Thursday, December 31, 2015

Balitang SHONGA (Showbiz Ngayon)

Ito ang showbiz tsika portion ng isumbongmo.blogspot.com.
ang Balitang SHONGA, Showbiz ngayon!!!
maghahatid sa inyo ng mga updates at latest scoop sa likod at harap ng pinalakang tabing.
mga celebs walang ligtas sa lente ng Balitang SHONGA

narito ang unang pasabog... boooshhh!!

YAMCHA-BULMA-VEGETTA what the real score?

tunghayan muna natin ang simula.
Bulma and  Yamcha Love Team
Si  Bulma ang love interest ni Yamcha. mula umpisa hanggang sa pagpunta nila Son Gokou sa Planet Nemek. then fast forward....naging si Bulma at Vegetta ang magka-love team. may nakapansin kaya nito? naging si Bulma at Vegetta agad, paano na si Yamcha?!
aRay k0 b3h!
ganito kasi ang nangyari mga shongangerz.
noong natalo na ni Son Goku  ang malupit na si Frieza at mga kampon niya.
sasabog na ang planet nemek. kailangan makatakas ni Son Gokou. huntikan siyang mahulog sa bangil. buti nakakapit siya sa isang tipak ng bato at di siya nabaldog.
shonga rin si gokou na akala niya shonga ang mga televiewers niya. lumilipad naman siya diba.
umaarte pa.
salamat at may spaceship siyang nakita.


suwerte. ang spaceship ay nakaprogram na pumunta sa isang payapang  planetang sunod na sasakupin nila Frieza.
doon nanatili si Son Gokou ng ilang taon. doon niya rin natutunan ang instant teleportation.

then umuwi siya sa earth. si Bulma at si Vegetta na ang mag-on. at may anak na. oh gosh.
si bulma nakapagteleport na rin ng love life.

masaya ang mag-asawa ngayon. at binata na ang anak nilang si Trunks
kung bakit naghiwalay si Bulma at Yamcha ay walang nakaka-alam.

may malaman na biro naman  ang funny ever na si Krillin.
"kung kami ni bro (Son Goku) ay naghahanap ng 7 dragon balls. si Yamcha ibang balls ang hinahanap. hahahah"

ano sa tingin niyo ang ibig sabihin ni Krillin?

So mga Shongangers, ayaw naman magbigay ng panayam si Vegetta. pinagbawalan rin niya si Bulma. nagbanta pa. baka raw pasabugin niya yung Pinas pag napikon siya. 
edi wag! sinong tinakot mo!

buti pa si Yamcha magiliw kaming pinunlakan at pinatuloy sa kanilang condo. pinakilala niya rin ang ka live-in partner niya.


The First Man Who Landed to the Moon Ever

B3n 2Lfowh At your service.

Faked Moon First Landing?
May katotohanan ba? o isang paninira?
Sino ang unang nakapunta sa Buwan?


 Siguro kung tatanungin kayo, kung sino ang unang tao nakapunta ng buwan. ang isasagot niyo ay si Neil Armstrong, at si Buzz Aldrin. nasa loob naman ng sasakyan si Collins. hindi ko alam ang first name baka Jack. Jack Collins, Max Collins, pwede ring Collin Heusaff. o yung partner ni Billy Crawford --- Collins Garcia.





Ayan ang alam ko, isang amerikano ang unang naglakbay sa buwan.
Neil Armstrong: The First Person Who Walk on the Moon
siya nga si Neil Armstrong, iyan ang turo ng aking mga guro. ngunit ng ako ay lumaki na. nagtrabaho sa isang respetadong inteliigence agency sa loob at labas ng bansa.
marami akong natuklasang mga bagay. mga katotohanan at kasinungalingan. marami ring teorya at mga claims. isa sa mga nakapaggimbal sa akin ay ang interview kay bay na taga Davao.
di niya sinabi ang pangalan niya. at kahit na sabihin niya ay di ko ibubunyag para narin sa proteksyon ng nasabing tao.

aniya, totoong nakapunta na ang mga tao sa buwan ngunit hindi mga amerikano ang unang nakatapak sa buwan kundi siya na hamak na cameraman lang na tubong Davao ang unang nakatapak sa balat ng buwan.
ganito ang kwento.

bukod sa 3 astronauts. nagsama sila ng isang camerman. pinalad ang davaoenyo pera at big break nga naman ito. ngunit ang kasunduan ay wag na wag siyang tatapak sa moon paglapag roon. dapat ay mauna si Neil Armstrong. sa loob lang rapat ng spaceship siya manatili.
sucessful sila sa pagland. nagyakapan ang 3 sa tuwa. inutusan ni Neil Armstrong ang davaoenyong cameraman na kuhaan ang pagtapak niya sa lunar space. lumabas siya ng spaceship at pumuwesto kaagad.
"ok joe, do the 1st step on the moon surface, GO!" masayang anyaya niya.
namutla at nanlaki ang mata ng tatlo lalo na si Neil.
napakamot si collins, nanghihinayang at pailing iling si Buzz Aldrin, umiiyak naman si Neil Armstrong. dahil isang cameraman na sabit lang ang unang nakatapak sa moon.
"I told you many times. stay at the spaceship."
wala na silang nagawa, inilihim nalang nila ang pangyayaring ito.


Sino ang kumuha ng litrato? ang sagot ay ang sagot rin sa katanungang, sino ang unang nakatapak sa buwan?
nagulat na lang siya nang napabalita ang pag land ng 3 sa moon, at sila raw ang first ever. di man lang siya nabanggit kahit pang 4th man na lang. yan ang kinasama ng loob niya. sinubukan niyang magpunta sa NASA Headquarters ngunit di siya pinansin. kinaladkad siya palabas at pinagbubugbog. tinuring ang 3 na superstar habang siya ay sinabihang nababaliw  sa pakikinig ko, di mapigilang pumatak ng aking mga luha.

Yun ang kanyang kwento. kalakip nito ay mga ebidensya. may bonus ring maiksing Q&A. 
B3n 2Lfowh: Bay, Mabigat na alegasyon ito.
ikaw bay ang kumuha ng video at pics. so ikaw ang 1st ever who landed.....?
Mr. Cameraman: shhhhh shhhh mismo! its me, myself, and I. and this is the evidence hahaha oo bay.
sino kaya yung cameraman?

B3n 2Lfowh: bakit ako maniniwala sa picture na yan? 
Mr. Cameraman naniniwala ka nga rati sa picture lang eh (picture ng 3)? 
at sino sa tingin mo ang kumuha ng video nila.? 
Ako ang nagcoverage, siyempre dapat nakapuwesto ako. ako ang cameraman nila. ako nga maniwala ka. naitanong mo na ba sa sarili mo na kung sino ang cameraman nila?
 3 sila nakapabebe, sino ang nagclick ng camera?
sino nagsabi ng say cheese? MAKULIT KA, AKO NGA, AKO NGA! 
B3n 2lfowh: Bakit ngayon ka lang lumantad?
Mr. CameramanMatagal na akong lumantad ngunit hawak ng CIA ang media. may banta sa buhay ko at tumakas ako papunta uli sa bayan natin. dito ako nagtago at naghintay ng tamang panahon. maaring walang maniwala sa akin pero naniniwala ako sa isang kasabihan.

may 3 bagay na hindi matatago, ang araw, ang buwan at ang katotohanan.


naputol ang aming usapan, maaring may naginterrupt sa paguusap namin. may mga kahinahinalang tao sa labas na nagmamanman. hanggang dito na lang muna ang kwento ko.
may bayad na ang susunod na katanungan.





Friday, December 25, 2015

TIPS sa Pag-gawa ng Resume (Specially for Beginners)

isumbongmo.blogspot.com sumbong, solusyon at aksiyon. boom!

Narito ang inyong lingkod B3n 2Lfowh para maghatid ng bagong kaalaman at payo sa pag gawa ng Resume o Bio-Data.
Ang Bio-Data o Resume ay naglalaman ng mga personal na impormasyon ng isang tao. pati educational background, at work experience. kailangan ito lalo na kung ikaw ay papasok ng trabaho.
pero bago ang lahat, paalala lang po, ang blog na ito at ang mga naka-vandal
 ay para sa katuwaan lamang. wag masyadaong seryoso. huy!

1st Tip:
kung paano gumawa ng resume? i search lang sa google ang keyword na resume formats.
makakapili ka roon ng ibat-ibang struktura ng bio-data. pumili ng pinakasimple pero "payak". simplicity is .... tipid.
magpatuloy pa sa kawiwiling pagbabasa ng bagong kaalaman..

2nd Tip:
gawing one page lang ang iyong resume upang madaling basahin ng interviewer lalo na kung wala ka pa namang gaanong work experience o credentials. piliting maging maiksi ngunit detalyado. wag mo nang ipagmalaki yung lolo mo na war hero. tiyak na wala yan sa lolo ko.

3rd Tip:
madalas na inalalagay ng iba sa kanilang objectives ang katagang "as a stepping stone... blah blah blah"
masakit ito para sa kompanyang papasukan mo. ang ituring na tuntungan lang para sa pangarap mo. isipin mo na lang na may nanliligaw sa'yo at sabihing niyang gusto ka --- for experience lang. ouch di ba? sadnu?

4th Tip:
ito ang mga dapat hindi mawala sa sa isang resume.
name, address, contact number & email address
age: 18
address.
weight: 50 to 56 kgs (depende kung busog)
height: (insert your height here)
sex: never

5th Tip:
sa date naman, ah eh, problema ko rin yan, wala rin akong date. hu hu hu.

6th Tip:
pwede ring ilagay ang religion, province. isama na rin ang iba pang talento,  kasanayan at strengths.
importante ito para sa first impression nila sa iyo. kasama na ang signature, lagyan ng heart shape para cute tulad ng pirma ko.
7th Tip:
kung malaki ang mukha, gumamit ng 3x3 para magkasya, ipaliwanag maigi sa interviewer na di kasya ang mukha mo sa 2x2.

8th Tip:
wag mo nang lagyan ng kiss mark/lips mark ang resume.

9th Tip: 
Mag drowing sa blankong likod ng resume. in case na di ka matanggap. at sabihing tatawanan este tatawagan ka na lang nila. ang totoo ay ayaw nila sa'yo. kaya "at least" di nila magagamit na scratch paper ang resume mo. nek nek nila.

10th Tip:
gumamit ng tissue paper instead of coupon bonds, syempre magtataka siya kung bakit tissue paper ang resume mo.
ganito ang isasagot mo.
"ganyan kalinis ang hangarin ko".
kung nakornihan siya, isisi mo kay bob ong wag sa akin, sa kanya ko nabasa to.

muli ito ang inyong b3n 2lfowh, lingkod niyo at nagpapasalamat sa pagbasa sana ay natulungan kita.
wag mahiyang mag-iwan ng comment tungkol sa post.
salamat sa mga natanungan ko at kay pareng google.com.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser