nung 2nd year ako, wala pa kaming pakialam sa mga ganyan ganyan, ang lahat sa amin biro.
dahil brown out noon, at nasa bahay kami ng kaklase kong si adrian anievas. ang bahay nila ay malapit lang sa ilog na naging estero. mula doon ay rinig mo ang agos nito, sa labas ng bahay nila ay isang malawak na farmville. malawak at maraming halaman, maraming damo at maraming puno.
naisipan naming gumawa ng ouija board, kumuha siya ng piraso ng folder at pentel pen, pinagtulungan naming gumawa nito, ang problema hindi naging maayos ang pagkagawa ng ouija board, puro kalokohan ang nailagay namin.
Kumuha si adrian ng kandila at baso, kami ay nagsimulang nag tanong, ang unang tanong, ano ang pangalan mo? wala naman nangyayari, parang naglolokohan lang kami,
nararamdaman kong sinasadya ng isa kong kaibigan ang baso kaya natatawa ako.
tinapos na namin ang pagaaksaya ng oras ng ang nanay ni adrian ay pinatigil na kami, masama daw yan.
nararamdaman kong sinasadya ng isa kong kaibigan ang baso kaya natatawa ako.
tinapos na namin ang pagaaksaya ng oras ng ang nanay ni adrian ay pinatigil na kami, masama daw yan.
No comments:
Post a Comment