Sa paglipas ng panahon unti unti na ring nawawala ang ilan sa mga pamahiin, dahil siguro sa mga bagong tuklas ng siyensya o di kaya dahil relihiyon. Isa akong kristiyano, at hindi ako naniniwala sa mga pamhiin ganoon pa man sinusunod ko ang ilan sa mga ito dahil sa katotohanang wala namang mawawala. at isa pa, "ang pamahiin ay bahagi ng kultura at tungkulin kong pangalagaan ito dahil ako ay pilipino."
Ang pamahiin ay bahagi ng kultura, Sa mga pilipino halos lahat yata ng okasyon ay merong pamhiin. mapakasal, araw ng patay, libing etc. maging pasko ay meron nito, halimbawa na lang pag simbang gabi, pag nakumpleto mo raw ang 9 na araw ng simbang gabi, pwede kang magwish at ito ay magkakatotoo. nakumpleto ko ito pero wala namang nagyari. pero dahil magbabagong taon, tungkol muna sa mga pamahiin sa bagong taon ang aking ilalahad.
Bilog na Prutas
ang paghahanda ng mga bilog na prutas ay sinasabing pampasuwerte dahil ito ay bilog, kahugis nito ang pera.
ayon sa iba kailangan daw labing dalawa
sinasabi ding pampasuwerte ang paglagay ng ubas sa pinto.
Polka Dots
dahil ang disenyo nito ay parang barya, pampasuwerte daw ang pagsuot nito,
Suwerte din ang pagsuot ng pula.
Pag iingay Tuwing Bagong Taon
Sinasabing ang pagiingay ay makakapagpataboy ng masasamang espiritu, maari ring ang malakas na ingay ay makakapagpataboy ng mga peste, Ang usok na mula sa mga pumutok na mga paputok ay pwedeng pumatay ng mga lamok, ipis at iba pang insekto.
may ibat ibang klase ng pagiingay, maraming nagpapatugtog ng malakas, nagsisigawan, gumagamit ng lata, kalkdero para ikalamapag, torotot pagsindi ng mga firecrackers atbp.
ngunit di kasali dito ang pakikipagsigawan sa kaaway.
Tikoy at iba pang Kakanin
mula sa mga intsik, naadopt na natin ang paghahanda nito, Dahil ito ay malagkit suwerte ito para mapaganda ang relasyon o bonding ng magkakapamilya. ewan purkit madikit ganoon din daw ka stick together ang buhay pamilya.
kaliwaan ang pagbibigayan ng tikoy, madalas na may dala nito ay yung galing sa trabaho na ang boss ay intsik.
Ang Pagtalon Pagsapit ng Alas-dose
Ang paglundag raw pagsapit ng alas dose ay makakatulong para tumangkad ka
Hindi ko alam pero tingin ko wala naman talagang logical basis ito,
ang karaniwang height mga pinoy ay 5'5" lang.
Charm Bracelets
Sabi ng ilan suwerte daw ito, maakit daw ang mga positive chakra at maitataboy naman ang mga negative, makakapagbigay din daw ng positive aura. hindi ko alam san nila nakuha to, kay naruto ba o kay gokou
suwerte nanaman,
sumagi tuloy sa isip ko na kunwari lang yata suwerte para makabenta.
Pauso din kaya ako?
"Ang pagbisita sa blog ko ay pampasuwerte, ganun din ang pagcomment. mas lalo pang susuwertihin kong iki-click ang mga ads ko :) ".
Kung napapansin niyo ang ibang pamahiin ay mula pa sa ibang bansa at na-adopt na lang natin, ang iba naman ay pinoy na pinoy. hindi ko na sinali ung dragon dance, kasi hindi na talaga atin yun
ang mga nabanggit ko ay base lamang sa sarili kong karanasan, minsan bawat pamilya ay may kanya kanyang pamahiin, tulad sa amin
kailangan daw
"mag tapon ng barya sa bawat sulok ng bahay" pampasuwerte ulit(suwerte makapulot),
ano ang sa inyo? ano pa ang mga pamahiin ang alam ninyo
No comments:
Post a Comment