Humor - Top Blogs Philippines

Saturday, December 4, 2010

Ikaw Lamang by Silent Sanctuary: Ang Awit ng HighSchool Life Ko

share ko lang ang pinaka best song para sa akin, eto yung kanta ng silent sanctuary, title ikaw lamang, habang ginagawa ko itong blog na to para bang may electrifying effect akong nadarama, sige panoorin niyo ang video at baka may maalala rin kayo




Ikaw Lamang by Silent Sanctuary
Album: Fuchsiang Pag-ibig

Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na

Ayoko ng maulit pa
Ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa

Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta

Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na...

Bawat tugtgog astig ang pagkahalo diretso sa puso, lahat ng linya ng kanta parang patama(patama sa mga torpe), samahan pa ng video na ang tema ay sa school love story.

ilang taon na ang nakakalipas... naala ko tuloy ung super ultimate mega crush ko noong highschool ako , naging classmate ko pa siya nung second year. naaalala ko tuwing may itatanong ung guro namin at walang makasagot at kung alam ko sinasadya kong di muna magrecite, at pag wala na talaga, itinataas ko na ang kamay ko, tumitingin sa lahat ng nandoon, syempre lahat din sila nakatingin at inaabangan ang sagot ko--- kasama na doon ung crush kona siya namang pakay kong tingnan.
at lumiliwanag ang buhay tuwing nagkakatinginan kami. ayyy
MARAMING NAGSABI BAGAY DAW KAMI , un nga lang mas marami pa rin ang kontra
inaasar ako ng mga kaibigan ko sa kanya, at ung asar na yon eh magkahalong asar at kilig
minsan mismong titser pinagkakaisahan ako, akalain mo ba namang pinagtabi kami ng upuan nung exam, nakakainis diba( joke)
nung nagtapos na kami ng second year mataas ang grades na nakuha ko kaya napunta ako sa seksyon cherry ngalang naging seksyon peach ako, maraming maganda doon, un nga lang ulit wala na yatang tatalo sa nauna kong inspirasyon.
nung mag js ay naisayaw ko siya,
pero js prom na nung 4th eh hindi na. kung sa iba 3rd year ang pinakamasarap na highschool life nila para sa akin 2nd year parin, para kasing hindi classroom ako pumapasok, kundi isang langit at siya namn ang anghel. at ang aking pakiramdam ay lumulutang. ----ang corny

minsan niyo ng narinig sa isang komersyal,
"Di man tayo naging sa huli,
Ikaw parin ang First Love ko"


at tulad ng sa awitin ng silent sanctuary...

"Ayoko ng maulit pa
Ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa
Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta"


2 comments:

jalwhit said...

ang kyot kyot nito. haha. di ko lang maimagine itsura mo habang sinusulat to. haha. basta ang kyot. MORE! MORE

benjienious said...

heheh hindi ako ganon kakyot heheh

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...