Humor - Top Blogs Philippines

Thursday, December 23, 2010

Last Message

Wala akong maisip i-post sa blog ko, kaya nagsurf muna ako sa google. Binuksan ko rin ang friendster account ko at binasa ung mga nasa inbox. napatawa ako nung nabasa ko ito.
ang title "Last Message". medyo maramdamin ito, nagawa kong isulat ito dahil sa kagagawan ng kaibigan kong si tedi. sige basahin niyo na lang ang sinulat ko at isinend ko.

benjie wrote:
> sakit naman ng text message mo!
> leche ba? tsk tsk tsk!
> senxa na kasi si tedi ang kausap mo! at kailanman hindi pa ako nakipagusap sa iyo via texting
> pero pinipilit ko pa ring isipin na kaya naging ganoon eh siguro maysinabing masama sa iyo si tedi john r. de guzman na kasalukuyan naming ipinagtutulungang asarin at humanap ng paraan para bumawi.
> sana nga ganun.
>
> kunwari hindi ako pikunin tulad ng akala nila pero nakakainis parin isipin kung paano ka makipag-usap sa tao!
>
> sige siguro hanggang dito na lang talaga. mahirap para sa akin na sabihing "ayoko na" kasi marami pa akong gustong sabihin pero parang wag na lang. useless din kasi.
> sorry na lang sa lahat ng ginawa ko na ikinagalit mo. ipagpaumanhin mo na lang lahat.
>
> pagbutihan mo na lang ang pag-aaral mo
> mag-pray ka lagi pag may problema
>
> sayang talaga

Ang mga nabasa ninyo ang isinulat, sa pagaakalang si tedi ay ginamit ang pangalan ko at nagkunwaring ako at nakipagtext sa kanya(kay steben) bakit isteben, ewan galing sa cheben, wala lang clipping lang pangalan namin che tsaka ben, baduy talaga ng mga kaibigan ko,
anyway, Ang wika pa nga sa akin ni tedi ay masasakit na salita ang nireply, "leche" daw. eto naman ang nireply niya sa friendster.

>x send?!nyahhhhh..akn ba yan?>!

Nagtataka din ba kayo? wrong send daw?
tinanong ko kay tedi yan, yun naman pala, biro niya lang yun ,
yung ginamit niya kunwari ang pangalan ko ay di pala niya talagang ginawa. joke joke lang pala
kaya humingi ako ng pasensya sa kausap ko sa friendster

benjie wrote:
> sayo dapat kaso
> wrongsend
> wag mo na lang pansinin!
> akala ko kasi ginamit ni tedi yung pangalan ko para kausapin ka yun pala hindi
> sorrryyyyyyyyyyyyy
> sorry

At naiintindihan niya naman...

>ah!!ehehhe Tc olways~^^

ayun tumawa siya, at take care always pang kasama.
dun na nagtatapos ang maling akala ko. tatapusin ko na sana ang paghanga sa kanya nung araw na yun, pero hindi na natuloy dahil wala naman palang dahilan.
hanggang ngayon friends parin kami :)
friends parin hanggang ngayon :(
sa katunayan naitag niya ako sa fb
sabi sa picture, tag someone you miss
at dun ako itinag. happy parin



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...