Thursday, December 30, 2010

Bawal Magpaputok

Bawal magpaputok sa pagsalubong sa bagong taon, para ito sa ating kaligtasan. hindi maiiwasan ang aksidente kaya ngat hanggat maari ay lumayo tayo sa anumang delikadong bagay na maaring magdulot ng pinsala sa ari-arian, kalusugan at minsan pa nga kumikitil ito ng buhay. bilang paghahanda puspusan ang pagiinspeksiyon ng Department of Health(DOH), pinatupad din ang liquor at gun ban. nakahanda din ang bureau of fire protection, phil. nat'l. police, arm forces of the phil. at iba pang mangangalaga ng siguridad ng mga mamamayan. nakahanda din ang mga hospital 24 oras. paanyaya din DOH, mas magandang salubungin na lang ang bagong taon ng ligtas kaya huwag ng magpaputok hanggat maari.
ganoon pa man adik parin ang mga pinoy sa paputok ilan sa mga paputok na trip nila ay ang mga sumusunod:
Picollo
nagunnguna sa listahan ng DoH bilang pinakamaraming nabiktima, nauungusan nito ang dating five star at kwitis. hindi kaya ito ang dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng mga naputukan kada taon dahil ang piccolo ay mas ligtas kumpara sa dating usong five star. bagamat mas maingay ang fivestar mas mura naman ito at mas marami pa.
hindi ko pinagtatanggol itetch, ito lang ang pagkatingin ko.
Trivia: binansagan itong piccolo dahil kahawig nito ang maliit na flute na kung tawagin ay piccolo (search niyo)









Five Star
Isa sa din sa may pinakamaraming nabikitima,
Pagpinaliit ito, ang tawag doon ay 3 star, pag pinalaki naman ay pla pla, pag pinalaki pa ay goodbye philippines na
Pag pinarami naman ito ang tawag ay sinturon ni hudas, pag pinahaba pa uli ang chain, sawa na ang tawag
ewan ko ginawa nilang pokemon












Kwitis
madalas ang aksidente nito, meron dahil sa pagkakamali imbes na sa ere pumutok, pumapasok ito sa mga bintana, meron ding pagkakataon na imbes na pataas, lumilihis ito at tumatama sa mga tao. minsan shoot sa bintana ng mataas na bahay kaya delikado ito
madalas magpaputok nito ay ang mga nagiinuman.




Baril
ang pagpapaputok ng baril sa ere ay trip ng mga loko, ang ligaw na bala nito ay bumabalik sa lupa at walang pinipiling tatamaan.
marami na itong nabiktima at ang malungkot doon malabo ang hustisya sa kasong ito
bilang kampanya, pinatutupad ang gunban, nilagyan ng tape ang mga baril ng mga pulis para masigurong hindi ito magagamit.







Torotot?
bawal na rin ang torotot, ayon sa balita may sinugod sa hospital na tatlong bata, nakalunok sila ng pito.
anak ng tinapa! siguro kung kaldero gagamitin natin para magingay may mababalitaan tayong may sinugod sa ospital dahil nabagsakan sa paa.

sabagay may pagkakataong bawal magingay kasi may natutulog na matanda, hehehe paano na ang new year?







Isa ako sa sumusuporta para sa ligtas na bagong taon, maraming alternatibong paraan at produktong ligtas. maaring magdaos na lang ng street party, pagkalampag ng kaldero, pagpapatugtog ng malakas, pwede rin ang pagpili ng de-air pump na torotot.
Mahirap maalis sa ating mga pinoy ang pagkahilig sa paputok, ngunit good news ang balitang pababa na ng pababa ang bilang ng mga naputukan. sana dumating ang araw na maging 0 accident, sana.
maraming salamat sa pagbisita at sana nakapagbigay ako kahit onting impormasyon.
Manigong Bagong Taon

2 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser