hindi ako titingin sa iba, sayo lang, magiging babaero lang ako pag dumami ka(sabay tingin sa CP para sa iba pang forwarded quotes). hindi ka luluha sa piling ko. gutom lang.
Lope: Gutom?
Tikbalang: Joke lang, marami naman diyang trabaho marami nga lang ring aplikante. hehehe
Lope:?
Tikbalang: kung di man ako makahanap ng trabaho pwede namang magnegosyo kahit maliit.
Lope: Narito lang ako palagi. magtutulungan tayo. tambalang TikLop(clipping ng Tikbalang at Lope) tayo di ba?
Tikbalang: Salamat beh beh mahal ko,
<Kissing Scene>

Nagsikap ang mag loveteam. nagtrabaho ng ibat'ibang pwede. naging kutsero si tikbalang, naging pyesa sa chess. naging model ng redhorse, ferrari etc. ngunit talagang dumarating ang pagsubok ng paulit-ulit.ang mahalaga ay paulit-ulit ka ring lumaban.
sumubok ding magnegosyo. mapalad namang nagtagumpay ang isang naiisip na negosyo.. sinong mag-aakala na ang mga tinapong napkin sa basurahan ay pwedeng gawing tsaa!
nag-click ito sa mga dayuhang bampira.

umunlad ang mag-asawa. subalit ang kumpanya ni Mang Esoj, sina Pugot, Kapre, Tsanak, Manananggal atbp. ay nagsara na. dahil ito sa pagpasok sa bayan ng mga dayuhang horror.
wala nang naniwala sa tik tik, diwata at mga anting-anting natin. mas okay kasi ang horror movies ng Japan, Thailand at Estados Unidos. hindi tulad ng mga horror natin na OA sa special effects at paulit-ulit lang ang mga kuwento.

Gamit ang naipon ng mag-asawang Tikbalang at Lope. Sinimulan nila ang pagbuo ng samahan ng mga lamang lupa sa buong kapuluan. para iahon muli ito.
patuloy pa rin ang pamamayagpag ng dayuhang katakutan at hindi pa ganoon nagbubunga ang sinimulan ni Tikbalang. sina Shomba, Jigsaw, Jason X, Sadako at mga Zombie pa rin ang trending.
pero atleast nasimulan na.

magiging mahirap ang laban pero sanay na si Tikbalang diyan, nakapagbigay rin siya ng inspirasyon at pag-asa sa marami.
sa huli naisipan ni Tikbalang at Lope na magpakasal.
hindi malilimutan ang huling hudyat ng pari na.
"You may kiss the bride".
nagpalakpakan ang lahat kahit si sigbin na naging ninong,
maraming nakuhang star si Tiyanak sa Daycare, nakabili nang electric cigarrete si Kapre. Si Nuno naman ay may bagong Punso. nagkatuluyan si Pugot at Manananggal. Si Mang Esoj naman ay sagradong ginagalang na ang Labor Code. okay na ang pasahod niya ---ngalang lumiit ang income.

kasagsagan ng kasal. bumagsak ang malakas na ulan kahit tirik ang sikat ng araw.
"umuulan kahit umaaraw? siguro may kinakasal na Tikbalang at Aswang" ang sabi ng mga bata.
<The End>


Monday, September 8, 2014

Kuwentong Bully

Naranasan mo na bang ma-Bully?
eh maging Bully?

(wala nagtatanong lang.)

parehas kong naranasan yan. mabully ng maraming beses at maging bully-bullyhan (ang sama ko no?) 

ooops! wag muna akong huhusgahan

na bully ako lagi sa umpisa. umpisa nang klase o bagong lipat kami. binyag yata ang tawag dun pag mukha kang bagito sa isang lugar o dayo.
siguro kasi payat ako at mukhang mabait ( naks). mukhang madaling kikilan.
pero once na nakilala na nila ako. mabait naman pala ako---- manlilibre nang kusa.

Kung paano ko pinagtatanggol ang sarili ay ganito kasimple,
IF YOU LACK OF PHYSICAL ATTRIBUTES, USE YOUR HEAD!.
sabi nila. may mga taong kung gaano katapang ganoon din kabobo (kung walang taong bobo edi tanga o mayabang)

heto ang istratehiya ko. bakit ko uubusin ang oras ko sa away (hehehe dahilan), maraming paraan diyan. last option lang yon..
binabarkada ko na lang sila. binibigyan ko nang kendi para magkaroon sila nang onting sweetness/
IF YOU CAN BEAT THEM, JOIN THEM
ganyan ako eh parang politiko. wais ang ganyang tao di ba?
kaya pag may nang-away sa akin marami ang magko-comfort. :)

marunong akong magtimpi at masindak din pero once na sinaktan na ako. hindi ako papayag!
sa bahay namin
"pag umuwi ka na umiiyak may palo ka pa." ---Tita 4:50

maraming mga memory verses sa bahay namin. palibhasa malaking pamilya. sa loob ng bahay namin ay bawal maapi sa labas. asar talo ka kapag matapang ka sa bahay pero sa labas binu-bully ka. SHAME ON YOU.
(eeew)
_________

sa Kuwento naman tungkol sa naging BULLY ako.
ganito yan..

:eksena:
tatalikod ako sa'yo at tutungo sa labas ng bintana. titingin sa kawalan.
hihinga ng malalim. at magkukuwento.

:Flashback:
Taliwas sa normal na senaryo. yung maliit ang bully sa kuwento ko.
May kaibigan ako at kaklase. si Vic at Nik (pinaiksi ko lang ang real name nila).
kaibigan ko si Vic at naging ka seatmate noong second year higschool. si Nik naman ay mabait rin. parehas silang matangkad at malaking tao. tanga lang ang mambu-bully sa kanila.
payapa silang pumapasok sa eskuwelahan nang isang payatot na binatilyong nag-ngangalang b3n(ako) ang dumating sa buhay-estudyante nila.  --- at nambully.

maliban sa kanya, walang nag-aakalang bubulihin ni b3n and dalawang tore sa klase.
miyemro nang kilalang Frat si Vic, at si Nik naman ay diyan lang malapit sa school ang bahay.
ang gulo ba? si b3n na payat at mukhang di nabakunahan nung bata ang siga?

eto ang mga kasagutan:
trip lang ito. dahil kaibigan din ni b3n ang dalawa. nabigyan niya siguro ng kendi sa umpisa para allies.
simpleng biruan sa loob ng klase.
(TAKENOTE: BIRUAN LANG AT HINDI TALAGA PAMBU-BULLY)
kasama ng iba pa niyang kaibigan panay kuwento siya ng malakas na akala mo ay may kaaway.

"pag nakita ko yung dalawang duwag na yon. iuumpog ko sila sa muscles ko"
"grabe ang tapang mo, biruin mo yung pinakamalaki pa ang binubully mo?"
'hehehehe"

habang naglalakad sa hallway papunta sa klasrum nila (walang titser), sigaw siya nang sigaw.
"nasaan si NIK!!!!???? NASAAAAAAAAAAN????"
sabay tadyak pa sa pintuan. maraming nagulat, maya-maya'y ngingiti na lang. yung iba naman akala nila totoo.
"grabe tama na, maawa ka sa kanila" sakay ng iba sabay tawa.

galing talaga ng acting kasi
nanlilisik pa ang mga mata ni b3n at dinuduro pa si Nik.
"PENGENG DOS KUNG AYAW NIYONG SAMAIN" malaking boses ni b3n.

si Nik naman ay natatawa lang din.
iba naman ang reaksyon ni Vic.

"VIC MAGPAKITA KA KUNG AYAW MONG...."
biglang tumayo si Vic. tatakbo naman si b3n. kailangan listo si b3n sa mga kinikilos ni Vic.
laging ganito, nakakaeksayt!!!
tulad ng inaasahan, hinabol nga siya ni Vic,
madalas huntikan nang mahuli si b3n pero maraming kasamahan si b3n na tagalook-up niya sa position ng kalaban. parang radar. mabilis niya ring nahuhubad ang polo niya sa tuwing nakukuwelyohan siya ni Vic.

iba ang thrill lalo na yung habulan. dahil dito nahikayat ko rin ang iba.
"bulihin natin yung malalaki" sigaw nila.
lalong lumakas ang sigawan...."BULIHIN!!!!!!"

hindi naging kasing palad ng kahapon ang mga sumonod na nangyari. marami ang nasukol ni Vic na nagenjoy na rin sa kakahuli ng mga bully niya.  ibang nahuli ay nanumpa pa. hindi na master mauulit!
hindi ko na hahayaan na mangyari na tawa ka pa ng tawa habang di naman makalakad, hinihilot ang hita na nagtamo ng ganti nang napikon na Vic.

hindi na  pinagpatuloy ng musmos na b3n(ako) ang pambubully, dahil alam niya na isang araw ay mauubusan din siya nang lupang matatakbuhan.

isang araw. bumili siya ng maraming kendi para sa dati niyang ka seatmate na si Vic.
hindi na siya nambuli. sapat na ang ilang linggong karanasan. hindi niya na hinihingan si Nik ng dos.
hindi naman siya nagbibigay eh.
back to normal. ibang trip na lang. friend parin kami. pero tumatak na kay Vic at Nik ang pangalang B3n na naging kilabot sa loob ng ilang linggo at ilang oras (joke). basta okay na lahat.  natatawa na rin si Vic pag iniisip yon at pabiro pang tinatawag akong master, si Nik naman ay nagbigay sa akin ng dos.

dumating ang 3rd grading period. nagpa-transfer na si vic sa ibang eskuwelahan kung saan mas payapa. bwuhahaha. at yon ang kuwentong bully ng inyong lingkod b3n 2lfowh.
+++++++


sana ay mabakapag-iwan ako ng aliw. kasiyahan ko naman makahingi ng opinyon, reaksyon, suhestiyon, o komenton. gamit ang facebook ay maaring maipost ito. salamat at mabuhay ka.
 salamat sa pagbabasa.salamat.

Friday, September 5, 2014

Katapat ng Langit ay Pusali.

Kailan lang napagtripan kong gumuhit ng kung ano ano. gamit lang ang bolpen. iginuhit ko sa likod ng mga lumang test paper lahat ng pangyayari sa bahay, away, gulo, problema, etc.

natatawa ako habang gumuguhit. ginawa kong boxing match ang away ng pinsan ko kontra
sa nakaaway niya. ang mala telenovelang sitwasyon ng pinsan ko at yung ginawa kong KPOP BOYBAND yung mga binatilyong taga sa'min. natawa sila ng pinakita ko ito at wiling wili pa habang gumagawa ako ng panibago. 

pero isa sa favorite ko ay ito. pinag-aksayahan ko ng panahon at pina-scan pa.
at itatambad ko ngayon sa blog na ito. heto...
Katapat ng Langit ay Pusali by B3n 2Lfowh
A picture is worth of thousand words. hayaan niyong ipaliwanag ko ang aking obra.
Sa larawan sa itaas... makikita ang isang grupo ng kalalakihan na naghaharana. pero kung mapapansin mo na parang nagi-imagination lang yung isang lalake na siyang bokalista. naka "heart" pa yung kamay bagay na usong uso ngayon. kinakanta niya yung kanta ng side A na Forevermore. 

"You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be with forevermoOOre..."

nakabarong pa siya, pinoy na pinoy.. 
masyadong personal ang drowing ko. masyado ring corny kasi love story. 
eto naman ang mga kasamahan niya mula sa itaas; isa ay nagpapatunog ng kili-kili ( tunog tao). ang isa ay naggi-gitara (siya lang ang marunong). yung isa naman ay may tanan na triangle, kung gaano siya kaliit ay ganun din kaliit ang effort niya.  may dalawa akong backup singers/second voices. yung isa ay napapapikit pa at yung isa ay may papitik-pitik pa ng daliri. mga kaibigan ko sila sa tunay na buhay. mga highschool friends na mula ng nagkasama-sama kami ay di na naghiwalay pa.

ang kanilang ini-imagine o kanyang ini-imagine ay nasa bintana. kasabay ng ihip ng hangin ay kumakaway ang mga dahon. parang cherry blossom ng japan ang background. nakasuot siya ng jersey. nirereflect naman nito ang kanyang strong personality. hindi siya boyish pero may tapang na gaya ng sa isang tunay na lalake ang loob niya. katabi niya ang mga kaibigan niyang lagi kong nakikitang kasama niya sa picture sa FB. 

pagalain pa ang mga mata na parang adik, mapapansin doon ang puso ng saging sa lapag.
kasi nung nakita ko siya. "ay puso ko nahulog".

naroon rin ang pusang sumakit ang tiyan sa kakatawa at mga tinik ng isda ay sarkastikong nakangiti. sila yung mga taong hinahamak ang pag-ibig ko at paraan ko ng pagsinta. yihi!
naroon rin ang dagang nauuyam. mga taong hilig ay kumontra.
ani pa nila..." kung ako tatanungin, tsk tsk tsk...wala no chance!"
kung sila raw ang tatanungin, ang problema hindi.

alam ko naman na... langit siya, lupa ako. prinsesa ka, akoy dukha. napakaganda mo cute lang ako.
sa dami raming pabling sa paligid mo mapapansin mo pa kaya ako.

sa likod ng abang kalagayan ko. isang pusikit ng pag-asa akong natanaw.

kahit ni sulyap ay di matapunan,
merong isang katotohan.
na aking pinaniniwalaan,
ang katapat ng langit ay pusalian.

ayon din sa drowing. sa itaas ay ang mga ulap o kalangitan at ang tinuntungan ko naman ay isang maruming kalsada at pusalian. bagay naman sa title ng drowing diba? Ang Katapat ng Langit ay Pusali.
ayan na lahat, ano pa bang idadag ko. halos naipaliwag ko na ang lahat pero tila yata hindi umabot sa thousand words.

May mga bagay pa tulad ng bakit may band-aid sa noo yung semi-kalbong backup singer. kasi nakaaway niya noong highschool yung isa pang backup singer. tumalon talon kasi sa mga armchairs para sugurin yung kaduwelo niya. nagkamali ng hakbang si naruto at nahulog. tumama ang noo sa isang matigas na parte ng ewan ko kung sa armchair o baka sa kuwan ni nikola. sa zipper ata, pardible, bolitas, ewan,. basta matigas. at sana kasi nagsuot siya ng "forehead protector" gaya ng mga ninja.

Sana ay nakapagdala akong onting aliw sa oras na ito.
at bago ko tapusin ang kuwento na ito siguro ay napansin mo na ako yung main guy. yung nakashades na bokalista na naka "heart" yung kamay..
opo ako ho ang inyong lingkod, si Hon. b3n 2lfowh, hawig ko ba yung drowing?
lahat ng ito ay mula sa puso ko at malikot kong isipan. maraming salamat po sa pagbasa. sana ay makapag-iwan kayo ng komento. mabuhay, God bless. 

puso!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser