Wednesday, December 31, 2014

Piccolo

Ang topic ko ngayon ay tungkol sa paputok na PICCOLO. hindi si Piccolo ng Dragon Ball-Z
Ayon sa DOH ang piccolo ang nangunguna sa mapaminsalang paputok.
komento ng isang reporter, "kung walang Piccolo, ilan lang sana ang magiging biktima taon-taon"

marami sa mga bikitima ay mga bata. ang ilan ay nagtamo ng 2nd degree burn, may bata pa nga na ilang araw namaga ang kamay, at ang iba ay huntikan ng putulan ng daliri.



naranasan ko nang magcelebrate ng new year sa hospital. ayayay! hindi ka makakangiti sa masasaksihan mo.

ang isumbongmo.blogspot.com ay sumusuporta sa ligtas na pagsalubong sa New Year.
umiwas sa lahat ng klase ng paputok mula watusi hanggang atomic bomb.
magdiwang ng tahimik(joke). magdiwang ng masaya, maingay ngunit ligtas, at---
(habang  nagsasalita ay isang kulot na negosyante ang umagaw sa mikropono ko.)

(feedback ng mikropono)
vooh vohh,
mike test.... mike test. check.... check mike.

:Kulot na lalake:
ako po si Dr. Piccolot, ako po ang nakaimbento ng paputok na sinasabi niyong pinakadelikado. ngunit bago niyo ako batuhin, makinig po muna kayo.

Ayon sa DOH ito ang nangunguna sa listahan. opo tama yun,
ito ba ang pinakadelikado?  (????)
kung wala po bang piccolo hindi aabot sa daan-daan ang biktima?
sa tingin ko po ay hindi rin.
kahit tanggalin ang piccolo, mero't merong mauusong bagong paputok. o maaring sumikat uli ang 5-star na paputok. kung saan mas grabe at sure ball na mamumulaklak ang kamay mo pag nadale ka.
ang 5-star ang dating nangunguna sa listahan.
kung titignan ang datos bago nauso ang piccolo. mas grabe ang sinapit ng mga bata sa kamay este sa paputok na 5-star.
kaya siya tinawag na 5-star kasi 5 daliri ang mawawala sa'yo at sisikat ka na parang star.

sa madaling sabi. ang piccolo ay hindi nagpalala, sa halip ay kabaliktaran. bumaba ang bilang nang naaksidente dahil sa piccolo.
naagaw nito ang publiko sa pag-gamit ng 5-star, camara, 3-star, bawang, og atbp na mas delikado at bumiktima ng daan-daan dati.
kesa yan piccolo na lang, mura, mas marami -----at di kasing delikado.

bumaba ang bilang ng mga naaksidente. dahil
ikukumpara sa sumusunod sa kanya sa dami ng nadale.
ang piccolo po , bago pumutok ay meron siyang visible na usok na nilalabas, warning timer niya na puputok na siya. gaya ng bulkan na nagbubuga muna ng usok bago lava. kaya mas less dangerous.
kaysa sa 5-star na boom! kaagad.
bukod dun ay kung madisgrasya ka sa piccolo ay onti lang ang pulbura nito na hahalo sa laman mo. medyo malaki ang chance na di na pinuputol kundi nililinis na lang, unlike sa  pla pla na hanggang balikat ang pagkalat ng pulbura. at maari ring matamaan ng impact o splash damage ang taong malapit sa'yo. ganun katindi.
yung kwitis na laging tumatagilid ng lipad. ang daming nasunog na bahay at nadale. yung nakakatarantang whistle bomb naku mag-ingat diyan.

siya nga pala ang whistle bomb at pla pla ay di kasali sa top 5. ibig sabihin safer siya ? tingnan niyo.

merong aksidente ang nangyari na kagagawan ng piccolo. opo!
ngunit nang wala pang piccolo umaabot ng libo ang naputukan, ngayong mabenta ang piccolo ay daan-daan na lang. kasi ang less dangerous na piccolo na ang ginamit ng marami.
try mo pong ikumpara ang mga naputukan ng piccolo sa naputukan ng 5-star, bawang, kwitis, whistle bomb o pla pla. kumpara mo yung naputukan noong di pa uso ang piccolo at ng nauso na ito.
mas marami at mas grabe ang naputukan ng di pa uso ang piccolo.
kung walang piccolo ngayon. hindi lang  2nd degree burn,  pamamaga ng kamay,o huntikan ng putulan ng daliri.
sa five star yan minimum damage na ang matanggalan ng 3 daliri

tingnan po uli ang datos ng DOH,
simula po nang nauso ang piccolo bumaba po ang bilang ng mga naputukan. hindi po dahil sumayaw sayaw si secretary Tayag. wa epek yon, cute lang siya. 
bumaba po ng malaki ang bilang hindi dahil maya-maya ang infomercial ng gobyerno at media. although nakatulong din yun. ngunit ang totoong nakatulong kung bakit bumaba ng malaki ang bilang ng naputukan ay dahil nauso ang piccolo. truth hurts.

di epektib ang pananakot ng gobyerno dahil di naman bumaba ang bilang ng mga nagpapaputok, dumami pa nga kasi lumaki ang populasyon.
sa katunayan, marami paring negosyante at mamimili. sa bocaue, sa divisoria, sa kanto, sa amin at sa inyo. kahit pinagbabawal kikita ka pa rin. mataas ang demand. malusog ang industriya ng paputok.
so epektib ba talaga ang pananakot ng media? hindi.
napaliwanag na ni Bob Ong Kung Bakit Baliktad Magbasa ang Mga Pinoy. pag pinagsabihan mong bawal lalo silang maku-curious. masarap daw ang bawal.
marami pa ring nagpapaputok yun nga lang mas less dangerous na ang karaniwang ginagamit ---ang piccolo.
siya ang nagpababa ng bilang.

aminin natin, bumaba ang bilang ng mga naputukan dahil sa piccolo. di na rin ganun kagrabe.
kaya sa reporter na nagsabi na kung walang piccolo, higit dalawampu lang sana ang biktima ay malaking MALI. kung walang piccolo higit sa nabanggit ang magiging biktima.  hindi yan true-love na kung walang piccolo di na ako magpaputok. hahanap at hahanap sila ng iba.

isa itong mind manipulating, para masabi ng publiko: 
grabe ang piccolo, mapunta sana yan sa impiyerno, daming nabiktima, bad ka, hashtag NoToPiccolo, dangerous, bad, you name it.
pero ito ang totoo. mas maliit ang chance mong maaksidente sa piccolo kumpara sa iba.
mas hindi delikado ang piccolo kumpara sa mga paputok na tinalo nito sa bentahan. uulitin ko bumaba ang bilang ng naputukan sapagkat mas tinangkilik ang piccolo. dahil ito na ang karaniwang ginagamit ito ang nanguna sa listahan ng pinakamaraming nabiktima. ngunit kung iisipin lang natin. inagaw o
iniwas nito ang marami sa paggamit ng ibang paputok na mas delikado at grabe ang disgrasya.

parang condom lang yan. dati may nauusong condom na lagi namang nabubutas, may ibang brand pero ganun din. dumating si Brand X, nabubutas siya minsan. pero hindi kasing taas ng porsyento ng pagkapalpak ng ibang brand. kaya bumaba ang napu-

(hindi pa natatapos ang kanyang argumento ay isang hitman ang lumabas at nag hagis ng piccolo, tumalbog ng tatlong beses sa lapag bago na shoot sa puwet niya)

kawawang Dr.P.
sad nu?


Tuesday, December 23, 2014

Walang Forever

Feb 30, 2014
nagsadya ang  isang hudlum este kawawang lalake. puro pasa, bugbog,  tama, sugat, pilat etc.  -siya raw ay ang biktimang si Asdf.
nahabag ang puso ko at nakunsensiya. inakala kong siya ay masamang tao dahil sa panlabas niyang anyo.
pinaliwanag niya naman na ganyan daw talaga ang mukhang suot niya.
Ben 2lfowh : "sinong sumalbahe sa yo?"
Asdf : "kung inaakala niyo binugbog ako ay hindi. ganyan na po talaga ang mukha ni Qwerty kaibigan  ko, mukhang bugbog pero hindi hahaha"
Ben 2lfowh : "Qwerty? sino yun. naguguluhan ako iho. nasaan siya"
Asdf : "siya po ang may-ari nitong muka. nagkapalit po kami. gwapo (pwera usog) po ako dati nang sinumpa kami ni Hedlayts.
at si Qwerty, tsk tsk tsk di ko na mahanap yung traydor na yun. enjoy na enjoy siguro sa nangyari, bumagay pa dahil matangkad siya. samanatalang ako. pandak na nga ako nawala pa sa akin ang good looks."
Ben 2lfowh : " sino naman si H-Hedlayts?"
inilabas niya ang picture ni Hedlayts."siya po si hedlayts. siya ang may kagagawan ng problema ko ngayon. please help me sir b3n"
B3n 2lfowh : bueno hijo, gagawin namin ang lahat para makatulong sa problema mo.

Ang Suspek ay binansagang si HEDLAYTS. ---Ano kaya ang pinagbasehan nila?
larawan ni hedlayts, grab lang mula sa fb niya
Isang Manhunt Operation ang aming ikinasa.
Sa madilim na lugar madalas magtrip si hedlayts
 example: sa kanal.
sa mga kalsada o lugar na walang gaanong botante. walang poste ng ilaw roon. walang project si mayor o kong. mga lugar na di kailangan lagyan ng tarps kasi wala namang makakakita.
Si hedlayts ay notorious sa gawain niya na pinagpapalit ang mukha ng dalawang tao. nagreresulta naman ito sa kalituhan at kaguluhan ng buhay ng mga biktima.
di parin malinaw ang kanyang motibo. mahirap ang paghahanap.
habang nangagamote, patuloy naman si Hedlayts sa pagpapalit ng mukha ng mga sibilyan.
may madyowang pinagpalit ang mukha, may mag classmate, tindero at mamimili, pari at most wanted,  aso at amo, maging kambal etc. di mabilang ang kaso, sunod-sunod ang aksidente at matinding pressure at kalaban talaga si hedlayts.
samantala... isang di inaasahang sulat ang ipinihatid sa akin ni Hedlayts
"WALANG FOREVER! magkita tayo sa sm spratly--hedlayts ;)"

sa sm. bigla niya akong inatake.
B3n 2lfowh: nyeh, di naman masakit!

Hedlayts: bwuhahaha, isa pa, wachAAa!

B3n 2lfowh: aray.

Hedlayts: bwuhaha. wala ka pala eh. great b3n the chicken hearted. nasaan na yung sinasabi mo sa blog mo na matindi ka sa masasama. bwuhahaha. keyboard "warrior lang" pala. nyahhhh!

B3n 2lfowh: kulang pa ang sama mo para patulan ko. 'wag mong hintayin yon. #atake-pa-more

Hedlayts: anong sabi mo?  humanda ka sa ulti ko. di-dibdiban kita sa batok.

(patuloy ang bunuan. napuno ng usok ng alikabok ang lugar dahil sa tagisan nila.
sa huli ay nasukol ng idol natin ang kalaban)
-- na headlock ko si hedlayts.)

Hedlayts: bitiwan mo ako
B3n 2Lfowh: sabihin mo muna please
Hedlayts: bitiwan mo ako please
B3n 2Lfowh: sinong pogi
Hedlayts: ikaw.
B3n 2lfowh: sabihin mo muna. di na po ako manggugulo master.

matiisin din si hedlayts at hindi basta sumusuko. makalipas ang 20 seconds ay kumanta na siya at nanumpa na di na po ako mangugulo master. pagkatapos ay binitawan ko na siya. at nagsimula siyang humagulgol at nagtapat.

:Hedlayts Confession:
Walang forever sir b3n. huhuhu kaya ko lang naman ginawa iyon kasi naiinis ako. walang forever yan ang paniniwala ko. kaya nung nakasalubong ko yuing dalawang  magkaibigan (Qwerty and Asdf) isang pogi at isang hindi. sabi nila BFF, best friend forever daw sila. sobrang closed, kulang na lang magkapalit na ng mukha. edi sinubukan ko kung paninindigan nila ang salitang forever. pinagpalit ko nga ang mukha. iglap lang at yung magkaibigan naging magka-away. lugi kasi yung pogi hahaha. yung panget feel na feel niya maging heartthrob, kinalimutan ang pinagsamahan. nasaan na ang forever?
kaya walang forever wala!

b3n 2Lfowh: sa kulungan may forever. gusto mo matesting?

madali rin palang kausap si hedlayts. humingi siya ng tawad. ikunuwento niya na galing siya sa planetang "motortradia".
nangako si hedlayts na makikipagtulungan sa amin at ibabalik na ang  napagpalit na mukha.
sa huli, naibalik sa normal ang lahat. sa kaso ni Asdf na gwapo na uli at ni Qwerty na hindi. ang huli nama'y di na kami pinahirapan at siya na ang kusang nakipagkita sa amin. umaasa tayo na maayos ang dalawa. time heals all wounds ika nga. after all, pinalad tayo at isa nanamang kaso ang nalutas, sa huli atin pa rin ang Huling

jejeje

 #hashtag


Thursday, October 30, 2014

Problemang Pambata

"Nang bata ako, hindi ko alam ang gusto ko maging paglaki.
ngayong malaki na, alam ko na!
gustong gusto kong maging bata muli."

mula sa fb post ng isang kaibigan. siya nga naman. sarap maging bata. haayy
kung may problema man ay heto lang. especially for batang'90s nga pala.

1. Matulog tuwing Tanghali.
Isa sa the best meryenda.
 galing dito ang larawan
Pinapatulog tayo sa tanghali para raw lumaki tayo.
noong bata pa ako, kunwari akong natulog, mahirap din pero no choice, aakting na bagong gising.. bobolahin pa ako ng "edi ang pogi mo na"
di nila alam nakapikit lang ako. istayl ko may bulok ay epektibo parin. ginulo ko lang ang buhok ko at nagtanggal kuno ng muta at magpanggap na bagong gising. ayan na ang meryenda. favorite ko ang binatog at softdrinks.

karaniwang rules:
a. bawal kayong magharap ng katabi mo at baka naguusap kayo.
b. pikit ang mata
c. galangin ang patpat na masakit.
d. matulog atleast 1 oras. basta  matagal dapat.





2. Home Study at Home Work.
Maranasan mo na bang mapa-iyak noong tinuturuan ka pa lamang magsulat o magbasa?
dati yung tita ko na napakahigpit.
andami sa'king pinababasa at pinasasagutan.
nakakayamot at nakakainip.
 ngunit sa huli ay napadali ang pagkatuto at nakinabang din ako sa paggagabay sa akin.
marunong na akong magbasa at sumagot sa tita ko. joke


3. Kumain ng Gulay.
FACT:
mas masarap panghilod 
ang upo sa halip na kainin
Patatas at Kamote lang ang gusto ko.
yung okra sarap itanim na lang uli.
yung talong naman pala ay overrated--di naman masustansiya. masarap lang prituhin at tortahin. at yung patola ginagawa naman palang panghilod. sitaw, patani, kundol at pechay. ilayo niyo yan.
ayoko nang gulay ng bata ako. yung lutong "Diningding" ay lasang dingding.

Question: anong gulay ang pinakamasakit sa lahat.
Answer: AMPALAYAin ka!


4. Alcohol Bilang Panlinis ng Sugat
mula dito ang larawan
Masakit ang magkasugat, pero mas masakit pa siya pag gagamutin na.
nagka-phobia yata ako sa alcohol.
betadyne na lang please. tinatapat ko na lang sa bintilador bawas hapdi.

ano ang kaya kung mabuhusan ang mga nasa kaliwa ng alcohol,
?
away yan sigurado.



5. Di Makanood ng Cartoons.
nakakaiyak talaga ang drama. tagal ko pa namang inabangan ang palabas na cartoons tapos ililipat lang sa telenovela. magkatapat dati yan.
sila tita, lola, mga may-edad na babae tsaka si mama ang may hawak ng makapangyarihang remote. wala kaming magawa.
kalaban din ang balita.
kung susuwertihin na walang balita at drama. papatayin parin ang T.V. para makapagpahinga daw ito at makatipid sa kuryente. UNFAIR!!!



6. Bawal Maglakwatsa
Buti pa si Dora :(
bawal tayong lumabas ng tanghali-tapat. maglakwatsa lalo na pag gabi. bawal na bawal lumayo. lumabas kalang sa bahay ng may layong pitong bahay. sisitsitan ka na agad para bumalik. gayunpaman matigas talaga ang ulo mo. at nagagawa mo pang mamasyal kung saan-saan.

Lakwatsa pa more? paguwi mo saka na lang saluhin ang galit ni nanay. ---labis siya sigurong nag-alala.




7.  Nagulo ang Laruan
Collectibles na alphabet na robot
bahay-bahayan, kusina-kusinaan, tau-tauhan atbp.
mga bagay na pinaghirapan mong iayos
ay masasagi lang at magugulo.
may pinsan akong sinasadya niya.
kunwari raw higante siya at manggugulo.
nakakainis talaga.
sadnu?




8. Sinong Maghuhugas ng Pinggan
toka ni angel ngayon
nakakahiya pero eto ang totoo. yung hugasan ng pinggan ay laging pinagtatalunan.
kahit gumawa ng "Scheme", lagi paring may magtuturuan.
masakit sa ulo kaya number 9 na tayo kaagad.











9. Mag-Tupi ng Damit
Kung lumaki kang walang kasambahay. siguro naranasan mong pagtupiin ng damit. nakakatamad at nakakainip. sarap magpatintero sa labas. o kaya maghabul-habulan. angsasaya ng mga kalaro mo tapos ikaw nariyan at pinapatay ng inggit .
may solusyon ako diyan!  yung kuya ko ang bilis magtupi. pero pag binuklat mo yung damitan niya. nakabalunbon lang yung marami. yung kita lang ng mata ang nakatupi. nakatupi rin ang nasa ibabaw. mga lima para kung ininspeksyon. approved!


10. Gustong Laruan
Hanggang ngayon parin naman, marami tayong gustong makuhang bagay at halos hindi na maubos.
naranasan kong umiyak ng ilang beses para ibili ako ng panaginip kong laruan.

maling asal ito. sige kang bata ka. hindi ka na isasama pag pupunta sa palengke kase kung ano-ano pinagtuturo mo.

ang pinakamahal kong laruan ay ang bike ko na may pakpak na kumakampay. may watergun ito sa harapan. kumpleto ang ilaw at naglalabas pa ng usok. yan ang pangarap ko magkaroon pag umuwi na si papa. hindi ako nagkaroon niyan dahil wala naman palang ganyan kahit saan, imagination ko lang kasi sa sobrang inggitero ko.
Ang da most expensive toy ayon sa listverse.com. nagkakahalaga ng 115,000 U.S. Dollars!
kung ako yan ibibili ko na lang ng bigas,


yan lamang po ang pumasok sa ala-ala ko. ang sarap maging bata. maliliit lang ang problema. laro, tulog, kain-laro-tulog tapos ganun uli bukas.
sana ay makapagiwan ka ng komento at suhestiyon na maidadag-dag pa.
maraming salamat sa pag-basa, God Bless

Isang problema ko noon
galing dito ang larawan
Ngayon alam ko na?


Friday, October 17, 2014

Tatlong Kuwentong Nakakatakot Namin

Binati ng Aswang

Sa malayong probinsya. buntis noon ang isang ginang. malaki na ang kanyang tiyan marahil mga 6 months na. isang hapon, isang ale ang masaya nilang naka-usap. sa paguusap ay naitanong ng matandang ale kung ilang buwan na ang nasa sinapupunan ng buntis. tumugon naman ang ginang. humipo ang matanda sa tiyan ng buntis. 

ilang buwan ang nakaraan. dinugo ang ginang. 

nakunan  at ang sabi ng nagpaanak dito ay lusaw ang ulo ng bata?
naalala nila ang matandang bumati at humipo sa tiyan niya. di nila ito kakilala, bagong lipat lang sila roon. sabi ng mga matagal na roon ay uso talaga ang barang at bati doon. maraming manggagaway at aswang na nagkalat sa lugar kaya kailangang mag-ingat at wag basta magtitiwala. 
(gawa-gawa ko lang ang kuwento. nainiwala ka ba agad?)
oOo

May-ari ng Puno

Tumira kami ng tiyahin ko at pinsan kong babae. hindi siya nakakapagsalita.
masipag magwalis ang pinsan ko.
isang hapon. inapoy siya ng lagnat. mas marami pa ang sinusuka niya kaysa nakain.
doon sa amin ay hilot ang unang takbuhan ng mga tao.
tinawas ang pinsan ko. maliit na tapyas ng kandila ang pinahid sa noo niya, dalawang balikat at dibdib na parang sign of the cross. nilagay ito sa kutsara at tinunaw sa nakasinding kandila. isinaboy sa plangana ang tunaw na kandila.

lumitaw rito ang puno ng kaimito. merong mata at nakatitig sa babae. ang babaeng ay may hawak na walis. ang pinsan ko raw ito ani ng hilot. nawalis niya ang maliliit na insekto na nakatira sa ugat nito. ito raw ay alaga ng engkanto na nakasapi sa puno.  

natakot ako sa itsurang nabuo ng kandilang tunaw. totoo ring nagwalis ang pinsan ko. 
gumaling din ang pinsan ko kinabukasan. sabi nila ang puno nang kaimito na nasa harap lang ng bahay namin ay ilang taon na. kaya di malayong may mas nauna nang nakatira sa rito kaysa sa amin. 
nainiwala ka ba sa pagtatawas? tumingin ka sa gilid mo. ano amoy? pag maasim kailangan mo nang tawas.
oOo

Orasan

Kuwento ng pinsan ko, nakuwento ko na rin dito sa blog.
may kaibigan ang pinsan ko na mula grade1 hanggang highschool ay alarm relos, clock, wallclock basta orasan lagi ang nakukuha sa exchange gift. grade 3 na siya naging kaklase ng pinsan ko.
habang magkasama sila noong christmas party noong grade 3 pa sila.
nasabi nito na malamang ay ay orasan nanaman ito. at di nga siya nagkamali.

naging kaklase niya ito hanggang 2nd year. nung 3rd year at 4th year ay bagamat hindi naging magkaklase ay naging matalik niya itong kaibigan. hanggang 4th year ay orasan parin.

lumipas ang ilang taon. naiisipan ng magkaka-batch ang magreunion. sa kuwentuhan ay nabanggit ng isa na yumao na si Denver. napakabata niya pa.
naisip tuloy ng pinsan ko na kaya siguro laging orasan ang nakukuha niya ay para paalalahanan siya na tignan lagi ang oras niya? hindi ko masisisi ang pinsan ko dahil yun din ang nabuo sa isip ko. eh ikaw? anong oras na diyan? alam na ba ng mahal mo na mahal mo siya? kumain ka na?
oOo

maraming salamat sa pagbabasa. sana'y makapagiwan kayo ng komento. sa susunod na kabanata ay abangan pa ninyo ang iba pang nakakatakot na kuwento. dito lang sa isumbongmo.blogspot.com
ako b3n 2lfowh, muli nagpapasalamat.

Monday, October 6, 2014

Sumbong: Hilig Makinood sa Ginagawa mo sa Computer Shop

Pangkaraniwan na lang na ibat-ibang kaso ang naririnig sa balita. Dito sa isumbongmo ay samu't-sari rin ang idinudulog araw-araw. Isa rito ay ang sumbong na itatampok natin ngayon.
narito ang mga sumbong na natanggap natin:


"pag naglalaro ako sa isang netcafe. mararamdaman ko na lang na dumarami na ang mga nanonood na sa akin. halos sa tenga ko na sila humihinga. wala pa akong privacy"

"nahihiya tuloy akong magsurf sa FB profile ng mga tsiks, kasi laging may nakikiusyuso, pag naguumpukan sila, kala ng iba porn ang pinapanood ko"

"hindi lang sila nakikinuod, inuutusan ka pa nila. kulang na lang ay sila na ang humawak ng keyboard at mouse, pag di nila gusto yung pinanood ko sasabihin nilang "wag yan corny, eto maganda""

"nababasa nila yung usapan na dapat kami lang ng kausap ko ang maka-alam"

"nag-uumpukan sila sa likod ko. karaniwan mga batang kumakain ng ice candy at galing lang sa habul-habulan"

"nakakailang maglaro pag may taong nakikinood sa iyo. nakikinood rin pati yung katabi ko na may PC rin naman sa harapan pero sa monitor ko tumitingin."

Iyan sila at marami pang ibang sumisigaw ng hustisya ang nagsadya sa amin. Agad naman kaming kumilos.

Patuloy ang aming ginagawang raid at pag-aresto sa mga talamak na gumgawa ng ganyang nakakairitang gawain.
Karaniwan sa mga nahuli ay menor de edad. nagulantang naman ang mga ito sa biglaang pagaresto.



 Lahat ng nahuli ay umamin sa pagkakasala at nangakong di na uulitin ang makinood sa PC ng iba. pwede naman minsan wag lang yung pinapatayan ka na nga ng monitor o naga-alt tab na ay di ka pa nakakahalata. bigyan sila ng privacy lalo na kung di mo sila kakilala.
Sa ilalim ng batas. ang mga mapapatunayang guilty ay nagkasala.

patuloy parin ang panawagan ng mga raliyista.


patuloy ang Man Hunt Operation ng isumbongmo.blogspot.com. sa pakikipagtulungan na rin ng mga international authorities. pinaigting at malawakan at worldwide ang inilunsad na operasyon.


bagamat mahirap mahuli ang ilan sa kanila. ang grupo nang inyong lingkod b3n 2lfowh ang di sumuko na nagresulta sa pagkahuli ng mga high profile na personalidad.

Marami pa kaming sinusupetsahang lugar na posibleng nagkukubli ang mga offender.
Hindi lang yan, noong di pa uso ang computer marami ang nakikibasa ng diyaryo. di nalang hintayin kang matapos. ang nangyari ay halos magkadikit na mga mukha niyo. onting lingon mo lang ay magkakahalikan na kayo. kaya sila rin ay pinagiisipang mapasama.

Naging biktima na rin ba kayo? i-report rito at nang lumakas pa ang kaso laban sa mga bosador.
magiwan lamang ng komento. o ikuwento ang sariling experience. salamat din :)

bilang pagtatapos
isang rap naman ang mensahe ko sa mga bosador na nakakabasa nito. kasama na yung katabi ko. hehehe 



kung nababasa niyo ito,
sanay paka-isip-isipin.
ubusin niyo na ang lahat,
wag lang ang pasensya namin.

ugaling manood o makeelam,
ng usapan ng iba.
ay isang kaugaliang,
hindi kaaya-aya.

Ikaw ang lumagay
sa aking kinalalagyan
para kang secret agent
kaya akoy naiilang.

wala akong ginagawang masama,
bakit ka nagmamanman.
ang dami-dami niyo pa.
privacy koy igalang (please naman)

yeah yeah yeah.


attributes:
salamat sa mga nahiraman ko nang larawan. dioratiko.blogspot.com, google.com, mirror.co.uk,miamiherald.typepad.com, thegrio.com, tl.clipartrwow.com, arkibongbayan.org, israelnationalnews.com


Friday, October 3, 2014

Sumbong: Tindahan na Mabagal Much

Isang paslit ang dumulog sa aming tanggapan. aniya, lagi siyang kinagagalitan ng kanyang ina na humahantong sa mararahas na pagdidisiplina. ang pinakamasahol ay ang pagblock sa kanya sa FB.


Hiningi naman namin ang panig ng Ina.
"Pasaway kasi ang batang iyan! tuwing inuutusan kong bumili, kung ano-ano ang ginagawa. inuuna ang laro kaya maghihintay ka ng siyam-siyam. leche naku!. Minsan nga inutusan kong bumili ng yelo. pag-uwi "ice tubig" and dala. punyet@@@. niloko pa ako na yelo raw yon kanina. nasaan ba yang bata yan. ako pa ang ginawang masama.".


Sa Kabilang banda...
Ayon sa batang si jun-jun(di tunay na edad) na nakatira sa 88 Mangga St. Bagong New, QC.(di tunay na address). walang katotohanan ang paratang ng huli. aniya, sumusunod siya ng tama at hindi inuuna ang paglalaro. yelo rin ang ibinili niya. nagiging tubig raw ito dahil sa kahihintay sa tindahan. ang paglilinaw ng bata na nasa pangangalaga ng isumbongmo.blogspot.com.

Bilang tugon sa maselang kaso. Ang inyong lingkod ay kumalap ng impormasyon ng mga maaring dahilan ng sigalot.
Sa masusing pagsisiyasat ay napag-alaman naming ang "may sala o maaring may sala" ay ang tindahan. isang Sari-sari Store sa malapit. Grabe raw ang kabagalan ayon sa mga residente. Pasok sa Guiness. lalamukin at aantukin ka sa harap ng tindahan. paano pa kaya kung marami kang binibili at marami ring bumibili?
pero infairness ayon sa mga informants ay maagang magbukas at matagal raw magsara. kumpleto ang kanilang paninda kung ikumpara sa iba. di rin abusado ang presyo ng mga goods. ngunit problema ang tagal ng serbisyo. samahan po ninyo akong alamin at tuldukan ang nakakayamot na kaso.


Umaatikabong Aksiyon...
Nagpanggap akong buyer upang masaksihan ko mismo. Pag rating sa lugar. animo'y dinudumog ang tindahan, mahaba ang pila and wonder why? hindi dahil maraming customer kundi naipon lang ang mga ito. 
akala ko may makakasabay akong galing ng baguio. maraming nagpaparinig. "tsk ang tagaaaalllll...". "Wait lang naman" tugon ng tindera may kaidaran na pala.
pumila ako, pangontra sa inip. dala ko ang isang libro na malapit ko nang tapusin--salamat at natapos na ang nasa unahan.  kung iisipin mo masuwerte ang nasa unahan pero malas din dahil wala na siyang choice pumunta sa ibang tindahan. 
onting saglit pa ay nagsi-uwian na ang iba at voila. ako na ang susunod sa bumibili  ilang idlip na lang guys. 

Ito na yata ang pinakamasayang araw ko. sa wakas ay ako na. Wala nang atrasan. may dala ako stopwatch at sinubukang sukatin ang bilis ng serbisyo. at  tumpak ang hinala natin.
hindi naglalaro ang bata kundi sadyang matagal lang. kung ikaw ay papasok sa eskuwela ay male-late ka ng isang araw. kung ikaw ay under 18 years of age ay tiyak na make-curfew ka. at kung ikaw ay bibili ng yelo---tiyak na matutunaw ito at magiging ice tubig. Kaya pala!!

Patuloy parin naming kinokontak ang panig ng Sari-sari Store. hanggang ngayon ay naghihitay pa kami sa magiging tugon. zzzZZZzzz ....

pinakita namin ang video record ng experimento sa ina ni Jun-jun. at sa loob ng silid. ay bumaha ng emosyon. sa huli ay napag-ayos ang mag-ina. nagkapatawaran na sila at muli ay nabuo ang pagmamahalan sa loob ng tahanan. uhhhh


Isumbongmo.blogspot.com,
Mula Mindanao, Visayas at Luzon.
Sabah, Spratlys at Scarborough Shoal.
Makaka-abot ang aksiyon (Come on!)

Lahat aming gagawin.
Problema? halina't sabihin
b3n 2lfowh sure niyang tutupdin
huwag lang tatamarin. (yiih)

break it down

Sunday, September 14, 2014

Gamot sa Katamaran. Pahinga lang.

SPEAK YOUR MIND! wag manahimik, hindi ka pipi.
wala nang sasahol pa sa taong nagsasalita naman
ngunit piniling maging pipi, wala nang papanghi pa sa pipi na yan.

Taumbayan: yuck!


Bakit ba tayo nape-pressure sa araw-araw na lang.
anong mapapala natin?

Taumbayan: WALA!!!

bakit ba may nangaalipin?

Taumbayan: DAHIL MAY NAGPAPA-ALIPIN!!!.

kung walang alipin, walang. mangaalipin. puno ka ba? bakit ka natatakot na sibakin. tao ka! ba't ka sinasabihang you're fire.
ok fine. walang trabaho, walang problema, pero sila rin, wala rin silang.... anong wala mga kabaro?...

Taumbayan: Wala tayong makakain?

hindi. wala rin silang kikitain dahil tayong mga obrero ang tunay na nagpapasahod sa kanila
oo sila ang nagsusulat ng numero sa payslip. pero tayo talaga ang gumuguhit ng kinabukasan ng kumpanya. isa pa, basahin natin ang boblia (koleksiyon ng mga libro ni bob ong)

“…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

Taumbayan: ?????parang walang konek.

May isa akong komersiyal sa TV na napanood. sabi ng Janitor roon. "magkakabahay din ako".
Oh kay sarappppp. yum yum yum. bing bing bing. solenn solenn soleenn.
pero magkakaroon kaya? i doubted it. yung janitor na kinuha nila eh di naman mukhang janitor. bayad siya sa pag ekstra sa shooting. hindi yan gawain ng janitor na nagpupursige at bawal mapuyat. hindi pagpapalit ng masipag na obrero sa 500 pesos ang permanente niyang trabaho. for sure.

Heto ang true to life story.
si Pedro ay masipag na tao. hindi siya nagpapahinga. trabaho sa umaga, trabaho sa gabi. sa pagsisikap ay nakabili siya ng TV. nagkaroon rin siya ng TB.
nabali na ang likod niya ay di siya naka-ipon. ni di maregular.
him against crabs, traffic, agency system, and capitalism.
"minimum" ang pinangakong sahod yun ay kung tatagal ka ng 21 year sa kanila.
liwanagin natin ang minimum wage

pagsumakay ka nang jeep may...
minimum fare. kahit sa kabilang kanto ka lang automatic dapat ay 8.50 peses ang ibabayad mo.
pagsasali ka sa Bb. Pilipinas o sa PNP mayroong anong "____ height"?

Taumbayan: minimum height.

istrikto rin ang Meralco kung maningil. kahit di ka gumamit ng kuryente mayroon ka paring 50 pesos na babayaran sa monthly bill. minimum, pwedeng labis, walang kulang.
yan ang alam ko pag sinabing minimum-----maliban na lang kung binago na kanina.

Taumbayan:  (napasuntok sa hangin) nakuha mo.. wooh. very well said. damn!

ang sahod din natin ay may minimum eklaboo. dapat nila tayong pasahurin ng di bababa sa tinakdang pasahod ng batas.

Taumbayan: ahhhhh!!! gets ko na.

ngunit umalma sila. masyado raw makatarungan ito. di nila kaya rate. ang kaya nilang minimum ay
0 pesos and 00 centavos. yan daw dapat ang itakda ng batas. at susunod sila. faithfully....

Taumbayan: tama ka! tsaka, kasi kapag tayo ang magkamali, charge sa sahod kaagad. istrikto lang sila pag interes na nila... unfair talaga.

aside from that, liliit ang pagkatao mo pag sinabon ka. sabi nila tamad daw ako. wala raw gamot sa katamaran kundi pagkukusa. nakiusap pa. lumaban daw ako?
kung masipag ka. bat mo ko inuutusan. sino sa atin ang tamad?
taumbayan paano mo lalabanan ang katamaran kung tinatamad ka nga.
bakit daw ang iba nagtagumpay dahil sa tiyaga?
Kung kaya ng iba, edi paggawa mo sa kanila.

binubulyaw pa nila na "tanggaling mo yang katamaran at aasenso ka!! g@#$":?go"
hindi po natin dapat tanggalin ang katamaran sa buhay.
yan ang nagdudulot sa atin upang maging maparaan.
bukod sa pangangailangan, dahil sa katamaran kaya naimbento ang maraming bagay. naging mabilis, at napadali ang mga gawain.

nainiwala ba kayo na kung may tiyaga, may.... nilaga raw?

Taumbayan: akala ko pag may tiyaga. may syota, hahahah.

walang nilaga! walang nilaga!.. dahil sabaw lang ang ibibigay sa'yo. sabaw! sa kanya ang laman ng baka. at yung buto ay pwede pang ibenta sa mga may ari ng fishpond. ikaw ang magtatanim iba ang aani? Heto ang simpleng larawan. henyo talaga ang gumawa nito,
from google.com
Taumabayan:  I see. para kang si yamcha ng dragon ball Z. partner sila ni Bulma pero di ko alam kung
bakit si Vegetta ang nakatuluyan niya. andaya talaga. ikaw ang manliligaw iba ang sasagutin. ouch!!!
nakikiisa ako sa'yo.

magkaisa! ganyan nga. kung may kakilala ka pang tulad ko. nais ko silang makabaliktaktakan--
(napigilan si juan sa kakasalita nang tawagin siya ng boss nilang si Mr. Pabuwaia ang presidente ng kumpanya).
wait, tawag lang ako ni Buhaya este Pabuwaia.

(sa loob ng opis)
MR. Pabuwaia: Ano Johnny, ano balita. may union ba?

Juan: ninong inaalam ko pa lang, paniwalang paniwala sila na kampi nila ako. hahaha. marami na akong kilalang walang loyalty sa'yo, ang latest ay si  Taumbayan.

Mr. Pabuwaia: ano siya.. paanong...sayang ....WTF!  balak ko sana siyang ipromote. tsk tsk tsk. tuloy mo lang ang tinuro kong pag sa-psychological reverse at pang eespiya. ako bahala sa pasko mo.

Juan at Mr. Pabuwaia:
BWUHAHAHAHAHAHAHA
PABUWAHAHA



Friday, September 12, 2014

Si Ticba'ah

Ito ang kuwento ng buhay ni Tikba'ah. kuwento ng katatagan sa hamon ng buhay na magbibigay inspirasyon sa lahat.
kung kaya ni tikbalang, kaya niyo rin. halina't tungahayan natin. ngayon, bukas at magpakailanman

Mula sa lahi ng mga Centaur,  mga maalamat na nilalang na kalahating tao at kalahating kabayo.
matatalino dahil ang ulo nila ay tulad sa tao. mabibilis at malakas dahil ang apat na binti nila ay sa paris ng kabayo----plus buntot.
Isang araw, isang bagong silang na sanggol ang nadagdag sa lipi.
kung iisipin mali ang salitang "bagong silang". dahil hindi mo na kailangan idagdag ang salitang "bago" sa "silang". imbes na "bagong silang na sanggol" dapat "sinilang na sanggol". dahil understood naman na pag sinilang syempre bago. at wala namang sinilang na luma.

(back to the topic)
Ang bata ay kakaiba. kabaliktaran ng itsura ng mga Centaur. ang ulo ng sanggol ay sa kabayo at ang katawan mula hanggang sa paa ay sa tao. hindi niya namana ang matalas na utak ng tao at tatag at bilis ng mga binti ng kabayo.
Ticba'ah ang ngalan ng sanggol. dahil sa kaibahan. naranasan niya ang pangaapi at pagtatangi sa kanya. nilisan niya ang lupang sinilangan at tumungo sa isang kapuluan. "paalam mga panget" ang huling liham niya.

(Sa Pilipinas)
doo'y nakilala niya ang isang manananggal na tumulong sa kanya magkatrabaho.
(isang manananggal 'yun bang nahahati ang katawan, naiiwan ang baywang, binti hanggang paa nito sa bahay at nagkakaroon naman ng malaking pakpak ng paniki. palipad lipad ito para maghasik ng laggim).  dahil sa kapilyahan. isang sibat ang humagip sa bagwis nito. bumagsak siya sa lupa. walang siyang ibang magagawa kundi tumakbo. ngunit wala siyang paa. sa nerbiyos ay natapilok ito. palapit na ang mga taumbayan na may dalang nagliliyab na sulo.
nakita siya ni Ticba'ah at tinulungan itong magtago. salamat at ligtas sila.
ang naabutan ng taumbayan ay isang itim na manok. ito ang binuntungan nila ng galit sa pagpapalagay na baka nagbagong anyo ang manananggal bilang ulikba.

(sa trabaho)
Natanggap sa trabaho si Ticba'ah.
Una tinanong niya ang sarili dahil ang sahod niya ay below minimum.
malinaw naman ang "Minimum Wage Law" ng Pilipinas.
dapat ay magpasahod ang employer sa empleyado ng hindi bababa sa itinakdang sahod ng gobyerno.
pag hindi ito sinunod ay maaring ireklamo ang lumabag na employer.
Andali lang namang intindihin. MINIMUM-bakit may mini pa sa minimum.
pero kung magrereklamo ka.  hugas kamay ang kumpanya dahil agency ang dapat mong i-sued sa korte. at kung manalo ano ang mapapala mo. tanggal ang permit ng agency at tanggal ka rin---walang nawala sa kumpanya. asa ka pang manalo, may panggastos ka ba sa PAO?

pero hindi pala tapos. may commision pa ang Makatao Manpower Services. kakaltas ang agency sa sahod. modus lang din ito ng kumpanya dahil sila rin ang may hawak ng ahensyang may isang tao lang. opo lang nang opo wala naman tayong magagawa. Sa huli ay tinanggap na rin ni Ticba'ah ang agos. isa pa. narito siya para magkaroon ng bagong simula.

kahit na ganun, nagpapasalamat siya sa kumpanyang ito dahil pinagkatiwalaan siya. doon ay naging kaibigan niya si Sigbin mabait siya nitong inorient. naroon si Kapre na nagyoyosi ng tabako. si Lope na aswang(uuuy) na love at first sight yata siya(yihiii) kilala rin si Lope bilang Lopeng Lupit dahil sa lupit na angkin nitong kariktan. si Pugot na walang ulo na mahilig mangulambaba. si Nuno Muhlac(isang nuno sa punso) . naroon rin si Tiyanak na masungit pero naging close niya nang binigyan niya ito ng "marie".

nakilala niya rin si Mang Esoj (binaliktad na Jose). siya ang CEO/Owner ng kumpanyang pinagtatrabauhan nila Ticba'ah.
tinanong siya nito. anong name mo?
Ticba'ah:Tikba po.
Mang Esoj: ANO TIKBA POE? (sabay ngisi).
Ticba'ah: Hindi Ticba'ah lang
Mang Esoj: ahh Tikbalang. maganda mukhang papatok. Tikbalang, welcome to the kumpani Tikbalang!

mula noon nabinyagan na siya bilang Tikbalang at yun na rin ang itatawag natin.
Si mang Esoj rin ang kilalang albularyo nang bayan. napabalita na ang husay niya sa Jessica Sojo at TV Patrol.
tama ang pagkadinig mo. albularyo siya at promotor ng mga lagim! kala niyo kalaban ng mga albularyo ang mga aswang hehehe. kung paano ito nangyari ay dahil patay-bata pa tayo sa tunay kalakalan.
ganito ang natuklasan ni Tikbalang:

Ang trabaho nila Tikbalang, Manananggal at iba pa ay manakot ng tao. ang tao naman ay hihingi sa serbisyo ng albularyo. ang albularyo ay magbibigay halimbawa ng anting-anting. sa una libre lang.
Sila Tikbalang naman ay magkukunwaring natatakot sa medalyong iyon. aarte na kunwari ay mapapatakbo sa tindi ng kapangyarihan taglay ng medalyong nagdaan sa sagradong orasyon at nilabhan sa holywater. mapapabalita ang epektibnes nito. maraming bibili kay Mang Esoj kaso may bayad na. entrepreneur talaga ang dating. tiba-tiba. goyoan, sabwatan at pera-pera. bukod sa medalyon ay marami pang ibang anting-anting, kontra-usog, laway, orasyon, hilot, mga libreta etc. ang mabibili ngayon sa botique niya. doon kumikita si Mang Esoj at ang kumpanya.

Maganda naman sa una. lumakas ang kita ng kumpanya. pinaka outstanding ang performance ni Tikbalang. ngunit naiba ang trato sa kanya ni Sigbin.
matagal na siya sa trabaho pero bali na ang likod hindi man lang siya maregular. yun ang kinainggit niya na baka maunahan pa siya ni tikbalang.
nais niyang pabagsakin si Tikbalang ngunit kabalintunaan ay siya ang lumalagapak. hanggang malaman niya ang relasyon ni Tikbalang kay Lope. gumawa ng tsimis si Sigbin. naging iskandalo ito at naapektohan ang kita kumpanya. ang tatlo ay kapwa sinibak sa trabaho. nakakapagtakang si sigbin ay masaya parin. hindi nadismaya sa paghila niya sa kapwa niya ay nasama rin siya pababa. crab mentality talaga!

Lope: paano ngayon yan beh. saan tayo pupulutin, ayokong bumalik sa amin sa maynila.
Tikbalang: Sumandal ka lang sa akin beh..nagmamahalan tayo, yun ang mahalaga beh. isa pa nangangako ako. beh hindi ako titingin sa iba, sayo lang, magiging babaero lang ako pag dumami ka(sabay tingin sa CP para sa iba pang forwarded quotes). hindi ka luluha sa piling ko. gutom lang.
Lope: Gutom?
Tikbalang: Joke lang, marami naman diyang trabaho marami nga lang ring aplikante. hehehe
Lope:?
Tikbalang: kung di man ako makahanap ng trabaho pwede namang magnegosyo kahit maliit.
Lope: Narito lang ako palagi. magtutulungan tayo. tambalang TikLop(clipping ng Tikbalang at Lope) tayo di ba?
Tikbalang: Salamat beh beh mahal ko,
<Kissing Scene>

Nagsikap ang mag loveteam. nagtrabaho ng ibat'ibang pwede. naging kutsero si tikbalang, naging pyesa sa chess. naging model ng redhorse, ferrari etc. ngunit talagang dumarating ang pagsubok ng paulit-ulit.ang mahalaga ay paulit-ulit ka ring lumaban.
sumubok ding magnegosyo. mapalad namang nagtagumpay ang isang naiisip na negosyo.. sinong mag-aakala na ang mga tinapong napkin sa basurahan ay pwedeng gawing tsaa!
nag-click ito sa mga dayuhang bampira.

umunlad ang mag-asawa. subalit ang kumpanya ni Mang Esoj, sina Pugot, Kapre, Tsanak, Manananggal atbp. ay nagsara na. dahil ito sa pagpasok sa bayan ng mga dayuhang horror.
wala nang naniwala sa tik tik, diwata at mga anting-anting natin. mas okay kasi ang horror movies ng Japan, Thailand at Estados Unidos. hindi tulad ng mga horror natin na OA sa special effects at paulit-ulit lang ang mga kuwento.

Gamit ang naipon ng mag-asawang Tikbalang at Lope. Sinimulan nila ang pagbuo ng samahan ng mga lamang lupa sa buong kapuluan. para iahon muli ito.
patuloy pa rin ang pamamayagpag ng dayuhang katakutan at hindi pa ganoon nagbubunga ang sinimulan ni Tikbalang. sina Shomba, Jigsaw, Jason X, Sadako at mga Zombie pa rin ang trending.
pero atleast nasimulan na.

magiging mahirap ang laban pero sanay na si Tikbalang diyan, nakapagbigay rin siya ng inspirasyon at pag-asa sa marami.
sa huli naisipan ni Tikbalang at Lope na magpakasal.
hindi malilimutan ang huling hudyat ng pari na.
"You may kiss the bride".
nagpalakpakan ang lahat kahit si sigbin na naging ninong,
maraming nakuhang star si Tiyanak sa Daycare, nakabili nang electric cigarrete si Kapre. Si Nuno naman ay may bagong Punso. nagkatuluyan si Pugot at Manananggal. Si Mang Esoj naman ay sagradong ginagalang na ang Labor Code. okay na ang pasahod niya ---ngalang lumiit ang income.

kasagsagan ng kasal. bumagsak ang malakas na ulan kahit tirik ang sikat ng araw.
"umuulan kahit umaaraw? siguro may kinakasal na Tikbalang at Aswang" ang sabi ng mga bata.
<The End>


Monday, September 8, 2014

Kuwentong Bully

Naranasan mo na bang ma-Bully?
eh maging Bully?

(wala nagtatanong lang.)

parehas kong naranasan yan. mabully ng maraming beses at maging bully-bullyhan (ang sama ko no?) 

ooops! wag muna akong huhusgahan

na bully ako lagi sa umpisa. umpisa nang klase o bagong lipat kami. binyag yata ang tawag dun pag mukha kang bagito sa isang lugar o dayo.
siguro kasi payat ako at mukhang mabait ( naks). mukhang madaling kikilan.
pero once na nakilala na nila ako. mabait naman pala ako---- manlilibre nang kusa.

Kung paano ko pinagtatanggol ang sarili ay ganito kasimple,
IF YOU LACK OF PHYSICAL ATTRIBUTES, USE YOUR HEAD!.
sabi nila. may mga taong kung gaano katapang ganoon din kabobo (kung walang taong bobo edi tanga o mayabang)

heto ang istratehiya ko. bakit ko uubusin ang oras ko sa away (hehehe dahilan), maraming paraan diyan. last option lang yon..
binabarkada ko na lang sila. binibigyan ko nang kendi para magkaroon sila nang onting sweetness/
IF YOU CAN BEAT THEM, JOIN THEM
ganyan ako eh parang politiko. wais ang ganyang tao di ba?
kaya pag may nang-away sa akin marami ang magko-comfort. :)

marunong akong magtimpi at masindak din pero once na sinaktan na ako. hindi ako papayag!
sa bahay namin
"pag umuwi ka na umiiyak may palo ka pa." ---Tita 4:50

maraming mga memory verses sa bahay namin. palibhasa malaking pamilya. sa loob ng bahay namin ay bawal maapi sa labas. asar talo ka kapag matapang ka sa bahay pero sa labas binu-bully ka. SHAME ON YOU.
(eeew)
_________

sa Kuwento naman tungkol sa naging BULLY ako.
ganito yan..

:eksena:
tatalikod ako sa'yo at tutungo sa labas ng bintana. titingin sa kawalan.
hihinga ng malalim. at magkukuwento.

:Flashback:
Taliwas sa normal na senaryo. yung maliit ang bully sa kuwento ko.
May kaibigan ako at kaklase. si Vic at Nik (pinaiksi ko lang ang real name nila).
kaibigan ko si Vic at naging ka seatmate noong second year higschool. si Nik naman ay mabait rin. parehas silang matangkad at malaking tao. tanga lang ang mambu-bully sa kanila.
payapa silang pumapasok sa eskuwelahan nang isang payatot na binatilyong nag-ngangalang b3n(ako) ang dumating sa buhay-estudyante nila.  --- at nambully.

maliban sa kanya, walang nag-aakalang bubulihin ni b3n and dalawang tore sa klase.
miyemro nang kilalang Frat si Vic, at si Nik naman ay diyan lang malapit sa school ang bahay.
ang gulo ba? si b3n na payat at mukhang di nabakunahan nung bata ang siga?

eto ang mga kasagutan:
trip lang ito. dahil kaibigan din ni b3n ang dalawa. nabigyan niya siguro ng kendi sa umpisa para allies.
simpleng biruan sa loob ng klase.
(TAKENOTE: BIRUAN LANG AT HINDI TALAGA PAMBU-BULLY)
kasama ng iba pa niyang kaibigan panay kuwento siya ng malakas na akala mo ay may kaaway.

"pag nakita ko yung dalawang duwag na yon. iuumpog ko sila sa muscles ko"
"grabe ang tapang mo, biruin mo yung pinakamalaki pa ang binubully mo?"
'hehehehe"

habang naglalakad sa hallway papunta sa klasrum nila (walang titser), sigaw siya nang sigaw.
"nasaan si NIK!!!!???? NASAAAAAAAAAAN????"
sabay tadyak pa sa pintuan. maraming nagulat, maya-maya'y ngingiti na lang. yung iba naman akala nila totoo.
"grabe tama na, maawa ka sa kanila" sakay ng iba sabay tawa.

galing talaga ng acting kasi
nanlilisik pa ang mga mata ni b3n at dinuduro pa si Nik.
"PENGENG DOS KUNG AYAW NIYONG SAMAIN" malaking boses ni b3n.

si Nik naman ay natatawa lang din.
iba naman ang reaksyon ni Vic.

"VIC MAGPAKITA KA KUNG AYAW MONG...."
biglang tumayo si Vic. tatakbo naman si b3n. kailangan listo si b3n sa mga kinikilos ni Vic.
laging ganito, nakakaeksayt!!!
tulad ng inaasahan, hinabol nga siya ni Vic,
madalas huntikan nang mahuli si b3n pero maraming kasamahan si b3n na tagalook-up niya sa position ng kalaban. parang radar. mabilis niya ring nahuhubad ang polo niya sa tuwing nakukuwelyohan siya ni Vic.

iba ang thrill lalo na yung habulan. dahil dito nahikayat ko rin ang iba.
"bulihin natin yung malalaki" sigaw nila.
lalong lumakas ang sigawan...."BULIHIN!!!!!!"

hindi naging kasing palad ng kahapon ang mga sumonod na nangyari. marami ang nasukol ni Vic na nagenjoy na rin sa kakahuli ng mga bully niya.  ibang nahuli ay nanumpa pa. hindi na master mauulit!
hindi ko na hahayaan na mangyari na tawa ka pa ng tawa habang di naman makalakad, hinihilot ang hita na nagtamo ng ganti nang napikon na Vic.

hindi na  pinagpatuloy ng musmos na b3n(ako) ang pambubully, dahil alam niya na isang araw ay mauubusan din siya nang lupang matatakbuhan.

isang araw. bumili siya ng maraming kendi para sa dati niyang ka seatmate na si Vic.
hindi na siya nambuli. sapat na ang ilang linggong karanasan. hindi niya na hinihingan si Nik ng dos.
hindi naman siya nagbibigay eh.
back to normal. ibang trip na lang. friend parin kami. pero tumatak na kay Vic at Nik ang pangalang B3n na naging kilabot sa loob ng ilang linggo at ilang oras (joke). basta okay na lahat.  natatawa na rin si Vic pag iniisip yon at pabiro pang tinatawag akong master, si Nik naman ay nagbigay sa akin ng dos.

dumating ang 3rd grading period. nagpa-transfer na si vic sa ibang eskuwelahan kung saan mas payapa. bwuhahaha. at yon ang kuwentong bully ng inyong lingkod b3n 2lfowh.
+++++++


sana ay mabakapag-iwan ako ng aliw. kasiyahan ko naman makahingi ng opinyon, reaksyon, suhestiyon, o komenton. gamit ang facebook ay maaring maipost ito. salamat at mabuhay ka.
 salamat sa pagbabasa.salamat.

Friday, September 5, 2014

Katapat ng Langit ay Pusali.

Kailan lang napagtripan kong gumuhit ng kung ano ano. gamit lang ang bolpen. iginuhit ko sa likod ng mga lumang test paper lahat ng pangyayari sa bahay, away, gulo, problema, etc.

natatawa ako habang gumuguhit. ginawa kong boxing match ang away ng pinsan ko kontra
sa nakaaway niya. ang mala telenovelang sitwasyon ng pinsan ko at yung ginawa kong KPOP BOYBAND yung mga binatilyong taga sa'min. natawa sila ng pinakita ko ito at wiling wili pa habang gumagawa ako ng panibago. 

pero isa sa favorite ko ay ito. pinag-aksayahan ko ng panahon at pina-scan pa.
at itatambad ko ngayon sa blog na ito. heto...
Katapat ng Langit ay Pusali by B3n 2Lfowh
A picture is worth of thousand words. hayaan niyong ipaliwanag ko ang aking obra.
Sa larawan sa itaas... makikita ang isang grupo ng kalalakihan na naghaharana. pero kung mapapansin mo na parang nagi-imagination lang yung isang lalake na siyang bokalista. naka "heart" pa yung kamay bagay na usong uso ngayon. kinakanta niya yung kanta ng side A na Forevermore. 

"You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be with forevermoOOre..."

nakabarong pa siya, pinoy na pinoy.. 
masyadong personal ang drowing ko. masyado ring corny kasi love story. 
eto naman ang mga kasamahan niya mula sa itaas; isa ay nagpapatunog ng kili-kili ( tunog tao). ang isa ay naggi-gitara (siya lang ang marunong). yung isa naman ay may tanan na triangle, kung gaano siya kaliit ay ganun din kaliit ang effort niya.  may dalawa akong backup singers/second voices. yung isa ay napapapikit pa at yung isa ay may papitik-pitik pa ng daliri. mga kaibigan ko sila sa tunay na buhay. mga highschool friends na mula ng nagkasama-sama kami ay di na naghiwalay pa.

ang kanilang ini-imagine o kanyang ini-imagine ay nasa bintana. kasabay ng ihip ng hangin ay kumakaway ang mga dahon. parang cherry blossom ng japan ang background. nakasuot siya ng jersey. nirereflect naman nito ang kanyang strong personality. hindi siya boyish pero may tapang na gaya ng sa isang tunay na lalake ang loob niya. katabi niya ang mga kaibigan niyang lagi kong nakikitang kasama niya sa picture sa FB. 

pagalain pa ang mga mata na parang adik, mapapansin doon ang puso ng saging sa lapag.
kasi nung nakita ko siya. "ay puso ko nahulog".

naroon rin ang pusang sumakit ang tiyan sa kakatawa at mga tinik ng isda ay sarkastikong nakangiti. sila yung mga taong hinahamak ang pag-ibig ko at paraan ko ng pagsinta. yihi!
naroon rin ang dagang nauuyam. mga taong hilig ay kumontra.
ani pa nila..." kung ako tatanungin, tsk tsk tsk...wala no chance!"
kung sila raw ang tatanungin, ang problema hindi.

alam ko naman na... langit siya, lupa ako. prinsesa ka, akoy dukha. napakaganda mo cute lang ako.
sa dami raming pabling sa paligid mo mapapansin mo pa kaya ako.

sa likod ng abang kalagayan ko. isang pusikit ng pag-asa akong natanaw.

kahit ni sulyap ay di matapunan,
merong isang katotohan.
na aking pinaniniwalaan,
ang katapat ng langit ay pusalian.

ayon din sa drowing. sa itaas ay ang mga ulap o kalangitan at ang tinuntungan ko naman ay isang maruming kalsada at pusalian. bagay naman sa title ng drowing diba? Ang Katapat ng Langit ay Pusali.
ayan na lahat, ano pa bang idadag ko. halos naipaliwag ko na ang lahat pero tila yata hindi umabot sa thousand words.

May mga bagay pa tulad ng bakit may band-aid sa noo yung semi-kalbong backup singer. kasi nakaaway niya noong highschool yung isa pang backup singer. tumalon talon kasi sa mga armchairs para sugurin yung kaduwelo niya. nagkamali ng hakbang si naruto at nahulog. tumama ang noo sa isang matigas na parte ng ewan ko kung sa armchair o baka sa kuwan ni nikola. sa zipper ata, pardible, bolitas, ewan,. basta matigas. at sana kasi nagsuot siya ng "forehead protector" gaya ng mga ninja.

Sana ay nakapagdala akong onting aliw sa oras na ito.
at bago ko tapusin ang kuwento na ito siguro ay napansin mo na ako yung main guy. yung nakashades na bokalista na naka "heart" yung kamay..
opo ako ho ang inyong lingkod, si Hon. b3n 2lfowh, hawig ko ba yung drowing?
lahat ng ito ay mula sa puso ko at malikot kong isipan. maraming salamat po sa pagbasa. sana ay makapag-iwan kayo ng komento. mabuhay, God bless. 

puso!!!

Saturday, April 26, 2014

Sumbong: Kambal Sirena.

Isang sumbong mula sa avid televiewers ng Telefantasya ng GMA7 na Kambal Sirena.
ang hinaing ng bata ay ganito.

Nanood siya noon. isang scene na nag-iiyakan si Perlas (Louise De Los Reyes, nasa tamang edad) at yung mahal na reyna Arowana (Angelica De La Cruz, nasa tamang edad).

Nasa ilalim sila ng tubig. malungkot na naguusap.
si Perlas ay umiyak. dito'y napamalas ni louise ang husay sa pag arte. tumulo ang kanyang luha.
Oo sa ilalim ng karagatan. paano kaya nangyari yun?
sabagay si spongebob nakapagkape sa ilalim ng dagat so can Perlas.
heto yung tagpo na tinutukoy ng bata
ang problema ay blurred ang kuha sa internet
kaya hindi makikita ang luha ni binibing louise

Bakit siya sinusumbong? Ano ang problema ko? Namin? 
wala naman, natatawa pa nga ako, kami. 
sana ay marami pang gumawa ng mga tulad nito. sana maitampok si Louise sa "Ripley's Believe it or not" o "Stanley's Superhuman" dahil tunay nga namang kahangahanga ang abilidad niya na pagiyak at pagpapatulo ng luha mismo sa loob ng karagatan. ang isumbongmo.blogspot.com ay Proud sa'yo at sa GMA7.



Si Perlas habang nagsu-surf. 
naglog-in siya sa Fishbook at nagpost sa Isdagram ( funny)
Ano kaya ang model ng Tablet niya?

sa mga mambabasa. inaanyayahan ko kayong magkomento. at magmasid pa ng mga tulad nito.

Friday, April 4, 2014

Hiyas ng Kahilingan

(dinededikeyt ko kay Empoy at sa mga taga ACCESS, Eliegadz, Baki, MC at Robin at sa mga iba pang readers)

Isang tahimik na bayan ang Los Avernus. hanggang sa isang pangkat ng pirata ang dumaluhong at sumakop sa lugar.
napapasailalim sila ng malupit na pamumuno ng sakim na si Xtian (Christian)---pinuno ng mga pirata.
Si Pedro ay isang Avernusenyo. namulat ang kanyang mata sa kaapihan ng bayan. 
bagamat musmos sinikap niyang makatulong sa mga kababayan sa maraming paraan.
sa pagtulong, sa pagdamay, sa pagbigay atbp. maliban sa rebelyon.

 Isang maulan na tanghali, nakita ni Pedro si Pepe. ito ay malungkot at basang-basa.
"Pipz, pinapatay mo ba ang sarili mo? halika at sumilong ka sa payong ko" ang paanyaya ni Pedro.
"Pedro, hindi ba masama akong kaibigan? mabuti nga't mamatay na dahil masama ako!" ang iyak ni Pepe.
lumapit si Pedro kay Pepe at inayang sumukob sa payong.
"Naku Pedro, huwag kang maniwala riyan, pihado akong may kalokohan nanaman yan" ang susog ni Juan na kaibigan ni Pedro.
ngunit bagamat nagdadalawang isip. lumapit si Pedro at inakbayan si Pepe.
"Walang perpektong tao (sabay binahagi ang silong ng payong). walang ring perpektong masama. kaibigan at kababata mo ako, ano ba ang problema" ang pagdamay ni Pedro.
Ikinuwento ni Pepe ang kanyang problema, itinakwil na siya nang kanyang mga magulang, busted siya kay Nene at di pa siya tuli. naawa si Pedro at maging si Juan na napa-akbay na rin sa supot.

maya-maya ay tumawa nang malakas si pepe.
"hahaha nasa...haha, nasa WOW MALI KAYO! ha ha ha.."
biglang lumabas si Berdugo ang tauhan ni Pinunong Xtian. laking gulat ni Pedro at Juan. binitbit sila na parang pusa.
"ano ito, Pepe anong ibig sabihin nito." usisa ni Pedro.
"Pepe, taksili tarydori" Pakli ni juan
"tahimik!  pupunta tayo ngayon kay Panginoong Hon. Xtian." wika nang traydor.
isinuplong ni Pepe ang dalawa.
"kamahalan, narito ang sinasabi ko sayong tao na makakatulong sa atin" bungad ni Pepe, tinuro niya si Pedro.
"Anak ng teteng! itong kachupoy na'to? ha(3x) anong meron sa patpating uhuging ben adams look-alike na yan? nyahahaha" kutya ni Xtian. kinutusan naman niya si Juan(trip lang).
"aray! di naman masakit" pabulong ni Juan.
umentra agad si Pepe.
"hehehe bos, nasubukan niyo na ang pinakamalakas, pinakamatalino, pinakamabilis lahat nang pinaka. pero di niyo pa nasusubukan ang tulad niya." ani ni Pepe.
tumingin-tingin si Xtian sa itsura ni pedro.
"di niyo pa nasusubukan ang pinaka-masuwerte! wag mong mamaliitin ang taong swerte-mukha" mahinang dagdag ni Pepe.
"really? sabagay nakakatakot kaaway ang swerte mukha. ikaw na ang magaling, sakin na ang suwerte!" pagsang-ayon ng punong pirata."

malaki ang paniniwala ni Xtian na nasa bayan ng Los Avernus ang hinahanap na hiyas. iyon din lang ang dahilan kung bakit niya ito sinakop.
kinahapuna'y sinumulan na ang malayong paglalakbay. si Pedro at Juan ang tagabitbit nang mga pagkain at kagamitan. mga  tabak naman ang hawak ni Xtian at nang kanyang Berdugo. si Pepe ay may magaang bitbit lang.

Si Pedro kahit wala namang kaalam-alam, ay siyang inatasan manguna sa paghahanap. sinakyan niya na lang ito dahil wala silang magagawa kundi sumunod. minungkahi niyang magtanong sa pinakamatandang tao sa bayan. nagtungo sila sa kubo ng isang matandang dalaga.
doo'y natakot ang matanda nang nakita ang mga kasamang dayuhang pirata.
"huwag ho kayong matakot lola, magtatanong lang kami" ang kalma ni Pedro.
"ano ba itong pakay niyo, wala akong pera, parang awa!" sambit ng matanda.
"tatanungin ka lang kung saan ho yaong hiyas na pwede kang humiling nang kahit ano" ang diretsa ni Pepe.
"chika! walang hiyas rito, yun ba ang pakay niyo kung bakit ninyo dinala ang mga manlulupig na yan (nakaturo ang hinlalato sa punong pirata)" ang sagot nang matanda .
"grrrr." ungol nang berdugo.
"sasamain ka sa amin tanda, kung hindi mo ibaba ang daliri mo at magmamang-maangan ka pa, nasaan ang hiyas?!" ang bulyaw ng punong pirata.
pumagitna si Pedro. ngunit isang dagok ang pinakawalan ng berdugo sa matanda at tumilapon ito.
lahat ay nagulat sa pagkatumba ng ugod-ugod na matanda.

umasiste si Juan. "lola, magsalita na kayo kahit ano" bumulong siya. "kahit imbento lang" awang-awa si juan.
ngunit tumayo ito."sige kung kapahamakan ang nais niyo. ibibigay ko.
bata pa lamang ako este napakagandang bata, char!!!.
itinago nang aking lolang mangkukulam ang hiyas. alam ko kung saan ito matatagpuan. subalit matanda na ako at naguulyanin na kaya nakalimutan ko na kung saan" sabay kamot sa ulo ang matanda.
"paano po ngayon yan" tanong ni Pedro.
"kailangan kong maging bata, isang halik, kailangan may humalik sa akin para maging magandang dalaga uli ako and in the same time ay bumata ang memorya ko't maka-alala," ang paliwang ng matanda.
"sinong hahalik?" tanong nang bawat isa. maliban sa berdugo na wala namang isip.
"ikaw na lang poklat" ang utos ni Xtian kay Juan.
"ako?" hindi naman makatutol si Juan."ako nga."
"Napansin ko ang chemistry niyo nang alalayan mong tumayo ang matanda."paliwanang ni P. Xtian.
"Atsaka magiging magandang dalaga naman yan di ba?" ang sabat ni Pepe.
walang nagawa si Juan kundi sumunod. umaasa na lang siyang magiging magandang dalaga ito.
"sino ang kamukha mo nang kabataan?" tanong muna ni Juan.
"hmmp ayaw mong maniwala. ang kamukha ko ay si.... none other than... Julia Baretto" sagot nang matanda at sabay nilabas ang lumang larawan nang kabataan niya bilang patunay.
"ayiii! sige, ayos Julia Baretto nga!" sabi ni Juan.
nagpalakpakan sila, napahanga si pinunong Xtian sa katapangan ni Juan.

pinikit ni Juan ang kanyang mga mata at humalik, gayundin din ang matanda. napapikit ng mata si pedro.
natatawa si Pepe, nakikitawa lang si berdugo.
tumaas ang balahibo ni Pinunong Xtian at napamura
"Tangna, shittttt" ganyan ang ugali ni Xtian puro mura ang lumalabas sa bibig.
napatigil si juan nang maramdaman niya na tinuklaw ng matanda ang ngala-ngala niya.
"ahhh shit!!!" napaatras si Xtian at hinintay magbagong anyo ang matanda.
ilang segundo ay wala paring nangyayari.
pigil sa una hanggang napatawa ng malakas ang matanda.
"nyahahahah hahahha"
"tigilan mo yang tawa mo, ano na bakit di ka parin nagiging si Julia?" ang tanong ni Juan na nanabik na talaga.

"sa tanda mong yan, naniniwala ka pa rin sa fairy tale?" ang sarkastikong tugon ng matanda.

pinigilan nila si juan bago pa ito makapatay.
"oh sige tutal. ito ang 91st kiss ko. karaniwang manlalakbay ay humahalik lang sa noo o kamay. 90 kisses lahat, 1st kiss naman na lips-to-lips. ahihi.. sige tutulungan ko kayo.
marami ang naghahanap ng hiyas ngunit hindi nila ito masusumpungan sapagkat, lumalabas lang ito tuwing sanglibong taon. sakto ang araw ng paglalakbay ninyo. napansin ko ang isang malaking tala sa kalangitan senyales na lumitaw na uli ang hiyas." ani ng matanda.

"nakita ko rin ang Star na yun" kumpiyansang singit ni Juan sabay turo sa kalawakan.
napatingin din ang iba sa itinuturo ng daliri ni Juan
"tangek caltex yun" sabi ni Hon. Xtian kasabay ng dagok kay Juan.

"oy game na! makinig na kayo. iwasan niyong mag-ingay sa gubat ng katahimikan, then sa "Hanging Bridge" then sa "tallest mountain". hanapin ang "silid ng kahilingan" naroon ang hiyas sa may altar and the rest ay kayo na ang bahalang tumuklas." ang panuto ni matanda.

nagpatuloy ang lima, una nilang nadaanan ang masukal na "Gubat ng Katahimikan".
sa daming pwedeng pag-ihian ay sa may batong nakasulat na "BAWAL UMIHI DITO". umihi si Pepe.
"masarap ang bawal. hehehe" bulong ni Pepe.
laking gulat nila nang ang iniihang bato ay nagsalita at bumangon...
"pweh pweh pweh ang alat, ang init... bastos kang bata ka, di mo nabasa? GRRRR!!!"
"tae tae, isang golem" ang pagkabigla ni Pinunong Xtian.
sasaktan na ng golem ang lima nang bigla itong napatigil.
na love at first sight siya kay pepe na kanina pa nagmamaka-awa. hiningi niya kay pinunong Xtian na ibigay na lang sa kanya ang binata kapalit ng kaligtasan nila.
"gusto ko sa lalake ang mataas umihi, nagdrowing ka pa ng puso gamit ang ihi mo. how sweet!  akin ka na lang pogi"
"oh sige na Pepe sumama ka na" ang pasya ng Pinuno.
"hala!? walang laglagan boss. bossing huwag mong gawin sakin ito. alang-alang na lang sa katapatan ko." Pagsusumamo ni Pepe.
"hehehe Ganyan talaga Philip. di rin ako tiwala sa iyo. tsaka sa una lang masakit, magugustuhan mo rin sa huli" pakli ng pinuno at iniwan si Pepe sa golem.
wal nang nagawa si Pipz.
nagpatuloy ang apat sa "tallest Mountain". naiwan nga si Pepe. rinig pa nila ang iyak nito sa malayo.
tatawirin na nila ang "Hanging Bridge". sa ibaba nito ay maraming mga bading. pag nahulog tiyak na malulunod ka sa ilog ng mga bakla.
"20 pesos"
"oy pogi five hundred"
"600 sa'kin plus Tapsilog"
"Sarao XRM 400cc bet mo pogi?"
sari-saring offers/temptations mula sa mga bibig ng mga bading.
"Libreng chupet" sabi pa ng isa na may hawak na gunting.

napakasama talaga ni Xtian. inatasan niya ang berdugo na itapon si Juan. na aniya ay pampabigat lang.

sa Tallest Mountain.  laking galak ang gumuhit sa mukha ni Xtian. naroon na sila sa bukana ng "Silid ng Kahilingan". nakikitawa naman si Berdugo pumasok sila. naroon ang hiyas na kasinlaki ng yakult sa may altar. makinang ito.  may maliit na polyeto sa isang lamesita. binasa ni Xtian ang nakasulat sa altar.
"MAHIWAGEYI
TIKBALANGEYI...
HILINGEYI KOYI...
TUPARINEEEYIIII.. YI... YI... YI..."

napuno ng nakakasilaw na liwanag. ang hiyas at nawala. ngunit lumitaw ang isang tikbalang.
"WTF" nagmura nanaman si Xtian sa pagkamangha.
"NyihhHAAa! anong ang iyong kahilingan tagalupa?" nakakatakot ang boses nito.
sa wakas ay maiihiling na Xtian ang maraming kayamanan at buhay na walang hanggang.
"bigyan mo ako ng maraming..."
aksidente naman siyang natapilok sa isang bato
"p*ke ng kabayo" napamura si Xtian.
"maraming p*ke ng kabayo?! ahhh okay yun ba? matutupad ang iyong kahilengeyi" parang kulog na boses ng tikbalang.
"ahh hindi wait.. maraming kayamanan at buhay na walang hanggan I mean. hindi maraming kuwan ng kabayo!" paliwanag ni Xtian.
"wala na, nahiling mo na." paninindigan ng tikbalang.
nagpumilit pa ang pirata subalit unti-unting nagsitubuan na ang mga kuwan ng kabayo sa kanyang katawan. sa pisngi, sa noo, sa binti, sa braso, lahat at halos wala nang mapuwestuhan ang iba.
mayroon pa ngang nagsisitalunan sa lapag.
sa itsura ni Xtian ay parang nauulol ang tikbalang sa kanya. labis na naaalindugan sa mga hiyas na nagsitubuan sa malaking mama. di pa riyan natatapos. isinama rin siya ng tikbalang ng maglaho na ito.
"kuya wag po" boses ni Xtian
"nyihHHA, sa una lang masakit, magugustuhan  mo rin" ang huling tinig ng tigang na tikbalang.

nahulog sa lapag ang hiyas at naging abo.
biglang bumuka ang lupa. nilamon sila Berdugo at Pedro.
at nahulog sa maraming patusok.
natuhog si Berdugo, pati yung butiki at Bubuwit. masuwerte namang hindi nagalusan man lang si Pedro--buhay siya.

samantala...
B3n 2Lfowh P.O.V.

kahit ika-ika at namumulaklak pa ang sugat. nagawa ni Pepeng makauwi sa bayan. inilahad niya kay Ngongo at Nene ang nangyari. si Nene naman ay nagsumbong sa isumbongmo.blogspot.com.
agad naman akong tumugon sa daing.
si Ngo-ngo, Nene at ang inyong lingkod lulan ng tricycle ay tumungo sa itinuro ni Pepe.
doo'y naabutan namin si Juan na mistulang iaalay. parang ritwal ng kulto ang tanawin.
tinalon ko ang kinaroroonan ni juan. tinabig ko ang kamay ng baklang nagsusulat ng CP number sa poklat ni juan.
"wag mo kaming pigilan!" ang sabi nila.
"teka mga teh! hindi ba kayo naaawa sa mura nitong katawan?" pagtatanggol ko.
"hindi! boborsyahin namin siya sa ayaw at gusto mo" sigaw nila.
"teka! bakit hindi na lang kayo-kayo ang mag... tutal namn meron din kayo ng meron siya. di ba?" ang katwiran ko.
"hahaha. lahat kami rito ay nag-round-robin na lahat. hahaha gusto namin ng bago" natatawang sagot nila.
unti-unti na silang lumalapit. patay!
"swiper no swiping... swiper no swiping... swiper noO Swiii-pinggGG..." ang sinabi ko na parang ginagaya si dora.
"OOooH Meeen!" ang bigkas nila sabay nagsilayuan silang lahat.
naiiligtas ko si juan na nawalan ng malay. pinasya kong maiwan si Nene at si Juan sa tricycle.
kasama si Ngo-ngo ay tinawid namin ang hanging bridge at pinasok ang "Silid ng Kahilingan"

Pedro P.O.V.
may narinig na tinig si Pedro habang nasa loob ng bangil.
Makma... oontaplo...
Makma... Imisamu...
Makma... Uyo iso...
Makma... uwo- uwoohh...

"(tawa ng baliw) ha... hahaha, Ngo ngo ikaw ba yang kumakanta ng Smack That ni Akon???!!!" wika ni Pedro.
"nandito ako sa butas..tas...tas..tas..."saklolo ni Pedro.
natagpuan siya ni Ngo-ngo at ni B3n 2Lfowh. maingat siyang iniangat gamit ang lubid.
ligtas silang naka-uwi ng Los Avernus.

Sanglinggo pagkatapos...sinumulan nila ang pagbawi ng kalayaan ng bayan.
wala nang nagawa ang natitirang kampon ni Xtian kundi ang lumayas. nagdiwang ang bayan.
naging bayani si Pedro at ang mga kasamahan niya.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser