Thursday, January 6, 2011

ENDO

ang lamig ng panahon, angsarap matulog. kaninang umaga nagising ako, 7:30 na! anak ng tinapa!
male-late na ako sa trabaho, gumising ako at bumangon...
anak ng pating! naendo na pala ako. kahapon pala tinawag ako ng HR at pinapirma,
kaya bumalik ako sa pagtulog, haaayyy anong sarap maging malaya!.
sarap matulog ng unlimited, kumain pagkagising, magbasa, mag computer, at makipagkwentuhan.
ok lang naman kasi hindi naman tuluyang tanggal, 15 days layoff lang. magreport daw ako pagkatapos nito.
ayos din kasi pahinga ung 15 days. nakakamiss lang ang mga katrabaho ko
badtrip din, kasi sa panahon ngayon kailangan kumita ng pera araw-araw.
ewan ko sa mga gawa-gawa nilang dahilan kuno. ayaw pa nilang diretsohin na kailangan na nilang magbawas ng tao. hindi na ako nakipagtalo hinayaan ko nalang sila, ang mahalaga malinis ang aking puso.
hindi sa pagmamalaki, walang oras minuto na hindi ako nagtrabaho ng tapat, puno ng sipag at takot sa Diyos.

Bandang alas 3, niyaya ako ng kuya kong magdonate ng dugo para sa lola niya sa side ng asawa niya, nawa gumaling si lola, sa ngalan ni Hesus,
kasama ang 5 pang taga sa amin kasama na ang bayaw ko. pumunta kami sa
Philippine Red Cross sa may quezon city hall,
2 lang ang nakapasa, ako lagapak kasi underweight (alam ko naman, nagbabakasakali lang)
di man lang nasuri ung type ng dugo ko sayang naman.

paguwi kumain muna kami sa food court sa may sm north edsa
umuwi ako sa bahay
at binuksan ang blog ko,
at nagpost,
at binasa mo naman!

sarap ng maging malaya, akala nman ng HR nayon babalik pa ako, tinapos ko lang ang kontrata ko,



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser