Saturday, January 1, 2011

Walang Natira by Gloc9 feat. Sheng Belmonte





Walang Natira
by Gloc9 feat. Sheng Belmonte
Album: Talumpati

(Chorus)
napakaraming nurse dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila ahhh

(first verse)
yung bayang sinilangan ang pangalan ay pinas
ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
nauubusan ng batas parang inamag na bigas
lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
sila lamang ang nakikinabang pero tayo ang utas
mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
para pumunta ng ibang bansa at doon magtamas
ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahingay iipunin para magamit paguwi
dahil doon sa atin mahirap makuha buri
mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiting anak na halos di nakilala ang ama
o ina na wala sa tuwing kaarawan nila
dadarating kaya ang araw na ito’y magiiba
kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

(chorus)
napakaraming inhinyero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
napakaraming karpintero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila ahhh

(second verse)
mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
sasanlaan lahat ng kanilang pag-aari
mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
o barko kahit saan man papunta.
basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
kung lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino
gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
darating kaya ang araw na itoy magiiba
kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

(chorus)
napakaraming kasambahay dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
napakaraming labandera dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila ahhh

(third verse)
Subukan mong isipin kung gaano kabigat
ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
ihahabilin ang anak para ‘to sa kanila
lalayo upang magalaga ng anak ng iba
matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo
bilhin mo na kung anong gustong laruan ni angelo
matagal pa kontrato ko titiisin ko muna ‘to
basta ang mahalaga ito’y para sa pamilya ko

(chorus)
napakaraming guro dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
napakaraming nurse dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)

napakaraming tama dito sa atin
ngunit bakit tila walang natira aahh
hindi na ito kasali
itigil ma ang pagkanta aahh
after ng Upuan isa na namang eye-opening na awitin mula kay gloc9 --- ang Walang Natira. kung ang upuan ay awiting tumutukoy sa mga pinunong pabaya, nagbubulag-bulagan, nagbibing-bingian, o pabaya sa kanyang nasasakop. ang awitin naman na ito "walang matira" ay tumutukoy sa napakalaking isyu ng bansa ----ang brain drain
Brain Drain-Ang brain drain ay ang pag-alis ng mga propesyonal sa ating bansa upang mangibang-bayan at doon magtrabaho dahil na rin sa mas malaki ang kita doon kaysa dito.
kaya ang resulta nauubusan tayo ng mga yamang tao na siyang pinakakailangan ng bansa para umunlad. nauubusan tayo ng lakas paggawa.
kahit na masakit para sa mga ofws na lisanin ang bayang sinilangan, tinitiis nila ito para sa pagbabakasakaling umunlad sa ibang bansa, sa ngalan ng perang padala.

Ang nasa picture ay si Gloc9 karga ang batang literal na blind. ang nasa kaliwa naman ay ang tito ko na IT professional at balak na ring magabroad dahil sa liit ng kita dito sa bansa.

marami sa atin, kaya pumasok sa kolehiyo at makapagaral ay para makapagtrabaho sa ibang bansa, magtratrabaho lang sa pinas para sa experience. (malungkot na katotohanan)
naalala ko tuloy ang kwento tungkol sa magkaibang payo ng mga intsik at pinoy.
"anak ikaw aral tapos negosyo tayo" ang payo ng intsik habang
"anak, magaral ka para makakuha ka ng magandang trabaho" ang payo naman ng pinoy sa kanyang anak.
saan nga ba makakakuha ng magandang trabaho, sa pilipinas? wala raw pagasa dito.

tampok din sa awiting walang natira ang tungkol sa malungkot na katotohanang inutil ang DFA sa mga kaso ng pangaabuso sa mga pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa. no choice sila, maubuso, pahirapan, maipit sa gera sa bansang kinaroroonan nila o magutom!
maghikaos ang buo nilang pamilya. malungkot din ang katotohanang maraming umuuwing walang dalang balikbayan box, ang tanging dala lamang ay masamang karanasang dinanas ---ang iba pa nga ay inuwing nasa loob ng "kahong binili ng di-niya alam at ginamit ng di niya nalalaman".
ano yon?
ang sagot, kabaong

ganoon pa man din, para sa pangarap na umangat sa buhay, makikipagsapalaran,
bahala na, dahil sa panahon ngayon mahirap panindigan ang pangakong ganito sa bayan

"Ang lahat ng pawis ko ay papatak lamang sa bayan ko"

3 comments:

joms said...

Hi, si Sir Gloc ay tunay na may malasakit sa nasa paligid nya. Ang ganda ng mga kanta nya at siguradong tatagos sa mga taong makakarinig ng awitin nya. Mayroon akong friend na hindi mahilig sa rap music pero nung marinig nya sa radyo ung "Walang Natira" bigla nyang dinownload at pinatugto saka inilagay sa cellphone nya at bago kami matulog pinatutugtog nya. Ang ganda daw kasi ng message ng kanta eh. Sabi ko ang dami ng mga kanta nya na may kinalaman sa magkakaibang buhay.

Ang galing talaga. Idol ko yan sir eh. Go Gloc 9!

benjie said...

tama, si gloc 9 ay isang huwaran
mahusay na musikero at pinoy na pinoy, lahat ng makarinig ng kanta niya, nagiging intersado.

isa siyang huwaran ng mga kabataan

Junepong said...

Galing galing talaga ng pamangkin ko... pinagmamalaki kita Benjie Cantuba...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser