Humor - Top Blogs Philippines

Tuesday, December 14, 2010

Sumbong: Anti-Manny

Sumbong:
Gusto ko lang ilabas itong saloobin ko tungkol sa tuwing may laban si pambansang kamao manny pacquiao. eh bakit may ilan paring pumupusta sa kalaban, at angdami pang dahilan kesyo lugi sa height si pacman, baka matsambahan, etc.
ang punto ko dito, dapat lahat tayo magtiwala kay pacquiao,dapat pa nga magdasal ka eh.
Isa pa, hindi rin praktikal. eh paano kung natalo nga si pacquiao, masaya ka na sa salapi na natanggap mo kapalit naman nito ung milyon na sana'y makukuha ng mga kababayan mo na nakikinabang dapat sa pagkapanalo sana. Panalo ka nga sa usapan, natalo naman ang bayan kasama ka parin sa natalo.

"kahit makita ko pa sa bolang kristal na matatalo si pacquiao,
sa kanya parin ako papanig,"

Eto pa, may mga taong nagsasabi "sana matalo na yan si pacquiao, mayabang eh!". ang masasabi ko, hindi lahat ng nakikita at napapanood natin katotohanan, ang Diyos lang ang makakapaghusga.
Kung matalo nga si pacquiao sigurado ka ba na humble ung makakatalo sa kanya? paano kung si mayweather ang makatalo sa kanya ano sa tingin mo?

BANAT:
" iwasan niyo na ang kakakain ng aligi, at nagiging utak talangka na kayo"





No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...