Lahat tayo excited tuwing pasko, kasi nga naman para sa ating mga pilipino eto ang araw na muli nating makakasama ang mga mahal natin sa buhay, mga kaibigan, kakilala etc. Excited din tayo dahil dito bubuhos ang mga handa. isa pa sa inaabangan natin eh yung bukasan ng regalo. maaring sa christmas party o simpleng may gusto lang magregalo sa iyo. Gumawa ako ng listahan ng mga regalong madalas iregalo ng mga pinoy.
Alarm Clock
Kaya siguro madalas ito iregalo ng mga pinoy, sa kadahilanang tumatagal ito, kapakipakinabang ito at madaling balutin, mura at laging suwak sa usapan kung magkano dapat ang presyo ng ireregalo,
may kwento pa nga akong narinig , meron daw taong mula grade one siya ay laging alarm clock ang kanyang natatanggap, kaya lagi niya ng expected ito tuwing may kris kringle sa paaralan. at tama nga ang hinala niya palagi.
Picture Frame
madali itong balutin at maganda tingnan pag naka-wrapper na, mura rin ito at suwak sa budget, laging magagamit at tumatagal.
Teddy Bear
isa sa pinakamadalas ay ang teddy bear, bagamat laging nirerergalo hindi naman nakakasawa. pagalingan ang pagpili nito, minsan nga niregalo ko ito akala niya mamahalin, di nila alam buy one take pa nga.
T-shirt
ang t-shirt, eto ang madalas kong matnggap, siguro kasi nababaduyan sila sa porma ko,heheh.
madalas itong iregalo siguro dahil tulad ng mga nauna lagi itong available sa bangketa, at mismong may namamahay na nagbebenta nito pag malapit na ang pasko (avon, mse, natasha etc.)
Mug
ang tasa, madalas itong igive away, minsan mas maganda nga pag personalize ang pagkagawa, mura lamang ito, kapakipakinabang at tumaagal
Panyo at Face Towel
Ewan ko, madalas itong i-give away, mura at laging magagamit
Manika at Barbie Doll
Favorite matanggap ng mga batang babae, hindi ba nakakapagtaka pag nagustuhan ito ng batang lalake, patay tayo diyan pagnangyari yan!
Figurine
isa sa pinakamadalas iregalo ng mga pinoy ay ang figurine, lagi itong igi-give away, maganda idisplay. madalas gamitin ang figurine bilang souvenirs
Unan o Throw Pillow
Madalas magregaluhan dito eh ung magkasintahan(hindi ko nilalahat ah), para daw pag gising eh ung nagregalo kaagad ang naaalala. pwede namang tuwing namimiss ng isa ung kasintahan niya, simpleng yayakapin niya lang ito at ok na(wow kilig). mas maganda nga kung personalize o may picture na naka print dito.
Pera o Cash
Oh, sinong kokontra, ang pera na yata ang pinakamadalas iregalo, Lagi itong iginigive away, pag pera kasi ang iregalo mo matutuwa ang pagreregaluhan mo dahil siya na ang bahala, tuwing may karoling ano ang laging ibinibigay hindi ba pera? tuwing may pacontest hindi ba ang prize lagi ay pera,
Gumawa ako ng survey, tinanong ko ang 10 katao ano ang madals nilang matanggap. Pinapili ko sila ng dalawa.
a. alarm clock
b. picture frame
c. teddy bear
d. t-shirt
e. mug
f. handkerchief & facetowel
g. doll
h. figurine
i. pillow
j. cash
eto ang naging resulta:
no.1 cash nakakuha ito ng perfect 10 na boto
no.2 t-shirt nakakuha naman 7
no.3 picture frame nakakuha ng 2 boto
no.4 doll nakakuha ng 1 boto
kapwa naman walang boto ang mga sumusunod
a. alarm clock
c. teddy bear
e. mug
f. handkerchief & facetowel
h. figurine
i. pillow
itong resulta na ito ay mula lamang sa 10 katao, ikaw ano ang 2 pinakamadalas mong matanggap na regalo tuwing pasko? be honest!
Ito naman ang laging pinagbabawal iregalo
Baril-barilan at mga mararahas na bagay
Sabi ng simbahan bawal ito, sabagay bakit ka nga ba magreregalo ng baril barilan, nung bata ako, tuwing nilalaro ko, iniimagine ko meron akong kalaban, ito ay salungat sa diwa ng pasko na kapayapaan at pagmamahalan, na sanay tumatak sa isip ng mga bata,
pasensya na sa pamangkin kong si raymond, hindi kasi ako ang namili ng niregalo ko, sorry
Snacks atbp
ewan basta laging bawala sa kris kringle
Kahit ano mang matanggap mo ngayong pasko, lagi kang magpapasalamt ng bukal sa puso, hindi la laki, presyo o dami ang batayan, lagi mong tatandaan hindi lang mga materyal na bagay ang pwedeng iregalo, pwede na ang simpleng pagbati sa iyo ng merry christmas, kiss o hug.
hanggang sa muli merry christmas sa lahat, magmahalan po tayo
happy birthday Bro.
3 comments:
dapat ko bang isali diyan ung alkansya?
Yay to picture frames since grade 1! LOL The undisputed champion.
Frames are all over my bedroom that it looks now like a novelty shop. You want one?
@ avatarlady
picture frame since grade 1?
interesting anecdote and interesting offer too.
:)
Post a Comment